Chapter CHAPTER Sixty Two
"Jarvis, can you please put that lollipop down? We're going to eat lunch. You shouldn't eat candies before eating your meal. Mamaya na," rinig kong utos ni Preston kay Jarvis nang makalabas kami sa kusina.
Kasunod ko si Chantal ngunit nang marinig na sinesermonan ng ama ang kapatid ay umuna na siya sa akin at tumakbo papunta sa gawi nila. Katabi pa rin ng tatay ni Preston si Jarvis at wala man lamang kahit na anong sinasabi upang sawayin si Jarvis.
Sabagay. Bakit niya naman susuwayin samantalang siya ang nagbigay ng lollipop na iyon kay Jarvis?
"Daddy, let him na po. Lolo gave it to him," dinig kong pagsingit ni Chantal sa usapan at sinuway ang kaniyang ama.
Tiningnan siya ni Preston ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ni Chantal. Sa huli, wala ring nagawa si Preston kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at ang mag-iwas ng tingin sa mga anak. "You always have each other's back. Kailan niyo ba ako papakinggan?" pagmamaktol nito na siya namang ikinailing ko.
Lumapit ako sa gawi nila samantalang nakasunod naman sa akin ang nanay ni Preston. Hindi tulad ng puwesto namin dati ay nakaupo na si Preston sa gilid at ang tatay niya ang nasa gitna. Magkatapat sina Preston at si Jarvis samantalang tumabi naman si Chantal kay Jarvis.
Nagkatinginan kami ng nanay ni Preston at sinenyasan niya lamang ako na maupo sa tabi ni Preston at sa tabi ko na siya uupo. Kahit na medyo hindi pa rin ako kumportable sa presensiya niya ay wala rin naman akong nagawa kung hindi sumunod. Mukha naman kasi talaga siyang mabait. Hindi lang talaga ako siguro ako sanay pero kapag nagtagal, baka masanay na rin ako sa kaniya.
Ibinaling ni Preston ang kaniyang ulo sa gawi ko nang mapagtantong umupo na ako sa tabi niya. Agad siyang nakahinga nang maluwag. "Oh, thank God, you're here. Ikaw na ang kumausap," sambit niya kaya't mahina akong natawa. "Jarvis, sinabi ko na sa 'yo na bawal 'yan, 'di ba? Kain ka muna tapos saka ka kumain niyan," suway ko.
Humaba ang nguso ni Jarvis nang marinig ang sinabi ko ngunit agad din namang sumunod at ibinaba ang kinakain na lollipop. Ipinatong niya iyon sa kaniyang plato at kapagkuwan ay sinubukang punasan ang kaniyang labi dahil malagkit. Tatayo pa sana ako para tulungan siya at masigurong napunasan niya nang maayos ang kaniyang labi ay agad din akong natigilan nang ang tatay na ni Preston ang kusang nagpunas sa labi ni Jarvis. Nagtagpo ang aking dalawang kilay dahil sa labis na pagtataka kaya't wala sa sarili akong napalingon kay Preston.
Nagkatinginan kaming dalawa ngunit nagkibit balikat lamang siya sa akin at parang sinasabi na hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang dalawa. Mukhang hindi pa nila napag-uusapan na nakilala ko ang tatay niya sa school na dating pinapasukan ni Jarvis.
"Lolo, you know Jarvis na po ba talaga? Like you're super duper close na po?"
Tumingin ako kay Chantal nang tanungin niya ang Lolo niya. Tulad ko at ni Preston ay nakakunot din ang noo niya at waring hindi maintindihan ang inaasal ng dalawa.
"Lolo mo pala si Manong, Chanty. Galing naman!" bulalas ni Jarvis at tumingin sa tatay ni Preston. "Mayaman ka po pala, Manong? Kaya po pala marami kayong candy. Galing!"
Umawang ang labi ko nang marinig ang itinawag niya sa tatay ni Preston. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng nanay ni Preston sa tabi ko kaya't hindi ko mapigilang mahiya dahil maging ako ay ganoon din ang tawag. Akala ko kasi talaga, guard siya kaya.... Manong Guard ang tawag ko sa kaniya! Hindi ko naman kasi alam na... oh, shit. Nakakahiya!
"OMG, Jarvis! Are you mad at my Lolo?"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Chantal na ngayon ay eksaheradang tinakpan ang kaniyang labi na para bang gulat na gulat. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Ang cute niya. Napaka-kikay. Sana talaga ay babae 'tong sunod naming baby tapos katulad ni Chantal. Nakakaawa naman kasi kapag lalaki tulad ni Jarvis. Bantay sarado na ni Jarvis, e.
