The Job

Chapter 19



"I like you, Crystal."

Bumaliktad ng pwesto si Crystal at humarap sa kanan niya. Nakapikit pa rin siya. Pilit na hinihanap ang antok niya.

"I like you, Crystal."

Tumihiya naman siya ngayon. Isinaklob ang kumot niya sa kanyang mukha.

"I like you, Cryst-"

"Urgh!" Bumalikwas na ng upo si Crystal. Namumugay ang mga mata na meron ng kulay itim sa ilalim niyon. Tatlong gabi na siyang walang maayos na tulog dahil sa sinabi sa kanya ni Hanuel. Tatlong araw na niyang iniisip kung ano ba ang ibig sabihin nito dahil matapos nitong sabihin 'yon sa kanya ay umalis din ito kaagad kinabukasan.

Ni hindi nga niya ito na abutan kahit katabi niya ito matulog. Pagkagising niya ay wala na ito.

Kaya heto siya ngayon na iwan na walang humpay sa kaiisip kung ano ba ang ibig niyang iparating.

Naiinis na ginulo niya ang kanyang buhok at muling humiga. Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa side table. 4:33AM

Napabuntong hininga na lamang nang maisip na wala na naman siyang na itulog. "Haist! Lee Hanuel! Nakakainis ka!" naiinis na sabi niya saka tumayo at pumunta sa kusina. Hindi na niya mabilang kung pang ilang gatas na ang kinukuha niya ngayon para muling inumin.

Dumeretso siya sa terrace at hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Umupo siya sa hanging chair na andoon. Hugis luha iyon na naka sabit sa isang matigas na stand. Humigop muna siya ng mainit na gatas saka inilapag iyon sa lamesang malapit sa kanya.

Isinandig niya ang kanyang pagod na likod at tinanaw ang kabuuan ng Makati. Napaka ganda niyon tuwing mag uumaga pa lamang at sa tuwing gabi na. Mula nang tumira siya rito ay natutunan na niyang mahalin ang bukang liwayway at ang takip silim. Ang ganda pagmasdan ng pagiiba ng kulay ng kalangitan.

Muli siyang huminga ng malalim. Na isip niyang muli ang sinabi ni Hanuel. "Totoo kaya 'yon?" nagdududa niyang tanong sa sarili.

Pang ilang beses na rin ba niya iyon na itanong sa kanyang sarili? Hindi na rin niya alam.

Lalo tuloy siya naguluhan sa kanyang nararamdaman ngayon. Umpisa pa lang ay pina-intindi na sa kanya ni Hanuel na tanging trabaho lamang ang meron sila.

Papalabasin ni Crystal ang init ng katawan ni Hanuel at babayaran naman siya ng huli para dito.

Kaya kahit na alam niya sa kanyang sarili na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata ay pinigilan niya ang sarili niya.

Tapos ngayon ay sinabi nito na may gusto ito sa kanya. Kung kailang tinutuon na lang sana niya ang nararamdaman niya kay Bryan.

Para siyang batang nabitawan ng kanyang magulang sa gitna ng daan. Naliligaw at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Muling bumuntong hininga si Crystal. Magpapaalam na sana siya rito na gusto na niya ipawalang bisa ang kontratang meron sila pero bigla naman naging ganito. Bigla siyang nagdalawang isip na tumigil sa kanyang trabaho na meron kay Hanuel.

Muli siyang uminom ng gatas.

Gusto na niyang tumigil sa trabaho niya kay Hanuel dahil gusto na sana niyang bigyan ng tyansa ang sarili niya. Para kasi sa kanya ay wala siyang mapapala kung aasa lamang siya kay Hanuel. Kasi nga masyado itong sikat at hanggang ngayon ay dinadamdam niya ang sinabi ng binata sa kanya.

Tumingin siya sa langit na nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nakatitig lamang siya roon at iniisip ang damdamin niyang nalilito pa rin. Hanggang sa hindi na niya namalayan na bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan ng nakatulog. "Hey, bitch!"

Papasok na sana si Crystal sa loob ng building ng company na pinagta-trabahuan niya nang merong humarang sa kanyang limang babae. Lahat sila ay nakasuot na parang sa mga kpop girls. Mula sa buhok hanggang sa suot nitong sapatos ay parehas sa kanila. Pilipino sila pero ang postura nito ay parang sa mga koreana.

Lahat sila ang nakapamewang habang nakapalibot sa kanya. Hindi na sana niya papansinin kaso hindi siya pinadaan ng mga ito. At isa pa ay mukhang mga teenager's pa lang ang mga ito.

