The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Sixty Three



"Mukhang mababait ang parents mo," wala sa sariling usal ko nang maiwan kami sa living room ni Preston. Kapupunta lamang nila sa taas at iniwan na kami rito sa baba. Mula kasi kanina nang makakain kami ng tanghalian ay hindi na nila kami tinigilan.

Naikuwento ko na yata sa kanila lahat ng nangyari mula nang magtrabaho ako rito kay Preston-siyempre minus ang mga 'kababalaghang' ginawa namin dahil baka masira pa ang impression nila sa akin. Mabuti na lamang din at magiliw ang pakikitungo nila sa kambal. Close si Chantal sa lola niya samantalang close na rin si Jarvis sa lolo niya.

Mahinang tumawa si Preston. "Mukha ring hindi ko namana ang sinasabi mo," naiiling na sambit niya kaya't wala sa sarili akong napatingin sa gawi niya.

"Hindi, ah. Tingin ko nga ay halos magkapareho kayo ng Daddy mo, e. Siguro pagtanda mo, ganoon ka rin, ano?"

Tumawa si Preston matapos marinig ang sinabi ko kaya't hindi ko mapigilang mapangiti. Akala ko ay magtatagal ang pagbababa niya sa sarili. Mabuti na lamang at hindi naman pala ganoon.

"Siyempre, dapat guwapo rin ako pagtanda," biro niya pa kaya't sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natawa. Hindi ko na siya kinontra pa at tumango na lamang dahil hindi naman siya nagloloko. Mukhang ganoon nga ang mangyayari dahil hindi kahit naman hindi na siya masyadong bata ngayon, makakapasa pa naman siyang mga five years younger, ganoon.

"Natakot ako."

Ramdam kong humarap sa akin si Preston kaya't hindi ko siya nilingon. Malakas akong bumuntong hininga habnag nakatingin sa kawalan. "Akala ko hindi ako magugustuhan ng nanay at tatay mo,” dagdag ko pa. "They like you "

"Alam ko na naman," pagtutol ko sa sasabihin niya at muling bumuntong hininga. "Kaya nga sabi ko, natakot ako, 'di ba? Hindi ko naman sinabing natatakot ako. Hindi ka ba marunong sa grammar? Kaya ka nasisita ni Jarvis, e." Tumawa si Preston dahil sa sinabi ko habang marahang napapailing. "All right. Sabi ko nga, it's my fault. Kayo na ni Jarvis," natatawang pagsuko niya.

Napangiti naman ako dahil doon at nagpatuloy na sa pagsasalita.

"Pero seryoso na, natakot talaga ako. Mabuti nalang nagustuhan nila ako. Pero ikaw, paano kung hindi nga talaga nila ako nagustuhan? Anong gagawin mo?"

"It doesn't matter," walang pag-aalinlangang sagot niya at kaswal na nagkibit balikat. "Of course, they're my parents so I still need to respect their decisions and opinions. Pero pagdating sa 'yo... only mine's matters. I don't care if they like you or not. Kaya nga sabi ko sa 'yo, wala ka namang dapat ikapag-alala."

Hindi ako nakapagsalita kaagad matapos marinig ang sinabi niya at nanatiling tahimik na lamang habang hindi pa rin siya tinitingnan. Tulad ng lagi kong nararamdaman, parang may naglalarong paruparo sa aking tiyan nang mairnig ko ang sinabi niya. Kahit na medyo matagal na kami, pakiramdam ko ay parang teenager pa rin ako kung kiligin sa bawat banat niya.

"And even though I was quite disappointed that Dad didn't tell me about you and Jarvis sooner, I was kinda thankful, too. We won't have any genuine relationship right now if he did told me sooner."

Napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Saka kung sinabi niya kaagad, baka hanggang ngayon. Galit ka pa rin sa akin or worst, baka inihiwalay mo na talaga sa akin ang mga bata. Mabuti nalang."

