Chapter 22 Sanctuary
Parang may kung anong elemento ang bumalot sa loob ng kwarto ni Glen dahil sa sobrang tahimik. Hindi na siya nagsalita simula ng umalis sila Simon. At maloloka talaga ako sa rebelasyon nila.
"Can you please leave me alone, Julia?" Malumay na sabi ni Glen. Bakit parang basag yung boses niya? Tapos hindi pa siya makatingin sa akin ng diretso? Nag iwas siya ng tingin. Huminga ako ng malalim at lumabas ng silid. Ang dami ding tanong na tumatakbo sa utak ko ngaun. How come that his ex becomes his brothers wife?
Ayoko naman tanungin si Glen. Mali naman yata na tanungin ko siya diba? Masyado nang personal iyon. Pero may bahagi sa akin na nalungkot para sa kanya. Masakit iyon. Lalo na kung ang nakakuha pa ng mahal niya ay mismong kapatid niya.
Mahal paba niya si Maggie? Kasi kung titignan mo siya ngaun ang lungkot lungkot niya. At bakit parang ako ang nasaktan para sa kanya? Hindi na ako magsisinungaling. Nahuhulog na ako kay Glen. Pakiramdam ko nga ay mahal ko na siya. He maybe bad at times, walang modo, walang galang, pero kung kikilalanin mo siya. Hindi siya madamot. Mapagbigay siya lalo na sa taong mahal niya.
Naisip ko nga kung bakit niya ako nagustuhan. Kung titignan mo si Maggie at ako, walang wala ako sa kanya. Sa isang mayaman na katulad ni Glen. Si Maggie ang para sa kanya. And why am I feeling this? Naiinsecure ako! Pinindot ko ang down arrow ng lift. Pupunta muna ako sa coffee shop sa malapit. Tutal, nasa akin naman yung credit card ni Glen. Besides, ngaun ko lang naman to gagamitin noh.
"Ay putek!" Sabay kaming napatalon ni Athena ng magkasalubong ang mukha namin pag bukas ng lift.
"Ano kaba naman, Julia!" Hawak pa din ni Athena ang dibdib niya. Si Dom naman ay nakangiti lang sa gilid niya.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya. Hindi na ako sumagot. Hinila ko nalang ulit sila papasok ng lift. Tsaka, Glen's wants to be alone. Naiintindihan ko naman siya. Kaya siguro ang cold niya at warfreak. Minsan kasi naniniwala ako na lahat ng kinikilos ng tao ay may dahilan. He's been hurt. Hindi mo akalain na isang tulad niya meron palang pinagdadaanan noh?
Sumunod lang sila sa akin papasok sa pinakamalapit na coffee shop. Umupo ako habang magkatabi si Dom at si Athena. Si Dom ang umorder para sa amin.
"Bakit lumabas ka? Hindi kaba hahanapin ni, Glen?" Tanong sa akin ni Athena. Hindi ko nga alam pero nawala bigla ang saya ko. Naiisip ko kasi yung reaksyon ni Glen kanina. Ngaun lalong gumulo ang utak ko. Never pa akong nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki. Baguhan ako sa nararamdaman ko. Kaya wala akong masyadong alam. Ang tanging tumatak sa isip ko ay yung sakit sa mga mata niya. Ngaun, napapatanong ako sa sarili ko kung mahal ba niya talaga ako? Hindi ko kasi kaya kung ginagamit niya lang ako.
"Hui, Julia!" Nag snapped si Athena sa harap ko kaya nawala ako sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Si Dom naman ay umiimom na ng kape habang nakatingin sa akin at nakataas ang kilay.
"Alam niyo bang asawa ni Simon si Maggie?"malungkot na sabi ko."yung ex ni Glen?"
Napaubo ng bahagya si Dom. Tapos napatingin ako kay Athena. Kumunot ang noo ko kasi naging seryoso sila.
"Wala akong masyadong alam sa buhay nila, Juls. Pero si Dom talaga ang kaibigan ni Glen eh.." Seryosong sabi ni Athena. Sabay tuloy kaming napatingin kay Dom.
"Don't look at me like that girls." Nag iwas siya ng tingin. Yumuko ako at nagbuntong hininga. Bakit ba kasi nasasaktan ako?
"Wag ka ngang maarte, Dom. Si Julia yan! She deserves to know.." Sagot ni Athena sa kanya.
"I know, pero ayokong sa akin manggaling." Sagot naman ni Dom. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila. Halata kasi kay Dom na ayaw niya naman magslita. Si Athena naman nagsisimula nang mainis ang itsura. "Sige wag na, Dom." Tipid na sagot ko sa kanya. Pipilitin ko ba siya kung ayaw niya?
"Uugh! Fine! Basta wag mong sabihin na ako nagsabi ah?" Seryosong sabi ni Dom. Ngumiti ako ng bahagya at tumango. Bumaling naman siya kay Athena na seryosong naghihintay sa pagkukwento niya. "Tss, you really love gossips." Umiling siya kay Athena kaya naman natawa ako ng bahagya.
"Ang dami mong sinasabi, Dom. Magkwento kana."she said excitedly.
Huminga ng malalim si Dom. " Simon, Maggie, Glen and I were childhood friends." Pasimula ni Dom. Tahimik lang ako.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Hoi Dominic Dela Fuente! Bakit hindi ko alam yan?" Pagsingit ni Athena. Sinamaan siya ng tingin ni Dom. Hindi ko alam kung bakit hindi ako matawa ngaun. Umiling si Dom at nagpatuloy magkwento.
