Chapter 39
WALANG pasok ang mag-asawa sa opisina ngayon kaya minabuti nilang mamili sa department store. Magkatuwang sila sa pagdedesisyon ng bibilhing mga gamit ng kanilang magiging anak.
Sinigurado nilang mabili lahat ng nasa listahan mula sa newborn essentials gaya ng kumot, damit, socks and mittens, bibs, at iba pang cute na mga gamit ng baby hanggang sa bassinet, car seat, at stroller nito. Inayawan ni Jemima ang ipinakita sa kaniyang breast pump ni Harry. Pakiramdam niya kasi ay masasaktan siya doon. "No need for that. I'll bring the baby anywhere I go."
"It's best to be prepaid for some circumstances. You might need this once or twice," pangungumbinsi niya sa asawa. Nakinig naman ito sa kaniya.
Hindi niya sigurado kung umaayon ba ang asawa sa ipinupunto niyang kahandaan o wala lang itong ganang makipagbardagulan sa kaniya. Lately ay napapansin niyang may katamlayan ito sa pagkilos.
Sa gilid ng mga mata ni Jemima ay napansin niyang may isang babaing kumukuha ng video sa kanilang mag-asawa. Nagkunwari na lang siyang hindi niya ito napansin.
Napadaan sila sa sports area. Natuon ang pansin ni Harry sa mga naka-display na bola ng larong football. Mataman siyang nag-isip habang tinititigan ang bola.
Napansin na naman ni Jemima ang babaing nagbi-video at nakaramdam siya ng pagkaasiwa kaya payakap niyang nilapitan ang asawa.
"Honey, let's go."
Hinaplos naman ni Harry ang likod ng asawa bago sila humakbang. Napahinto sila nang mapansin ang poster ni Cristiano Ronaldo. "Look, he's here"
"Go, talk to him," pagsakay niya sa tinuran ng asawa. "Convince him, honey."
"If only he can hear me."
Natatawa silang nilisan ang lugar.
....
Sa malapit na fastfood nila naisipang kumain para makapagpahinga.
Pinagmamasdan ni Harry ang asawa. Gusto man niyang hulaan ang iniisip nito habang nakatingin ito sa kaniyang cellphone ay wala talaga siyang ideya. "Honey,..." nang tumingin sa kaniya ang asawa ay saka siya nagpatuloy ng pagsasalita, "are you having a hard time carrying our baby?"
Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Jemima.
"Do you miss your parents? Do you want to see them?"
"Yes, I do. But why are you asking me that now?"
"Well,... I think you're bored here. Perhaps you see me as a lousy partner, so-"
"Yes, Harry."
Tila huminto ng paghinga si Harry sa mabilis na pag-amin ng asawa. Parang gusto niyang mabingi kesa marinig iyon. Pero narinig na niya at malinaw iyon.
Napansin niya ang pagguhit ng sakit ng damdamin sa mukha ng asawa. Agad niyang sinisi ang sarili sa pabigla-biglang sagot. Hindi niya na tuloy matingnan sa mata ang asawa.
"I mean, yes, I'm bored. And you might be feeling the same," saka siya naglakas-loob na muling tingnan ito. Muli siyang yumuko nang makitang nakakunot ng noo ang lalaki. "And yes, I miss my family and I want to see them." Muli niyang tiningnan ang asawa. Hindi na nakakunot ang noo ni Harry pero alam niyang disappointed na ito sa naririnig mula sa kaniya. Hinawakan niya ito sa kamay. "But I want to stay here, with you. I will miss you, and I don't like that feeling, Harry." Iyon lang at gumanda na agad ang aura ng lalaki. Pinisil nito ang kaniyang kamay. "We have two days to spend together before I go to India. Where would you like to go now?"
PINILI niyang mamalagi muna silang mag-asawa sa kanilang secret place. Wala siyang ganang mamasyal kung saan-saan. Gusto niya lang ay makapagpahinga silang dalawa. Itong lugar na ito ang pinakamaganda para sa kaniya, hindi matao at malapit sa dagat.
Sinarapan niya ang pagluluto ng tinolang manok. Gusto niyang maging familiar si Harry sa mga pagkaing pinoy.
Napapangiti siya habang pinapanood ang asawa na maganang kumakain ng niluto niya. Napansin ni Harry ang pagtitig sa kaniya ng asawa.
"Cuckle! Cuckle!" aniya habang iwinawagayway sa hangin ang dalawang siko na parang manok.
'Ang sosyal nito.' Sumampa siya sa upuan at tumilaok na parang manok. "Tuk-tuga-oook!"
"Is that the way it should be?" Ginaya naman niya ang asawa.
"Tuk-tuga-oook! Tuk-tuga-oook!"
