The Job

Chapter 3



"Nasaan si Nanay!" puno ng pagaalala na tanong ni Crystal pagkarating niya ng ospital. Naabutan niya ang kanyang mga kapatid at mga hipag na naghihintay sa labas ng emergency room.

Magkatabi ang kanyang mga hipag sa waiting chair at sa kabilang dulo ay ang panganay niyang kapatid. Ang kanyang pangalawang kapatid naman ay nakatayo lang at nakasandig sa dingding. Mabilis na lumapit si Jessa kay Crystal nang makita niya ito. "A-anong nangyari? Nasaan ang nanay?" muling tanong niya. Maluha-luha na ang kanyang mga mata sa labis na pagaalala. Hindi rin mawala ang kabog ng kanyang dibdib. "Nasa ICU siya ngayon Crystal," sagot sa kanya ni Jessa. Napaawang ang bibig ni Crystal. Parang nanlambot ang kanyang mga paa at napaupo sa sahit ng ospital. Bigla na lamang humagulhol si Crystal.

"K-Kasalanan ko 'to eh!" Isinapo ni Crystal ang dalawa niyang palad sa mukha niya. Hindi niya maiwasang sisihin ang kanyang sarili dahil sa sinapit ng ina. "Kasalanan ko 'to!"

Agad na diniluhan ni Roy ang kanyang bunsong kapatid at inalo ito. "Wala kang kasalanan Crystal. Tama lang ang ginawa mo. Sobrang nasaktan lang ang nanay dahil sa nangyari," mahinang sabi ni Roy at makahulugang tiningnan ang panganay nilang kapatid.

Agad naman nag-iwas ng tingin si Johan dahil para siyang tinamaan sa sinabi ng kapatid. Napabuntong hininga siya at itinukod ang dalawang siko sa kanyang hita at napahilamos sa kanyang mukha. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway. Hindi na rin niya mapigilang manguyakoy dahil sa labis na pagaalalang kanyang nararamdaman.

Patulog na kasi sila noong bigla na lang nahirapang huminga ang kanilang ina. Wala kasi itong tigil sa pagiyak mula noong umalis si Crystal. Labis din itong nag-aalala sa kanilang kapatid dahil umalis itong wala sa sarili. Pinagsisisihan tuloy ni Johan ngayon ang nagawa niya.

Sa kanila ay siya ang pinaka pasaway ngunit ni minsan ay hindi niya ginustong mapasama ang kanyang ina at mga kapatid nang dahil lamang sa kanya. Mahal na mahal niya rin ang mga ito ngunit hindi niya alam kung paano iyon ipapakita kaya nasanay na siyang gawin ang nakaugalian niya.

Lumipas ang ilang sandalli na paghihintay nila Jannah ay saka lamang may lumabas ng doctor mulang ICU.

"Rosalinda Jimenez's gurdian?" tawag ng doctor.

"K-Kami po!" Agad na lumapit si Crystal sa doctor. Sumunod sa kanyang ang mga hipag niya. Samantalang ang kanyang mga kapatid ay nanatili sa mga pwesto nito at nagmamasid lamang sa kanila.

Tumikhim muna ang doctor at tiningnan si Crystal na namumugto ang mga mata. "Kasalukuyan pong nasa ICU si Ma'am at inoobserbahan. C-ni-TSCAN na po namin siya at base sa lumabas na resulta ay merong Blood cloth sa kanyang puso. Ito rin po ang dahilan kaya inatake siya ngayon. Kailangan po natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Hindi po natin pwede patagalin pa. Masyadong delikado kapag inatake ulit siya," mahabang paliwanag ng Doctor. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Crystal. Napakapit siya sa braso ng kanyang mga hipag dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay tutumba siya.

"P-Pero gagaling naman po siya, diba doc?" maluha-luhang tanong niya. Ngumiti ang doctor.

"Opo. H'wag kang mawalan ng pag-asa. Kailangan lang talaga natin siya maoperahan agad."

"Please, gawin niyo po lahat para sa nanay namin. Parang awa niyo na po," ani ni Roy na lumapit na sa kanila dahil sa nakita niyang naging reaksyon ng kapatid.

