Chapter 20
Ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho si Crystal dahil palaging may mga fans ni Hanuel sa kanyang trabaho. Maging sa labas ng building ay hindi siya makalabas dahil meron din ditong naghihintay na mga fans. Pinagpapasalamat na lamang ni Crystal na hindi ginugulo ang pamilya niya sa Cavite.
Siya lang ang pinupuntirya ng mga ito.
Hindi kasi nila matanggap na merong isang Pinay na karelasyon daw si Hanuel. Iyon ang sabi sa internet. Ilang araw na siyang trending sa iba't ibang social media. Malandi. Gold Digger. Prostitute.
At kung ano-ano pa ang tawag sa kanya ng mga fans nito na hindi matanggap na 'Girlfriend' siya ni Hanuel.
Pakalat-kalat na rin ang picture niya sa social media at ginagawan ng kung ano-anong caption. Mapa-pinoy o taga-ibang bansa ay bina-bash siya. Lalong-lalo na ang mga Koreanong fans nito. Higit sa lahat ay sila ang hindi makatanggap kung bakit siya ang GF ng idolo nila.
Kaya wala nang nagawa pa si Crystal kundi ideactivate muna ang meron siyang social media account. Sanay naman siya na hindi gumagamit ng internet kaya hindi naman siya nahihirapan. Ang problema lamang ay maging sa tv ay binabalita na rin siya.
Meron naman ibang mga natutuwa kasi nagkagusto 'raw' sa kanya si Hanuel. Si Hanuel na isang sikat na tao at si Crsytal na isang normal na mamayan lang ng earth. Lalong-lalo na ang mga pinoy dahil nakakaproud daw. Dream come true raw ang nangyari sa kanya para sa mga fans nitong mababait at nakakaunawa.
Maging ang mga kakilala niya ay tuwang tuwa sa kanya. Pero syempre meron ding mga galit kagaya ng maraming fans.
Nagtataka sila kung ano ba raw ang meron sa kanya at nagustuhan daw siya ng isang Lee Hanuel. Iniisip pa nga nila na ginayuma niya raw ang binata. Natawa na lamang si Crystal sa tiyorya nilang iyon.
Tanghali na ng mga oras na iyon at oras na ng kainan kaya naman ay nagluto na si Crystal ng makakain niya. Maige na lang ay regular na merong nagdadala sa kanya ng grocery kaya kahit ata umabot ng isang taon na hindi siya makalabas ay hindi siya magugutom.
Kumuha siya ng naka-marinate na karne ng baboy sa ref at inilagay iyon sa malaking plato. Inihanda na niya ang oven dahil doon niya ito lulutuin. Pagkatapos um-init ng oven ay inilagay sa baking plate ang karne saka isinalang sa oven. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-alarm ng tatlong pung minuto. Pagkatapos niya doon ay kinuha naman niya ang kaldero ng rice cooker at nilagyan iyon ng bigas. Hinugasan, sinabawan at isinalang na sa rice cooker.
Pagkatapos ay umupo na siya sa sofa at muling binuksan ang tv. Hindi siya nanonood ngayon ng mga balita dahil palagi niyang nakikita ang mukha niya doon. Kaya naman ay puros pelikula sa netflix ang naging libangan niya ngayon. "Sweet Home.." Binasa niya ang description ng palabas na merong title na Sweet Home. Isa iyong Korean series.
Pinindot na rin niya ang play makalipas ng ilang sandali. Wala rin naman siya ibang mapapanood dahil halos lahat na ng Korean series na meron sa netflix ay napanood na niya. Inayos na niya ang kanyang upo at itinuon ang pansin sa pinapanood na palabas.
Sampung minuto pa lang ang tinatagal niya sa panood nang marinig niyang merong nagbubukas sa front door niya. Agad niyang kinuha ang remote para ipause ang pinapanood saka lumapit sa door entrance.
Bahagya pa siyang nakaramdam ng kaba dahil wala namang nasabi si Joseph noong nag-usap isa na pupunta ito sa kanya ngayong araw.
Tumayo si Crystal sa may door entrance at tiningnan kung sino ang dumating. Napalunok siya noong bumukas na ang pinto at awtomatikong bumukas ang ilaw doon. "Hanuel?" tawag niya sa lalaking pumasok.
Lumingon ito sa kanya na parang nagulat pa. Ngunit agad din iyon nawala dahil napalitan ng pag-aalala ng ekspresyon nito. Isinara niya ang pinto at ibinaba ang hawak na bag. Tinatlong hakbang niya ang pagitan sa kanilang dalawa at kinulong siya sa mga bisig nito.
"I'm sorry, Crystal. I'm sorry I'm late," ani nito at hinalikhalikan siya sa may ulo. "Promise I'll fix this. Everything will be okay don't worry." Mababakas ang sensiridad nito.
Para namang nanigas si Crystal sa ginawa ni Hanuel. At noong makarecover na siya ay unti-unti na lang nangilid ang kanyang mga luha. Biglang lumambot ang puso niya na ilang araw na niyang pinatatatag dahil sa nangyari. Lahat ng takot, sakit, at hinanakit niya ay bigla na lang lumabas noong mayakap niya si Hanuel.
