The Perfect Bad Boy

Chapter 24 No more secrets



Umaga na naman. Next week na ang retreat namin sa Zambales. Medyo na excite naman ako dahil sumama si Dom at Athena. Kung paano nila ginawa iyon? Hindi ko din alam. Kahapon nga nung magbabayad ako sa retreat hindi tinanggap ng school dahil bayad na daw ako.

Sino paba ang nagbayad? Walanghiya talagang Mr. Demons na yun. Sabi ko naman sa kanya ayoko ng ginagastusan niya ako. Kaya ko naman magbayad para sa sarili ko. Ayoko kasing isipin niya na kaya ko siya sinagot ay dahil sa pera niya. Independent ako. Sanay ako sa hirap at kaya kong pagtrabahuhan ang gusto ko. Bonus nalang nang nagkaboyfriend akong mayaman.

Pagpasok ko sa university ay dumiretso ako sa gym. Nandun kasi si Glen para sa praktis ng basketball. After kasi ng sembreak, simula na nang foundation. At maglalaban ang mga school department.

"Juls, nandito ka din?" Nakangiting sabi ni Athena. Lumapit ako sa kanya.

"Yup! Nandito si Glen, e." Ayan na naman si Athena na parang nangingisay sa kilig. Muntik pa ngang malalglag yun sketch pad niya dahil sa kagaslawan. When I met Athena. I never knew na mas isip bata pa pala siya sa akin. Pagpasok namin sa loob ay puro tilian lang ang maririnig mo.

"Padaan lang.." Nakipagsiksikan kami ni Athena sa mga nagkakalat sa daan. Seryoso? Puno ang bleacher at ang daan ay barado sa dami ng tao.

"Julia, don tayo." Napatingin ako sa tinuturo ni Athena. Nandun din si Dom? Nagaaral pa pala siya?

"Nag aaral paba si, Dom?" Hindi ko maiwasan itanong kay Athena. Paano naman ang alam ko ay graduate na siya. "Hindi, nakikigulo lang yan. Just like Glen." Kinindatan niya ako kaya naman lalo akong nalito. Just like Glen? Nang makarating kami sa bleacher ay hindi ko maiwasan maging tahimik. Nagugulo kasi ako sa mga sinasabi ni Athena. Napatingin pa ako sa referee ng pumito ito hudyat ng umpisa na ng laro. Hindi ko pinansin ang laro. Kahit nga nahuli kong pinapanuod ako ni Mr. Demon ay hindi ko siya binigyan atensyon. Mas nahumaling ako magtanong sa sinabi ni Athena.

"Anong sabi mo kay Glen? nangugulo? Diba student din siya?" Seryosong tanong ko. Hindi nga kami masyado magkadinigan ni Athena dahil sa mga punyetang tilian ng mga babae sa paligid. Ngaun lang ba sila nakakita ng nagbabasketball? Humalakhak si Athena. "Graduate na sila ni Dom. Last year lang.." Sagot ni Athena kaya nalaglag ang panga ko. How come? Bakit pumapasok si Glen sa klase ko? Ang gulo.

"Are you joking? Bakit pumapasok si Glen sa klase ko? Classmate kami? Hindi kita maintindihan." Pinipilit ko pa din magtanong. Halata naman kasi kay Athena na wala na sa akin ang utak niya. Eh sino ba naman kasi ang makakapagfocus sa akin eh mga hot guys lang naman ng LSU ang naglalaro.

"Jusko naman, Julia!" Iritableng humarap sa akin si Athena. " to make it simple. Matanda na si Glen. He's twenty one na. Kaya siya nasa school para pag aralan imanage ito. And being there sa klase mo. I really don't know the reason. Well, I guess because he was hitting on you before. Perks of being the owner." Kinindatan niya ako. "Okay na?" Bumalik ang mata ni Athena sa naglalaro. Ako naman ay natulala.

Naisip ko lang. Hindi pa pala kami masyadong magkakilala ni Glen. Ilang buwan palang kami magkakilala and for pete sake! We didn't even started as friends, and we're not in good terms either. Tapos ngaun kami na. Hindi ba masyadong mabilis para sa amin dalawa? Kaya pala nakakapasok siya kung kailan niya lang gusto. Ang daya talaga ng Silverio na yan! How come na hindi manlang niya sinabi sa akin? Nevertheless, hindi nagbago yung feelings ko. Nawindang man ako sa katotohonan mahal ko pa din siya.

Napasinghap ako sabay hawak sa ulo ko ng tamaan ako ng bola. Nabuhay bigla ang katawang lupa ko at biglang bamalik sa realidad."Aray.." Hawak hawak ko ang ulo ko. Ang sakit!

"Julia, omygosh! As in omygosh!" Nataranta si Athena na bumaling sa akin. Nakapikit pa din ako dahil sa sakit. Tapos narinig ko pa ang tawanan sa paligid.

