The Billionaire's Prize Wife

Chapter 38



GANADO sa pagtatrabaho si Harry. Desidido siyang gawing matagumpay ang kanilang proyekto para makuha ang People's Choice Award. Sunod-sunod ang meetings nila ng top rank officers ng kumpanya para sa naturang proyekto. Ayaw niyang maungusan ng ibang kumpanya, lalo na ngayon na siya na ang presidente ng Good Era Rubber and Tire Company.

"Since we're looking forward to convince Cristiano Ronaldo to grace our foundation's project, we should know him well when it comes to his guest appearances and preferred events. Know him well to ensure his participation on that day. Let me know the soonest possible if we can have him or not."

May nakuha na silang bagong vice-president for production, at may kapalit na rin si Harry bilang vice-president for administration.

"Mr. Bhutto and Ms. Supsup, since you're our new vice presidents, I delegate the work to both of you. Aside from lobbying to Mr. Ronaldo's camp, make sure that the beneficiaries will receive their scholarship grant and their sports gear supplies on time. I want to see their happy faces on that day. No negativity on that event."

"Yes, sir," sabay na sagot sa kaniya ng dalawa niyang inatasan.

Ang proyekto nila ngayon ay para sa mga atletang kapos sa pera, kaya napagdesisyunan nilang mag-imbita ng isang sports icon para sa launching ng naturang project.

Dahil nakahihigit na bilang ng mga napili nilang beneficiaries ay naglalaro ng football, football players din ang mga pinagpilian nilang imbitahin, at si Cristiano Ronaldo ang lumamang sa kanilang pagpili.

"Those who are in favor to get Cristiano Ronaldo to be our next model, raise your hands."

Nagtaasan naman ng kamay ang karamihan sa mga dumalo sa meeting. Tumango-tango naman si Harry.

Sa tingin niya ay good influencer ang naturang atleta kaya sumasang-ayon siya sa mga kasama. At dahil in-demand ang mga sikat na players, kailangan nilang matiyak na sa kanila ito pipirma para sa modeling contract nito. "Miss Supsup, make him sign a contract. But make sure that it will not cost us a fortune. We can't display a powerful face with a pierced pocket.

"I will try sir."

"Don't try."

Humugot ng hininga ang babae at sumagot while exhaling, "consider it done, sir." "Good."

Hindi rin matatawaran ang pagiging abala ni Jemima sa pagtatrabaho. Matapos niyang makipag- meeting kasama ang top rank officers ng kumpanya kasama ni Harry ay nakikipag- meeting din siya sa kaniyang social media team. Hindi niya pinalalampas ang bawat ideyang pinaniniwalaan niyang makakatulong sa kanilang promotional campaign.

"We should not stop from searching, creating, and re-creating. Our ads are only good while the others are less aggressive. Always be ready with new contents. Always have an extra copy." Inutusan niyang maglabas ng graphics ng iba't ibang advertising campaigns ang secretary. Pinag-aralan nila ito.

"Tell me what you have observed. In the first column, put down the weak points you've seen, and the strong points in the second column. E-mail it to me now so we can discuss it next time." Tumayo uli ang secretary, inihanda ang isusunod na presentation.

"You will see in the next presentation the copywriting templates that were used for a long time. They were good as the company reaped success, but we need new and green templates."

Matapos nilang i-review ang nasabing presentation ay hinarap niya ang mga kasama. "I want to see your copies two months ahead before each quarter so we could proof it. And even if we're doing good in the charts, I still want best copies to beat our own record."

"Yes, ma'am." She nodded as they chorused.

Matapos na makinig sa kaniya ang mga kasama ay isinubsob na ng mga ito ang pansin sa kani-kanilang computer.

Uwian na sila nagkikitang mag-asawa. Pata na ang kanilang katawan sa pagtatrabaho kaya madalas ay bumibili na lang sila ng pagkain sa drive-thru ng fastfood chains.

Ilang linggo na silang ganito. Kapuwa pagod na pagod. Madalas pa silang nag-o-overtime sa trabaho.

Napansin ni Jemima na halos hindi na sila nag-uusap ni Harry. Nagiging routinary na lang ang ginagawa nila araw-araw. Dahil lagi silang pagod, naka-focus na lang sila sa kung paano makakapagpahinga para may baon silang lakas kinabukasan. Pero hindi nalilingid sa kaniya ang pagpupuyat ni Harry sa mga nagdaang araw.

Balak niyang maiba naman ng kaunti ngayon. Ayaw niyang dumating ang araw na mabagot na lang sila sa isa't isa.

