The Billionaire's Prize Wife

Chapter 55



MULA sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Jemima. Napangiti siya nang pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang nakahiga sa kaniyang tabi si Harry. Magkaharap sila, at magkayakap.

Naaamoy niya ang hininga ng natutulog niyang asawa. Guwapong-guwapo pa rin si Harry kahit na medyo na-haggard ang itsura nito. Stress na yata ang kinakain nito araw-araw.

Madaling-araw pa lang, kaya maingat siyang kumilos. Ayaw man niyang gawin ito, pero naisip niyang baka kailangan niyang mag-usisa. Hindi namalayan ni Harry ang paglabas niya ng kuwarto dahil patingkayad siyang humakbang. Tinawagan niya ang taong inaasahan niyang hindi siya pagkakaitan ng impormasyon.

"Yes, he is badly needed here. They can't fix the problem."

Ikinalungkot naman ni Jemima ang narinig mula sa kausap. Nalaman pa niya na may transaksyon itong nalagay sa alanganin dahil sa biglaang pagpunta ni Harry sa Pilipinas. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang tatagan ang sarili sa naisip na decision.

Binalikan niya sa kama ang asawa. Muli niya itong pinagmasdan. Nakaramdam siya ng kirot sa puso sa isiping hindi na naman niya ito makakapiling. Ayaw niyang mapalayo kay Harry.

Niyakap niya ito. Tila nagising nang bahagya ang lalaki. Niyakap din siya nito. Ayaw nang dalawin ng antok si Jemima. Ninamnam na lang niya ang bawat sandaling kapiling niya ang asawa. Inamoy-amoy niya ang hininga nito. Dinama niya sa kaniyang mga palad ang makinis na balat ni Harry, at ang katigasan ng lean body ng lalaki. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. Parang modelo ng skin care products ang kakinisan ng mukha ni Harry. Tama lang sa hugis ng kaniyang mukha ang katangusan ng kaniyang ilong. May konting kakapalan ang mga kilay nito, bagay lang din sa hugis ng mga mata niya. Hindi masyadong malapad ang noo ng lalaki, at malago ang hibla ng kaniyang buhok. At ang kaniyang mga labi... napatitig doon ng matagal ang babae. Buhay na buhay pa sa kaniyang alaala ang mga halikang naganap sa pagitan nilang mag-asawa. Maalab ang mga halik ni Harry sa kaniya kagabi. Parang nakalimutan nilang may kasama sila sa condominium unit na ito.

Si Melinda nga pala. Ano kaya ang masasabi nito sa kaniya? Narinig kaya sila niyon kagabi?

Paglabas niya ng kuwarto ay nakangiting binati siya ni Melinda habang nagtitimpla ito ng kape.

"O, gising ka na? Parang 'di ka napagod, ah!"

Pakiramdam niya ay nag blush siya dahil sa panunukso ng pinsan. "Good morning!"

Natawa naman siya sa pagba-blush ni Jemima kaya eksaherada ang tono ng pagbalik niya ng pagbati rito.

"Good morning, too! So, ikaw pa lang ang gising? Tibay ng pinsan ko, ah!" Kinilig siya sa 7katutukso niya sa pinsan niya.

Lalo namang pinamulahan ng mukha si Jemima. "Huwag ka ngang maingay!" Halos pabulong ang pagsaway niya sa pinsan. "Baka tayo marinig sa kabila." Alam naman niyang naka sound proof ang unit nila. Gusto lang talaga niyang patigilin ang pinsan sa panunukso nito sa kariya.

"Kung makasaway ka sa akin, parang 'di ka umungol nang umungol kagabi, a!" Para siyang kinikiliti nang makitang lalo pang namula ang mukha ni Jemima habang nanlalaki ang mga mata nito at napaawang ang bibig dahil sa sinabi niya. "Narinig mo iyon?" Nakaramdam siya ng sobrang pagkapahiya sa pinsan. Baka kung ano-ano pa ang narinig nito kagabi." Narinig kaya iyon ng neighbors natin?"

"Malay ko! Siguro." Sumakit na ang tiyan niya sa kapipigil ng pagtawa. Wala naman kasi siyang narinig na kahit anong ingay mula sa kuwarto ni Jemima. Ang totoo ay sumama siyang mag night out sa friends niya kagabi, at kauuwi niya lang. Sinadya niyang bigyan ng privacy ang mag-asawa.

"Oh, my! Ano na lang ang sasabihin ng mga nasa building na 'to!" Na-imagine pa ni Jemima na pati ang management ay makaalam rin na maingay siyang nakipag-ulayaw sa asawa niya kagabi. "I kennat!" Ang halos pabulong na tuksuhan ay nauwi sa tawanan. Sa ganitong tagpo sila nadatnan ng bagong gising na si Harry. "Good morning!"

