Chapter 26 Karapatan
Ngaun na ang araw ng retreat. Naalala ko pa yung nangyari sa bahay nung isang araw. About Simon. Diba mga usapan namin ni Glen na walang sikreto? Sa dalawang araw na di kami nagkita. Hindi ko masabi sa kanya. Eh kasi naman gusto ko ng personal. Baka kasi pag text ay mamisinterprete lang niya. Eh medyo high blood pa naman kausap yun.
Napalundag ako ng bumusina ang sasakyan ni Dom sa likod ko. Naglalakad kasi ako papunta ng university. May ginagawa kasing daan kaya hindi nakatuloy ang jeep.
"Hop in." Sigaw ni Dominic. Ang conyo! Hop in daw. Syempre dahil nagmagandang loob siya sumakay nalang ako.
"Nasan si Athena?" Tanong ko agad pagkasakay ko. Tinignan ko pa nga yung cellphone ko para makita kung anong oras na eh. Mag aalas singko na pala. "Nasa school na. Hinatid ng daddy niya." Tipid na salita ni Dom. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang tamad na nagmamaneho.
(Where are you?) Nanibago naman ako kay Glen ng sinagot ko ang tawag niya. Ang lamig kasi ng boses niya at hindi sumisigaw.
[ Nasa likod mo.] Natatawang sabi ko. Nauna kasi kami ni Dom at Athena. Pa Vip naman kasi to. Alam niyo bang alas sais na ng umaga? Hindi makaalis ang bus dahil sa tagal niyang dumating. Tinaasan niya ako ng kilay.
(Good morning, baby..) Natatawang sabi niya habang nasa tainga pa din niya ang cellphone niya. Natulala ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Waahh! Nambibigla siya. Natawa naman si Dom at Athena. Nagkibit balikat nalang ako. Maganda kasi ang mood ni Glen. Ayoko lang masira.
Hinawakan niya ang kamay ko. Nawala nga bigla ang ginaw na nadadama ko dahil sa init ng kamay ni Glen.
"Teka, bakit sa sasakyan mo tayo sasakay?" Takang tanong ko. Nandun na kasi sa bus ang mga gamit ko.
"Dito tayo sasakay." Sagot niya sabay sakay ng sasakyan.
"Oh, ano pa iniintay mo jan?" Takang tanong niya kaya abot abot ang irap ko. Badboy na, hindi pa gentleman. Ngumuso nalang ako at binuksan ang pinto sa front seat. "Teka nga pala, yung gamit ko nasa bus."
"Pasok na, binili na kita ng gamit mo." Nalaglag ang panga ko. Halos hatakin niya na ako para makaupo sa tabi niya. Tumingin ako sa backseat at ang dami ngang paper bag.
"Sino naman may sabi sayo na ibili mo ako? ha? Tsaka mahal ko yung mga damit ko noh." Padabog kong sinara yung pinto. Ngumiwi si Glen na tila ba naasar sa pagdaldal ko.
"Alam ko naman kasi baduy yung dadalin mo, ginawan kita ng pabor. Pwede bang mag thank you ka nalang?" Binuksan niya ang ignition at nagsimula ng magdrive. Yung apat na bus naman ay nauna nang lumabas ng school. Si Athena at Dom naman ay naka convoy naman sa amin.
Talagang maaga akong maatake sa puso sa lalaki na ito! Palagi nalang ako nagkaka altapresyon.
"Hoi, makabaduy ka! Eh iyon ang gusto ko isuot eh, tsaka pake mo ba? Yun pa din ang isusuot ko! Ipamigay mo yan binili mo." Iritableng sagot ko.
"Kakaiba ka talaga. Yung ibang babae nagpapakamatay ipag shopping, ikaw naman isusuot mo nalang ang dami mo pang sinasabi." Natatawang sabi niya.
"Well, ibahin mo ako! Hindi ako sila!" Masungit na sagot ko.
"I know, kaya nga mahal kita." Nagkatinginan kami. Umiwas ako ng tingin kasi alam kong namula na naman ang pisngi ko. Urrgh! Ang unfair niya! Dinadaan niya ako sa pagiging gwapo niya.