"Yes. Meron pa po tayong mga kailangan gawin before we do that. I will contact the admin para maumpisahan na po ang pagproseso ng pag-opera ni nanay," sagot ng doctor at nagpaalam na sa kanila.

"Kuya..." Nanghihinang tumingin si Crystal kay Roy. Agad namang ini-muwestra ni Roy ang dalawang kamay upang makayap ang kapatid. Tinanggap ito ni Crystal at mahigpit na yumakap doon. Ibinuhos niya ang lahat ng takot niya sa pagiyak.

"Ssshh... magiging maayos si Nanay h'wag kang magalala. Hindi niya tayo iiwan. Ano na lang mangyayari sa paborito niyang anak?" biro ni Roy. Humikbi lang si Crystal.

Sa kanilang tatlo ay si Crystal ang pinaka malapit sa kanilang nanay. Dahil na rin sa nag iisang babae itong anak kaya paborito ito sa kanila. Hindi naman ito naging problema kina Roy at Johan sa kadahilanang mahal din nila ang kanilang nagiisang babaeng kapatid.

"May konting ipon kami ni Ate mo. Ipandagdag muna natin yon sa operasyon ni Nanay," ani ni Roy.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Hahanap din ako ng mahihiraman," singit bigla ni Johan at tumayo sa kanyang kinauupuan. Napalingon ang tatlo rito maliban kay Crystal na wala pa ring tigil sa pagtangis. Sensero si Johan sa kanyang tinuran. Dahil sa nangyari sa kanyang ina ay tila ba ay natauhan na ang lalaki.

Ilang sandali pa ang lumipas bago kumalma ni Crystal. Tahimik nilang hinintay ang pagdating ng representative ng ospital na kakausap sa kanila. Mayamaya pa ay dumating na rin ang kanilang hinihintay. Isang katamtaman ang taas na babae ang lumapit sa kanila na may dalang mga papel na may pangalan na Mia. Kinausap sila nito tungkol sa mga kailangan nilang gawin at asikasuhin para maumpisahan na ang pagpapa-opera sa kanilang ina.

Lalong nakaramdam ng panlulumo sila Crystal nang malamang maaring umabot ng kalahating milyon ang magiging bill ng opersyon ng kanilang ina. Hindi man nila ito agad sisingilin sa kanila ay magiging sobrang mahirap pa rin kina Crystal ang pagbibigay ng paunang bayad dito ng singkwenta-mil. Tinuruan naman sila ni Mae kung saan sila pwedeng humingi ng tulong. Binigyan din sila nito ng mga papeles na ipapakita nila sa iba't ibang ahensya ng gobyerna na pwede nila hingan ng tulong. Matapos ipaliwanag nito ang mga mangyayari at mga kailangang gawin ng magkakapatid ay nagpaalam na rin ito. Binilinan pa muna silang kailangan na nilang asikasuhin agad iyon para maumpisahan ang operasyon ng kanilang ina.

"S-Saan tayo kukuha ng ganon kalaking pera?" nanlulumong tanong ni Crystal. Iniisip niya pa lang ang laki ng pera na kakailanganin nila parang nauubusan na ng lakas si Crystal.

Bumuntong hininga si Roy at sinabing, "Susubukan kong magtawag sa mga kamag-anak natin at mga kakilala ko. Kailangan lang natin makabuo muna ng pang-down payment ni nanay para ma-operahan na siya." "Kami na ang bahala maglakad ng papel ni nanay. Titingnan ko rin kung makakahiram ako sa mga kaibigan ko," ani ni Johan na nakatungo.

Bahagyang nakaramdam ng pagkapanatag si Crystal. Napangiti siya at niyakap ang kuya Johan niya. Hindi siya nagsilata, umiiyak lamang niyang niyakap ito ng mahigpit at ipinaramdam na napatawad niya na ito. Nagulat man ay gumanti pa rin ng yakap si Johan kay Crystal. Sa mga oras na iyon ay walang nagtangkang magsalita sa kanila at hinahayaan ang mga emosyon nila Crystal at Johan ang mag-usap. Para kay Johan ay labis ang pagsisisi ang nararamdaman niya. Kaya kahit na ano'ng mangyari ay gagawin niya ang abot ng kanyang makakaya para makatulong sa mga kapatid.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpaalam na sila Johan, Sasha at Roy para asikasuhin ang mga dapat nilang gawin. Dahil sa pagmamadali ay naiwan din nila ang mga bata sa kanila kaya minabuti na lang muna nila na umuwe. Nagpaiwan naman si Crystal at Jessa sa ospital para bantayan ang kanilang ina. Habang nandoon din sila ay pumasok na sila sa ICU upang makita ang kalagayan nito.