"I know that I always told you this but... I was really sorry for what I did back then, Babe. I was too clouded by my emotions that I didn't even listen you. Kung may nagawa man ako na gustong-gusto kong burahin at itama, siguro iyon yon," mahinang sabi niya

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sairli ko at tumingin na sa gawi niya. Hindi na siya nakatingin sa akin at nakatingin lamang sa harap habang sunod-sunod na bumubuntong hininga. Napalabi naman ako dahil doon. "Hindi na naman mababago pa kung ano ang pagkakamaling nangyari na." Nag-iwas kaong muli ng tingin sa kaniya at malakas na nagpakawala ng buntong hininga. "Ang kailangan mo lang gawin, siguruhin na hindi na ulit mangyayari 'yon." "I know. I am trying my best to be the best partner to you and father to our children. Lalo na at may paparating pa..."

Umangat ang sulok ng labi ko at marahang napatango bilang pagsang-ayon. "Akala ko magagalit sina Chantal at Jarvis dahil hindi kaagad natin nasabi sa kanila. Mabuti nalang dahil hindi sila nagalit."

"Well it's Dad's fault. Naghahanda pa tayong sabihin, sinabi na niya."

Humaba ang nguso ko at muling napatango. "Sinabi ko pa naman sa Mom mo-"

"Tita," pagputol niya sa sasabihin ko. "Tita nga raw ang itawag mo sa kaniya. Kung ako lang ang papipiliin, you should call her Mom, too."

"Nakakahiya nga sabi. Saka na kapag alam mo na..." Nag-init ang pisngi ko nang muli na naman kaming napunta sa topic na iyon.

Tumawa siya. "Sus, nahiya pa. Doon din naman patutungo—"

"Di mo sure," biro ko at tumingin sa kaniya. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata kaya't hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na matawa. "Ito naman, high blood agad. Nagjojoke lang." "Baka magkatotoo, magagalit ako," umiiling na sambit niya kaya't muli akong natawa.

"Magtatatlo na ang anak natin, Preston. Hindi pa ba 'yon assurance na magpapakasal naman ako sa 'yo? Hindi pa nga lang ngayon pero alam mo na naman 'yon."

Agad na sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya kaya't napailing na lamang ako habang tumatawa. Kinilig pa ang loko. Masiyado siyang halata kapag kinikilig, pati tuloy ako ay nadaramay.

"Tara na, punta na tayo sa taas. Baka mamaya, bumaba pa rito ang Mom o ang Dad mo tapos makitang nandito pa tayo. Baka isipin nila, gumagawa tayo ng milgaro," biro ko at akmang tatayo na sa aking kinauupuan ngunit sa halip na sundin ang sinabi ko ay hinawakan niya ang aking palapulsuhan bago ako hinila palapit sa kaniya.

Iniunan niya ang aking ulo sa braso niya samantalang ang mukha ko naman ay nasa kaniyang dibdib. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hinayaan na lamang siya sa gusto niya.

"Mabuti hindi ka mabaho ngayon."

He groaned. "Of course, I didn't put any perfume. Alagang downy 'to, babe."

Mahina akong tumawa at tumango na lamang. Mas lalo ko pang isinubsob ang ulo ko sa dibdib niya at mahigpit na niyakap ang tagiliran niya. "Bango," mahinang usal ko at ipinikit ang aking mga mata. "Are you tired?"

Marahan akong tumanngo bilang sagot sa tanong ni Preston. "Konti. Hindi lang siguro ako sanay na may iba tayong kasama saka ang dami nilang tanong. Pakiramdam ko tuloy, iniinterrogate tayo ng mga pulis," sagot ko. "You don't like it?"

Umiling ako. "No. Nagustuhan ko naman kasi mabait naman sila. Medyo naexcite nga ako bukas, e."

Tumawa si Preston dahil sa sagot ko at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. Lihim naman akong napangiti sa ginawa niya. Mas lalo ko pang isinubsong ang aking ulo sa dibdib niya kaya't muli siyang natawa. "Clingy ha," komento niya. Napailing na lamang ako at hinayaan na siya.

"Alam mo, medyo nagtataka ako sa nanay at tatay mo," wala sa sariling sambit ko matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Hmm?"

Kaswal akong nagkibit balikat. "Kasi 'di ba ano... bilyonaryo kayo?"