"Excuse me?" nakakunot-noong sabi ni Crystal sa babaeng nakataas ang kilay sa harapan niya.

"Don't you dare try stealing our Oppa!" hiyaw ng may kulay pulang buhok sa kanya at bahagya pa siyang itinulak.

Napamaang si Crystal at nalilitong tiningnan ito. "Ano?" Parang biglang nagtayuan ang buhok ni Crystal sa kanyang batok dahil sa tono ng pananalita nito.

"Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan lang?" Nanlalaki ang mga mata na sabi ng katabi nitong kulay asul naman ang buhok.

Napangisi si Crystal sa mga ito dahil hindi siya makapaniwala sa mga kinikilos nila. "Pwede ba mga ineng tumabi kayo sa dadaanan ko?" mataray niyang sabi na nakataas din ang kilay niya. Hindi na niya kaya pang magpigil dahil kung pamangkin niya ang mga ito ay pihadong nakatikim na sa kanya ng kurot sa singit.

Umikot lang ang mga mata ng kulay pula ang buhok at muli siyang sinamaan ng tingin.

"So nagyayabang ka na ngayon? Bakit? Dahil ba successful ba ang pagiging malandi mo?!"

Nagpantig ang kanyang mga tenga dahil sa sinabi nito. "Anong sabi mo?!" hindi makapaniwalang sabi niya. "Hindi ako pumapatol sa bata pero kapag hindi ka tumigil-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lamang ito humiyaw. Nagtingin tuloy ang mga nadaan sa kanila at mga katrabaho niyang papasok sa building. "Stay away from Lee Hanuel Oppa!"

Bigla siyang natigilan dahil sa binanggit niyang pangalan at bigla na lamang binundol ng kaba.

"Ayun! Ikaw 'to diba?!" hinaharap ng isang kulay dilaw ang buhok sa kanya ang cellphone nito.

Papasok sa isang building ang isang babaeng nakapulang bestida. Ang sunod naman na larawan ay papasok sa isang pinto. Kasunod ay paglabas ng isang lalaking naka puting T-shirt at ripped jeans. Hawak nito sa kanyang kamay ang itim na jacket, mask at sunglasses nito.

Napalunok si Crystal. Kahit kahit likod at kalahati lang ng mukha ng babae ang makikita sa picture ay hindi iyon maikakaila na siya iyon. At ang lalake naman ay malabo ang kuha pero kahawig nito si Hanuel. Malabo ang mga larawan pero alam niya sa sarili niya kung sino ang mga ito.

"Ano? Tatanggi ka pa?!"

Hindi siya nakapagsalita pa. Para siyang biglang na pipe dahil sa gulat. Kung kanina ay matapang niyang mahaharap ang lima ngunit ngayon ay nawala lahat ng tapang niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

'Saan nila nakuha ang picture na 'to?'

"Ang landi mo!"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang sasampalin siya ng kulay pula ang buhok. Kumurap-kurap pa siya at napapikit noong papalapit na ito sa mukha niya. Naigtad pa siya nang marinig niya ang tunog ng malakas na palo ngunit wala siyang sakit na naramdaman kaya nagmulat siya ng mata.

Bumungad sa kanya si Bryan sinalag ang kamay ng babae.

"Stop this or we will sue you!" maawtoridad nitong sabi. "Guard!"

Napasinghap ang lima nang marinig ang sinabi ni Bryan. Napalitan ng takot ang matataray nitong mukha. Muling tumingin sa kanyang ang mga babae at sinamaan siya ng tingin.

Nagsenyas pa ito binabantayan siya ng mga ito saka nagmamadaling umalis.

Nakahinga siya nang maluwag noong hindi na niya makita ang mga ito.

"Okay ka lang, Crystal?" nag-aalalang tanong ni Bryan sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

Naluluhang tiningnan ito ni Crytal. Pinagsaklop niya ang kanyang dalawang kamay noong makitang nanginig iyon.

'Paano nila nalaman?'

"Crystal?" tawag ni Bryan sa kanya. "Ano'ng nangyari? Sino ba 'yon?"

'Hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang tungkol doon!'

"S-sorry I have to go," paalam niya kay Bryan at saka tumalikod.

"Teka, Crystal!" tawag ulit nito sa kanya. Pipigilan sana siya nito pero sumakay na siya bigla sa pumarang taxi sa harapan niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.