Chapter 37
HINDI nila palalampasin ang araw na ito na hindi nagkakalapit ang mga magulang nila sa isa't isa. Ayaw nilang magkaroon muli ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
Isinalang ni Daniel ang mga napiling kanta. Inihanda niya ang sarili. Sinenyasan niya ang mga kapatid na handa na siyang kumanta.
Una niyang kinanta ay ang Just The Way You Are ni Bruno Mars. Sumayaw sa harapan nina Benita at Samuel sina Harry at Jemima.
Nasisiyahan si Benita habang nanonood sa dalawa. Natutuwa siyang tingnan na magkasundo ang mga anak nila ng bestfriend niyang si Zorayda. Kay Benita nagmula ang ideya na ipakasal ang kanilang panganay na anak na lalaki at babae. Hindi pa man natatapos ang kanta ay lumapit ang dalawa sa dalawang matanda. Niyaya ni Harry ang ina na sumayaw, gayundin ang ginawa ni Jemima kay Samuel. Nakangiti namang nagpaunlak ang dalawang matanda sa dalawa. "Your wife is lovely," pagbati niya sa anak habang kasayaw niya ito.
"Well, it's you who chose her first."
Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Jemima na kasayaw ng asawa niya.
"Have I done good?"
"You always did what's best for us, Mom."
Ngumiti ng matamis si Benita sa sinabi ng anak.
"Are you happy, Mom?"
Biglang may bumara sa lalamunan ni Benita. Nanungaw ang mga luha niya dahil sa tanong na iyon ng anak. Ngumiti siya sa anak at tumango-tango. 'This is my happiest moment!'
Nang matapos ang unang kanta ay lumapit si Harry sa ama. Ibinigay niya rito ang kamay ng ina na hawak-hawak niya. Lumipat naman sa kaniya si Jemima.
Kinanta ni Daniel ang paboritong kanta ng kanilang mga magulang, ang "Can't Help Falling in Love" ni Elvis Presley.
Sumabay naman si Cholo sa pagkanta ng chorus.
Habang kasayaw ang asawa ay naisip ni Harry na nasa kaniya na lahat ang mahahalagang bagay, lalo na ang mahahalagang tao sa buhay niya. Tila wala na siyang mahihiling pa. Nakikita ni Jemima ang kaligayahan sa mukha ng asawa. Masaya siya para kay Harry.
Hindi na tinapos ni Harry ang pakikipagsayaw sa asawa. "You have to rest. We're from a long travel."
Pinaupo niya ang asawa. Ipinatong niya ang mga paa nito sa ibabaw ng mga hita niya, minamasahe ang mga ito.
Napansin niya ang umbok sa tiyan ng asawa. "It's getting bigger."
"Yes. I think he's playing inside. Maybe he's kicking."
Hinaplos niya ang tiyan ng asawa. "Phoenix is blessed to have a beautiful and strong mother."
Ngumiti siya sa asawa. Na-touch siya sa sinabi nito. "Phoenix's mother is thankful for having a great husband."
Napatigil si Harry sa pagmamasahe sa paa ng asawa. Na-touch din siya sa sinabi nito.
"...and for being a good masseur."
Nakangiting tinitigan ni Harry ang asawa. Itinuloy niya ang pagmamasahe sa paa nito. "Am I just a good masseur to you?" Napangiti si Jemima. Alam niya ang gustong marinig ng asawa. Hindi niya ito pagbibigyan ngayon.
"Come on, say it."
"Say what?" Nagkunwari siyang hindi nagi-gets ang asawa.
"No, you're just playing games with me. You know it." Inihinto niya ang pagmamasahe at tiningnan ng may pagtatampo ang asawa.
"I know that you know that I know," lumuwang ang pagkakangiti niya, teasing him. "And you know that I know that you know."
Tinitigan ni Harry ang asawa, kapagkuwa'y lumingon-lingon. Tumayo siya. "If you know that I know that you know, then let's go."
Sumunod naman si Jemima sa asawa. Lingid sa kanila ay nakatunghay sa kanila kanina si Cholo, tinatawanan sila.
"I know that I know," sabi niya sa sarili, saka niya inatupag ang mga magulang.
"Mom, I miss your fish head curry."
"Yeah, your version is the best,” dagdag naman ni Daniel sa sinabi ng bunsong kapatid.
"Don't worry, I'll cook it everyday."
"Oh, no! It will require me to eat more rice!" bulalas ni Daniel.
"Well, I can eat more carbs. I'll just burn it anyway." Natawa siya sa pagngiwi ng kapatid. "You should exercise more."