Tuwang-tuwa sila sa ginawang kalokohan.
Habang naghuhugas sila ng pinagkanan ay pinangunahan ni Harry ang paglalaro ng bula ng sabon.
"Stop it, I might catch cold."
"Uh! Sorry, my queen." Naghugas naman siya agad ng kamay at pinunasan ang mga nahugasan nang kubyertos.
Napaisip siya. "Jem,..." nang magtagpo ang kanilang paningin ay nagsimula siyang magtanong, "how do chicken start a family? Have you watched them do it?"
Natawa ang babae sa itinanong ng asawa. "Oh, Harry, spare the chicken, will you?"
"I'm just curious. Can you tell me?... show me?"
"No."
"Why not? Show me, honey." Niyakap niya ang natatawang asawa at hinalik-halikan sa pisngi at leeg.
"You're too heavy. And I got big belly bump."
"Oh!..." napatingin siya sa tiyan ng asawa. "After it's hatched then."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nanlalaki ang mga matang natatawa si Jemima. "Hatched!?!"
Agad niyang niyakap ang asawa at dinampian ng maraming halik sa pisngi habang nagpapaliwanag, "of course, I was only joking. Phoenix can't be hatched, we'll sign up for a stork delivery," sabay tawa at halik sa pisngi na may panggigigil sa asawa. Hinimas-himas muna niya ang tiyan ng asawa bago lumayo dito na pakantang naglitanya, "she has a belly bump, can't do a chicken pump!"
Natatawang tinapos ni Jemima ang ginagawa. Pinagmasdan niya ang asawa. Naisip niyang tama lang na dito niya piniling mag-stay sila ngayon. Maganda ang aura ng asawa niya ngayon. She's hoping na magtutuloy-tuloy ang kasiyahan nila habambuhay.
Naupo sila malapit sa may bintana. Nakakandong siya sa asawa habang ikinukulong siya sa mga bisig nito. Pinagmamasdan nila ang mga bituin.
Naisip ni Jemima, kung hindi si Harry ang naging asawa niya, baka hindi ganito ang buhay na nararanasan niya. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya kung sumuway siya sa kagustuhan ng mga magulang niya na ipakasal dito. Kahapon lang ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan. Hindi na niya nagugustuhan ang boredom na naramdaman niya sa araw-araw nilang ginagawa. Halos napunta na lang lahat sa trabaho ang oras nila. Pero ngayong magkasama silang nagpapahinga rito, bumabalik ang appreciation niya sa kung ano'ng mayroon sa pagsasama nila.
Napansin ni Harry na malalim ang iniisip ng asawa. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Care to share your thoughts?"
Hinaplos ni Jemima ang pisngi ng asawa. Yumakap siya dito.
"Harry, I'm glad that you're my husband."
Dinampian niya ng halik sa ulo ang asawa. "Me, too." Hinagod niya ng haplos ang likod ng asawa. "I never thought that I will be happy with a wife." Napatingin siya sa mukha ni Harry.
"I never thought I will be happy with you. But all my thoughts about us as a couple turned out to be wrong." Dinampian niya ng halik ang tungki ng ilong ng asawa.
"Do you love me?" Hindi niya naiwasang itanong iyon.
"I do." Nakita niya na tila may hinihintay pang marinig ang asawa kahit na starry-eyed na ito. "I love you, Jem." Tila may humaplos sa puso niya nang biglang nag-alpasan ang mga luha ng babae sa mga mata nito. Hinawakan niya sa mukha ang babae. Hinalikan niya ito sa labi.
Ngayon lang niya naranasan ang makipag- lips-to-lips habang umiiyak. Umiiyak siya sa galak.
Ninanamnam niya ang kaligayahan habang kayakap ang asawa. Sumandal siya sa dibdib nito.
Napangiti si Harry nang mapagtanto niyang nakatulog ang asawa habang nakakandong ito sa kaniya. Kinarga niya ito at inilapag sa kama. Bahagyang nagising ang babae. Hinanap nito ang dibdib niya at doon umunan. Nakangiti siyang hinayaan na lang ang asawa.
Naaalala niya, ilang beses din niyang ginustong patulan ang pang-aasar sa kaniya ni Jemima noon, to the extent na suwayin niya ang kagustuhan ng kaniyang ama na makasal dito. At kahit nang makasal na sila, ilang beses na rin niyang ginustong tuluyang makipaghiwalay dito. Pero kung nangyari iyon, hindi sana niya nararamdaman ang kaligayahang ito ngayon sa piling ni Jemima.
Ginawa nilang bonding ang pagbabago ng interior decoration ng sikretong lugar nilang ito. Pinili nilang kulay ng loob ng bahay ang classic white para sa kisame at rich blue-green hues para sa pinakamalapad na area ng living room. Pinanatili nila ang neutral tans sa ibang parte ng bahay.