"And? What's the matter? I thought that's already a fact that everyone knows," kaswal na sabi niya kaya't hindi ko mapigilang mapalabi.

"Hindi kasi. Ang akala ko kasi, masiyadong maaarte ang mga katulad niyo. I mean, hindi naman sa masyado akong judgemental pero alam mo na, normal lang naman akong tao saka siyempre, iba kayo-" "Abnormal kami?"

Sinamaan ko ng tingin si Preston kaya't mahina siyang tumawa at napailing. Nagawa pang magbiro nang ganoon ang loko. Mlakas akong bumuntong hininga. "Hindi kasi ganiyan. Akala ko matapobre at maarte kayo, ganoon. Mga high- maintenance na ayaw makisalamuha sa mga katulad namin. Kaya nga noong nakikipagkamay sa akin ang Mom mo kanina..."

"Hindi mo kaagad tinanggap," pagdurugtong niya sa sasabihin ko. Mas lalo namang humaba nag nguso ko at marahang tumango bilang pagsang-ayon. "I know that you're feeling that way. Maging lahat naman siguro ay ganiyan ang first impression. Hindi na bago."

"Pero..." Humugot ako ng malalim na buntong hininga at awkward na tumingin sa kaniya. "Hindi naman sa judgemental ako o ano, ha. Curious lang ako kung bakit ganoon ang parents mo? 'Yong nanay mo naman, mukhang galing sa mayaman na pamilya. Pansin ko na kasi kung paano siya kumilos. Hindi 'yon mukhang peke. Para bang ano, pinalaki na siyang ganoon kung kumilos? Elegante pero parang masaya pa ring kasama. Wala lang, weird lang para sa akin." Napatango si Preston dahil sa sinabi ko ngunit hindi kaagad siya nagsalita. Agad namang humaba ang nguso ko at tumingin sa gawi niya. "Na-offend ka ba sa tanong ko?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at nagkibit balikat. "Come on, why would I be offended?" Natatawang tanong niya kaya't sa pagkakataong iyon ay ako naman ang nagkibit balikat. Tama nga naman. Bakit nga naman siya maooffend sa tanong ko? Wala naman akong tinatapakang tao.

"You know, my Dad wasn't well-off back then."

Napatingin ako sa gawi niya nang may idurugtong pa pala siya sa sinabi niya. "Hmm?"

"My Mom was raised in a well-off family-sobrang yaman. She grew up thinking that her life was already planned. From her elementary school to college, lahat ng desisyon, wala siyang hawak doon. Even her work, wala siyang nagawa kung hindi sundin ang parents niya. She even thought that her future husband would be decided by her parents, too. But then, she met my Dad..."

"Tapos?"

"Si Dad, iba siya kay Mom-halata naman siguro sa ugali nila kanina. They're so much different from each other. Mom was having a trip riding a cruise and coincidentally, my Dad works there. They fell in love but they got separated." "Dahil sa parents ng Mom mo?" pang-uusisa ko pa.

Marahang tumango si Preston. "They thought Dad is such a low life. Iniisip nila na masiyadong mataas kung mangarap si Dad para makuha si Mom. Pinapunta nila sa ibang bansa si Mom tapos naiwan si Dad dito."

"Paano siya naging bilyonaryo? I mean, 'di ba trabahador lang siya sa cruise ship tapos biglang bilyonaryo na kaagad? Hindi naman siguro makatotohan 'yon. Milyonaryo, puwede pa. Pero bilyonaryo..." "And I'm going to tell you something more unbelievable."

Napatingin ako sa kaniya at kunot noo siyang tiningnan. "Unbelievable? Ano naman?"

"My Dad won on a lottery."

Agad na umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ilang segundo akong hindi nagsalita dahil hinihintay ko siyang sabihin na hindi totoo ang sinabi niya at nagbibiro lamang siya pero ilang segundo na ay hindi niya pa rin binabawi ang sinabi niya.

Ilang beses akong napakurap. "T-Totoo ba 'yan?"

"Unbelievable, right?" Mahina siyang tumawa at napailing. "But as much as it sounds so unbelievable, it's true... I swear. Right after Mom left, Dad won the lottery. Sabi ni Dad, siguro tadhana ang nangyari. Parang sign daw ng Diyos na habulin niya si Momm at ipaglaban."

