Chapter 4
"May sumagot sa bill ni Nanay?" gulat na tanong ni Crystal sa hipag niyang si Sasha. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita nito pagkarating niya. Nanlalaki pa ang mga mata ni Crystal habang tinititigan ang hipag.
"Oo. Hindi ko naman masyadong nausisa kasi alam mo namang mahina ako sa mga ganyan," paliwanag ni Sasha. "Basta sabi lang ng babae ay ready na raw maoperahan si nanay. Ibalik na lang raw ito sa kanila agad pagkatapos mapirmahan para maasikaso na si nanay." Masyado kasi itong mahiyain at hindi magaling makipagusap sa mga tao. Madalas, sa tuwing mayroon itong gagawin ay nagpapasama pa ito sa kanya o kay Jessa. Inabot ni Sasha kay Crystal ang isang papel na may tatlong pahina na naka-stapler. Napakunot ang noo ni Crystal nang mabasa iyon. 'Waiver?' ani ni Crystal sa kanyang isipan. Nakasaad dito na binibigyan nila ng pahintulot na operahan ang kanilang ina. Sa ibang papel naman ay nakasaad din ang mga kinakailangan nilang pirmahan. Napamaang pa siya noong mabasa niya sa isang papel na 'fully paid' na raw ang bills ng kanilang ina.
"S-Sino ang nagbayad nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Crystal. Wala siyang maalala na nahingan nila ng tulong na nangakong sasagutin ang bill ng nanay niya. Sa katunayan ay kulang pa nga ang dala niya, thirty-five thousand lang ang nakalap nilang magkakapatid at bukas pa raw makakapagbigay ang iba. Gabi na siya nakabalik sa ospital dahil nga matapos niyang makaidlip ay naghanap na siya ng mga taong pwede nilang mahingan ng tulong. Nagpalit naman si Sasha at Jessa sa pagbabantay sa kanilang byenan.
"Maige pa tawagan mo sila kuya mo at tanungin mo kung meron ba silang alam dito," suhestyon ni Sasha.
"Sige ate. Pero pwede po ba na ikaw na ang tumawag sa kanila? Pupuntahan ko roon at itatanong kung sino ang tumulong sa atin."
Tumango si Sasha rito. "Sige, maige pa nga."
Naglakad na si Crystal papuntang billing station. Hindi mawala sa isipan niya ang taong tumulong sa kanila. Wala kasi talaga siyang maalala na pwedeng tumulong sa kanila. Bukod sa wala naman silang mayayaman na mga kamag-anak ay malabo ring magkaroon siya ng ganoong kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan kahit na alam niyang malaking tulong iyon para sa kanila.
"Ma'am! Napirmahan niyo na po?" Hindi pa nakakapagsalita si Crystal ay agad na siyang tinanong ng isang babae doon. Ito ang babaeng nagpaliwanag sa kanila kanina.
"Hindi pa po."
Kumunot ang noo nito. "Ha? Bakit? Kailangan na yan para maihanda na si Mommy," ani nito na nalilitong tiningnan si Crystal.
"Gusto po kasi muna naming makilala kung sino ang nagbayad ng bill ni nanay."
"Ahh sige... wait lang." Nilinga nito ang mga kasama niya. "Sino ba yung tumanggap ng bayad sa bill ni Mrs. Jimenez?" Nag-angat ng tingin ang isang lalaking nakaupo sa may table na malapit sa kanya.
"Itinawag lang iyon galing sa taas. Sabi ay ayusin na at ooperahan na raw siya," paliwanag nito na hindi inaalis ang tingin sa computer. Lalo naman itong ikinalito ni Crystal. Muling nagbalik ang tingin sa kanya ng babae.
"Oh, galing pala sa taas- sa mga boss na namin. Kaya hindi po naming masasabi kung sino ang tumulong sa inyo," ani nito. "Alam mo, mas maganda kung pirmahan mo na 'yan. Maraming mga tao rito na nahihirapan dahil sa mga bills. Halos lumuhod na sa amin kaso wala naman kaming magawa. Kaya ang swerte niyo na dahil merong hulog ng langit na tumulong sa inyo. Hindi n'yo na problema ang bill ng nanay n'yo."
Natahimik si Crystal at muling napatingin sa papel na hawak niya. 'Kung sino ka man, maraming salamat po rito. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.' Huminga muna siya ng malalim saka humingi ng ballpen sa kausap niya at pinirmahan ang papel. Alam niyang maling tanggapin agad ang tulong na iyon ngunit hindi na sila pwedeng mag-aksaya pa ng oras dahil buhay ng kanila ang nakasalalay. 'Kakausapin ko na lang sila kuya mamaya.' "Okay. May lalapit sa inyo mamaya. Ire-ready na namin si nanay niyo at ang magiging kwarto niya," sabi nito.
"Kung pwede po sana makausap namin kung sino man yung tumulong sa amin. Gusto ko po talagang magpasalamat sa kanya ng personal."
"Sige po ma'am. Sasabihin po namin."
Ngumiti muna si Crystal at saka nagpaalam sa kausap. Habang naglalakad siya pabalik sa hipag niya ay hindi mawala sa isipan niya ang taong tumulong sa kanila. Panatag na siya ngayon ngunit kung bibigyan ng pagkakataon na makilala niya ito ay gusto niya itong pasalamatan.
