The Billionaire's Prize Wife

Chapter Chapter 54



Nakatanggap siya ng pasabi na tuloy ang video session nila para sa advertisement ng company ni Vince Schuck. May kaunting pagbabago nga lang sa naunang plano. Pumayag naman si Jemima.

Si Harry ang sumama sa kaniya sa studio.

Binati ni Jemima ang staff pagbungad nila ng pinto. "Hello!

"Hello, Ma'am!"

Pumalatak sa tuwa ang make-up artist nang makita nito si Harry. "Wow, ang guwapo naman ng partner mo, madam!" Agad itong lumapit kay Harry, nakangiti ito sa kasiyahan habang pinagmamasdan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa. "One to ten, twelve ka!" saad nito sa lalaki. Pipindutin sana nito ang bisig ni Harry pero umiwas ang huli.

"Silvestre," pabagsak niyang sinabi ang pangalan ng make-up artist,--

"Aray naman po! Palagapak talaga! Sly lang po."

"Don't touch my honey. Asawa ko ito!" pabiro niyang pinanlakihan ng mga mata ang make-up artist. Kinilig naman si Harry sa narinig sa asawa. Inakbayan niya ang babae.

"Ay! Siya pala si Harry Sy?" Muli niyang tiningnan ang mukha ni Harry, saka siya tila naiinis na naglitanya, "ang unfair talaga, 'no? Babaing maganda, guwapo rin ang asawa. Ako na chaka at pitaka ko lang ang maganda, so chka rin ang para sa akin?"

"Maganda naman ang panloob mo," at ngumiti pa si Jemima ng matamis sa kausap.

"Ay, oo! Maganda talaga ito. Calvin Klein. Minsan So-en din, para feel na feel ang pagka-girl!"

Nginitian na lang niya ang make-up artist. Tinungo na niya ang upuan para makapagpaayos na siya. Bumuntot naman sa kaniya si Harry. Excited siyang makita ng personal ang pagmomodelo ng asawa.

Napansin naman ni Jemima ang pag-ilaw ng cellphone ni Harry sa bulsa ng coat nito. "Somebody's calling you."

Agad na ini-off ni Harry ang kaniyang cellphone. Hindi man lang niya tiningnan kung sino ang tumatawag.

Dahil walang upuan sa tabi ni Jemima, itinuro niya sa asawa ang couch sa isang tabi. "You can take your calls. It must be important."

Ngiti lang ang isinagot ni Harry sa kaniya bago nito tinungo ang couch.

Habang inaasikaso si Jemima ng make-up artist ay napansin niyang hindi mapalagay si Harry kapag hindi ito nakatitig sa kaniya. Mukhang nag-aalala ang lalaki.

Sinenyasan niya si Harry na tumawag. Sa umpisa ay ngiti lang uli ang isinagot sa kaniya ng asawa, pero ilang sandali pa ng pagtititigan nilang dalawa ay tumayo rin ito at hinawakan ang cellphone. Pinili ni Harry na sa labas ng studio tumawag. Tila nakahinga ng maluwag si Jemima. Ayaw niyang maging dahilan ng pagbagsak ng asawa, o ng negosyo nila.

Sa obserbasyon niya sa asawa ay malayo na ang ipinagbago nito. Ang nakilala niyang Harry Sy noon na sobrang istrikto sa trabaho ay tila nag-iba na ngayon. Ang kinaiinisan niyang dominante at bossy na kababata kung kaya't lagi niyang binu-bully noon ay tila maamong tupa na ngayon sa kaniya. Hindi niya sigurado kung dapat niya itong ikatuwa o ikalungkot. Sa tingin niya ay hindi siya magandang makasama ni Harry. Tila kasi nawawala ang pagka Harry Sy nito kapag magkasama silang dalawa.

"Knock! Knock!"

"Oooyy! Ikaw pala, Justin, ang makaka-partner niya? Come in." Masayang sinalubong ni Sly ang lalaking modelo. "Ang suwerte naman ng camera ngayon, ikaw talaga ang makakasama!"

Pa-shy namang ngumiti si Justin sa tinuran ni Sly. Ipinakilala siya nito kay Jemima.

Matapos silang lagyan ng make-up ay isinuot na nila ang damit nila para sa shooting.

Bago nagsimula ang shooting ay nagpalinga-linga pa si Jemima. Hindi siya nakatiis, hinanap niya sa labas ng studio ang asawa.

Napahinto siya nang makita niya si Harry na may kausap pa sa phone. Tila namomroblema ito. Malungkot siyang bumalik sa loob ng studio.

Habang nakasalang silang dalawa ni Justin sa shooting bilang isa siyang buntis at emotional partner niya kunwari si Justin ay dumidikit ito sa kaniya at panay ang ngiti nito sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito. Naisip naman niya na baka kailangan talaga iyon sa eksena, para magmukha silang close.

"Cut!"

Kinausap sila ng director. "Kindly tell the people that you're husband and wife, or at least boyfriend-girlfriend. Baka walang manood ng commercial kung mukha kayong magkaaway. Hindi puwede sa ads ang mag partner pero awkward tingnan," malumanay naman ang boses ng director pero mariin.

Nahihiya namang tumango-tango si Jemima. Somehow ay alam niyang nasa kaniya ang pagkakamali. Pinakinggan niyang mabuti ang instructions ng director.

Bago sila mag take two ay huminga muna siya ng malalim. Hindi siya sanay sa ganitong uri ng trabaho.