"Like it or not, ala na yung mga damit mo, ipinatapon ko na." Pahabol pa niya. Nanlaki ang mga mata. Seryoso siya? Tinignan ko siya ng sobrang sama pero hindi niya iyon pinansin. Tatawa tawa lang siya habang nagmamaneho.
"Alam mo, ang sama mo talaga.." Nanghihinang sabi ko. Ala naman point makipag away pa ako. Ala na yung mga damit ko. Hindi ba niya alam na highschool palang ako damit ko na yon? Huhu, may sentimental value yun eh. "Baby, wake up." Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Saan na tayo?" Sagot ko sabay hikab. Si Glen naman ay sumandal sa headrest ng upuan niya at minasahe ang bridge ng ilong. Napatitig ako sa bandang gilid ng mata niya.
"Mr. Demon, bakit may pasa ka?" Hindi ko mapigilan hindi mag alala. Kahit naman ganyan siya mahal ko pa din siya. Natigilan naman siya at umayos ng upo. " that's nothing.." Hindi siya makatingin kaya naningkit ang mata ko. Nakipag away na nanaman ba siya?
"Siguraduhin mo lang yung nothing mo ha?" Seryosong sabi ko. Ngumisi si Glen kahit hindi nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nasan na kami pero alam kong ala na kami sa syudad. "Stop worrying about me, Juls. I can handle myself." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam ko naman! Kinabahan kasi talaga ako sa nakaaway mo. Biruin mo pasa lang na maliit natamo mo? Ano kaya itsura nila ngaun?" Natatawang sabi ko. Si Glen naman ay tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala. "Wala akong naka away." Umiiling na sabi niya. Sinungaling!
"Mamatay ka man?" Sagot ko. Sabi niya walang secret pero hindi niya sinasabi ang totoo. Muntik ko pang makagat ang dila ko. Kasi naman hindi ko pa nasasabi yung kay Simon. Tsaka paano ko ba sasabihin? "Mamatay man si Dom, ala talaga.." Natatawang sagot niya kaya hinampas ko siya. Hindi pa din ako naniniwala.
"Grabe ka! Alamat talaga ang kasamaan mo!"
Natawa nalang kaming dalawa. Habang nasa byahe ay panay ang kwentuhan namin ni Glen. Hindi ko nga matanong kung ano ang gusto niyang gift sa birthday niya. Ala din ako maisip. Kung tutuusin lahat naman nasa kanya na. Nang makarating kami sa resort ay namangha ako. Ngaun lang ako nakapunta sa beach na malinis at pwede ka talaga maligo. Yung dagat kasi sa manila ay puno na ng polusyon. Ang ganda din ng lugar. Madaming puno ng niyog ay makikita mo habang sumasayaw sa hangin.
"Grabe! Ang ganda dito noh?" Masayang sabi ni Athena.
Tumango ako sa kanya. Ang alam ko bukas din ang uwi namin sa syudad eh. Mayroon pa kaming activites na gagawin. Talagang susulitin ko ang trip na 'to.
Sabay sabay kami lumakad sa hotel. Si Dom, bitbit yung bag ni Athena. Si Glen naman may dalang isang varsity bag at yung mga paper bags. Kanina akala ko binibiro niya lang ako na pinatapon niya yung gamit ko. Pero totoo pala. Maatake talaga ako ng maaga sa kanya.
"Good morning.. May reservation po?" Bati sa amin nung receptionist. Bakit nandito kami? Yung school kasi nasa kabilang hotel. Tsaka mas maganda aa hotel nato. Makayanan ko kaya iafford ito?
"Yeah, Silverio and Dela Fuente.." Tamad na salita ni Glen. Dinantay niya yung baba niya sa balikat ko. Kumunot pa nga noo ko dahil yung receptionist nakatitig kay Glen tsaka namula.