Biglang nag about face naman Kay Harry ang dalawa, parang nahuli sa paggawa ng kasalanan.

"What's with your faces?" Hindi man niya sigurado ay parang alam na niya kung tungkol saan ang topic ng dalawa. Ngumiti siya. "My wife, can we have some chicken soup?" "Chicken soup!" Sabay pang sabi ng magpinsan. Sabay din silang tumango.

"Magluto ka."

"Pero ikaw ang mas masarap magluto ng chicken soup," apila ni Jemima sa pinsan.

"My wife daw, 'di ba. Ikaw iyon."

Habang nagluluto si Jemima ay inasistihan naman siya ni Melinda. Pero hinihiritan niya ng panunukso ang pinsan tuwing hindi nakatingin sa kanila si Harry.

"Sarapan mo, ate, ha," bulong niya kay Jemima. "Tutal nasarapan ka na kagabi."

Pinandilatan namang sinaway ni Jemima ang pinsan kahit na kinikilig din siya sa sinabi nito. "Ikaw, ha, kung ano-ano na ang natututunan mo. Ipapa back to baracks kita niyan!" Pawisan silang tatlo sa paghigop ng sabaw at pagkain ng masarap na putahe.

"It's so yummy!" Laki ng pagkakangiti niya sa asawa. Nag thumbs up din siya kay Melinda. "Thank you for this. It's a good start of the day, isn't it?"

"Yes. Here, we start good and end good. So we're happy together. Di ba, ate?"

"Yes." Pinunasan naman ni Jemima ang mga pawis ni Harry sa noo at Ilong nito. Nagpasalamat naman sa kaniya ang lalaki.

Habang iniimis nila ang mga pinagkanan ay itinuloy na naman ni Melinda ang panunukso sa pinsan. "Ate, ga-munggo ang pawis ng asawa mo habang kumakain, a!" "Masarap daw kasi."

"Ginalingan mo kasi sa pagluto. Hmm...just like last night?"

Magkahalong pan lalaki ng mata at pan lalaki ng mga betas ng ilong na sinaway ni Jemima ang nanunuksong pinsan. "May ganyan ja nang nalalaman, ha!" Natatawa siya dahil adult na naman ang sinasaway niyang pinsan. "Kababasa mo iyan ng Wattpad, 'no?"

"May Good Novel na rin ngayon, ate. Kasama ni Julia doon sina Covey Pens, Grecia Reina, at Rian. Pagpapawisan ka sa mababasa mo sa mga kuwento nila, tih! Hahaha!" "Ay, pabasa nga!"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Sige, bibigyan kita ng link." Kinilig pa siya habang nagpalipat-lipat ng tingin kay Harry at kay Jemima. "Magdi-date iyan. Badawi si madam." "Melinda!"

"Aray! Dahan-dahan naman sa pangalan ko, 'te. Ang saya mo pa naman ngayon." Iniwan niya ang pinsan habang pinipigilan naman ng bunting ang matawa sa panunukso niya.

Naiwan naman si Jemima na pailing-iling. Dating ay napakahinhin ng pinsan niya. Foul words sa kaniya noon ang mga salitang may kinalaman sa sex. Nagbabago nga naman ang tao. Nagkibit balikat na lang siya.

Bumalik sa kaniyang isipan ang bagay na pinoproblema niya. Napahaplos siya sa dibdib, kapagkuwa'y sa kaniyang tiyan. Nakaramdam siya ng malakas na kaba. Tila binabalot ang katawan niya ng nerbiyos.

Napalingon siya kay Harry. Abala ang asawa niya sa harap ng laptop nito. Ni wala itong hint sa pinaplano niya. Nakaramdam siya ng lungkot, at awa sa asawa.

....

KAILANGAN na nilang mag-usap nang masinsinan. Sinikap ni Jemima na maging kalmado sa harap ni Harry.

"What is it?" Tumabi siya ng pagkakaupo sa babae. Gandang-ganda siya sa pagkakatitig niya sa asawa at napahaplos siya sa pingi nito.

Bahagya namang napaigtad si Jemima sa ginawa ng asawa. Dinunggol tuloy ng lungkot ang dibdib niya. "Harry,... we have to talk."

"Yes. We should." Ginagap ng lalaki ang mga kamay ng asawa. "I have something to tell you." Ngumiti siya ng matamis sa asawa. "Actually, it's a proposal."

Napaawang naman ang bibig ng babae. Hindi niya inasahan ang isang proposal mula sa asawa. Not this time. 'Gosh! He's making it hard for me!'

