The Billionaire's Prize Wife

Chapter 57



TINUNGO ng magkapatid ang isang bar hindi kalayuan sa condominium unit ni Harry. Pinili nila ito dahil hindi ito matao.

Puro mamahaling alak ang pinagpilian nilang inumin.

"What would you like?" tanong ni Daniel sa kanila.

"I bet, bro would like to scream," ang sagot naman ni Cholo.

Natatawang pinili ni Daniel ang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon. Hindi ito ang madalas nilang iniinom, pero nagkasundo silang ito ang pagsaluhan nila ngayong gabi.

Nanatili namang tahimik lang na nakaupo si Harry. Nagpatiayon lang siya sa gusto ng mga kapatid niya. Wala namang hinahanap na particular na lasa ng alak ang lalamunan niya kaya ayos lang sa kaniya kung alin ang mapili ng mga kapatid. Ang mahalaga ay kasama niya ang mga ito ngayon.

Habang nagsasalin sila ng alak sa baso para sa pangatlong round ay siya namang pagdating ni Chester.

"So, this is how you celebrate?" umiling-iling niyang bungad mula sa likuran ng tatlong pinsan.

"Chester!" pinaupo ni Daniel ang pinsan sa tabi niya. "You're late." Sinalinan niya ito ng alak sa baso nito. "Now, it's your time to shine."

Uminom naman agad ng alak si Chester. "I thought you told me about painting the town red. But there's just three tipsy musketeers here. So, where's the red?"

Natawa naman ang tatlo sa pasaring ng pinsan. Nagpatuloy sila sa pag-inom at kumustahan.

"Are you planning to stay here for good?" Salitan silang dalawa ng bunsong kapatid sa pagpukol ng mga tanong kay Chester. Nanatili lang kasing tahimik si Harry. Pangiti-ngiti lang sa kanila habang umiinom ng alak.

"I don't know. No definite plans yet." Tiningnan niya sa mukha si Harry. "Maybe I will fall in love and get drunk before I'd start to settle."

Natawa naman ang magkapatid sa isinagot ng pinsan.

"Do you need somebody? You're strong enough to stand against tides." Mula kay Chester ay inilipat ni Cholo ang paningin kay Harry na kasalukuyang nakatingin lang sa baso nito. "I mean, do you want a kryptonite?" "Every person needs a kryptonite to be more human, I guess." At muli niyang pinukulan ng tingin si Harry. "Can we at least be merry? We're celebrating, aren't we?"

Dahil sa sinabi ng pinsan ay nagpasya silang lumipat ng upuan. Tinungo nila ang isang pulang sofa.

"Well, it's red," natatawa niyang sabi sa mga pinsan. Nagpingkian sila ng mga baso.

"Cheers!" sabay nilang sambit.

"Let's paint the town r-"

"Harry?"

Hindi na naituloy ni Cholo ang sasabihin dahil sa paglapit sa kanila ni Ivana Smith. "Harry, it's you!"

"Ivana!"

Agad na bumeso kay Harry si Ivana at tumabi ng upon kay Harry.

"HI, guys!" bati niya sa mga kapatid at pinsan ni Harry.

"HI, Ivana!" ang pagbati naman sa kaniya ni Cholo.

Ngumiti lang sa kaniya sina Daniel at Chester.

"I saw you on TV!" At muli niyang kinausap ang mga kaharap. "Congratulations, guys! Your company deserve it!"

"Thank you!" Kinamayan naman nila si Ivana.

"So, you're here to celebrate?"

"You guessed it right," masaya namang sagot ni Cholo, at sinenyasan nito ang waiter para bigyan ng baso ang babae. Tinagayan naman niya agad ito.

"To your wins!" Itinaas ni Ivaba ang may lamang baso.

"To our wins!" ang sagot naman ng mga lalaki.

Sabay silang lumagok.

"Oh, I'm glad I decided to unwind."

"And we're glad to have you here," ang maagap namang sambit ni Daniel. "Are you here alone or you're expecting somebody?"

"My man will meet me here." Matamis niyang nginitian si Harry. "You wouldn't guess who's my beau."

"You're right," ang payak na sagot ni Harry sa babae.

"I never thought that I would meet a man like him. All my life, I thought that there's no such man," kinikilig niyang pagkukuwento sa mga kaharap. Bigla siyang nakaramdam ng awkwardness sa sinabi niya kaya hinarap niya si Harry. "No intention to hurt you, but we were two people who met in one place and decided to meet again." Muli niyang hinarap ang ibang mga kainuman. "But with Vince, it's different. I finally found the love that I've wanted!"

Napatingin naman sa mukha ng babae si Harry. "I'm happy for you, Ivana!"

Ngumiti siya ng matamis. "I know. I'm happy for you, too."

Muling itinaas ni Harry ang baso ng alak. "Cheers for your happiness!"

"For our happiness!" pagtatama naman ni Ivana sa sinabi ni Harry.

Muli, sabay silang lumagok ng alak.

Habang nasa kasarapan sila ng inuman ay may namataang dumating si Ivana. Agad niyang tinawag ang lalaki.

"Darling!... Here!..."

Narinig naman siya ni Vince Schuck at nilapitan sila nito.

"Harry Sy!" ang bating bungad ni Vince kay Harry.

"You know each other?" nagtataka namang tanong ni Cholo sa kapatid.

"I'm Vince Schuck. Your wife is working with me now." "Nice meeting you, Vince! Thank you for taking care of my wife." At nagkamay silang dalawa.

