The Billionaire's Prize Wife

Chapter 36



WALANG pasok sa opisina ngayon si Harry. He cancelled all his meetings just for this one,-- to visit the Psyche & Klein Detective Agency.

Kasama niya ang asawang si Jemima sa pakikipagkita niya kay Iris Psyche.

Maganda ang babaing detective. Malaking bulas ang katawan nito, sexy at sporty ang katawan at ang get-up.

"Mrs. Sy," bati nito kay Jemima. Nag beso ang dalawang babae.

Habang umuupo silang tatlo ay sinenyasan ng detective ang secretary na ibigay sa mag-asawa ang folder.

"That's how our tracking went," aniya sa dalawa.

Habang tinitingnan ng mag-asawa ang dokumentong nakapaloob sa folder ay binuksan ni Iris Psyche ang kaniyang laptop.

"Anyway, to get a better view, you better see this."

Una niyang ipinakita ang mapa ng Singapore hanggang sa sumentro na ito sa isang lugar. Sumunod ay ang mas malinaw na aerial view nito. Sumunod ay ang isang video kung saan ipinakita ang isang gate. "Is this place familiar to you?"

Kumunot ang noo ni Harry. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.

"It's my mother's old family house."

Ngumiti sa kaniya ang detective. "Did you ever try to visit the house?"

Napamaang si Harry. "I went there with Chester." Mababanaag sa kaniyang mukha ang pagkainis at pagdududa.

HALOS paharurutin ni Harry ang minamanehong kotse. Kung hindi lang siya nag-aalala para sa asawa ay ayaw na niyang palampasin pa ang oras makarating lang sa lugar na iyon.

Si Jemima ang naging tagabigay ng impormasyon kina Daniel at Cholo at maging kay Cohen. "Yes, we'll see you there."

NAKAPAANG naglalakad sa may buhanginan si Samuel Sy. Sa tahimik na lugar na ito siya dinala ng kaibigan niyang si Allan Te.

Mabagal siyang humahakbang. Nasa Singapore pa rin ang isipan niya.

Alam niyang sa mga oras na ito ay maaaring may lead na si Harry kung saan naroroon ang ina nito. Hindi na niya ito pipigilang mangyari ngayon. Ngunit nandito siya dahil ayaw niyang saksihan ang pagkikita ng kaniyang mag-iina. Ayaw pa niyang makita si Benita. Sa loob ng mahabang panahon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang bahaging iyon ng kahapon.

Bumalik siya sa loob ng cottage. Tiyempo namang dumating si Allan Te sakay ng isang pump boat.

"I think they're gonna find her soon," bungad niya habang tinutungo niya ang mesita kung saan nakapatong ang chess board. Hindi umiimik na umupo si Samuel sa harap ng kaibigan. Nagsimula silang maglaro.

"What will you do when he finds out?"

Bumuntunghininga siya bago sumagot, "I'll just let things be."

Nagpatuloy sila sa paglalaro. Tumunog ang nakabukas na laptop ni Samuel. Nakapatong ito sa ibabaw ng drinking bar.

"It might be him, don't you think?"

"It's just a message." Nakatuon ang pansin niya sa mga piyesa nila. Malapit na siyang manalo. "At least I'm not a loser on this one."

Hindi umimik si Allan. Matamang pinag-iisipan ang susunod na gagawin.

"Yeah, you got it."

Dahil sumuko na ang kalaro, tumayo siya at tiningnan ang mensahe sa laptop. Bumalik siya sa pagkakaupo.

"It's Cohen. They're there."

Matamang pinagmasdan ni Allan ang mukha ni Samuel. "Why I get this feeling that you're leading them to her?"

"Quit imagining things. We're not young anymore."

Tumahimik na lang si Allan, inoobserbahan pa rin niya ang ikinikilos ng kaibigan.

Dahil naaasiwa siya sa mga tingin ng kaibigan, tumayo siya at pumunta sa bar. Kinuha niya ang isang champagne. "You better get drunk."

"Or is it a celebration?"

Walang imik na binuksan niya ang bote at tinagayan ang kaibigan.

Habang nag-iinuman ay nagpatuloy sa pagkukuwentuhan ang dalawa.

"She was not your first love."

Tango lang ang isinagot ni Samuel.

"But you were so mad."

Saglit na pumikit si Samuel bago nagsalita, "I had less self-control."

"You poured everything on that day." Tumingin sa relos si Allan. "I can't stay long. I have to massage my wife's back."

Tumango lang si Samuel sa kaibigan. "Give her my regards."

Nagpaalam na siya sa kaibigan. Alam niyang gusto rin nitong mapag-isa ngayon. Ito ang dahilan kaya nag-request ito ng hindi mataong lugar at close to nature.

