The Job

Chapter 18



Matapos ang naging pag-uusap ni Hanuel at Crystal ay napagtanto ni Crystal kung hanggang saan lamang ang meron sila ng binata. Hindi dapat siya mag-isip ng higit pa rito. Masakit ngunit parausan lamang siya ng binata. Kaya pilit na tinanggap iyon ni Crystal hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Naging ganoon ang takbo ng kanilang mga buhay. Naging madali na rin para kay Crystal na kalimutan ang umuusbong na pagtingin niya rito dahil naging madalang ang pagpunta ni Hanuel sa pinas.

Nag-trending kasi siya noong nasa restaurant ito kaya na ungkat pa ang tungkol sa pagkatao niya. Nalaman ng ibang mga fans na meron pa lang mga negosyo ang binata sa pinas. Mga clubs, hotels at restaurant na siya ang nagmamay-ari. Kaya walang araw na walang maraming fans ang nag-aabang sa mga negosyong pagmamay-ari niya. Napag-desisyunan ng kanyang agency na hindi muna dapat pumunta si Hanuel. Nagpapasalamat na nga lang si Crystal na hindi nalalaman ng iba ang tungkol sa kanya. Kasi kapag magkataon ay magugulo ang tahimik niyang buhay. Ang malala ay pwede siyang ma-bash kapag malaman ng iba ang ugnayan nila.

"Dali! Kakanta na si Bryan!" kinikilig na sabi ni Ynette. Lumabas kasi muna sila sa venue ng party nila. Company anniversary kasi nila ngayon. Lahat sila na andoon ay nakaformal attire.

Si Crystal ay nakasuot ng pulang dress na may mahabang slit sa kanang hita. Abot iyon hanggang sa may talampakan niya kaya nagsuot siya ng itim na three inches heels. Nakalugay ang kinulot niyang buhok. Dahil sa kanonood niya sa youtube ay natuto na rin siyang mag-ayos ng sarili kaya hindi na siya nahirapan pa sa pag make-up. Nakakabili na rin kasi siya ng mga pang sarili niya ngayon nang hindi nakokonsensya sa gagastusin niya. May dala rin siyang gold na pouch kung saan doon nakalagay ang kanyang cellphone at mga card.

Si Ynette naman ay naka kulay biege na fitted dress. Hanggang itaas ito ng tuhod niya at kita ang likod. Nakasuot din ito ng kaparehas na kulay na heels na merong apat na pulgada. Parehas silang nakalugay ngunit ang kay Ynette ay straight. Nagmamadali na silang bumalik sa table nila para mapanood si Bryan na nasa stage ngayon.

"Gwapo naman! Whoo! Oppa!" tumili si Ynette. Natawa na lamang si Crystal at pinagmasdan ang binata. Napaka gwapo nga nito sa suot niyang midnight blue na tuxedo. Meron pa itong itim na ribbon sa may leeg niya. Bagay na bagay sa kanya ang gupit nito na naka side part.

Tumikhim si Bryan. "Hello everyone! Are you enjoying the night?" malambing na tanong ni Bryan. Naghiyawan namang ang mga tao bilang tugon sa binata. "Okay! Gusto ko sana kayong alayan ng isang kanta. Para kung meron mang mga inaantok diyan ay magising naman." Bahagyang nagtawanan ang mga tao.

Hindi inaalis ni Crystal ang kanyang tingin sa binata. Para siyang nadadala sa bawat pagkilos nito. Matapos ang kanilang 'date' noon ay palagi na nakabuntot sa kanya ang binata. Palagi na itong sumasama sa kanila tuwing lunch break. Palagi na rin siya nitong china-chat o tinetext. Aaminin niyang medyo lumalalim na ang paghangang nararamdaman niya para sa binata. Pinipigilan niya lang dahil meron pa siyang kontrata kay Hanuel.

"Itong kanta na 'to ay actually para sa isang tao." Inilibot ni Bryan ang paningin sa mga tao. Bahagya pang tumigil ito sa pagtingin nang magkatitigan sila ni Crystal. "She's here with us pero hindi ko na babanggitin pa kung sino." Bigla na lamang naghiyawan ang mga tao.

"OMG!" Kinikilig na sabi ni Ynette. Tinapik tapik na nito ang balikat ni Crystal. Napapangiwi na lamang si Crystal dahil sa ginagawa nito.

"This is for you. I know you are listening. I hope na malaman mo kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo.." Mahinang sabi ni Bryan. Nagpalakpakan ang mga tao at tumahimik na noong nag umpisa nang kumanta si Bryan. Napatikhim si Crystal at biglang nakaramdam ng pagkailang. Habang kumakanta kasi si Bryan ay panay ang sulyap nito sa kanila. At sa tuwing nangyayari iyon ay nagtatama ang paningin nila.

Hindi naman ito napapansin ni Ynette dahil nakapikit pa ito habang marahang gumagalaw pakanan at kaliwa kahit nakaupo lamang. Meron na rin mga magkasintahan na sumasayaw sa gitna.

Pinilit na ituon ni Crystal ang kanyang pansin sa pagkain na nasa harapan niya. Ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na tumingin kay Bryan. Muli ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakagat na lamang niya ang likod ng kanyang labi nang hindi iniwas ni Bryan ang kanyang tingin. Nakatitig lamang ito kay Crystal na para bang nangungusap.

'Kalma, Crystal!' Hiyaw niya sa kanyang isipan noong maramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya maalis ang tingin niya kay Bryan dahil nadadala siya rito. Alam niya sa sarili niyang unti-unti na rin siya nahuhulog dito. Pero hindi pwede- hindi pa pwede.