May kung anong chineck yung babae sa ipad na hawak niya. Binigay ni Glen lahat ng gamit na bibit niya sa bellboy kaya naman nayakap niya na ako mula sa likuran. Hinayaan ko nalang siya. Alam ko naman kasi na pagod siya sa buong byahe. "Third floor s-sir, 305 and 306.." Halos hindi na makasalita yung babae. Titig na titig pa siya kay Glen. Napa irap pa ako kasi ramdam ko na natawa si Glen. Tapos si Dom may kung anong binubulong kaya pareho silang natawa. At teka? Dalawang room lang kami? Saan sila matutulog?
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Glen, bakit dalawa lang ang room? Saan kayo matutulog ni, Dom?" Seryosong seryoso pa ako nagtanong. Siya naman pinitik yung noo ko.
"We'll share room." Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Nauna na sa taas yung dalawa. Ako naman pinoprocess ko pa sa utak ko yug share kami ng room.
"Baby, ala akong gagawin seyo okay?" Natatawang sabi niya sabay hila sa akin sa lift. Nang matauhan ako ay bigla kong naalala na kailangan ako magshare sa room. Tiwala naman ako sa kanya. Ang problema ko ngaun ay yung share ko sa kwarto.
"Glen magkano share ko sa room?" Tanong ko na ikinaseryoso niya.
"Are you kidding me, Julia?" Hala. May nasabi ba akong mali? Iritable kasi siya.
"I'm not." Seryoso din sagot ko. Tapos bumukas na yung lift kaya naman lumabas na kami. Nakita nga namin agad yung gamit na dinala ng bellboy dito.
"Okay, 5000 per day. We have to share so it mean 2500 bawat isa sa atin. Two days tayo, kaya tig 5k tayo." Natatawang sabi niya sabay pumasok sa room. Ako naman nagulat. Ang mahala naman! 5000k? Eh 2000 nga lang pera ko ngaun. Waahh kulang pa para sa isang araw.
"Halimaw na babae. Tara na!" Nagulat ako ng hilahin niya nalang ako papasok. At teka? Anong halimaw? Kanina baby pa siya ng baby ngaun halimaw na?
Binagsak agad ni Glen sa kama ang katawan niya. Ako naman ay iniisa isang ilabas ang mga damit na binili niya. Ala naman akong choice diba? Ayoko man nito eh wala naman ako isusuot ngaun.
Lumibot ang paningin ko. Ang ganda ng kwarto. Halatang pang mayaman. Pumasok nga ako sa cr, natuwa nga ako ng makita ko yung bathtub.
Paglabas ko ay tulog na si Glen. Tanghaling tapat natutulog siya? Paano ako mag eenjoy nito? Bukas pa daw ang mga activities sabi ni Mrs. Catindig. Ang gagawin lang namin ngaun ay mag enjoy at mag tour para igawa ng maikling kwento ang lugar. Well, madali lang naman iyon.
Pakiramdam ko ay nangangati ako sa damit na suot ko kaya kumuha ako ng isang short at croptop sa mga binili ni Glen. Nanghihinayang ako sa mga damit na ito. Pagsamahin mo man ang damit ko sa kabinet ko mas mahal pa din ang isang short na ito. Tsaka ang ganda pala ng taste sa damit ni Glen. Paano siya natuto mamili ng damit ng babae? Tsaka yung short naman kinulang sa tela. Grabe talaga!
Pagkabihis ko ay pinusod ko ang mahaba kong buhok. Tapos nakita ko yung isang aviator sa paper bag kaya sinuot ko na din. Complete set talaga ang binili ng mokong. Meron pa ngang two piece. Akala naman niya isusuot ko iyon? Nek nek niya!
Lumabas ako ng room ng tahimik. Ayoko naman gambalain si Glen. Paglabas ko ay mabilis ang lakad ko sa labas ng hotel. Nag inat pa nga ako at nilanghap ang sariwang hangin.
"O gosh, Julia. Mukha kang tao ngaun." Tinaasan ako ng kilay ni Kristele. Sa likod naman niya ang mga alipores niya at si Trixie na seryoso lang nakatingin sa akin. Poker face lang ako sa harap nila. Ayokong mag paapekto at baka masira ang araw ko.
"Lets go." Malamig na sabi ni Trixie. Nauna siyang maglakad kasunod sila Kristele at alipores niya na sabay sabay pang nag flip ng buhok.