Tumayo na si Ivana. "We'll leave you here, guys. We have to go somewhere." At umabrisiyete na siya sa kaniyang boyfriend. Pero kumawala siya rito at niyakap si Harry. "I'm really glad that we're both in love now." Sinagot naman niya ng yakap ang babae. "You deserve to be happy, Ivana."

Muling umabrisiyete sa kaniyang boyfriend ang babae. Tuluyan na silang nagpaalam sa grupo. "Enjoy!"

"You, too." Inihatid pa niya ng tingin ang dalawa. Totoo naman sa kalooban niya ang sinabi niyang maligaya siya para rito.

"So there's your paint. It became colorless," panunukso naman ni Cholo sa kuya niya. Tinawanan lang siya ni Harry.

"I prefer spending this night with just you, guys. I'm truly happy having you here."

Itinaas naman nila ang kanilang baso sa sinabi ni Harry.

SAMANTALA, hindi naman mapakali si Jemima mula nang napanood niya sa television ang tungkol sa nangyaring awarding night. Nakita niya sa monitor ang gwapong-guwapong mukha ni Harry, pero nahalata niya na malungkot ang asawa. Habang pinanonood niya ito ay tila may dumagan sa dibdib niya. Hindi niya naging intensyon ang palungkutin si Harry. Ang gusto lang naman niya ay magtagumpay ito bilang negosyante.

Kanina pa siya nakaupo sa kama niya pero tila wala siya sa sarili. Tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha. Nadismaya siya nang makitang notification lang pala mula sa network provider ang dumating na text message. Akala pa naman niya ay si Harry ang nagpadala ng text message. 'Kumusta ka na, asawa ko?'

Hindi na kasi nakipag- communicate sa kaniya si Harry mula nang bumalik ito ng Singapore. Hindi rin niya ito masisisi. Nasaktan niya ang asawa. Alam niyang nainsulto ito pero pinili niyang hayaan na lang muna na ganoon ang isipin ng lalaki. Napatingin siya sa aparador. Tiningnan niya ang mga damit. Panahon na ba para sundan niya ang asawa? Pero malaki na ang kaniyang tiyan. Baka hindi na siya payagang bumiyahe ng airlines. Naramdaman niya ang paglikot ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Nahaplos niya tuloy ang kaniyang tiyan. "Do you miss your daddy, baby?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Tunog ng pagkatok sa pinto ang narinig ni Jemima. Bukas naman ang pinto kaya bumungad na si Melinda.

"Ate, panoorin natin ang news, dali! Parang si kuya iyong ipinakita kanina."

Agad namang tinungo nila ang harap ng television.

Tiyempo namang isinalang ang balita tungkol kay Harry. Napahaplos sa dibdib si Jemima nang marinig at mabasa ang caption ng balita: "Isang matagumpay na businessman at isang sikat na modelo, nagkabalikan na?" Ipinakita ang video ng yakapan nina Harry Sy at ni Ivana Smith bago ang video na magkatabi sina Harry at Ivana sa harap ng bar.

Masakit para kay Jemima ang isiping pinagtataksilan siya ng kaniyang asawa. Hindi naman niya kasi alam na ang yakapang iyon ng dalawa ay pamamaalam iyon ni Ivana. Siyempre, wala siya sa pangyayari. Naglaglagan ang mga luha sa mga mata ni Jemima.

"Ate, cool ka lang. Alamin muna natin kay kuya Harry kung ano iyon."

"Ginusto ko lang namang bigyan siya ng space! Pero bakit kung umasta siya ay parang hiwalay na kami?" Ibinato niya ang throw pillows na nasa sofa. Gusto niyang magwala dahil sa pagsikip ng kaniyang dibdib.

"Ate, huwag kang masyadong umiyak, baka mapaano ka!"

She paused. Sumakit kasi ang tiyan niya. "M-masakit!... call a doctor! Tanungin mo sa information desk."

"O-oo, ate!" Natataranta namang tumawag sa intercon si Melinda.

"Hello, may doctor po bang available? Manganganak na po yata ang pinsan ko." Ilang seconds din niyang pinakinggan ang sagot ng kausap sa kabilang linya. "May emergency po sa kabilang building? Sige po, susunduin ko na lang siya." Agad niyang tinungo ang pinto. "Ate, wait ka lang, susunduin ko lang ang doktor!" Hindi na niya hinintay na sumagot ang pinsan.

Hindi naman mapakali si Jemima. "Harry, manganganak yata ako na wala ka!" Dumanguyngoy na siya.

Nang mahimasmasan sa pag-iyak ay tinungo niya ang elevator. Wala na siyang balak na hintayin pa ang pagbabalik ni Melinda.

Tiyempong paglabas niya ng building ay may nag park ng motorcycle malapit sa kaniya. Saglit niyang tiningnan ang may-ari na nagmamadali namang pumasok ng building. Nakita niyang nakakabit lang ang susi. Sumakay siya sa motorcycle. "Sorry, emergency," ang bulong niya sa hangin habang hilam ang mata sa luha.

Nakita naman ni Melinda ang pinsan na sinakyan at ginamit ang motorcycle. "Ate? Oh, my God!" Agad niya itong hinabol.

Kasunod niyang humahabol kay Jemima ang may-ari ng motorcycle. "Carnapper! Hoy!"

Dahil hilam ang mga mata ng luha, hindi niya napansin ang pagdating ng isang van.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.