"Crystal Jimenez?" Natigilan si Crystal nang may tumawag sa kanya. Nagpalinga-linga pa muna siya sa paligid niya saka tumingin sa likod niya. Bumungad sa kanya ang isang lalaking nasa singkwenta anyos na ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang pagiging matikas. Napataas ang kilay niya nang makita ang lalaking nasa harapan niya. Hindi kasi ito mababakasan ng pagka-Pilipino kaya ang hinuha ni Crystal ay isa itong banyaga. Singkit ang mga mata nito at maputi ang balat nitong napaka kinis. "You are Crystal Jimenez, right?"
"Yes?" nagaalangang sagot ni Crystal. Ngumiti ito sa kanya.
"Can we talk please? I have something to offer for you." Iminuwestra nito ang dalawang kamay niya para mauna siyang maglakad.
Tiningnan ito ni Crystal mula ulo hanggang paa. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa ito nakadaupan ng palad kaya. "I'm sorry. I don't know you," tanggi ni Crystal at maglalakad na sana palayo.
"You want to know who helped you with your mother right?" ani nito na agad na kumuha ng atensyon ni Crystal. Hindi siya natuloy sa paglalakad niya at pinakatitigan ang lalaki.
Kunot ang noong pinagmasdan niya ito. 'Siya kaya ang tumulong sa amin? Sino siya?'
"Who are you? Do you know my mother?"
Umiling ang lalaki at ngumiti sa kanya. "I will explain everything to you in the car."
Napalunok si Crystal at huminga muna ng malalim. Nagisip pa muna siya saglit at tumango rito. "Okay," ani ni Crystal. Nagumpisa nang maglakad ang lalaki na agad namang sinundan ni Crystal. Tahimik lamang siya at nag iisip kung sino ba ang lalaking nasa harap niya.
Napamaang si Crystal nang tumigil sila sa harap ng isang black Lincoln Limousine. Tumanda na siya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at naunang pumasok si Crystal. "Wow!" mahinang usal ni Crystal nang makita ang loob. Pagpasok niya unang sumalubong sa kanya ang maliit na bar. Sa magkabilang gilid naman nito ay ang mahabang sofa na kulay abo. May harang sa may likod ng driver kaya hindi niya makita kung sino ang nasa manibela. Manghang-mangha si Crystal sa nakita niya sa loob. Para kasi itong umaandar na bar.
'Kung andito si Ynette pihadong tuwang tuwa ito.'
Umupo siya sa may kanang parte ng sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at umupo sa tapat niya. Muling inilibot ni Crystal ang paningin sa paligid. Tinted ang mga bintana nito kaya hindi mo makikita ang nasa loob. Bahagyang tumayo ang lalaki dahil meron siyang kinuhang bag sa ulunan nito.
Tumikhim muna ang lalaki at saka may kinuhang bag sa may ulunan nito. Napataas ang dalawang kilay ni Crystal nang mapagtantong mayroon din pa lang cabinet doon.
"I'm Joseph Park." Inilahad nito ang kamay niya kay Crystal na kanya namang tinanggap. "You want to know who helps your family right?" tanong ulit ni Joseph kay Crystal. Tumango lamang ang dalaga at naghintay sa sasabihin nito. "Actually, it's not me. Amo ko ang tumulong sa 'yo."
Hindi na ata mawala ang pagkamangha ni Crystal dahil sa lalaking nasa harapan niya. "Nakakapagsalita ka ng tagalog?" gulat na tanong ni Crystal.
Nakangiti itong tumango-tango. "Yes. I'm a half korean and Filipino. My mother is a Filipino," paliwanag nito. Nakahinga naman ng maluwag si Crystal at nahihiyang napatawa.
"Buti naman po. Hindi na ako mahihirapan pang makipagusap sa 'yo," pabirong sabi ni Crystal. "Anyway, kung hindi po ikaw at yung amo mo yung tumulong sa amin. Sino po siya?"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"He's... You will know in the right time."
"But-"
"Here." May inabot itong folder kay Crystal. "We have something to offer to you and we are hoping that you will accept it. Read this first and contact me here." Sunod nitong inabot ang calling card.
"Sino ang boss mo? Hindi mo ba pwedeng iexplain na lang sa akin?" nagtatakang tanong pa rin ni Crystal kay Joseph.
"You will know him in the right time." Ngumiti ito sa kanya. "I will wait for your answer until tomorrow," ani pa nito.
"Akala ko ba i-explain mo sa akin yung tungkol sa nangyari?"
"I will, if you accept the offer."
Medyo nakaramdam ng pagkairita si Crystal. 'Bakit di na lang niya sabihin 'no?' ani niya at pinakatitigan ang hawak niyang folder.
"We hope that you will think about it," ani nito at ngumiti sa kanya ng makahulugan. Napalunok si Crystal. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam na lang siya bigla ng kaba.
"O-Okay." Pinilit ni Crystal na ngumiti ito. Hindi na siya nagtagal pa sa loob ng kotse at nagpaalam na sa lalaki.
Hanggang sa makabalik siya sa ospital ay hindi na nawala sa isip niya yung sinabing in-offer sa kanya ng amo ni Joseph. Pakiramdam niya ngayon ay sinisingil na siya ng kung sino mang taong tumulong sa kanila. 'Sana naman hindi ko ikakamatay 'tong offer nila.'