Plano niyang yayain si Harry na manood muna sila ng comedy film para naman mapuno ng tawanan ang bahay na ito. Tuwing nandito kasi sila sa bahay ay manonood lang sila sandali ng balita habang kumakain at magpapahinga. Nang maihanda na ni Jemima sa mesa ang dalang pagkain ay niyaya niya si Harry. "Let's eat."

Hindi kumikilos si Harry. Nilapitan niya ang asawa, sinuri ang mukha nito. Akala niya ay nakapikit lang ito habang nakikinig ng balita, nakatulog na pala ito habang nakaupo sa couch. Niyugyog niya ng bahagya ang asawa, "Harry, let's eat first. You have to eat something."

Hindi natinag si Harry ng pagyugyog niya.

Malungkot siyang kumaing mag-isa. Wala rin naman siyang ganang kumain pero inaalala niya ang ipinagbubuntis niya. Ayaw niya itong idamay sa nararamdaman niyang emptiness. Habang pinapahiga niya si Harry ay sumubsob ito sa sahig. Nagmulat ito ng mga mata.

"You were" hindi na niya itinuloy ang pagpapaliwanag sa asawa dahil muli itong pumikit at nagpatuloy sa pagtulog. Humilik pa ito.

Kakargahin sana niya ang asawa paakyat ng couch pero sumakit ang kaniyang tiyan. Bumigat kasi ang tiyan niya dahil pinilit niya ang sariling magpakabusog. Naiiyak siyang pinagmasdan ang asawa. "You're so heavy!" Naalala niya, ilang araw na rin palang puyat ang asawa niya. Kahit na nakauwi na sila ng bahay ay binubuksan pa rin nito ang laptop para magtrabaho. Nagiging workaholic na ito.

Sumalampak siya sa sahig at sumandal sa couch. Feeling helpless. Feeling useless. Dala marahil ng pagod ay naiyak siya, unti-unting nginangatngat ng negatibong emosyon ang kaniyang puso. Pakiramdam niya'y para na lang silang zombie na kumikilos araw-araw.

Napansin niya ang flowervase. Lanta na ang bulaklak nito. Hindi na niya napalitan pati ang tubig sa loob. Pati mga kurtina ay hindi na rin napapalitan. Umuuwi na lang yata sila sa bahay na ito para lang magpahinga. "Are we still human?" tila tanong niya sa hangin. 'Oo naman', sagot niya sa sarili nang mapatingin siya sa umbok ng kaniyang tiyan. Hinaplos niya ito.

Umaasa siyang magbabago rin ang lahat. Bibigyan ng anak nila ng buhay ang bahay na ito. Araw-araw silang gigisingin ng pag-uha ng munti nilang anghel. Ito ang magiging dahilan ng kanilang pag-aalala at pagkataranta. Nai-imagine niya si Harry kung paano nito patatahanin ang kanilang baby, at kung paano ito mapupuyat sa pagbabantay dito. Natawa siya nang na-imagine niya ang pagngiwi nito kapag ito ang magpapalit ng diaper. Nakaramdam siya ng pag-asang magiging masaya pa rin sila, na mapupuno ang bahay na ito ng halakhak ng kaligayahan.

Nakalimot na siya. Kapuwa sila humihilik ngayon ng kaniyang asawa.

Unang nagising si Harry. Nagtataka siya sa tigas at lamig ng kinahihigaan niya. Pagmulat niya ay saka niya naunawaang nakahiga siya sa sahig. Naramdaman niya ang sakit ng katawan. Napansin niya ang tulog na asawa. Nakalungayngay ang ulo ni Jemima habang nakasandal sa couch. Agad niya itong inayos ng pagkakapuwesto na siya namang ikinagising nito.

"Ouch!" Hirap itong ikilos ang leeg.

"Easy, I'll massage it."

Matapos mahilot ng asawa ang kaniyang leeg ay napansin niya ang marka sa mukha nito. Sinalat niya ito. Saka nila naunawaan na nakuha ito ni Harry mula sa pagkakahiga sa sahig kung saan naroroon ang tsinelas niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Biglang nagulat si Harry sa naisip. "What time is it? I have to see Mr. Lin before work."

Nang tumayo ang asawa ay nagtangka ring tumayo si Jemima, pero naramdaman niya ang masakit niyang likod. "You can't go with that slipper mark!"

....

Habang nagwo-work from home ay inaabangan ni Jemima ang pagdating ng physical therapist. Hindi na kasi siya pinapasok ng asawa sa opisina dahil masakit ang kaniyang katawan.

Mild lang na masahe ang ibinigay sa kaniya ng therapist. "Nothing to worry, ma'am. You'll feel better soon."

Habang minamasahe siya ay nasa nabinbing trabaho ang isipan ni Jemima.

Nang nasa head area na ni Jemima ang kamay ng therapist ay nagbigay ito ng suhestiyon. "You should relax, ma'am. Avoid too much stress. Try to get plenty of rest."

