The Billionaire's Prize Wife

Chapter 56



MAGKASUNOD na dumating sa harapan ng Shangri-la Hotel ang kotseng kinalululanan ni Harry at ng kaniyang pamilya. Kasama ni Harry ang buong pamilya sa pagdalo ng awarding night ng People's Choice Award, maliban kay Jemima. Tila mga modelo ng damit ang buong pamilya Sy sa suot nilang formal attire. Bagay na bagay sa kanila ang Hollywood Glamour themed nilang suot. Pawang naka black suit and black tie ang magkakapatid habang naka vintage suit ang kanilang ama at may metallic colored tie. Si Benita naman ay tila nabawasan ang kaniyang edad sa kaniyang suot na vivid yellow metallic color na full length gown. Accentuated pa ito ng emerald stones to match its golden color. Napaka elegante nilang tingnan sa kanilang pustura.

Agad namang pinagkaguluhan ng mga reporter ang pamilya Sy, lalo na si Harry. Matapos nilang kuhanan ng larawan ang pamilya ay humakbang na sina Harry patungo ng entrance ng hotel.

"Mr. Sy, we have a question for you!"

Ngiti at kaway lang ang isinagot ni Harry sa reporter, at inalalayan niya sa paglalakad papasok ng hotel ang kaniyang ina. Sa kabilang kamay naman ng kaniyang ina nakaalalay si Cholo, habang kasunod nila sa paghakbang sina Daniel at Samuel Sy.

Nakita naman nila sa loob si Allan Te. Agad na nagmano si Harry sa biyenan. Hindi na bago sa kaniya ang magmano rito dahil ginagawa niya ito noong bata pa siya. Magkatabing naupo sina Allan at Samuel. Katabi naman ni Samuel si Benita at ang mga anak nila.

Tahimik ang pamilya habang pinanonood ang programa na kasisimula pa lang. Bagama't alam na ni Harry ang standing ng kumpanya sa nasabing awards night ay tahimik pa rin siyang nananalangin sa kaniyang isipan. Nakarating kasi sa kaniyang kaalaman na possible pa rin itong mabago sa last minute, lalo na kung mahaluan ng schemy tactics ng mga pulitiko at gang lords na gustong maghari-harian sa business world. "And the People's Choice Award goes to Good Era Rubber and Tire Company!"

Iyon ang pinakahihintay niyang marinig. Nakahinga na siya nang maluwag. Kasabay ng masigabong palakpakan ay ang pagluwang ng kaniyang ngiti. Sinamahan niya sa pag-akyat ng stage si Samuel Sy. Ang kaniyang ama ang nagbigay ng speech bilang pasasalamat sa organizers ng People's Choice Award. Pinuri rin nito ang mga naging karibal sa nasabing Award. Habang nagsasalita ang kaniyang ama ay hindi niya naiwasang malungkot dahil wala sa importanteng gabi na ito ang kaniyang asawa.

Sa hulihan ng speech nito ay pinasalamatan ni Samuel ang kaniyang anak na si Harry sa ginawa nitong pagsusumikap para sa kumpanya. Hinarap nito si Harry at saka binigkas sa anak ang, "I am proud of you, son!" Ang mga katagang iyon ng ama ay labis na nagpasaya kay Harry. Hindi niya inakalang maririnig pa niya iyon mula sa kaniyang ama. Buong buhay niya ay inakala niyang laging hindi sapat para sa kaniyang ama ang kaniyang ginagawa. Inakala niyang hindi siya nito naa- appreciate.

Hindi natapos ang awards night na hindi kinulit si Harry ng reporters.

"Harry Sy, where is your wife? Did you end your relationship with your Filipina wife?"

"Is your marriage on the rocks?"

"Rumor says that your wife is now a model in the Philippines, and she's dating somebody new. Is it true?"

Nagtiim ng bagang si Harry sa klase ng mga tanong na ipinukol sa kaniya. Pinili niyang sagutin ang huli. "Like what you said, it is a rumor. Things like that have nothing to do with our business, nor to our family. Thank you for understanding." Sinikap niyang maging magalang ang pag-exit niya sa harap ng reporters na gusto pa sanang magtanong sa kaniya.

Agad naman siyang tinabihan ng mga kapatid. Sabay silang lumabas ng building. Sinundan nila ang mga magulang.

Sa ibang hotel nila piniling i- celebrate ang pagtanggap nila ng nasabing award. Sa top floor ng napili nilang hotel ay naghihintay na sa kanila in anticipation sa pagkapanalo sa nasabing award ang top ranking officers ng kumpanya. Pagbungad nilang pamilya sa venue ng celebration kasama si Allan Te ay sinalubong sila ng masayang palakpakan ng mga loyal na empleyado ng Good Era Rubber and Tire Company. Tuwang-tuwa namang nagpasalamat si Samuel Sy sa mga dumalo sa celebration. "Let's keep our scores high, and our feet on the ground. So we would know what's coming." Kitang-kita naman sa kaniya ang ngiting tagumpay. Hinarap niya si Allan at itinaas niya ang Kopitar ng anak. "Thank you, my friend! You're a great addition to this company."

Nakangiti namang tumango si Allan sa kaibigan.

"Cheers!" Sumagot din ng "cheers" kay Samuel ang mga kasama.

Bumuhos ng mamahaling alak sa celebration.