"Bata palang kami palaging magka kompetensya si Glen at Simon. Including kay Maggie. Sa lahat ng bagay, palaging nakukuha ni Simon ang gusto niya. Glen was weak at that time. Mabait si Glen, palagi siyang nagpaparaya para sa kapatid niya."
So that's explained why Glen was so harsh on Simon. May pinagdaanan pala. Patuloy na nagkwento si Dom kaya seryoso lang kaming nakikinig sa kanya.
"I don't get it? Eh mukhang mabait naman si Simon ah?" Litong tanong ko. Hindi ko talaga maisip na ganon si Simon. Eh mas mukhang demonyo naman talaga si Glen eh.
Natawa si Dom. " looks can deceive, Julia. An angel could be a demon inside, and a demon could be an angel inside." Kumunot ang noo ko. Ang deep naman kasi. Pero hindi ako nagsalita.
"Sabay silang nanligaw kay Maggie. Doon ko lang nakita na lumaban si Glen. Buong buhay niya palagi lang siyang sumusunod kay Simon. I was there, Glen really loves Maggie. Yung mga bagay na hindi niya ginagawa noon nagawa niya para kay Maggie." Bakit ba nasasaktan ako? Tama bang makinig pa ako sa pinagsasabi ni Dom. Pakiramdam ko lalo akong nagduda sa pinapakita ni Glen. On the other part. Maggie's married to his brother. What's the point of feeling this? "Naging sila, their relationship lasted for a year. Umalis si Simon coz he can't accept the defeat."
"Eh bakit naging sila ni Simon? what happened?" Hindi ko mapigilan magtanong.
"That's my question too, I don't know what happened. At nung panahon na iyon. Nagbago si Glen. He became a monster. He's always involved in fights. He's a total mess. Until you came, Julia." Napatingin ako kay Dom.
"I don't know what's the thing between you and him. Pero alam kong may iba ka sa kanya. Kahit nung sila ni Maggie ay hindi niya iyan nagawa. And what happened to him? That's not so him. Being selfless? It's not Glen's thing. Pero dahil seyo. Nagawa niya ulit." Nakangiting sabi ni Dom. Si Athena naman ay tahimik at parang naiiyak pa. Ako naman ay may parteng masaya at malungkot. May parte sa akin na na masaya kasi naniniwala ako sa mga pinapakita ni Glen. Ang parteng malungkot ko naman ay naawa sa nangyari sa kanya. I should be thankful though, kung hindi nangyari si Simon at Maggie. Wala kami ni Glen ngaun.
Wala naman talaga kami? Haaays! Pero sa nalaman ko. Gusto kong alagaan si Glen. I want him to feel secured.
"And he has a huge trust issues, Julia. Kung mahal mo siya. Tell him, show him. Coz that's the love he deserved." Malungkot na ngumiti si Dom. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Siguro nga najudge ko lang talaga si Glen. Minsan talaga kaya nagiging malakas at palaban ang mga tao dahil na din sa pinagdaanan nila.
"Thank you.." I sincerly said. Hindi ko na hinayaan ang dalawa na magsalita ng mabilis akong tumakbo pabalik sa ospital. Ngaun, naiintindihan kona kung bakit ganon si Glen. At aaminin ko na mas lalo ko siyang minahal. He's been there for me. Kahit na gago siya nung umpisa, he showed love and care for me.
Nang pumasok ako sa silid ni Glen ay mahimbing ang tulog niya. Wala na masyadong sugat ang mukha niya. Nawala na din ang pamamaga ng mukha niya. Tumabi ako sa kama niya at pinanuod ang tulog na tulog na si Glen. He looks like ang angel when he's sleeping. Bakit ngaun ko lang napagtanto ang soft side niya?
"I want to take care of you, Glen." Bulong ko sabay himas ng mukha niya. "Naiintindihan na kita, alam mo bang nahulog na ako sa patibong mo? And the worst thing is, I can't get up from falling.. Hindi ako sigurado kung ala kanang pagmamahal kay Maggie, pero sigurado ako na mahal kita." Bahagyang dumilat si Glen. Natigilan ako. He smiled at me genuinely. Walang harot, walang kasamaan, walang pagpapaganggap. Yung totoong ngiti. Nagkatinginan kaming dalawa. "Did I heard it right?" Nakangiti pa din siya. Yung ngiting matutunaw ang puso mo. Tumango ako sa kanya. Dahan dahan umupo si Glen tsaka hinawakan ang kamay ko.
"You made me happy, Julia." Niyakap ako bigla ni Glen. Naghurumentado na naman ang puso ko at panay ang paghataw sa dami ng emosyon nadadama ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin na tila ba ayaw akong pakawalan.
"I don't love her anymore, Julia. She's just a demon from my past.." Seryosong sabi ni Glen. Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin. Nang magkaharap na kami ay nagkatinginan kami sa isa't isa. Lumunok ako ng mapagtanto kong nakatingin si Glen sa mga labi ko. Dahan dahan siyang umabante hanggang lumapat ang labi niya sa labi ko. I got nervous. Hindi ako marunong humalik. This is the first time. humiwalay ako sa kanya. Ang daming kaba na nadadama ko ngaun. "Eh ano ako seyo?" Ngumiti siya sa akin at hinimas ang pisngi ko.
"You're my everything, Julia.. You're my sanctuary.."
The last thing I knew is he was kissing me again and I'm kissing him back. He's my sanctuary too.