Chapter CHAPTER Sixty Four
Hindi ko na naituloy pang ikuwento kay Preston ang buong pangyayari dahil matapos kong sabihin sa kaniya na ang kapatid ko ang dahilan kung bakit ako pumayag na mag-surrogate mother ay hindi siya sumagot sa akin at natahimik na lamang. Dahil sa katahimikan, hindi ko na namalayan na tuluyan na palang sumara ang aking mga mata at nakatulog nang nakahilig sa kaniyang dibdib habang mahigpit ang yakap sa kaniya.
Naalimpungatan lamang ako kaninang umaga at napagtantong nakatulog na ako sa puwesto naming iyon dahil wala na akong maalala pa. Basta pagkagising ko, nasa kuwarto na ako ni Preston-wala sa kuwarto namin ni Jarvis, at nakabalot ng kumot. Wala si Preston sa tabi ko kaya naman hindi ko mapigilang magtaka.
Muntik na nga akong lumabas nang basta-basta pero naaalala kong narito nga pala sa bahay ang mga magulang ni Preston kaya't hindi kaagad ako tuluyang lumabas sa silid ni Preston. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago ako lumipat sa kuwarto namin ni Jarvis para magpalit ng damit.
Hindi ko mapigilang mahiya nang paglabas ko ng silid namin ni Jarvis at ay nakasalubong ko na ang nanay ni Preston at niyaya akong magtanghalian... oo, tanghalian. Tanghali nap ala, akala ko, umaga pa.
"Pasensya na po talaga, hindi po ako nakatulong kanina sa paghahanda ng umagahan saka po nitong tanghalian. Hindi po kasi ako ginising ni Preston kaya akala ko po ay umaga palang," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin sa nanay ni Preston habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Mahina siyang tumawa at iniangkla ang braso niya sa braso ko. Hindi ko naman mapigilang mapalunok sa ginawa niya dahil hindi pa rin ako sanay nang ganoon siya sa akin.
"Oh, come on, hija. That's completely fine. You don't have to say sorry, all right? At isa pa, sinabi na namin kay Preston na huwag kang gisingin kaagad kasi masama na kulang ang tulog sa buntis. 'Yon nga lang, nalipasan ka naman ng gutom. Just eat a lot later, huh? Para mabawi mo naman 'yong hindi mo pag-kain ng almusal. I'm sure you're already starving."
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango bilang pagsang-ayon. Tama naman siya. Pakiramdam ko nga ay mamamatay na ako sa gutom pero at least, kumpleto naman ang tulog ko.
"Mama! Kain ka na po?" Bumungad sa amin ng nanay ni Preston ang magkahawak kamay na si Chantal at Jarvis-hindi naman talaga sila magkahawak ng kamay dahil hinihila ni Chantal si Jarvis at sa kamay nakahawak. Pero cute pa rin
naman.
Tumango ako bilang sagot sa tanong sa akin ni Jarvis. "Hindi nakasabay si Mama sa inyo kaninang almusal pero sasabay na ako ngayon," anunsyo ko. "Nakakain na po kami ng lunch, Mama Lyana. Ikaw nalang po ang hindi."
Malakas akong bumuntong hininga nang marinig ang sinabi ni Chantal at napakamot sa aking ulo. "O-Okay. Mamayang gabi nalang, ayos ba 'yon?"
Tumango silang dalawa kaya't mag-iiwas na sana ako ng tingin ngunit kumunot ang nook o nang magtinginan sila at kapagkuwan ay mahinang tumawa na para bang may impormasyon silang hindi ko nalalaman. Agad namang nagsalubong ang kilay ko at pinanliitan sila ng mga mata nang tumingin sila sa gawi ko.
"Bakit kayo tumatawa? Anong meron, ha? May itinatago ba kayo sa akin?" talang tanong ko.
"Kasi Mama Lyana, sabi ni Lola, kaya ka po 'di namin kasama kanina kasi tulog pa raw po si baby sa tummy niyo po. Gising na po ba siya ngayon po?"