Hinilot ko ulit ang ulo ko sabay angat ng paningin ko. And then I saw him with his fucking smirked.

Lumakad ako papalapit sa kanya kahit hilo hilo pa ako. Yung mga tao nga ay hindi na nakakibo. Nag aalab ang galit sa kaloob looban ko dahil sa sobrang inis.

"Demonyo ka talaga!!! Bakit mo ako binato ng bola!" Sigaw ko to the highest level. Si Glen naman ay halatang nagpipigil ng tawa.

"I just want to get your attention, nandito ka nga pero nakatulala ka naman. You're not cheering for me." Sagot niya sabay kibit balikat. Yung mga tao sa gym ay hindi malaman kung kanino sisigaw. Meron sumisigaw para sa akin at meron din sumisigaw para kay Glen. I don't mind them. Sa sobrang sakit ng tama sa ulo eh hindi ako maka move on. Akala ko nga ay lumabas ang utak ko.

"Gago ka talaga! May iniisip ako e. Tsaka, bakit binato mo ako ng bola? Pwede mo naman akong tawagin diba? At ano akala mo sa akin? Cheerleader?" Nag aalab na ang galit ko. Si Athena naman ay nasa gilid ko at hindi kumikibo si Dom naman ay halatang halata ang pagpipigil ng tawa. Nakakagigil talaga!

"For the record baby, I've been calling you for so many times pero hindi mo pa din ako pinapansin. Narinig na nga ako ng kabilang school pero ikaw tulala pa din.. Porke ba pinag

chi-cheer kita cheerleader na? Hindi ba pwedeng supportive girlfriend lang?" Iritableng sabi niya. Nalaglag ang panga ko. Apura na ang tilian ng crowd kaya naghuhumiyaw na naman ang puso ko. Gago to! Bigla nalang nagpapakilig. "Wooooooo!! Kay Julia ako pupusta ng lima!" Sigaw ng crowd.

"Gooo! Glen for the win!" Another shout from the crowd. Seriously?

"Tsaka, teka nga, sino ba iniisip mo?" Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Yung galit na mukhang papatay siya. Wahhh! Ang daya talaga ng lalaki nato. Dapat ako yung galit eh. Bakit siya nagagalit?

"Ewan ko seyo!" Tumalikod ako at nagsimulang magmartsa palabas ng gym. Tahimik ulit ang crowd kaya naman rinig na rinig ko ang pagsunod ni Glen.

"Baby.." Tawag niya. Hindi ako maka angat ng tingin kasi nagtilian na ang crowd ng baby. Yung puso ko kinikilig sa kanya! Taeng puso to. Sinaktan nako. Kinikilig pa din? At bakit ba baby siya ng baby? At nakakahiya na.. Tumigil ako at hinarap siya. Pakiramdam ko nga ay umiikot pa din ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakatama ng bola. Tinignan ko si Glen. Imbes na pagsisisi ang makita ko sa kanya ay natatawa pa siya.

"Ba-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng suntukin ko siya. Oo sinuntok ko siya sa mukha! "Baby? Mukha mo Silverio! Hindi ka chanak kaya tigilan mo yan baby mo! Demonyo ka!" Nag igting ang panga niya. Napa OOOOwww naman ang crowd. Tumalikod ako at mabilis na nagmartsa.

"Julia, hanep kayo magmahalan ni Glen! Patayan ah." Patakbong lumapit sa akin si Athena habang tawa ng tawa. Hindi ako huminto. Narinig ko kasi sa likod ang malakas na tawa ni Dom habang apura ang pagmumura ni Glen. Gago siya. Lakad lang ako ng lakad habang sunod naman sila ng sunod. Nakaka highblood talaga.

Pagpasok namen sa shop ni Dom ay wala pang tao. Ngaun lang kasi ito bubuksan eh. Kinawit ni Dom ang kamay niya sa bewang ni Athena at sabay silang pumasok sa office habang parehong tumatawa. "Baby..." Huminto ako. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Ang lambing lambing kasi ng boses ni Glen. Hinarap niya ako. Nanlaki pa ang mata ko ng may makita akong pasa sa labi niya.

"Umupo ka." Utos ko. Naguilty naman ako. Nabangasan na naman ang magandang mukha niya. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng ice. Dahil wala naman ice pack dito. Binalot ko nalang sa panyo ko.

"I can't believe na sinapak mo ako." Naiiling na sabi niya kaya naman napayuko ako. Siya pa hindi makapaniwala? Eh binato niya nga ako ng bola!

"Ang galing mo din eh noh? Ako nga binato mo ng bola! Grabe ka! Mahal mo ba talaga ako?" Diniin ko ang yelo sa bibig niya kaya naman napangiwi siya. Natahimik ako ng hawakan niya ang kamay ko. Kinuha niya ang yelo at nilapat sa noo ko. Ngumiwi nga ako kasi mahapdi.

