The Perfect Bad Boy

Chapter 23 Bigtime



Aligaga akong nag gagayak ng sarili. Unang araw kong papasok ngaun simula ng makalabas si Glen sa ospital. Medyo kinakabahan pa nga ako ngaun dahil sa loob ng tatlong araw ay ngaun lang kami magkikita ulit. Ang arte nga, bumabalik daw ang sakit niya kapag hindi ako nakikita. Imbes na kiligin ako, kinikilabutan ako sa kanya.

Lalabas na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Iritable akong bumalik sa loob at dinampot ito. Nang makita kong si Glen ang tumatawag ay parang may kung anong umikot sa sikmura ko.

(What are you doing? I called you a hundred of times but you're not even answering!?) Umirap ako. Back to normal na po kami. Natatawa nga ako kasi naiimagine ko ang ugat niya sa leeg galit na galit siya ngaun. Inilayo ko pa nga ng ka onti ang tenga ko sa cellphone ko, palagi nalang kasing nakasigaw! Nakalunok ba siya ng mic?

[Eh, kasi nag gagayak ako! At bakit ba palagi ka nalang nakasigaw?!] Nagsimula na akong maglakad sa sakayan. Malelate na ako, e. Magkikita naman kami sa school kailangan pa akong tawagan? Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay excited akong mag college pero ngaun ay makakatapos na ako ng isang sem. Isa pa, nagpupulit yan na pumunta sa bahay. Eh ayoko nga. Baka mamaya magalit si nanay, sabihin pa boyfriend ang inuuna ko. Hindi naman totoo, alam ko pa din ang mga priorities ko.

(Naiirita kasi ako! Ang tagal mo sumagot!)

[Eh, may ginagawa nga ako diba? Ulit ulit? Mairita ka hanggang gusto mo!]

(Wala akong pake sa ginagawa mo! Kapag tumatawag ako, sagutin mo!)

Aba't! Talagang palaban itong si Mr. Demons. Inuutusan niya ba ako? Akala ko ba siya ng slave ko? Bakit ang bossy na naman niya masyado?

[Bahala ka sa buhay mo!]

Binaba ko ang tawag dahil nag ka altapresyon ako bigla. Naiiling nalang ako habang natatawa. Grabe! Ganito ba talaga siya? Ang sarap niya magmahal ah? Ang sarap salaksakin ng ngala ngala niya.

Pagbaba ko ng jeep ay mabilis akong pumasok sa university. Medyo kinabahan pa nga ako kasi matagal din akong hindi pumasok. Pag pasok ko ng gate ay mabilis kong natanaw ang mga tao na tinitignan ako at nagbubulungan. Ano na naman ba nangyari sa kanila? Seriously? Namiss ba nila ako?

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit anong iwas ko sa tao ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit nakatingin sila sa akin at panay ang bulungan.

Inakyat ko ang third floor kung nasan ang unang klase ko. Pag dating ko sa loob ay natigilan ang mga kaklase ko. Mabilis kong natanaw si Trixie na halatang nagulat sa pagdating ko.

"Oh, the killer's here.." Tinaasan ako ng kilay mi Kristele. Seryoso? Siya ba agad ang bubungad sa mukha ko? At anong killer ang pinagsasabi nito? Umirap lang ako at nilagpasan siya.

"Hoi killer! Ang bastos mo ah!" Huminga ako ng malalim ng hawakan niya ako sa siko. What's this? Trouble again? Pagod na ako sa mga kaartihan ni Kristele. Konti nalang talaga sasapakin ko na siya. Ano na naman ba ang bagong pinaglalaban niya?

"Ano na naman ba problema mo?!" Iritable ko siyang hinarap. "At anong killer ba pinagsasabi mo?"

Tumaas ang kilay niya. " totoo naman! Killer ka!" Gigil na salita niya. Ano na naman ba ang pinagsasabi niya? Talagang pag siya ang nakasama ko araw araw malamang maging literal na killer talaga ako.

Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. "OO! Killer ako! Gusto mo ikaw ang unang patayin ko?" Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Si Kristele naman ay bahagyang nanlaki ang mga mata at napaatras.

"You bitch! You were the reason why Glen got almost killed." Galit na galit na sabi niya. Ako naman ay natigilan. How did they know? Ala naman nakakaalam sa school about sa nangyari ah? Paano niya-- "Kristele, enough." Malamig at may diin na sabi ni Trixie. Tapos hindi siya makatingin sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lalakad ulit ako ng bigla nalang niyang hinila ang buhok ko. Napangiwi pa nga ako dahil sa sakit ng pagkakahila niya. Napasinghap ang tao sa palagid.

"Liar! You will be the cause of Glen's death! You are not good for him!"

Lalo niyang hinila ang buhok ko kaya naman halos masubsob na ako. Napapikit nalang ako dahil sa sakit. Hindi ako makalaban dahil nakatalikod ako sa kanya ng hinila niya ang buhok ko. This freaking bitch is really coming into my nerves. "If you don't let her go, I will be the cause of your death.."

Halos mapapikit ako ng bitawan niya ang buhok ko. Napatingin ako kay Glen na halos patayin si Kristele sa sama ng tingin. Kitang kita ko ang pamumutla ng mukha niya at pag atras ng mga alipores niya.

"Julia.." Nag aalalang lumapit sa akin si Klaus. Hindi ko alam kung bakit kumalabog bigla ang puso ko. Isinabit ni Klaus ang kamay niya sa beywang ko kaya napasinghap ako. Lalakad sana kami ng natigilan siya.

"Who gave you the right to touch her?" Malamig na sabi ni Glen kay Klaus. Seryosong seryoso si Glen. Umirap ako. Ang sama sama talaga ng ugali niya! Tinulungan lang naman ako ni Klaus! Hindi ba niya nakita ang pag welcome sakin ng fangirl niya?

"Okay na ako, Klaus."

"You sure?"

Tumango lang ako sa kanya. Mabilis lumapit si Glen at hinila ang kamay ko. Nahiya pa nga ako kay Klaus ng tabigin siya ni Glen.

"Are you alright?" Yung kaninang nakakatakot na awra ni Glen ay bigla nalang nawala. Nailang pa ako ng himasin niya ang buhok ko na hinila ni Kristele. Nakakalito talaga ang lalaki nato! Kanina lang para siyang kakain ng tao, tapos ngaun ang lambing niya.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Napalunok ako ng napatitig ako kay Glen. Ang gwapo gwapo naman kasi niya. Yung kilay niya na medyo makapal na nagpadepina ng matangos niya na ilong. Yung panga niya na akala mo ay inukit ng isang artist sa sobrang perpekto. Haays! Ano ba yan...

"Don't look at me like that.." Pinitik niya ang noo ko kaya napanguso ako. Sinamaan ko pa nga siya ng tingin ng natawa siyang umupo sa tabi ko. I can't believe na napanganga ako sa harap niya.

"Wag kang mag feeling Mr. Demons. Umagang umaga ah!" Nairita na naman ako ng naalala ko ang ginawa ni Kristele. Kumukulo ang dugo ko. Lalo na't hindi ako nakagante.

My heart skipped when I heard him chuckled. Literal akong napatingin sa kanya. Simula ng makilala ko si Glen ngaun lang siya tumawa ng ganyan. And it made my fucking heart melt.

"Wag ka ngang tumawa! Nakakairita ah!" Naiinis ako kasi tawa siya ng tawa. Yung mga kaklase naman nagtataka din at literal na nakatingin sa kanya.

Huminto siya sa pagtawa at hinirap ako." Tigilan mo ang pagtataray, Julia." Seryosong sabi niya. Tinaas ko ang kilay ko.

"Bakit naman, aber?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Lalo akong nahuhulog. Lunod na lunod na ako seyo. So please.. Wag mo akong ibaon." Ngumisi siya. Nalaglag ang panga ko. Takte! Pati pag tataray ko nahugutan pa?