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Chantal kaya't inosente lamang siyang tumingin sa akin habang sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata. Sunod namang nagsalita si Jarvis kaya ibinaling ko sa kaniya ang aking mga mata. "Mama, kakain na po ba ang baby? Paano po kakain? Lalabas mo po sa tiyan mo po?" Inosenteng tanong niya rin sa akin kaya't sa pagkakataong iyon ay ako naman ang ilang beses na napakurap at hindi makapaniwalang tumingin sa kanila dahil hindi ko alam kung ano at paano ko sasagutin ang mga tanong nilang dalawa sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya't hinawakan na ni Tita-ng Mom ni Preston-ang braso ko. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti lamang siya sa akin at bumulong. "Pasensiya na, hindi yata nila naintindihan ang sinabi ko kanina. I was just so excited at ayaw akong kausapin ng mag-ama kaya sila nalang ang kinausap ko... hindi pala nila naintindihan," mahinang sambit niya.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi upang pigilan ang pagtawa ngunit nang tumawa siya ay hindi ko na rin napigilan pa ang sarili kong matawa dahil sa sinabi niya. Mukha ngang masiyado talaga siyang excited na magkaroon ng panibagong apo...
"Uh, Chantal, Jarvis?" pagtawag niya sa atensiyon ng dalawa kaya't maging ako ay napatingin din sa kaniya. "Hayaan niyo muna ang Mama Lyana niyo na kumain ng lunch. Akyat na tayo sa taas kasi papaliguan ko kayo. Paalis tayo mamaya." "Really, Lola?" Nanlaki ang mga mata ni Chantal at ipinagsiklop ang dalawang palad. "Magshoshopping po ba tayo?"
Tumango ang nanay ni Preston kaya't agad na animo'y nagningning ang mga mata ni Chantal. "At hindi natin kasama ang Daddy niyo,” dagdag pa ni Tita kaya't tuluyan nang pumalakpak si Chantal dahil sa labis na tuwa.
Base sa pinag-usapan nila kagabi, mukhang sa palagay ko ay palaging inispoil ni Tita si Chantal sa shopping pero hindi pinapayagan ni Preston. Ngayon na hindi nila kasama si Preston, tuwang-tuwa si Chantal dahil mabibili na niya ang mga gusto niya nang hindi pinipigilan ng ama.
Tumingin ang ina ni Preston kay Jarvis at ngumiti. Ilang beses namang napakurap si Jarvis marahil ay dahil hidni pa siya ganoong kapamilyar sa ginang mas close kasi sila ng Lolo niya kaya ganoon. "At ikaw naman, gusto mong sumama kay Lolo mo? Or sasama nalang kayo ng Lolo mo sa aming dalawa ni Chantal?" mahinahong tanong niya sa apo.
Hindi kaagad nakasagot si Jarvis at kapagkuwan ay tumingin kay Chantal. Humaba ang nguso niya at ibinalik ang tingin sa ginang. "Kay C-Chanty po," mahina at animo'y nahihiyang sagot niya.
Napangiti naman ako. Cute talaga ng anak ko.
Mahinang tumawa ang nanay ni Preston at tumingin sa akin. "Hindi na nga yata mapaghihiwalay," komento niya.
"Baka po kahit paghahanap ng dress, sasamahan, e." biro ko pa kaya't muli siyang natawa.
Nagpaalam na sa akin ang tatlong kaya't dumiretso na ako papunta sa kusina upang maghanap ng kakain. Sakto namang naroon si Manang Lerma kaya't napangiti ako. "Manang Lerma," pagtawag ko ng pansin niya. Agad naman siyang tumingin sa akin at napangiti. "Ano pong puwedeng ulamin diyan sa ref? Magluluto po ako" "Luto? Ay, huwag na. Ako na. Iiinit ko nalang 'tong tinola, gusto mo ba? O steak?"
"Tinola nalang po, Manang."
"Hindi ka ba magsusuka? May ayaw ka bang amoy? Sabihin mo lang kasi baka mapagalitan ako saka mamaya, bigla kang magsuka-"
"Ayos lang po sa akin kahit ano," pagputol ko sa sasabihin niya at muli siyang nginitian. "Alam niyo nap o pala, Manang," nahihiyang dagdag ko pa.
Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat habang malapad nag ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil doon.
"Oo naman, ipinamalita ni Ma'am sa amin kanina. Napapansin na nga namin nitong mga nakakaraang araw kaso hindi na namin sinabi sa 'yo o nagtanong dahil baka hindi naman totoo at guni-guni lang namin. Mabuti nalang at totoo pala. Ang tagal na mula noong nagkaroon ng baby dito sa bahay."
Tumaas ang sulok ng labi ko at hinila siya upang yakapin. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko at tinapik-tapik ang aking likod. "Baby pa rin naman sina Chantal at Jarvis, Manang."