HABANG abala si Jemima sa paghuhukay ng buhangin para ibaon ang kaniyang mga paa ay nagpalingon-lingon sa paligid si Harry, pinag-aaralan ito.
"Harry, help me."
Tinulungan niya ang asawa sa ginagawa nito. Nang mabaon na ang mga paa sa buhangin ay natutuwang humiga sa buhangin ang babae.
"My feet are heavy."
Pinagmasdan ni Harry ang asawa. Lalo itong gumaganda sa paningin niya. Sunkissed face, simpleng get-up, tila isa itong reyna ng kalikasan na nakahiga sa buhanginan.
Tinabihan niya ito. "Jem,..." inilapit niya sa asawa ang kaniyang mukha, "do you remember how we did it on the beach?" Kinilig siya sa pagba-blush ng asawa. "I can see that you still remember it," he said, teasing her.
Tinampal niya ng daliri sa dibdib ang labi ng asawa. Siyempre hindi niya nakakalimutan ang eksena nilang iyon. Noon niya lang naranasang maramdaman ang buhangin ng hubad niyang katawan. Higit sa lahat, ginawa nilang piping saksi ang mga buhangin at mga bato sa tabing-dagat ng pagdidikit ng kanilang mga hubad na balat. Para silang sina Adan at Eba noon na napadpad sa isang paraiso.
"I remember how you took advantage of a helpless nude woman."
"Oh, yeah?" Siniil niya ng halik sa labi ang babae. Agad naman itong tumugon ng mainit na halik.
....
TUWANG-TUWA si Zorayda nang muling makita ang kaibigan. Nakatalikod ito habang nagmamasid sa dagat.
Nakumbinsi niya ang asawa na puntahan na ang pamilya Sy dito. Sabik na kasi siyang makita ang kaibigang matagal niyang hindi nakikita. "Benita!"
Napalingon si Benita sa tumawag sa kaniya. "Zorayda!" Sinalubong niya ito.
Mahigpit na nagyakap ang magkaibigan.
"You're back!" Hinaplos niya ang mukha ng kaibigang ngayon lang uli niya nakita.
"Yes. I'm happy to see you!"
Nag-iyakan sila. Muli silang nagyakap. Mahigpit. Kung masusulit nila sa yakapang ito ang ilang taong nawala sa kanila ay gagawin nila.
Minabuti naman nina Samuel at Allan na maglakad-lakad sa dalampasigan. Hinayaan nilang magkausap ng masinsinan ang dalawang babae. Nililibang nila ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid.
Nagdesisyon naman sina Daniel at Cholo na magpaligsahan sa pamamangka. Tiyempo namang maganda ang alon ngayon. Maganda kasi ang panahon.
Nang mapadako sila malapit sa may batuhan kung saan nagtatago sina Harry at Jemima ay sumigaw si Cholo. "I know what I know! I see what I see!" Natawa siya nang sumulpot ang ulo ng mag-asawa mula sa pagtatago sa batuhan.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Lumayo pa sila ng bahagya. Dumako sila malapit sa may mga naliligong kababaihan.
Dahil saksakan ng pogi at well-built ang magkapatid, pinagtinginan sila ng mga nakapansin sa kanila.
May grupo ng kababaihang kumaway sa kanila. Nilapitan nila ito. Nakipagkilala sila.
"So, you're from Singapore."
"Yes," sagot naman ni Cholo. "Who among you has a carabao?"
Nagkatinginan ang mga tinanong. Napatingin din si Daniel sa kapatid, at natawa.
HABANG magkaharap ay pinipisil ni Zorayda ang kamay ng kaibigan. Maganda pa rin ito bagama't halatang hindi ito naglalagay ng pampaganda sa mukha. Katulad niya ay may puti na rin ito sa buhok. "You still look beautiful."
"Not as beautiful as you. You haven't aged. You must have discovered an elixir."
Natawa siya sa papuri ni Benita. "You still like to shower me with praises, Benita. You're still... you."
"Yes, I'm still the same. Maybe we only add years, but our character remains. Through the years, I still appreciate the things I liked. "
"And you still love him. That's why you never escaped."
Napaisip ng saglit si Benita. Bumuntunghininga.
"I tried to escape once,... twice. I wanted to see my children and feel them on my skin. But the thought of his eyes, hurt and feeling betrayed,-- those eyes were too powerful on me."
"Of course. But I can't imagine how lonely it must have been."
Bumuntunghininga uli si Benita. "He sent me videos. But you know, it's not the same as when you see your children eye to eye. It's always the longing for my children that urged me, but I always end up going back to that house." Nag- uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya. "I just wished that he will be able to swallow his pride one day."