Bago sila pumasok sa loob pinaghugas muna sila ng kamay. Pagkatapos ay pinagsuot na sila ng kulay asul roba na sinusuot ng mga doctor tuwing nag-oopera. Mayroon din silang suot na gloves, mask at hairnet. Kailangan daw nilang gawin iyon at suotin iyon para hindi makapasok ang mga mikrobyo sa loob ng pasilidad.

Napaawang ang bibig ni Crystal nang makita ang kalagayan ng ina. Ang daming nakaturok ditong mga karayom. Mayroonng swero sa kanyang kamay at pa ana magkaiba ang kulay. Nakaoxygen din ito at may mga wires na nakadikit sa may sentido, dibdib at sa paa. Sa may kanan nito ay nakalagay na maliit na monitor na nagpapakita ng hearbeat niya. Sa kaliwa naman ay ang oxygen tank. Parang tinutusok ang dibdib ni Crystal habang nakatingin sa kanyang ina. Nakapikit ito na para bang natutulong lang ngunit mababakas mo ang hirap at sakit na nararamdaman nito.

'Nay... sorry,' usual ni Crystal at nangingig ang kamay na hinawakan ang kamay nito. Halos manlabo na ang paningin niya dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. Tumabi naman sa likod niya si Jessa na sumusinghot- singhot na rin.

"N-Nay..." garalgal ang boses na tawag ni Crystal sa ina. Sinusubukan niyang pigilan na maiyak ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. "Si Crystal 'to... ang bunso mo. S-Sorry po talaga 'nay. Okay na kami ni Kuya please gumising kana po. H'wag mo naman kami takutin 'nay." Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Crystal. Kinagat niya ang likod ng kanyang labi para mapigilan ang paghikbi niya. Ayaw niyang marinig ng kanyang ina na umiiyak siya kahit na halata na ito sa boses niyang garalgal na. "P-Please 'nay..."

Pagkatapos nilang kausapin ang kanilang ina ay lumabas na rin sina Crystal. Hindi rin kasi sila pu-pwedeng magtagal sa loob ng ICU. Limitado lang ang nakalaang oras para sa mga bumibisita roon.

"Umuwe ka na, Crystal. Ako muna rito," sabi ni Jessa sa hipag. Hindi niya maiwasang maawa sa itsura ni Crystal. Mababakas kasi sa mukha nito ang labis na pagaalala at pagod. Malalalim na ang mata nito at naguumpisa nang magkaroon ng kulay ito. Sunod-sunod na rin ang hikab nito.

Tumango si Crystal at sinabing, "Sige po ate. Pero babalik din po ako agad mamaya. Ipipikit ko lang saglit itong mga mata ko." Bumuntong hininga si Crystal at nilingon ang pinto ng ICU. Ayaw man niyang iwanan ang kanyang ina, tinatalo na naman siya ng antok niya. At isa pa ang balak niya rin tumawag sa mga kaibigan niya upang humingi ng tulong.

"Sige Crystal. Ako na muna ang bahala rito. Magtatanghali na kaya baka bumalik na sila kuya Johan mo."

Kinuha ni Crystal ang kanyang wallet at nag-abot ng pera sa hipag. "Ito ate, ibili niyo ng pagkain ninyo nila kuya pagkarating nila."

Tiningnan muna saglit ni Jessa ang pera saka inabot. Nahihiya man ay ngayon lang din niya na alala na wala pala siyang dalang pera dahil sa pagmamadali kagabi. "S-Salamat dito, Crystal."

"Aalis na po ako," paalam ni Crystal. Muli niyang sinulyapan ang ICU at ngumiti roon. 'Wait for me 'nay...'


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.