The Perfect Bad Boy

Chapter 21 Simon's Wife



Dalawang araw ng nasa ospital si Glen kaya dalawang araw na din akong pabalik balik dito. Okay din pala na anak siya ng may ari ng university kaya na excuse ako sa mga klase ko. Nagtanong pa nga si nanay sa akin kung bakit may benda ang leeg at ang braso ko nung umuwi ako eh. Ayoko mang magsinungaling pero nagsinungaling pa din ako. Tapos sabi ko pa dahil sa trabaho kaya hindi ako makauwi.

"Ang tagal mo naman, Julia!" Pagbukas ko ng pinto ng room ni Glen ay sumalubong agad sa akin ang simangot na mukha niya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Okay na okay na talaga siya. Bumalik na ang pagka arrogante at dominante niya eh. "Natural na matagal ako noh! Eh ang layo kaya ng bahay ko dito!" Umirap ako at nilapag ang container ng pagkain dala ko. Ala pala sa bansa ang magulang at kapatid ni Glen kaya hindi na din namin pinaalam ang nangyari. Si Dom naman, pinayagan muna akong magleave sa trabaho.

"Tsss.. Sabi ko naman kasi seyo wag kang umuwi eh." Ngumuso siya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Bumalik kasi sa utak ko yung paghalik na ginawa ko sa kanya. " why did you looked away? Did you find my lips kissable?" Natatawang sabi niya. Pakiramdam ko ay tumaas lahat ng dugo ko sa mukha. Demonyo talaga! Palagi nalang akong dinedemonyo.

"Tumigil ka nga Aviel! Ang daldal mo. Bakit ba kasi ayaw mo pang umuwi sa inyo?" Nag igting ang kanyang panga. Oo nga pala! He doesn't want to be called Aviel. Ang sabi naman kasi ng doctor pwede na siyang umuwi. Actually, kahapon pa. Ewan ko ba dito! Napamahal na yata sa ospital na to.

Nakita ko ang dumaan na lungkot sa mga mata niya. May nasabi ba akong masama? "Kapag umuwi ako, hindi mo na ako maalagaan. Lalong lala ang sakit ko." Huminga siya ng malalim kaya naman kumunot ang noo ko at lumapit ako sa kanya." Anong sakit ang pinagsasabi mo? Ala ka naman sakit eh!" Baliw nato! Kung ano ano sinasabi.

Umiling ako at inayos ang kakainin niya. Mabuti nalang nagluto ng adobo si nanay. Sawang sawa na kasi kami sa pagkain ng ospital.

"Dito ang sakit ko oh-" turo niya sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso niya tsaka siya ngumiwi. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako bigla. Natamaan ba ng tubo ang ulo nitong lalake na ito at nagkaganito bigla? "Alam mo, ang korni mo.." Nangingiti pa din ako.

"Alam ko! At naiinis ako. Damn!" Tinalikuran niya ako kaya lalo akng natawa. Ang arte arte niya. Para siyang baby na masyadong sensitive sa lahat ng bagay. Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Aviel-" nagulat pa si Simon ng makita ako dito. Bakit nandito ang kuya niya?

"Oh, sorry, what are you doing here, Julia?" Hindi ko alam kung nakangiti ba si Simon iritable siya. Yung itsura niya kasi parang stress na stress siya.

"A-no." Fuck! Bakit ba hindi ako makasagot? Pakiramdam ko ay galit siya sa akin. Dahil ba sa nangyari kay Glen?

"Don't asked her that way, Simon. Ikaw? Bakit ka nandito?" Malamig na sabi ni Glen. Napatingin ako kay Simon. Napangisi siya at parang nakahinga ng maluwag.

"Okay kana nga.." Naiiling na sabi niya sabay bagsak ng katawan sa sopa. "Ano ba nangyari?" Tinaasan ako ng kilay ni Simon. Napalunok pa nga ako. Para kasi akong nasa hot seat. Tska, ikukwento ko na naman ba lahat? Jusme!

"It doesn't matter Aries, get lost." Iritableng sagot ni Glen sa kapatid. Pabalik balik ang tingin ko sa kanila. Si Simon naman ay humalakhak lang na parang lalo lang nang asar. Ganito ba talaga sila mag usap? Para silang magaaway ng magaaway eh.

"Mr. Demons, ang mean mo.." Umupo ako sa gilid niya. Lalo naman humalakhak si Simon.