Take three. "Cut!" Malalalim na ang hinuhugot na hininga ng director. Nginingitian pa rin naman siya nito.

Take four. 'This will be good.' Nakaramdam na siya ng sobrang hiya sa mga tao sa loob ng studio.

That first take was her mistake as a beginner. The second was filled nervousness. The third, she knew she could have pulled it, but she was too conscious on her actions. Naging over acting tuloy ang dating.

Marahang pumasok si Harry sa loob ng studio. Ayaw niyang makaistorbo sa mga nagsu-shoot ng video. Alam niya kasing para ito sa advertisement ng mga maternal dress ni Vince Schuck sa telebisyon. Ayaw niyang maabala ang daan ni Jemima tungo sa tagumpay sa bago nitong kinawiwilihang gawin.

Nagtataka man sa nakitang lalaking ka-partner ni Jemima ay binalewala niya ito. Inakala niya kasi na mag-isa lang ang asawa na kukunan. Nakita niya kasi ang original script nito, at nakasaad doon na solo living ang female character na gagampanan ni Jemima.

Nakita niyang parang nagtu-twinkle ang mga mata ng lalaki tuwing nakatingin ito kay Jemima. Ah, baka sanay lang talaga ang lalaki sa ganitong eksena.

Napaisip tuloy siya sa nakita. Ano kaya ang nakikita ng kaniyang asawa sa kaniyang mga mata? Nahahalata kaya siya nito sa tuwing pinagmamasdan niya ito na may paghanga?

Pinagmasdan ni Harry ang asawa habang abala ang babae sa ginagawa. Gandang-ganda siya sa babae. Kahit na buntis na ito ay sexy pa rin ang tingin niya sa asawa. Napangiti siya. Hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang biglaang pagbiyahe para lang makita niya si Jemima. Hindi siya nanghinayang sa mahal na pamasahe... kailanman. Isa lang ang pinagsisisihan niya, ang iwanan dito ang kaniyang asawa. Naduwag kasi siya. Natakot. Ayaw niyang maging parang walang kuwentang asawa sa babae. Nginatngat din ang puso niya ng kaniyang pride bilang lalaki. Ah! Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari nang gabing iyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumuhod ang kapartner ni Jemima at hinaplos ang tiyan ng babae. Gusto niyang pumalag. Siya lang dapat ang gumagawa niyon sa kaniyang asawa.

Tiyempo namang siyang pagdako ng paningin ni Jemima kay Harry. Napansin niya ang pamumula ng mukha nito. Gumuhit pa ang ugat nito sa noo, bagay na nakikita niya sa asawa tuwing nagagalit ito. May kumurot sa puso ng babae. Heto si Harry sa harapan niya, nagagalit, pero minabuting huwag umimik alang-alang sa kaniya. Hindi ito ang Harry Sy na matigas.

NAKABALIK na sila ng condominium unit. Halata pa rin ni Jemima ang pagtitimpi ng asawa na lumabas ang nag-aalburuto nitong kalooban dahil sa nakita nito kanina.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Coffee?" Kahit alam niyang hindi na nagkakape ang asawa ay pinili pa rin niyang alukin ito. "We've ran out of tea. I forgot to include it in the grocery list."

"Water, please."

"Lukewarm?" Alam niya kasing hindi mahilig si Harry sa cold water. Nakita naman niyang tumango ito kaya tinungo na niya ang kusina habang halos tulala ang asawa na nakaupo sa sofa.

Habang nagsasalin ng tubig sa baso ay kinabahan si Jemima sa bagay na naisip. Napaupo pa siya sandali sa silya. Humugot siya ng lakas. Nasasaktan siya ngayon para sa asawa. Pakiramdam niya'y masyado na siyang selfish.

Matapos uminom ang asawa ay umupo siya sa tabi nito. Hinarap naman siya nito. Ngumiti ito sa kaniya kahit na may bahid ng kalungkutan sa mga mata nito. "Jem... my wife," ginagap nito ang kaniyang kamay, "you were great there." Nginitian siya nito ng buong tamis. "I'm proud of you, my queen."

Nanuot naman sa kaibuturan ng puso niya ang mga salitang binigkas ng asawa. Nanikip ang kaniyang dibdib dahil sa mga luhang gustong lumabas sa kaniyang mga mata. At hindi na niya iyon napigilan.

Nakangiting pinunasan ni Harry ang mga luha ng asawa. "Hey, take it easy. I was only joking."

Napa-pause naman si Jemima sa pag-iyak, at sabay silang natawa.

Sumeryoso naman ang mukha si Harry. "I said, I'm proud of you. The truth is, I've always been." Na-touch naman siya sa nag-uunahang pagtulo ng mga luha ng asawa. "You're a treasure to have. And now, I'm so... very proud of you!" "Redundancy?" Nagawa pa niyang magbiro kahit na hilam na ng luha ang kaniyang mga mata. "Harry, the feeling is mutual. I have always admired your personality..."

"See? So easy. Don't deny it, you just said the truth," then he shrugged his shoulder. Deep inside him ay ang kaligayahang nadarama sa naging pag-amin ng asawa. "You admired me, ey!" "...except your being a ladies' man!"

"Oh!" Natuwa siya sa naging reaksyon ni Jemima sa kunwari'y paghuli niya sa damdamin nito. Hinagkan niya ito sa labi. Pumikit si Jemima at humawak sa batok ni Harry. Pinagsaluhan nila ang mainit na pag-iisa ng mga labi nila. Ah! Kay sarap ng halik na iyon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.