"Basta huwag kang mag-alala, kasama mo kaming magpupuyat kapag lumabas na. Congrats, 'neng, ha?"
Marahan akong tumango at humiwalay na sa kaniya. Hindi ko man palaging sinasabi pero labis talaga ang pasasalamat ko kay Manang Lerma sa lahat ng ginawa niya para mangyari ang mga 'to.
Siya ang nagpakilala sa akin kay Preston, siya ang tumulong sa aking mag-adjust sa bahay na 'to... at higit sa lahat, itinuring niya akong tunay na anak kaya't para ko na rin siyang pangalawang nanay-silang dalawa ng nanay ni Preston. Magkakaiba man ang estado ng buhay namin pero tinanggap pa rin nila ako nang bukal sa puso.
Ganoon nga siguro talaga kapag nanay. Ganoon din kasi ako kay Chantal dati noong hindi ko pa alam na anak ko pala talaga siya. Ang saya at sarap lang isipin na may pagkakaparehas kami.
Matapos niyon ay ipinaghanda na ako ni Manang Lerma ng makakain. Nagpresinta pa nga ako na tutulungan ko siya pero siya na mismo ang nagsabing umupo na lamang ako at hintayin siya kasi bawal daw akong gumalaw.
Tatanggi pa sana ako kasi gumagalaw naman talaga ako kapag buntis ako. Saka sabi rin sa akin ni Dalia noong pinagbubuntis ko ang kambal, kailangan kong maggagalaw para maging healthy ako. Nag-eexercise pa nga ako noon, e. Tapos ngayon, kahit patulungin sa pagluluto, ayaw nila akong pagalawin. Siguro ipapakausap ko nalang sa kanila si Dalia para naman kumalma sila.
Pero sabagay. Ito nga naman ang unang beses na may buntis dito sa bahay. Sina Jarvis at Chantal naman, hindi ko rito ipinagbuntis. Kaya siguro hindi rin nila alam ang gagawin.
Naghintay na lamang ako hanggang sa makatapos si Manang Lerma sa pag-iinit ng ulam. Inihain niya sa akin ang niluto niya na agad ko namang nilantakan. Umalis na rin si Manang Lerma pagkatapos niyon kaya't naiwan na ako nang mag- isa sa dining area. Medyo nakakapanibago dahil hindi ko kasabay ang mag-aama pero ayos lang dahil masarap naman ang ulam-iisipin ko nalang na nagustuhan ni baby kaya ganoon. "Babe."
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Preston. Lumapit siya sa kinauupuan ko at saglit na dinampian ng halik ang aking mga labi. Taka naman akong tumingin sa kaniya. "Hmm?" mahinang tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko at sumimangot. "Dad won't let me talk to you. Buti nalang nakatakas ako dahil tinawag siya ni Jarvis, pinapatawag daw ni Mom sa taas."
"Ayaw kang ipakausap sa akin? Bakit naman daw? Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?"
Malakas siyang bumuntong hininga at marahang umiling na animo'y disappointed sa tanong ko kaya naman agad na tumaas ang isa kong kilay. "Oh? Bakit ganyan ang reaksiyon mo? Totoo naman, ah? Bakit ayaw niyang kausapin mo ako?" dagdag na tanong ko pa.
"Because he saw us last night."
"Last night? Ah, noong nasa living room tayo? Ikaw, ha. Hindi mo ako ginising, hindi ko na tuloy naituloy ang kuwento ko. Nakatulog na pala ako, hindi ko na napigilan," komento ko at nagpatuloy na sa pag-kain. "Masiyadong marumi ang utak niya."
Muli akong lumingon sa gawi niya at takang tumingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"
Nag-iwas siya ng tingin mula sa akin at kapagkuwan ay kinuha ang tubig na ibinigay sa akin ni Manang Lerma. Walang pasabi niyang ininom iyon at inubos nang isang inuman. Ilang beses naman akong napakurap dahil sa labis na pagtataka. Nakakapanibago siya. "May problema ba?" dagdag ko nang hindi niya sagutin kaagad ang tanong ko sa kaniya.
"He thought we're doing the deed," mahinang sagot niya.
"Ha? Hindi ko maintindihan."
Bumuntong hininga siya at kinamot ang ulo. "He thought we're..."
"Ano nga sabi?"