"It took him so long." Muli namang napaiyak si Zorayda sa pagkaawa sa kaibigan.
"When he trained Harry and made him vice-president, I somehow felt that it was his way to give him enough influence to be able to find me. I knew it. But when I've heard that he voted for my nephew, I cursed him a lot. I couldn't think of any reason why he changed his mind."
Napatingin silang dalawa sa dako kung saan naroroon ang kanilang mga asawa. Nagpahid sila ng luha.
"Now that you're here, you can do whatever that will please you." Nakita nilang pabalik na ang kanilang asawa sa dako nila. "He's still crazy about you."
"Yeah. He locked me so I couldn't see them. I think nobody can understand his actions, even him."
Napangiti si Zorayda. Hinaplos niya ang kamay ng kaibigan. "You're his precious kryptonite."
Dumating sina Daniel at Cholo na may mga kasamang kabataan. May mga dala silang malalaking isda at iba't ibang lamang-dagat.
Sinalubong sila nina Samuel at Allan.
"Dad, we got everything here, including these lovely sirens," pagyayabang ni Cholo sa ama habang kinikilig naman ang mga babaing tinutukoy niya. "So, you got new friends. Welcome, mga iha."
Habang niluluto ng mga magulang ang mga dala nilang pagkain ay nagkakantahan sila.
Magkahawak-kamay na bumalik sa grupo sina Harry at Jemima.
MATAPOS nilang magsalo-salo sa pagkain ay nagpaalam na ang mga bagong kakilala nina Cholo. Sina Allan at Samuel naman ang sumabak sa pagkanta.
Paminsan-minsan ay nililingon nila sina Harry at Jemima na nakaupo sa duyan. Hinahaplos ni Harry ang tiyan ng asawa, kinakausap niya at nilalaro ang anak na nasa sinapupunan ng asawa.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Don't worry, I will put an oil on you tonight," ani Harry sa asawa.
"But will you let me relax?"
Napangiti ang lalaki. "Let's see."
....
SA bahay ng mga Te, naghahanda na para matulog sina Harry at Jemima. Sinigurado niyang komportable ang asawa sa pagkakahiga nito.
Sa ibabang bahagi naman ng bahay ay naglalaro pa ng mobile games sina Ismael, Daniel, at Cholo.
Nag-iisip naman si Zorayda habang nakaupo sa kama.
"What's bothering you?" Humiga siya sa tabi ng asawa.
"Are they going to be okay?"
"You should not overthink. They know what they're doing. Let's sleep."
Tiningnan ni Zorayda sa mata ang asawa. "Tell me what really happened. I want the truth."
Agad niyang sinagot ang asawa. "Didn't I tell you everything? You know the truth. Feel it in your heart."
Tumahimik na ang babae. Humiga siya nang hindi tumitingin sa asawa.
"Do you feel betrayed? Do you feel abused?"
Humarap siya sa asawa. Tiningnan niya ito sa mata. Nakita niya ang sinsero nitong pagtingin sa kaniya. "I feel loved." Yumakap si Zorayda sa lalaki. Niyakap din siya nito. "Thank you, Allan." Halik sa noo ang isinagot ni Allan sa asawa.
.....
SA kabilang banda ay tahimik na nakaupo si Samuel. Pinagmamasdan niya ang mga bituin sa langit.
Sa likuran naman niya ay nakatayo si Benita, pinagmamasdan siya habang tinitimbang sa isip ang mga bagay-bagay.
Umupo si Benita malapit sa kaniya. Tumingin din siya sa mga bituin. "They're beautiful, aren't they?"
"Always." Napatingin si Samuel sa asawa. "But not as beautiful as you."
Saglit siyang tumahimik bago nagsalita, "My beauty faded long time ago. It was not appreciated. You kept me away from your eyes."
"You're always in my mind."
Bumuntunghininga ang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatanggap ng puso niya ang sinasabi ng asawa sa kabila ng lahat nang ginawa nito sa kaniya. "People wouldn't go with you on that." "As long as you stay believing in me, I won't mind those people."
Nagtitigan sila. Alam niyang alam ni Samuel na nauunawaan niya ito. Higit kaninoman, siya ang nakakabasa ng saloobin nito mula noon hanggang ngayon.
Nakapagdesisyon na ngayon si Benita.
"Let's sleep." Tumayo siya at humakbang ngunit huminto rin, hinintay na tumayo ang asawa.
"You go ahead. I'll stay here for a minute."
"No, Samuel. I want you to sleep with me now."
Agad na tumayo ang lalaki at isinarado ang pinto at mga bintana. Tiningnan niya ang asawa. Sinundan niya ito nang humakbang ito patungo sa kuwarto.