"Oh, I can't rest now. I have many things on my plate."

Ngumiti naman sa kaniya ang therapist. "At least take time for yourself."

Dahil maghapon siyang nasa loob ng bahay, nakapag-ayos siya ng sarili at ng bahay. Sinigurado niyang madadatnan ni Harry ang bahay na bagong bihis at mabango. Tiniyak din niyang maaamoy nito ang mabango niyang niluto. Higit sa lahat, mabango rin siya sa pagsalubong niya sa asawa.

"I'm back!"

Confident siyang lumapit sa asawa.

"Hey, I'm smelling something nice. What's cooking?"

"It's a filipino dish that you would love." Hinalikan niya sa pisngi ang asawa na ginantihan din nito ng halik.

"Hmm... you smell good, my queen."

"Of course. You get ready to eat while the food is hot."

Hinapit siya ni Harry. "Come with me to the bedroom. Let's talk first before we eat."

Nauunawaan niyang pagod ito kaya tumalima siya sa asawa. Matapos niyang maihanda ang bimpo na ipampupunas sa asawa ay binalikan niya ito sa kuwarto. Nadismaya lang siya nang makitang naghihilik na ito.

Tahimik na lumuluha habang kumakain si Jemima. Ramdam niya ang pag-iisa. Kung hindi lang kailangan ng kaniyang katawan ay hindi na rin sana siya kakain. Nagpasiya siyang hindi kakausapin ang asawa. Ipaparamdam niya rito ang saklap ng walang makausap kahit na may kasama naman sa bahay.

Paggising niya sa umaga ay naghihilik pa rin si Harry. Nagulat siya nang bigla itong kumilos at nagsalita habang nakapikit.

"No! I won't let you take my wife! She's too beautiful for you. She cooks fine. You get your own wife, you bastard!" Tumama sa balikat ni Jemima ang kamay ni Harry. Agad na nagmulat ng mga mata si Harry. "My wife, did I hurt you?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "No." Umiling pa siya sa asawa.

"I think I had a dream." Sinapo niya ang ulo na tila masakit.

"Yes, you did."

"I can't remember it, but I'm hurt," at hinaplos niya ang sariling dibdib.

Napakagat ng labi ang babae sa sinabi ng asawa. Na-touch siya sa isiping naramdaman nito ang sakit na mawala siya.

"H-Harry," iniisip niya kung aaminin niyang labis siyang nasaktan kagabi.

Hinintay ni Harry ang sasabihin niya.

"I'll... I'll go check the food."

Nagtaka siya nang makitang kaunti na lang ang natira sa niluto niya kagabi. Napangiti siya. Kinain din pala ito ng asawa niya.

Samantala, may mixed emotions ngayon si Harry. Gusto niyang makita sa salamin ang sarili na may ngiting tagumpay, pero nagi- guilty naman siya.

Nang nagising siya kaninang madaling araw ay napansin niya si Jemima. Sinisinok ito habang natutulog. Namamaga rin ang mga mata at namumula ang ilong ng babae. Hula niya ay nakatulugan nito ang pag-iyak. Naisip niyang painumin ng tubig ang asawa. Ngunit nang maamoy niya ang niluto nitong ulam ay nakaramdam siya ng gutom. Tumikim siya, pero nagustuhan niya ito. Halos maubos niya ang niluto ng asawa. Nang magising siya kanina ay nakita niyang tulog pa ang babae. Nakabuo siya ng plano kung paano makakabawi sa asawa, iyong makakaligtas siya sa pagtatampo nito.

Nakangiti ang asawa niya ngayon habang inaasikaso siya. Mukha ngang nagtagumpay siya sa kaniyang ginawa.

Habang kumakain sila ng almusal ay panay ang papuri niya sa niluto ng asawa. "Hmm... smells good, tastes good."

Napapangiti naman si Jemima sa mga papuri nito, until napansin niyang halos subo nito ng pagkain ay puri ito ng puri sa pagkain.

"Hmm... it's savory... mmmnn... it's smooth..."

Tinitigan niya ang asawa na ganado sa pagkain at nagpapatuloy sa pagpuri sa kinakain.

"Harry, if you love my cooking so much, I'll quit my job and do full time in cooking."

Napakagat siya ng labi nang muntik na mabahin si Harry sa narinig. "What are you talking about?"

"I'll cook for you and all our officers everyday. I will be in-charge of all the food that will enter in our building. It's a good idea, isn't it?" Nakita niyang nadi-disappoint si Harry pero pinipigilan lang nitong magsalita.

"Come on, your humm hummm is music to my ears."

"I will not humm humm again." Tumayo na ito. "You're not cooking in the office. Come on, we'll be late."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.