"Sumunod ba siya?"

Ineexpect kong tatango siya ngunit muling umawang ang bibig ko nang umiling siya. "Ha? Anong ginawa niya pagkatapos noon kung hindi niya pala sinundan?" takang tanong ko pa.

"He negotiated with the ship's captain. Thankfully, he's a nice person. Hindi siya gahaman sa pera kaya tinulungan niya si Dad. Without him, I don't think Dad would become who he is now." "Nasaan na siya ngayon?"

"He died five years ago."

Natahimik ako nang marinig ang sagot niya. Medyo matanda na nga ang tatay niya kaya medyo delikado na rin kay kamatayan ang mga ka-edad niya. Mabuti nalang, hindi pa siya binibisita.

"So paano naging bilyonaryo 'yong tatay mo? Kahit naman tinulungan siya nong kapitan ng barko, milyon lang naman ang napanalunan niya... malayo pa 'yon sa pagiging bilyonaryo, ano,” dagdag na tanong ko sa kaniya.

"Of course, that's not the end. Graduate naman si Dad ng College bago pa siya manalo sa lotto. Hindi lang masiyadong halata dahil sa kilos niya but he's hella smart. Sobra-sobra at hindi ko kayang maging kasing-talino niya. Siguro dahil matalino siya kaya mas lalong bumilis ang proseso. But of course, hindi naman 'yon magiging madali kahit matalino at may pera na siya-so he invested almost all of it on studying again, furthering his knowledge about the topic that he's interested with which is "

"Wine," pagputol ko sa sasabihin niya. Tumingin naman siya sa akin na animo'y nagtataka kaya't nagkibit balikat ako. "Nalaman ko kasi sinearch kita sa internet noong nasa bahay pa ako ni Dalia. Hindi ko kasi alam kung anong trabaho o ano mo, basta mayaman ka saka CEO, 'yon lang ang alam ko. Kaya niresearch kita tapos nakita ko na may-ari ka pala ng wine company na ipinama sa 'yo ng Daddy mo."

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Right. Nauna siyang natuto sa barko noon ng mga alak na isineserve nila sa mga nakasakay. Wala siyang pera kaya hindi niya iyon masiyadong natikman noon pero noong nagkapera na siya, habang tumatagal, naging interesado na siya."

"Naging lasinggero?"

Mahina siyang tumawa dahil sa tanong ko kaya't maging ako ay natawa. Tama naman, ah. Naging interesado raw, siyempre tinitikman niya palagi. Kapag tinitikman niya palagi, e 'di siyempre, nalalasing siya. Inom siya nang inom ng alak, e. "Not really. Umiinom lang siya for research. Wala masiyadong resources dito sa Pilipinas ng tungkol sa pag-aaral sa wine so he went abroad to learn. Nag-aral siya ulit hanggang sa nagnegosyo na siya—of course, sa tulong ng mayamang kapitan ng barko na pinagtrabahuhan niya. Surprisingly, his business went well. The wine's quality was top-notch that it immediately made a noise overseas."

"Ah. Ibig sabihin, mas una siyang nakilala sa ibang bansa..."

"Yes. Siguro kaya rin mas naging madali na lumago ang negosyo niya dahil doon. Now, everyone knows the wines that he made. He's well-known in this field, substitute lang ako. Well, I wasn't really interested in handling the business but when I was young, I was quite a troublemaker. You know... I drink a lot."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. "Ibig mong sabihin, naging CEO ka kasi lasinggero ka?" biro ko kaya't muli siyang natawa.

He shrugged. "Yata? Ewan ko kay Dad. Sabi niya noon, ayaw niyang ipamana sa akin ang business niya kasi puro ako inom tapos biglang noong nagretire, sa akin nalang daw. As if naman may iba pang magmamana bukod sa akin?" Tumawa ako dahil sa sinabi niya at marahang tumango. Sabagay nga naman. Sa pagkakaalam ko, nag-iisa siyang anak kaya imposible talaga na hindi siya ang magmamana.