"Andami mong alam.." Umirap ako. Pero pagkatalikod ko ay di ko maiwasan mapangiti. Jusmio! Ang puso ko. Kailangan na yata ng salbabida at nalulunod na din.

"Seriously Juls, I missed you.." Bulong niya. Kaya lalo akong hindi makahinga. Nagtindigan lahat ng balahibo ko. Ganito ba talaga si Mr. Demons maging jowa?

"OMG! What's happening? Magugunaw naba ang earth? I can't believe this!" Inis na sabi ni Kristele sabay walk out kasama ang alipores niya. Kung magugunaw man ang mundo. Sana siya ang unang lamunin ng lupa! Ng mabawasan naman ang impakta sa mundo.

Mabilis ang oras natapos ang klase. Nag announce pa si Mrs. Catindig na magkakaroon kami ng retreat sa isang beach resort sa Zambales. Everyone was excited. Gastos na naman!

"Hawakan mo nga ang kamay ko." Singhal ni Glen kaya nabalik ako sa realidad. Halos humagalpak ako ng tawa ng makita ko ang salubong na kilay niya.

"Ang clingy mo! Kailangan ba pag mag boyfriend mag kaholding hands?" Sagot ko.

Ngumisi si Glen. Kumunot ang noo ko. Kasi naman yung ngisi niya akala mo nakakaloko.

"Damn. So nice to hear that I'm your boyfriend.." Nakangising sabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi. Did i just said that? Oo na. Eh totoo naman din kasi. Eto naman si Glen, may pabebe version pala. ugh! "Ewan ko seyo!" Nagpatiuna na akong maglakad kasi pulang pula ang mukha ko. Ramdam ko iyon.

"Wait for your boyfriend!!!" Waahh demonyo talaga! Talagang isinigaw pa niya. Yung mga nadaanan ko tuloy palabas ng school nakalaglag lahat ng panga. Hinayupak talaga.

Patakbo akong pumasok sa shop ni Dom. Si Glen naman ay nasa likod ko lang at apura ang tawa. Kahit ang totoo ay natatawa din ako hindi ko nalang pinakita sa kanya. Lahat ng doubt ko nawala simula ng naging kami. He's more sweeter. Kaya lang, hindi na talaga matatanggal ang pagiging badboy niya. Yung pagiging arrogante, bossy at lahat ng masamang ugali niya. Pero isa naman yun sa mga bagay na minahal ko sa kanya.

"Oh, bakit ka natatawa?" Bungad sa akin ni Athena ng pumasok ako sa locker room.

"Wala, si Glen kasi eh.." Sagot ko na ikinatahimik niya..

"Malandi ka! Kayo na?!" Napasinghap ako ng sumigaw si Athena. Tapos mukhang kilig na kilig pa siya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kaya ayun lalong nagtitili ang bruha.

Panay pa din ang tanong at pangungulit sa akin ni Athena hanggang makalabas kami. Umayos ako ng tayo habang si Athena naman ay kilig na kilig pa din.

"OMG! May toy na naman pala si Glen." Napatingin ako kay Kristele ng magsalita siya. Talaga bang hanggang dito di ako paatawarin ng babae na ito?

"Pengeng kutsilo, Juls, ma laslas lang ang dila niyang babae na yan! Purong puro na sakin yan eh." Sibangot na sabi ni Athena kaya naman napailing ako. Napatingin pa nga ako kay Glen na masamang nakatingin kay Kristele habang nag igting ang panga. Nang nabaling ako kay Dom ay tinaasan niya ako ng kilay. Nag fake cough pa siya tsaka hinarap si Glen.

"Dude, do you love Julia?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Dom. Paano naman ang lakas ng pagkakasabi niya. Sila kristele nga natigilan sa ginagawa nila at nakatingin kay Glen. Ako naman ay napayuko at abot abot ang mura. Walanghiya ka Dominic! Tumawa si Glen.

"Yeah.. I love her.." Lalo akong napamura ng lumapit sa akin si Glen sabay akbay sakin."Bigtime.." Sigaw niya.

Oh lupa! Eat me now.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.