"Bakit mo nilipat sa akin?" Takang tanong ko. Seryosong seryoso lang siya.

"May bukol ka." Natatawang sabi niya. Ang sama sama talaga niya. Kaya pala ang sakit ng noo ko.

"Mahal kita. I'm sorry. Ayoko lang kasi na wala sa akin ang atensyon mo. I'm not so good being the good guy.." He said sincerly. Parang may kung ano na naman akong naramdaman. Sa lahat ng sinabi niya jan lang ako sumang ayon sa kanya. Hindi talaga siya mabaet.

"Alam ko! Hayop ka! Sinong boyfriend ang babatuhin ang girlfriend niya ng bola?! Mahal mo ako? Ganyan ba ang pagmamahal seyo? Ang masaktan ako?" Iritang irita ako sa kanya. Yung pigil niyang tawa kanina ay kumawala na. "Bakit ka tumatawa? Ang sama mo talaga!" Ngumuso ako. Nakainis siya! Kung kami ni Glen forever, may matira pa kayang parte ng katawan namin in the future? Huminto si Glen sa pagtawa at hinarap ako. Natahimik ako dahil seryoso na siya ngaun. Umabante siya ng konti at hinalikan ang noo ko.

"I'm sorry okay, mali ako, and don't doubt my love, baby." Hinawakan niya ang kamay ko." You're not the fragile type that I need to handle with care, I'm not the hopeless romantic guy in every girls dreamt, but rest assured that my hearts only belongs to you.. I maybe a bad guy, but when I said I love you, I mean it, Julia."

Ramdam na ramdam ko na namula ang pisngi ko. Glen's not sweet. He's not the boyfriend material either. Pero kuntento ako. Tanggap ko siya. Actually, ayoko ngang magbago siya eh. Minahal ko siya bilang siya. Mali ka Glen. You're the sweetest. Unintentionally hindi niya namamalayam yung pagiging sweet niya. Hindi niya namamalayan yung good side niya. Kung palagi siyang ganyan. Malulunod akong tuluyan sa kanya. And it scares me.

"I love you more when you act like you're a gangsters leader." He patted my head. " Wag kang masyadong matapang baby.. Lalo kitang minamahal eh."

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Jusmio, pulgoso! Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa mga pinagsasabi ni Glen. Bawing bawi na siya sa pagbato sa akin ng bola. Sobra sobra pa.

Panay ang tawa namin ni Glen. Ang harot harot kasi at baby ng baby. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Pinasok ko ang mundo niya kaya dapat masanay ako.

"Teka nga, Glen." Naalala ko pala yung sinabi ni Athena kanina. Dahilan kung bakit ala sa kanya ang atensyon ko.

"Hmmmm." Nakadantay kasi ang ulo niya sa balikat ko habang naglalaro ng COC sa cellphone niya.

"Graduate kana pala?" Tanong ko. "Yeah.." Tamad na sagot niya na parang ala lang sa kanya ang tinanong ko. Baliw nato! Kung ipakain ko kaya yung COC niya sa kanya. Ni ayaw ako tignan. "Haharap ka sakin o ipapakain ko seyo yan?" Iritableng sabi ko kaya mabilis siyang napaayos ng upo at tinago ang cellphine niya. Natatawa pa nga ako kasi ang attentive ng itsura niya. "Bakit ba nainlove ako sa halimaw?" Bulong ni Glen na hindi ko masyadong nadinig.

"Ano?"singhal ko.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Singhal niya pabalik. Wow grabe siya!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na graduate kana?" Simula ko." Napaisip ako kanina kaya tulala ako. Everything that happened to us was too fast. Hindi kita kilala, you don't know me as well. I don't even know your birthday.. Is that right?" Seryosong sabi ko. Huminga ng malalaim si Glen na tila ba nag isip.

"Is that your break up speech?" Nanlaki ang mata ko. Nagsabi lang ako break up speech na? Diba maganda kung wala kaming secreto sa isa't isa? Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Umiling ako. "No." Hinarap ko siya. Mali pa yata ang nagawa ko dahil tumambad sa akin ang gwapo niyang mukha. Hindi kasi ako makaconcentrate kapag magkatitigan kaming dalawa. Na iintimidate ako kasi nasobrahan siya sa biyaya ng kagwapuhan.

"I just feel that we have a lots of secrets which is not healthy. You hide me the real you. You don't know anything about me either, I feel like we're completely strangers."

Hinawakan ni Glen ang baba niya at tinaasan ako ng kilay. I saw relief on him.

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Yung katawan ko naman ay parang naalog sa kuryenteng dumaan sa mga veins ko. Tapos yung puso ko ayan na naman ang paghataw sa bilis ng tibok.

He stared at me until he kissed me on my forehead. "You're right, baby.. From now on, no more secrets."

I just hugged him tight. I feel secured. I feel content. And I will say that he's the perfect badboy I've ever met.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.