"Tapos? Anong sunod? Paano sila nagkita ulit ng Mom mo?" tanong ko nang maalala ko ang Mom niya. Hindi niya pa nga pala nasasabi kung paano sila nagkabalikan.

Ngumiting muli sa akin si Preston kaya't nag-iwas at nagbaba na ako ng tingin sa kaniya. Muli kong inihilig ang ulo ko sa dibdib niya at ipinikit ang aking mga mata para mas lalo akong maging attentive sa pakikinig sa kaniya. "Business proposal. Through a business proposal."

"Hmm?" mahinang tanong ko sa kaniya nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Dad went on Mom's company abroad and he asked if... they can be partners." "Sa business?"

Tumango siya. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan ang tawa ko. Malamang, Lyana. Kaya nga business proposal, e. Siyempre business ang ipopropose. Alangan namang kasal? Nanahimik na lamang ako at nagpasalamat na hindi ako itinama o niloko ni Preston.

Duh, ako lang ang may karapatang mang-asar sa kaniya, ano. Hindi niya ako puwedeng asarin, magagalit din sa baby-char.

"When Mom saw his name on the paper, akala niya ibang tao. Akala niya nagkamali lang siya but when Dad went there for business, saka niya nakumpirma na si Dad nga iyon. He's already different. Hindi na siya mahirap na puwedeng tapak- tapakan lang ng tatay ni Mom. He established his own name and build his own company without marrying my mother."

Napatango ako kaya't nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Of course, they got along immediately. Hindi naman sila talaga nagbreak noon, they just got separated. Mom never had any lover aside from Dad-at ganoon din si Dad. They thought everything would go right that time but..."

"Pero?"

"But Mom got engaged with someone else. Arranged marriage."

"Oh? Paano? Paano 'yong Dad mo? Anong nangyari?" takang tanong ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagtagpo ang aking dalawang kilay habang nakatingin sa gawi niya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

He laughed. "Of course, sila pa rin ang ikinasal. Nagpakasal sila bago pa ikasal si Mom sa iba. A secret marriage here in the Philippines where divorce is not really legal. Dahil dito sila nagpakasal, sigurado silang hindi kaagad mawawalan ng bisa ang kasal nila kahit na paghiwalayin pa sila ni Lolo."

"Paano naman nila sinabi sa Lolo mo? Sigurado akong nagalit siya nang todo nang nalaman niyang ikinasal na ang anak niya sa lalaking ayaw niyang maging manugang. Paano 'yon?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Nagkibit balikat siya at hindi kaagad nakasagot kaya't hindi ko mapigilang kabahan. Pinaghiwalay na naman ba silang dalawa? Kasi kung oo, aba, grabe na naman yata 'yon? Ilang beses na bang naghiwalay ang nanay at tatay niya dahil sa Lolo niya?

Mayamaya pa ay marahan siyang umiling. "They showed their marriage certificate to my grandfather and told him that he can't do anything to separate them anymore. Isa pa, buntis na rin si Mom noon sa akin kaya't wala na ring choice si Lolo at Lola kung hindi tanggapin. As if they can abandon their only child. And I am the first grandson, hindi nila ako matatanggihan."

"Yabang, ah," biro ko. Umiling naman siya habang mahinang tumatawa.

"As time passed by, naging maayos na rin ang pamilya namin. When I turned fifteen, my Dad made it to the most influential billionaire in the Philippines. When I turned twenty six, he retired and passed the company's name on me." Wala akong ibang naging reaksiyon kung hindi ang mapatango dahil sa pagkamangha. Hindi ko alam na ganoon pala ka-impluwensiyal ang pamilya nila.

Malakas akong bumuntong hininga at mas lalo pa siyang niyakap. "Sana all, may minana. Akin, sama ng loob lang, e," biro kong muli at mapait na tumawa.

He played with my hair and kissed the top of my head. "Care to share?"

"Wala namang mala-fairytale na kuwento ang pamilya ko, e. Hindi katulad ng sa 'yo kaya nakakahiyang ikuwento."