Bumuntunghininga si Samuel. Hinaplos ang masakit na bahagi ng dibdib. Kahit kanino, ni hindi niya maamin na ayaw niyang makita siya ng asawa, lalo na sa kalagayan niya ngayon. Ayaw niyang sumbatan siya nito.

Tinungo niya ang duyan sa ilalim ng puno ng niyog. Habang nakahiga ay ninanamnam niya ang preskong hangin.

Binabalikan niya ngayon sa alaala ang araw na nag-away sila ng matindi ng asawang si Benita.

Pinipigilan niya noong pumasok ng bahay ang asawa.

"Let me through. My sons need me."

Iniharang niya ang kaniyang katawan sa harap ng pinto habang kaharap niya ang asawa. Matiim ang pagkakabigkas niya ng pagtataboy sa asawa, "go, Benita! Don't ever come back. Your sons needed you two months ago, but you abandoned them!"

"Don't give me that crap, Samuel. Don't you forget what you did." Naaalala pa niya ang pagtulo ng luha ng babae.

"All I did was love you, and work for you all! And what did I get in return? You left me, Betina!"

"I only left so you would know my value! All you did was work and work. We had no family day!"

"You left with your lover, woman!"

"You know the truth, Samuel. You're just blinded by your jealousy. But you know, deep down that it's only in your mind."

....

Magkasunod na dumating sa harap ng gate ng lumang bahay ng angkan nina Benita ang kotse nina Harry, Daniel, at Cohen. Kasama ni Cohen si Cholo mula sa isang palaro.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Sarado ang lumang gate at sira ang doorbell. Minabuti ni Cohen na akyatin ang pader. Pinagbuksan niya ang mga kasama.

Nagtakbuhan papasok sa loob ng bahay ang magkapatid. Inaalalayan naman ni Harry sa paglalakad ang asawa.

"Go, Harry."

Alanganing magpatiuna, tiningnan niya muna ang asawa. Tinimbang kung susundin niya ang sinabi nito. "I'll stay with her."

Nagmadali na ring pumasok sa loob ng bahay si Harry.

"Mom! Mom!"

Sabay nilang naamoy ang isang aroma mula sa kusina. Agad nila itong tinungo.

"Mom!"

Nagulat ang kanilang ina nang makita ang magkapatid. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ang mga ito. Sabay ng pagtakip niya ng napaawang na bibig ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "My sons," wika niya sa mga anak na lumalapit para yakapin siya.

Nagyakap nang mahigpit ang mag-iina. Tikom ang mga bibig na ninamnam ng mga anak ang unang yakap nila sa kanilang ina sa loob ng mahabang panahon.

Hinagkan ni Benita ang noo at pisngi ng mga anak habang tahimik na lumuluha. Tanging pagsinghot at paghinga lamang ang maririnig sa kanila.

Napaluha rin sa galak si Jemima nang makita ang tagpong iyon. Nahaplos niya ang kaniyang dibdib, at ang kaniyang tiyan. Ramdam niya ang pagkasabik ng mag-iina, at ang kaligayahang nararamdaman nila ngayon. Maging si Cohen ay napapaluha rin habang nakatingin kina Harry. Batid niya kung gaano kahalaga sa magkapatid ang makita ang kanilang ina, lalo na kay Harry. Hindi pa niya nakakalimutan ang mga pinagdaanan nito sa paghahanap sa kaniyang ina.

Ilang beses na tiniis ni Harry ang magmukhang tanga, ang maliitin at insultuhin ng mga tao dahil sa paghahanap nito kay Benita Sy. Hindi ito sumuko. Ginawa nito ang lahat mahanap lang ang kaniyang ina. At ngayon, nagtagumpay din ito sa kaniyang minimithi. Kaya hindi siya nagtataka kung bakit halos dumanguyngoy ito habang niyayakap ang kaniyang ina.

"I never stopped believing, mom!"

Hinaplos ni Benita ang buhok ni Harry. "I know, Harry. I know what you did. And I'm happy." Inabot niya ang kamay ni Daniel, "I know what you did, too. You kept asking about me whenever you had a chance," at nilingon niya si Cholo. "I know that you hired an investigator from your pocket money."

Hindi inaasahan ni Harry na alam pala ng ina nila ang mga ginawa nila para sa kaniya.

"They gave me half of what you paid them. Half was for their silence, and the other half,-- I kept it on my vault."

Nilapitan ni Harry ang asawa. Inilapit niya ito sa ina.

"Auntie...," naiyak siyang muli nang makalapit sa ina ni Harry.

Nagyakap ang dalawang babae. "Jemima," hinawakan niya ang manugang sa baba nito, "you should call me 'mom' now."

"Yes,... mom." Muling nagyakap ang magbiyenan.

"Thank you for making Harry happy," bulong niya sa manugang.

Masaya silang nagsalo sa pagkain habang nagkukuwentuhan.