"He thought we're making love," dugtong niya at tumingin sa akin. "We're just sitting there, nakatulog ka pa nga. Tapos ang akala niya, I-oh, gosh. It's embarrassing."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nag-iwas siya ng tingin sa akin na animo'y nahihiya. Ilang minuto pa bago ko tuluyang naproseso ang ibig niyang sabihin. Tumingin ako sa kaniyang muli at agad na hinampas ang kaniyang balikat habang sasabog yata ang pisngi ko sa kapulahan dahil sa labis na hiya.
"Sabihin mo sa Dad mo, mali ang iniisip niya. B-Bakit naman kasi patay ang ilaw t-tapos..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at inihilamos na lamang ang kamay ko sa aking mukha upang magtago. Nakakahiya talaga!
"I already told him that we're not doing the deed kaso ayaw niyang maniwala. Huwag na raw akong mahiya. On top of that, pinagbawalan niya akong lumapit sa 'yo kasi baka raw hindi na naman ako makapagpigil at masama raw sa buntis ang palaging nakikipag-se-"
"Tigil!" Malakas na pagputol ko sa sasabihin niya at tinakpan ang aking tainga. "Ah, shit, Preston. Nakakahiya tayo!"
Hindi siya sumagot at sa halip ay malakas na lamang na nagpakawala ng buntong hininga. Nang makakalma na ako ay saka ako muling tumingin sa gawi niya. "Huwag ka munang lumapit sa akin, sundin mo na lang din muna ang tatay mo. Nakakahiya, baka kung anong isipin niya sa ating dalawa. Hindi naman tayo mahalay-“
"Are you sure?" Pinutol niya ang sasabihin ko at nagtaas baba ng kilay kaya't hinampas ko ang balikat niya. Sa halip na umaray ay mahina siyang tumawa. "What? I'm just asking you," depensa niya pa.
Inismiran ko na lamang siya at nag-iwas na ng tingin sa kaniya dahil nararamdaman ko na naman na namumula na naman na parang kamatis ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. Tama nga naman siya. Hindi ko nga sure kung mahalay ba kami o hindi... baka? Kaunti?
Malakas akong bumuntong hininga. "Ah, basta. Huwag ka nga munang lumapit kasi baka iyon na naman ang isipin ng tatay mo sa ating dalawa. Mukha pa naman akong mahinhin. Baka iniisip niya na hindi pala talag—" "Are you sure?"
Tumingin akong muli sa gawi niya at pinanliitan siya ng mga mata dahil sa biro niya. Agad naman siyang tumawa at para bang nakuha ang gusto niyang reaksiyon mula sa akin. Napailing naman ako at muling humugot ng malalim na buntong hininga.
Ngayon ko talaga napapatunayan na magkakaparehas lang sila-si Preston, ang tatay niya na si Preston Tejada The Third, at si Jarvis. Pare-parehas lang sila halos ng ugali. Hindi rin naman sa pagiging biased pero mukhang mas mabait at seryoso si Jarvis nang kaunti kaysa sa kanila. Sa tingin ko lang naman kasi ako ang nanay ni Jarvis. Baka sa mga nanay nila, ganoon din ang tingin sa kanila.
"Doon ka na nga muna, kumakain ako," pagtataboy ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Saka aalis sina Jarvis at Chantal kasama ang Mom at Dad mo. Matutulog nalang ako rito kasi hindi naman nila ako inaya-" "May pupuntahan kasi tayo, babe," pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko kaya't taka ko siyang tiningnan. Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang may binabalak kaya't mas lalong kumunot ang aking noo. "Saan naman? Wala kang sinabi sa akin kahapon na may pupuntahan tayo."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya bago siya kumindat. "Magpapacheck-up. Utos ni Mom para raw masiguro natin na ayos lang si baby. Exciting, right?"
Kaswal akong nagkibit-balikat nang marinig ang sagot niya. Akala ko naman ay kung ano na, medyo kinabahan tuloy ako roon. "Okay," kampanteng sagot ko at sumubo na muli ng kanin./
Lumapit naman sa akin si Preston at animo'y may ibubulong kaya't inilapit ko rin ang sarili ko sa kaniya. "Hmm?' mahinang tanong ko.
Tumawa siya kaya naman inihanda ko na ang sarili ko na kalokohan na naman ang sunod niyang sasabihin sa akin. "Saka itatanong ko rin if we're allowed to have sex-"
"Preston! Napakahalay mo talaga, sinasabi ko sa 'yo!"