"I like her.." Natatawang sagot ni Simon. Si Glen naman ay nag alab na ang galit at pinipilit tumayo. "Fuck you, Simon!" Gigil na gigil si Glen. Ano ba kasi ang problema nilang dalawa.

"Chill, I'm not yet finish, I like her for you, dude." Tawa pa din ng tawa si Simon. Ako naman ay nag init ang pisngi. Enebe. Talaga bang ganito sila?

"Glen, pwede bang kumalma ka?" Seryosong sabi ko. Hindi ko alam kung bat hindi ako nahihiya kay Simon. Eh kasi naman. Haayys! Kahit ako di ko mapaliwanag. Magsasalita sana siya ng ipasak ko yung kutsara na may kanin at ulam sa bibig niya.

Sinamaan ako ng tingin ni Glen. Si Simon naman ay tawa pa din ng tawa. Ako na naiirita sa kanya ah! Bakit ba siya tawa ng tawa?

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Looks like you found the one, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman kumindat siya tapos si Glen umatake na talaga sa kanya. Medyo iika ika pa nga siya. Imbes na mag alala ako ay natawa na din ako. Sumunod ako para pigilan siya. Bakit ba galit na galit siya kay Simon? Ito naman kasing si Simon ang lakas mang asar.

"Hello.." Nabitawan ni Glen ang kapatid niya ng biglang bumukas ang pinto. Para akong nanigas sa narinig ko.

"Maggie.." Tumayo si Simon at nilapitan si Maggie. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Glen. Ang ganda niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pangliliit sa sarili. Buong buhay ko ay ngaun lang ako nakaramdam ng ganito. Hinawakan ni Glen ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kama niya.

"Bakit ba kayo nandito?" Seryoso na si Glen ngaun. Yung tipong nakakatakot na talaga. Hindi ko sila maintindihan. Tapos nakaramdam pa ako ng tensyon sa loob ng kwarto. Ang lamig naman ng aircon pero pinapawisan ako. "Ang sama mo pa din Aviel.. Syempre dinadalaw ka.." Napatingin ako kay Maggie na malambing na nakangiti pa din at palapit kay Glen. Si Simon naman ay tumingin sa akin at nagkibit balikat.

Bakit parang may tumutusok sa puso ko? Bakit Aviel ang tawag niya kay Glen? Kaya ba ayaw niyang patawag ng Aviel? Kasi si Maggie lang ang tumatawag sa kanya ng ganon?

Natahimik lang ako. May parte kasi sa akin ang bahagyang nalungkot. Tapos naiinis pa ako sa ganda ni Maggie.

"Don't call me Aviel, Maggie, please.. It's really annoying." Umigting ang panga ni Glen. Seryoso pa din siya.

Nakatungo lang ako ng bigla ulit nagsalita si Maggie." You're?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot ang tanong niya.

"She's my wife." Si Glen ang sumagot. Yung malambing na ngiti ni Maggie ay bahagyang nawala at napalitan ng gulat. Tinitigan ko siya. Hindi ko kasi mabasa kung ano ang emosyon niya ngaun. At anong wife ang pinagkaka kana ng Silverio nato?

"Your wife.." Pag ulit ni Maggie. Pakiramdam ko ay ang pakla pakla ng pagkakabigkas niya noon. At hindi ko din alam kung bakit tahimik ako ngaun.

"Nah, she's Julia, love." Seryosong sagot ni Simon. At love? What the heck? Rumble rumble na ang gulo sa utak ko. Ex ni Glen si Maggie tapos tatawagin niyang love?

Lumapit si Simon kay Maggie at hinawakan ang kamay nito. Otomatikong napalingon ako kay Glen. Hindi siya makatingin sa dalawa. Wala siyang emosyon na pinapakita. Ang awkward talaga! Wala nang nagsalita.

"Kain kayo?" Pilit akong ngumiti sa kanila. Kahit nalilito ako ay hindi ko nalang pinahalata. Baka mamaya sabihin pa nila na naghihimasok ako sa buhay nila.

"Thanks, tapos na kami." Ngumiti si Maggie sa akin. Wala nabang mas io awkward ang situation na ito?

"Leave us now, Simon. Please.." Malamig na sabi ni Glen. Hinawakan lang ni Simon ang kamay ni Maggie na nakatingin kay Glen. Yung mga mata ni Maggie ay puno ng pagsusumamo. What the hell on earth is happening? "We better go, Julia." Baling sa akin ni Simon kaya alanganin akong tumango.

"By the way.. this is Maggie.. my wife.."

Ano daw?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.