Nalaman nila na walang means of communication si Benita palabas ng bakuran. Nanatili lang siyang updated dahil sa mga taong pinayagang dumalaw sa kaniya.

"So Chester knew everything," may hinanakit sa boses ni Harry habang nagsasalita. Agad na ginagap ni Jemima ang kaniyang kamay.

"Don't blame him. He can't do anything that's against your father's wish."

"Father!" sabay na bigkas ng magkapatid. Agad din silang natahimik. Sino pa nga ba ang puwede nilang maging suspect ngayon na siyang pasimuno kung bakit nanatili sa bahay na ito ang kanilang ina, at ni isang private detective ay walang naibigay na tamang impormasyon.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"That old man!..." He stopped when Cohen patted his shoulder. Ngayon ay napunta kay Cohen ang kaniyang hinanakit. "You knew, didn't you?"

Bigla siyang tumayo at sinuntok si Cohen sa mukha.

"Harry!" Narinig niya ang sabay na pagsigaw ng dalawang babae.

"Stop it, Harry. Cohen has nothing to say to you unless your dad says so."

Napatingin si Harry sa ina. Ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob. Kari-reunite pa lang nila sa loob ng mahabang panahon.

Tiningnan niya si Cohen na nakalugmok pa rin sa sahig. Nag-iisip ito at tila wala pang balak tumayo. Ibinigay niya ang kaniyang kamay dito para tumayo.

"Honestly, I didn't know the place. And he didn't tell me anything about this. I just had a hunch. But my hands were tied, until today."

Nagkatinginan ang mag-iina sa sinabi ni Cohen. Naisip ng magkapatid na kung hinadlangan ni Samuel Sy ang paghahanap nila ngayon, baka bigo pa rin sila hanggang ngayon. Baka hindi pa rin nila kaharap ngayon ang kanilang ina.

....

KAUSAP ni Allan Sy sa telepono ang kaniyang anak. Matapos ito ay lumapit siya sa asawa. Nagpatuloy sila sa pag-inom ng tsaa.

"Things are getting interesting."

"I should see Benita. I miss her so much!"

"You would. But let's wait until he iron things out. Let him deal it first." Binuksan niya ang telebisyon para manood ng news.

Napansin niyang nakatingin lang sa kaniya ang asawa. Pinalapit niya ito sa kaniya at niyakap ito. "Your bestfriend is fine. You will meet her soon," at hinagkan niya ito sa noo.

UMPISA pa lang ng pagbubukang-liwayway ay sumakay na ng bangka si Samuel. Pumalaot siya. Hindi niya inalintana ang malamig na simoy ng hangin. Nagpaikot-ikot lang siya sa laot. Tahimik na sumasagwan hanggang sa batiin siya ng haring araw.

Nang makakita siya ng gusto niyang spot ay doon siya huminto. Sinimulan niya ang pamimingwit. Humuni-huni siya ng kantang Can't Help Falling Inlove ni Elvis Presley.

Hindi siya apuradong makahuli ng isda, kaya hindi niya inaasahan ang una niyang nabingwit.

Pagbalik niya sa dalampasigan ay hindi na siya nagtataka sa itsura ng mga taong nadatnan niya. Pinangungunahan ni Benita ang mga anak sa pagsalubong sa kaniya.

Kinuha nina Daniel at Cholo ang malalaking isdang huli ng kanilang ama, habang nanatili sa tabi ni Benita si Harry. Inakbayan niya ang kaniyang ina.

Habang iniihaw ng magkapatid ang mga huli ng kanilang ana ay magkaharap sa mesa ang kanilang mga magulang. Sinamahan naman ni Harry sa paglalakad sa may dalampasigan si Jemima.

Nanatiling nakatitig si Benita sa mukha ni Samuel. Napansin niya ang hapis nitong mukha bagama't makinis pa rin ito. Lumamlam ang mga mata nito na tila pinamahayan ng kalungkutan. Hindi naman makatingin ng diretso sa kaniya ang kaniyang asawa.

"Don't you have something to say?"

Bumuntunghininga si Samuel. "You knew everything."

"I still want to hear it, Samuel."

Kumilos ang bibig ng lalaki pero walang nanulas sa kaniyang bibig.

"All these years, you still don't know how to forgive."

Napatingin siya sa mukha ng asawa. "I did forgive you long time ago."

"I'm not asking for your forgiveness, Samuel." Humugot muna siya ng hininga at tiningnan sa mata ang kausap bago muling nagsalita, "I want you to forgive yourself. You have no one to blame for all of this but you. You,... your jealousy and your pride." Gumaralgal na ang boses niya sa huli niyang winika habang nakatingin siya sa mukha ng asawa.

Tumahimik si Samuel. Naalarma siya nang humagulgol na ang kaharap.

"Benita,..." sambit niya habang ipinatong ang kaniyang kamay sa likod ng kamay ng asawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.