"My wife,... my queen," pinisil niya ang mga palad ng asawa, "the next charity project of the company will focus on mothers. It will be launched few months from now. And you,... I would like you to be its model and representative of the mothers that would be part of the program." He was so sure na hindi siya bibiguin ng asawa sa inilahad niyang plano. Afterall, she's part owner of the company now, and he's certain that she would be a good representative.

"I..." she's still in shock. Hindi niya napaghandaan ang napakagandang surprise sa kaniya ni Harry. "I'm elated, Harry," huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita, "but I got things to do here." Nakita niyang hindi makapaniwala si Harry sa pagtanggi niya sa offer nito. "I... love what I'm doing here."

"The offer's not good?"

"No. It's great. It's just... it's me, Harry. I love it here. I don't want to go back to Singapore." Tila may bumara sa lalamunan niya sa kaniyang huling sinabi. Bahagya pa siyang naubo.

"Why not, Jemima? I'm here to fetch you. Let's go back home."

Pinili ni Jemima na patigasin ang kaniyang kalooban. Pero hindi na niya magawang salubungin pa ang tingin ng asawa. "I'd like to stay here. I have my own life here. I have a blossoming career which I can be good at. I can't be with you, Harry. I don't like it there." Tumayo siya. Hindi na niya matagalan ang pagiging malapit sa asawa. Baka bumigay siya at malaman nito na baliktad ang mga sinasabi niya sa nararamdaman niya.

Ang pagtayo naman ni Jemima palayo sa kaniya ay nagbigay ng damdaming ikinainis ni Harry. Pakiramdam niya ay binalewala lang ni Jemima ang effort niya. Binalewala nito ang lahat nang pagsisikap niya para sa kanilang dalawa. Worse, tila itinataboy pa siya nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"You like it being here without me?" Nilimi niya ang mga binitiwang salita ng asawa. "Is it because of that guy?"

Nagitla naman si Jemima sa itinanong sa kaniya ng asawa. But is it time to come clean? Gusto niya itong itaboy, for his sake, kaya hindi siya dapat na mag-focus sa sarili. "You can think whatever you want, Harry. But you know, I just found out that I like the feeling of freedom." Napaawang naman ang bibig ng lalaki sa narinig sa asawa. "What do you mean?"

Tila naman may bumundol sa dibdib ni Jemima. Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi yata siya naging maingat sa mga salitang binigkas niya sa asawa. Hindi niya gusto where it's leading. "I mean, you should go back to Singapore and do your duty. And I'll stay here."

"Is that what you really want?" Matigas na ang tono ng pananalita ng lalaki. Hindi niya matanggap na ito ang ending ng pagpunta niya rito. Naging malinaw sa kaniya kung gaano nilang pinanabikan ang isa't isa. Bawat halik, bawat haplos, puno iyon ng hindi mapapasubaliang damdamin. Pero basta lang iyon itinapon ng babae. "You like making a fun of me, huh!" Tumayo siya at tinungo ang bag na nasa aparador. "It's not what you think, Harry!"

He paused, then gave a wry smile. "Really? What should I think, Jemima? Should I say thank you for making me feel an idiot? I came here to fetch you! We made love! Was it not?"

Hindi naman nakahuma ang babae sa salitang 'love'. Halos nanikip na ang kaniyang dibdib dahil sa emosyong nararamdaman. Singapore niyang huwag maiyak, pero humulagpos pa rin ang luha niya.

"I don't need your tears, woman. I don't need anything from you anymore. You just made me feel worthless!"

"No!" Pero humakbang na si Harry palabas ng pinto. Hindi iyon ang gusto niyang maramdaman ng lalaki. Hindi niya ito gustong mag feeling down. Ayaw niya itong malugmok! "Harry!... You don't understand! It's not my intention to hurt you. You know yourself better."

He paused, and sighed. "I don't know. All these emotions, which turned out to be lies,..."

'It's not a lie! I love you!'

Tiningnan niya ang mukha ng babae. "I don't know anymore. I don't even know myself anymore." Muli siyang humakbang palabas ng pinto ng unit.

'That's why I'm letting you go.'

Hindi na niya inihatid ng tingin ang asawa. Nawalan na ng lakes ang mga tuhod niya. Sinikap niyang maupo sa sofa. Halos tumakbo naman si Melinda para alalayan siyang makeup nang maayos.

"Ate, bakit naman gano'n? Masaya na kayo, 'di ba?"

Kailangan na niyang ilabas ang pinipigilang damdamin. Ibinuhos na niya ang mga luha. Halos umatungal na siya sa nararamdamang kalungkutan.

"Dito ka lang, ate. Hahabulin ko si Kuya!"

Pinigilan ni Jemima ang kamay ng pinsan. Nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"Ate, hindi pa iyon nakalalayo!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.