Naaawa na natatawa si Jemima sa naging itsura ng asawa. She took a picture of him having blue and white paints on his face and hands. Ini-upload niya ito sa social media saka niya ipinakita sa asawa. Hinabol siya nito para pinturahan din sa mukha.
"No! It's bad for the baby!"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Agad namang huminto sa paghabol ang lalaki. Tawa siya nang tawa sa itsura ng asawa na na-disappoint dahil hindi makakaganti sa kaniya.
Namili rin sila ng mga kurtina na complementary ang kulay dito gaya ng shades of blue. Dahil napagod, hindi na nagluto si Jemima. Kumain sila sa restaurant serving filipino food.
"You know, I kind of like filipino foods now. Well, I always appreciate your mother's cooking, but the more it's getting familiar to me, the more I get to appreciate it." "I'm happy to hear that."
"But I like it most when you cook it with love, honey."
Saka lang napilas ang ngiti ng babae. "Thank you."
Habang kayakap niya ang asawa sa paghiga, naisip niyang ngayon lang sila nagpunta rito na hindi napuno ng halinghing ang bahay na ito. Pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na asawa. Halata sa mukha nito na natulog itong masaya. Napangiti siya. Napansin niyang hindi mahilig mag- "I love you" sa kaniya ang babae. Pero ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Ang mga luha ng kaligayahan nito ay malinaw na tanda ng anumang hindi nito kayang bigkasin. Hinagkan niya ito sa noo at ipinikit ang mga mata.
INIHATID niya sa airport si Harry. Mahigit sa isang linggo itong mamamalagi sa India.
"I have to go, my queen." Hinagkan niya sa noo ang asawa.
Nang humakbang na ito papasok ng eroplano ay hinawakan niya sa manggas ang asawa. Nakaramdam siya ng loneliness at helplessness. Kung puwede lang ay hindi niya papayagang iwanan siya nito.
Naaawa namang niyakap siya ni Harry. "I will be back soon, my wife. I will miss you!"
Nakita niyang nangilid na ang mga luha sa mga mata ng asawa at namumula na ang ilong nito. Dinampian niya ito ng halik sa labi. "I will always call you."
"Take care," bigkas niya habang pinipigilan ang pagtulo ng luha.
Nang nilingon siya ng asawa ay pinabaunan niya ito ng ngiti.
Napahaplos siya sa tiyan. Nakaramdam siya ng kahungkagan nang mag-isa niyang tinatahak ang exit. 'So this is married life.'
She cheered herself. At least, may hinihintay siyang uuwi sa kaniya. Isang mabait at masipag na asawa si Harry, ano pa ba ang hihilingin niya?
Habang nasa loob ng eroplano ay tinatanong ni Harry ang sarili kung tama bang may hindi siya ipinagtapat sa asawa. Pagdating niya ng India ay may ilang personalidad siyang kakausapin. Lahat nang iyon ay tungkol sa ikalalago ng kumpanya.
Ang hindi alam ni Jemima ay isa sa kaniyang pakay doon ay si Chester Singh. Mukhang tinotoo ni Chester ang sinabi nitong kukumpitensiyahin si Harry. Welcome naman sa kaniya ang competition. Ang hindi lang niya gusto ay ang alingasngas na naririnig niyang nagmula sa kampo ng pinsan.
Personal siyang inatasan ni Samuel Sy para kausapin ito. Alam niyang labis na nasaktan ang kaniyang mga magulang sa naririnig nilang intriga mula sa kampo ni Chester. Lumipat kasi ito sa numero uno nilang karibal na kumpanya, ang Ngunit ang higit na lumiligalig sa kaniya ngayon ay ang hindi pagsasabi sa asawa tungkol sa isang taong kakatagpuin niya rin sa India. Ito ay si Ivana Smith.
Ano kaya ang mararamdaman ni Jemima kapag malaman nito ang plano niyang pakikipagkita sa babaing nakasama niya noon at nagtangkang paghiwalayin sila? Napabuntunghininga siya sa naiisip. Ayaw niyang masaktan ang kaniyang asawa kaya hindi na niya ito binanggit. Ayaw niyang mapuno ang isipan nito ng agam-agam habang magkalayo sila.
Nang makababa siya ng eroplano ay agad niyang kinuha sa bag ang cellphone. Tatawagan niya ang asawa. Nagri-ring lang sa kabilang linya pero walang sumasagot. Naisip niyang baka abala ito sa trabaho.
He checked his messages. Bigla siyang pinanlamigan nang mabasa ang message ng asawa. "Harry, Ivana called. She was asking if you're really coming. It was in the voice mail."