Hindi sa ganoong sitwasyon niya. Nalilito siya sa kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Dahil habang ninanamnam niya ang mga oras na iyon ay sumisingit sa kanyang balintataw ang imahe ni Hanuel. Ngunit pilit niya naman iyon winawaksi dahil mas lalong hindi sila nararapat ng binata.

Kung papapiliin si Crystal ay mas gugustuhin niya ang taong abot kamay niya kesa sa taong napakataas. Napakataas tapos iba pa ang tingin sa kanya. Napalunok si Crystal.

Malinaw na sa kanya ang ibig iparating ng ni Bryan. Kung bakit ito sobrang naging mabait sa kanya. Kung bakit palagi ito nasabay sa kanila. Palagi siya nito inilalabas. Mga pahaging nito. Sa mga oras na iyon ay malinaw na sa kanya kung ano ang ibig iparating nito.

Si Crystal na ang nag-iwas ng paningin noong matatapos na ang kanta nito. Tumungo siya at hindi maiwasang manlumo.

'Gustuhin niya pa rin kaya ako kapag malaman niya ang totoo?' Tanong ni Crystal sa kanyang sarili.

Hindi niya alam.

Matapos ang party ay isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa venue. Magkasabay si Ynette at Crystal na lumabas ng building na iyon. Medyo hilo na si Crystal dahil sa alak na kanyang ininom kanina.

Unang sumakay si Ynette na lasing na lasing na dahil sa naparami ang nainom nito. Pinasakay na niya ito sa taxi para maihatid na deretso sa kanila. Siya na lamang nang nagbayad at kinuha niya muna ang mga gamit nito dahil pihadong makakatulog ito.

Mahirap na.

Papasakay na sana siya ng taxi nang may tumawag sa kanya. Si Bryan. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba nang mapalapit na ito sa kanya.

"Cyrstal!" tawag nito sa kanya. "Hatid na kita?" tanong ni Bryan sa kanya na malaki ang ngiti.

"Ahh.. h'wag na. Magpahinga ka na," naiilang na tanggi ni Crystal dito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Sige na?" pamimilit ni Bryan.

"Malayo pa ako Bryan. Ano ka ba? Okay na ako. Magta-taxi naman ako eh."

Para namang nalungkot si Bryan dahil tumungo ito bigla. Nakokonsensya man si Crystal ay ayaw naman niya kasi malaman kung saan siya nakatuloy ngayon. Pihadong magtataka ito. At isa pa ay nahihiya pa siyang kausapin ito. Hindi niya kasi alam ang sasabihin kapag magtapat na ito sa kanya.

"Sige, pero ingat ka ha?" Malungkot nitong sabi. "Ako na magpara ng taxi." Sabi pa nito at humarap sa kalsada saka kumampay sa mga taxi na dumadaan.

Napakagat na lamang ng labi si Crystal. 'Hindi pa pwede, Bryan. I'm sorry..'

"D-Dito na ako," paalam ni Crystal sa binata noong may pumara na sa harap nila na taxi.

"Text mo ako ha kapag nakauwe kana?" ani nito.

Ngumiti siya rito at tumango.

"Goodnight, Bryan!"

Isinandig ni Crystal ang kanyang likod sa upuan ng taxi. Pinagmasdan niya si Bryan sa side mirror ng taxi. Nakatanaw lang ito sa sinasakyan niya. Napabuntong hininga si Crystal. 'Boyfriend material ka sana kaso.. Dapat ko ba itigil 'to?' Napailing siya.

'Pwede naman siguro?"

Wala pang kalahating oras ay nakauwe na rin si Crystal. Nahihilo man ay maayos naman siyang nakapanik sa bahay nila. Pagkabukas niya ng pinto ay halos mapalundag siya sa gulat.

Nasa may bukana kasi ng door entrance sa loob si Hanuel. Nakatayo ito habang nakasandig sa may dingding. Nakakrus ang dalawang kamay sa may dibdib at nakapikit.

Hindi kasi inaasahan ni Crystal ang paguwe nito. Noong mga nakaraan ay natawag ito sa kanya kapag uuwe dahil nga patago lamang ang pagpunta nito sa pinas kaya inaabisuhan muna siya nito. Ngayon kasi ay wala manlang itong text sa kanya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Idagdag pang madilim ang buong paligid maliban sa ilaw sa may pinto. Tapos nakasuot ito ng itim na jacket at pantalon kaya ganon na lamang ang gulat ni Crystal nang makita ito.

Hawak ang dibdib na huminga ng malalim si Crystal. Marahan niyang sinara ang pinto.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Crystal sa binata.

Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya. Malamlam ang mga mata nito kaya lalong naniningkit.

"Hindi ka manlang nagtext na uuwe ka pala. Nakakagulat ka naman," dagdag pa niya. Madadaanan niya na sana ito pero pinigilan siya nito.

"What took you so long?" mahina ang boses na sagot ni Hanuel. Pinagpatong nito ang dalawang kamay niya sa balikat ni Crystal.

Naamoy agad ni Crystal ang ininom nitong alak nang huminga ito. "Are you drunk?"

Wala sa sariling ngumiti si Hanuel sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha. Namumungay ang mga mata nito. "You're stunning," ani nito. Tug! Tug!

Napalunok si Crystal at napakagat ng labi. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay biglang nag-slow motion ang paligid.

"You just don't know how much you mean to me, Crystal." Bumaba ang tingin ni Hanuel sa kanyang mga labi at muling tumingin sa kanyang mga mata. "You make me go crazy. Did you know that?" Napamaang si Crystal dahil sa sunod nitong mga sinabi. Nahirapan pa siyang iproseso ang sinabi nito.

"H-Ha?"

Ngumiti lamang sa kanya si Hanuel at niyakap siya ng mahigpit.

"I like you, Crystal."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.