"But I'm willing to listen," mahinahong sambit niya kaya't mas lalo akong napalabi. Hindi naman talaga ako dapat magkukuwento sa kaniya pero dahil napakaunfair naman kung siya lang ang magkukuwento, napagdesisyunan kong bigyan siya ng kaunting kaalaman tungkol sa buhay ko.

"Preston?"

"Hmm?" mahinang tanong niya pabalik.

"Alam mo ba kung bakit mas gugustuhin ko na makipaghiwalay sa 'yo kaysa ipagsiksikan ko ang sarili ko noong nagalit ka?"

Saglit siyang natahimik ngunit nang makalipas ang ilang segundo ay marahan siyang tumango. Agad naman akong nag-angat ng tingin at kunot-noo siyang tiningnan. "Paano mo nalaman?" takang tanong ko.

"I heard you and Manang Lerma..."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natahimik. Hindi ko alam na narinig niya pala ang usapan namin ni Manang Lerma noon.

"Sinundan kita noon pagkalabas mo ng kuwarto tapos nakita kitang kausap mo si Manang Lerma,” dagdag niya at malakas na bumuntong hininga. "I-I'm sorry. I don't know how many times I said it but... I'm really sorry, huh, babe? I promise, I won't do anything like that again. Sisiguruhin ko na hindi mo na kailanman maiisip na hiwalayan ako. I'll be a better person, I promise."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at kapagkuwan ay tipid siyang nginitian. "Ayos na nga, 'di ba? Saka nag-promise ka na nga na hindi mo na uulitin. Basta tuparin mo 'yong promise mo, ha?"

Dali-dali siyang tumango kaya't mas lalo akong napangiti. Agad ko namang hinalikan ang labi niya ngunit mabilis din akong bumitaw. "Basta hindi mo na uulitin, ayos na sa akin. Hindi rin naman ako perfect, e. Nagkakamali rin ako at may mga bagay din akong kailangang itama at ayusin sa sarili ko. Hindi ka naman robot para hindi magkamali,” dagdag ko pa.

Agad na may sumilay na ngiti sa labi niya matapos marinig ang sinabi ko kaya't sa pagkakataong iyon ay siya naman ang humalik sa akin. Siguro kapag nakita kami ngayon ni Jarvis, babatuhin niya kami at sasabihing ang rupok ko kahit na hindi naman. Medyo matagal kaya kaming hindi naging ganito ng tatay nila, ano.

Hindi ako marupok-sure 'yon. Kasi kung oo, baka unang hingi niya palang ng tawad, pinatawad ko na siya kaagad. Kung may marupok man sa amin, baka si... Chantal 'yon?

"All right, tell me more, babe," sambit ni Preston kaya't muli na akong umayos sa pagkakahilig sa dibdib niya. Hindi naman siya tumigil sa paglalaro sa buhok ko kaya't lihim akong napangiti.

"Hindi ko pa yata nasasabi sa 'yo pero..."

"Hmm?"

"May iniwan naman sa akin sina Nanay at Tatay bukod sa sama ng loob,” dagdag ko.

"Really? What's that?"

"Alam kong hindi mo alam at hindi mo pa siya nakikilala pero..." Humugot ako ng malalim na buntong hininga upang magpatuloy sa pagsasalita. "May kapatid kasi ako."

Natahimik si Preston kaya't humabang muli ang nguso ko. "Galit ka ba dahil hindi ko kaagad sinasabi sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"No, of course not." Mabilis siyang umiling. "I was just surprised. Hindi ko alam na may kapatid ka pala. Where is he?"

"Nasa Tiyang ko. May sakit kasi siya sa pag-iisip saka hindi ko kayang alagaan nang mag-isa kaya hindi ko naisama rito."

Ramdam ko ang marahang pagtango ni Preston kaya't muli na akong nagsalita. "Saka isa pa..." panimula ko.

"Hmm?"

Kinagat ko ang aking labi at mas lalo pang isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya dahil natatakot akong makita ang reaksiyon niya sa susunod kong sasabihin. Muli akong bumuntong hininga bago nagsalita. "Siya rin ang rason kung bakit ako pumayag sa offer ni Dalia na maging surrogate mother. Naaksidente kasi siya noon kaya wala akong choice."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.