Nilapitan naman si Benita ng mga babae. Pinuri siya ng mga ito.

Habang nakikipag-usap sa mga kaharap ay nagpasulyap-sulyap naman si Samuel sa asawa. Buong paghanga niya itong pinupukulan ng tingin.

Napansin naman ni Harry ang ginagawa ng kaniyang ama. Masaya siya para sa mga magulang niya. Pero may lungkot na humaplos sa kaniyang puso.

Sa gayung kalungkutan siya napansin ng dalawa niyang kapatid. Agad silang lumapit sa kaniya. Tinapik siya sa balikat ni Daniel. "Hey, brother, you were great for doing the great escape."

Natawa naman ng bahagya si Harry sa tinutukoy ng kapatid. "I couldn't  do it successfully without you, two."

"Well, that's what brothers are for" maagap namang sagot ni Cholo kay Harry. "If you want us, we're just a phone call away."

Nakuha naman ni Harry ang tinutukoy ng mga kapatid. Napangiti siya. Naisip niya, wala nga siyang maituturing na best friend na kagaya ng mga magulang nila at mga magulang nina Jemima, pero may mga kapatid naman siyang maaasahan at loyal sa kaniya. Ang mga kapatid niyang ito ay mga kadugo niyang hindi siya ilalaglag kahit kailan.

Tinapos muna nila ang celebration bago sila nagpuntang tatlo sa condominium unit ni Harry. Nagdala sila ng alak. Kung gaano sila kapormal sa pag-istima sa mga empleyado kanina, baliktad naman ngayon. Dahil tipsy na, pero gusto pa nilang ituloy ang inuman, halos pasalampak na umupo sa sahig si Cholo habang nakaupo naman sa couch ang mga kuya niya.

Tuloy-tuloy ang pagtagay ng alak ng tatlo.

"Your unit is cozy. It's nice to sleep here," ang unang napansin ni Cholo sa itsura ng lugar ni Harry.

"I don't want to sleep yet."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Tumango naman si Cholo sa panganay na kapatid. Nahalata niyang pareho na silang tipsy. "Yes, don't sleep yet. Let's kill our time here. We can talk about many things tonight. We can be wasted. Nobody will care. Nobody will call. Everything's in control," aniya na may pagyayabang sa kuya. Sa totoo lang ay sinabihan niya si Cohen na huwag muna silang hanaping magkapatid dahil magba-bonding sila.

Ngumiti naman si Harry sa huling sinabi ng bunso. "I'm glad that you're here, guys."

"We're glad that we're here, too."

Tumayo naman si Daniel para kunin ang remote control ng television. "Let's watch some news."

Tiyempo namang ipinakita sa news ang tungkol sa mga kaganapan sa nangyaring awarding. Napangiti sila habang nakikita nila sa monitor ang kanilang ina. "She's so gorgeous!"

Agad namang sumang-ayon kay Daniel ang mga kapatid.

"She could be a model or a moviestar," ani Cholo na proud sa kagandahan ng kaniyang ina.

"No wonder the old man got so jealous. Tsk."

Napatingin naman si Harry sa mukha ni Daniel dahil sa tinuran nito. Wala naman siyang nakitang bahid ng galit sa mukha ng kapatid. Ah, siguro ay siya ang lubhang naapektuhan ng mga pangyayari.

Muli nilang pinakinggan ang speech ng kanilang ama sa harap ng television. Nang matapos ito ay tinapik siya sa balikat ni Daniel. "I'm proud of you, too."

"Yeah. Me, too," dugtong naman ni Cholo. "We all do."

"Thank you, guys. I don't want to wait for any particular moment to tell you that I'm proud of you, too."

"We're here for you, bro." At ininom niya ang hawak na alak.

"I'm glad that I got brothers like you," ang sagot niya kay Daniel bago muling tumungga ng alak.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Saglit silang natahimik.

"If Chester has stayed, he could be celebrating with us now," ani Cholo sa dalawa.

Naalala nila ang pinsang naulila na walang kaibigan, at walang kapatid.

"Yes. He could have," ani Harry. Somehow ay may lungkot siyang nadarama para sa pinsan. "But he made his choice. Let's just wish him luck."

"And happiness," dugtong naman ni Daniel sa tinuran ni Harry. "I sincerely wish for him to have someone who would stick with him, bro."

Tumango-tango naman si Harry. "Maybe we should invite him someday."

"Why not? I've heard that he's in town. We could paint the town red tonight. Are you still up for it?" Inobserbahan ni Daniel kung kaya pang lumabas ng mga kapatid. "Yes. Tonight's our night!" Tumayo na si Harry at niyayang tumayo na rin si Cholo.

Akmang io-off na ni Daniel ang television ay nakita nilang isinalang ang advertisement ng products ni Vince Schuck na minomodelo ni Jemima. Napatda silang tatlo. "So, it's international," ani Daniel.

Hindi naman nakasagot si Harry. Nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ni Jemima sa television.

Nang hindi pa rin kumikilos si Harry kahit tapos nang ipalabas ang television commercial ay tinapik siya sa balikat ng mga kapatid.

"I hope we're  enough to keep you up tonight, bro."

Pilit ang ngiting tinungo ni Harry ang pinto. "I guess we're hunters tonight."

Nagkatinginang sinundan ng dalawa ang panganay.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.