Gumanti siya ng yakap sa binata at humagulhol.
Bukod sa kanyang pamilya ay wala na siyang ibang nakausap pa mula noong pumutok ang balita. Hindi naman niya pwedeng ipakitang nahihirapan siya at nasasaktan dahil sa mga sinasabi ng iba dahil pati sila ay panghihinaan ng loob. "Sshh.. I'm here now. Don't worry.." alo sa nito sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto sila magkayakap ni Hanuel pero biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Tumigil lang sila noong tumunog na ang alarm niya. Bumitaw siya saglit dito at pinuntahan ang niluluto niyang ulam.
Noong maayos na niya ay lumapit na siya kay Hanuel na nakaupo na sa sofa. Nakapatong ang mga siko nito sa hita niya at nakasaklob sa mukha ang mga palad. Rinig din ni Crystal ang pagbuntong hininga nito.
Tumabi si Crystal kay Hanuel. Agad na inayos ni Hanuel ang kanyang upo noong maramdaman ang presensya ni Crystal. "Hey," paos na sabi nito.
"Do you want to eat?" pag-aalok ni Crystal. Tinitigan ni Crystal ang mukha ng binata. Nangangalum-mata ito at lubog ang ilalim ng mga mata. Ngayon lang niya natitigan ang mukha nito. Ibang-ibang sa Hanuel na masigla at may buhay na napapanood niya sa mga TV shows. Ngayon para itong pinag-sakluban ng langit at lupa. "May problema ba?"
Umiwas ito ng tingin at umiling. "My management is working on the issue. They give a statement after a few days, so we have just to wait. I'm really sorry about what happened," sinserong saad nito.
Bahagyang ngumiti si Crystal. "It's okay. But, where did they get the pictures?" nagtatakang tanong niya. Masyado kasing palaisipan sa kanya ang bagay na ito. Ang pagkakaalam niya kasi ay masyadong mahigpit ang pamunuan ng building na tinitirihan nila dahil nga mga eksklusibong mga tao ang nakatira dito.
"Their staff. One of the girls who rushed to you has a cousin in this building. She knew my unit and saw you there entering," dismayado nitong sabi. "Joseph is already working on it. The management of this building will sue the girl and the staff who let the girl in."
Bahagyang na alarma si Crystal. "Ha? Sue agad?" gulat niyang tanong. Nalilito namang tumingin si Hanuel sa kanya.
"Why? Of course. People are accusing you now because of what they did. I'm okay because I'm a celebrity but you? I know how hard this for you."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Pero.. ang bata pa kasi n'on. Kawawa naman kung kakasuhan agad, diba?" Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Crystal. Oo nga't ang daming masasakit na salita ang natanggap niya. Nagkaroon ng iba't ibang bersyon ang kwento ng larawan at buhay niya. Namura at nabigyang ng mga death threats pero hindi naman niya kakayanin na merong masirang buhay nang dahil lang sa kanya. "Hindi naman niya kasalanan 'yon. Masyado ka lang niyang inidolo."
Napamaang si Hanuel sa sinabi ni Crystal. Nakita at nabasa niya kung ano ang mga masasakit na sinabi ng mga tao kay Crystal kaya hindi siya makapaniwala ngayon. Imbes na magalit ito ay mukhang nakikisimpatya pa ito sa kanila. "But.. look what happened to you now? You can't even go to your work, Crystal. If we will just let them go, they will just continue doing it. Again, and again."
Umiling si Crystal. "No, it's okay. Ayokong may makulong nang dahil lang dito. I will just talk to her. Kilala niyo naman sila, diba?"
Mariing tinitigan ni Hanuel ang dalaga. Tinitingnan niya kung meron siyang makikitang kahit konting bahid ng sama ng loob dito ngunit wala. Kitang kita sa mga mata nito ang sensiridad na nagpabilis ng tibok ng puso niya. "You.." sinapo ni Hanuel ang pisngi ni Crystal at ngumiti rito. "You really amazed me."
Napalunok si Crystal dahil sa sinabi nito. Muling bumalik sa kanyang balintataw ang sinabi nito noong umuwe siya galing sa party nila. Naramdaman niya na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata nitong nangungusap. Pinilit na ngumiti ni Crystal.
"A-Ano ka ba? Konsensya ko naman kasi kapag hinayaan kong mangyari 'yon."
Napakislot siya noong ginalaw ni Hanuel ang hinlalaki nito at hinaplos ang kanyang baba. Nagbigay iyon ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Para siyang kinukuryente sa ginagawa nito. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata noong makita niyong unti-unting bumaba ang mukha ni Hanuel.
"L-Lalamig na 'yong niluto ko!" Biglang tumayo si Crystal. "Kain tayo?" nakangiwing alok niya kay Hanuel. Ngunit hindi na niya pinagsalita pa ang binata at agad itong hinila papunta sa hapag kainan. Napapangiting umiling-iling na lamang si Hanuel at nagpatihila sa dalaga.