Umikot ikot lang ako sa lugar. Madami din turista at bakasyonista dito. Ang daming sexy at hot na lalaki na naglalaro ng beach volleyball. Natetemp nga akong maligo. Kaso ang korni naman kasi ala akong kasama.
"hi miss.. Alone?" May isang lalaki ang lumapit sa akin. Tapos natulala lang ako kasi ang gwapo nung lalaki. Nagkakasala pa ang mata ko sa abs nung lalaki na nakabalandra sa mata ko.
Sasagot na sana ako ng bigla nalang may humila sa akin. Akala ko nga tutumba ako. Tapos nagtayuan ang balahibo ko kasi matigas yung nadaganan ko.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"She's not alone." Nagtayuan ang balahibo ko sa lamig at nakakatakot na boses ni Glen. Inayos niya ang tayo ko at kinawit niya ang kamay niya sa beywang ko. Nakakunot ang noo niya habang nag igting ang panga. "Sayang.. I thought you can mingle with me." bigong sabi nung lalaki at tumalikod.
"What--" hindi ko natuloy sasabihin ko kasi nabigla ako! Shit! Nakaboard shorts lang si Glen tsaka aviator pero topless. Waahh! Pengeng kape. May abs pala siya? Hindi ko maiwasan pulahan ng mukha.
"What?" Nakangising sabi niya. Nawala tuloy ako sa sasabihin ko. Na distract ako ng katawan niya. Ngumuso ako at naunang maglakad. Ano ba Julia? Alam kong maganda katawan ni Glen. Pero di ko inaasahan na mas maganda pala pag wala siyang damit. Dammit!
"Ang damot mo naman. Nakikipag friends lang yung lalaki kanina sinungitan muna." Biglang sabi ko nang makatabi siya sa akin. Napalundag ako ng bigla niya akong hinarap. Tapos nakakatakot pa yung mata niya. Para niya akong kakainin sa sama ng tingin niya.
"Are you serious? Hindi mo ba nakita kung paano ka niya tignan? Kulang nalang dilaan ka eh!" Iritableng sabi niya. Grabe din si Glen eh. Bakit ako didilaan nun? Mukha ba akong buto?
"Nakakainis yung pag kainosente mo!"sagot ulit niya. Umihip ang hangin. Hindi ako nakakibo kasi lumamlam ang mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Akin ka, kaya may karapatan akong ipagdamot ka." Seryosong sabi niya. Nahuhumaling na ako sa lalim ng mata niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin siya at unti unting lumalapit sa labi ko ang labi niya. Nagkahiwalay kami ni Glen nang bigla kaming napamura bigla.
"What the fuck!" Pareho namin hawak ang ulo namin. Hindi natuloy yung halik niya! Grrrr! Bumaling kami sa nakatama samin ng bola ng volleyball.
"Awwwws... I'm so sorry.." Malanding sabi ni Kristele. Tapos lumapit pa siya kay Glen at hinawakan yung mukha. Biglang kumulo ang dugo ko kasi naman ang lapit ng mukha niya kay Glen. Tapos si Glen wala manlang ginagawa. Porke naka two piece si Kristele, hinahayaan niya? Gago siya!
Hinablot ko bigla si Glen kay Kristele. Umangat bigla ang sulok ng labi ni Glen dahil sa ginawa ko.
"What the hell, Julia!" Bulyaw ni Kristele.
Hindi ko siya pinansin. Hinablot ko ang batok ni Glen na nakangisi pa din hanggang ngaun.
"Akin siya, kaya may karapatan akong gawin ito sa kanya." Nilapit ko ang labi ko sa labi ni Glen. Panay ang tili ni Kristele sa gilid. Ramdam ko naman ang pag ngisi ni Glen sa pagitan ng halik namin.
Nang bumitaw ako sa halik kay Glen ay malaki pa din ang ngisi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.
"We'll go somewhere private." Natatawang sagot niya.
"Huh?" Takang tanong ko.
"We'll talk about my karapatan, Julia."
Mabilis akong napabitaw at hinampas siya. Tumakbo ako pabalik sa hotel. Waahh! Pesteng karapatan yan!