"What do you mean, my princess? Manong? Bakit naman magagalit si Jarvis sa lolo mo?" tanong ng nanay ni Preston kay Chantal.
Humarap sa amin si Chantal. "Kasi po, Lola, Jarvis called Daddy 'Manong' po back then noong niaway niya po si Mama Lyana. Kaya po kapag galit po si Jarvis kay Daddy, Manong po ang tawag niya. 'Di na po 'Tay kasi po galit po siya." Napatingin ako kay Preston nang marinig ang sinabi ni Chantal. Akala ko ay sisimangot ito ngunit laking gulat ko nang ngumisi siya kay Jarvis. Agad namang nagtagpo ang kilay ko dahil mukhang hindi nainis doon si Jarvis. Bati na ba silang dalawa?
"Hindi, Chanty, ah! Bati na kaya kami ni Tatay! 'Di ba, tatay?" pagkontra ni Jarvis sa sinabi ni Chantal kaya't muli kong ibinalik ang tingin ko kay Preston.
Sinipa ko ang paa niya sa ilalim kaya't nakuha ko ang atensiyon niya. Mula kay Jarvis ay ibinaling niya ang tingin niya sa akin kaya't agad ko naman siyang pinanliitan ng mga mata. Mahina lamang siyang tumawa at nagkibit balikat bilang sagot sa akin.
"Really?! Bakit hindi me updated sa chika? OMG! 'Di mo na siya Manong, Jarvis? Bati na kayo?" Pumalakpak si Chantal at agad na niyakap ang kapatid. Agad namang napangiwi si Jarvis sa ginawa nito. "OMG! I told you na kasi talaga, e. Dapat naniwala ka kaagad sa akin. 'Di ba 'di na bad si Daddy? Ikaw naman kasi! I'm so galing talaga!"
Umismid si Jarvis at napailing na lamang sa inasal ng kapatid.
"Tatay... chika..."
Wala sa sarili akong napatingin sa nanay ni Preston nang marinig ko ang sinabi niya at napagtantong nakatingin lamang siya sa dalawa. Mayamaya pa ay mahina siyang tumawa at napailing.
Hindi ko naman napigilang kagatin ang ibabang labi ko dahil sa hiya. Matagal na kasi naming pinipilit si Jarvis na tawaging Daddy si Preston tulad ng tawag ni Chantal kaso ayaw niya talaga kasi pang-mayaman daw saka 'di bagay sa kaniya. Sabi naman ni Preston ay ayos lang basta roon kumportable si Jarvis.
Pasimple akong umubo at bumulong kay Preston. "Ayos lang ba talaga sa 'yo na tawagin kang tatay ni Jarvis?" mahinang bulong ko sa kaniya.
"Why not?"
"Hindi ba parang ano.... p-parang baduy? Kasi 'di ba bilyonaryo ka tapos ang tawag sa 'yo ng anak mo, tatay? Ayaw mo ng Daddy?"
Tumawa siya nang marinig ang sinabi ko kaya't wala sa sarili akong napalabi. Nagtatanong lang naman ako.
"Dad." Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ang kaniyang ama habang tumatawa. "Would you hate it if I call you Tatay?"
Umawang ang labi ko at muling inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Napaaray naman siya dahil sa ginawa ko ngunit nagpatuloy pa rin sa pagtawa at pang-aasar sa akin.
Mahinang tumawa ang ama niya kaya't natigilan ako. Tumingin siya kay Jarvis at ginulo ang buhok ng anak ko. "No, I won't mind. As long as it sounds sincere, I'm fine with it. Dad, Daddy, Papa, Tatay... it's just the same," sambit niya habang nakatingin kay Jarvis.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili kong mapangiti. Mabuti nalang at hindi siya nagreklamo. Hindi naman pala talaga lahat ng mayayaman ay matapobre tulad ng mga napagtrabahuhan ko noon. May mga katulad din pala nila na kahit na nasa taas na ay hindi pa rin nagiging masama.
"But Lolo, Jarvis should call you Lolo na rin po. Not Manong," pagsingit ni Chantal sa usapan at siniko ang kakambal. "Dali na, Jarvis. He's your Lolo rin. Saka my pretty Lola, too. You should call her Lola na rin para same na tayo." Tulad ng inaaasahan ay kumunot ng noo ni Jarvis tanda na hindi niya naintindihan ang sinabi ng kakambal. Mayamaya pa ay ibinalik niya ang tingin sa tatay ni Preston at ilang segundo siyang tiningnan.
"Di ba po, guard po ikaw, Manong?" Inosenteng tanong niya rito.
Mahina namang tumawa ang ina ni Preston kaya't napatingin kami sa kaniya. Kahit na nakatingin na kami ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa na animo'y sayang-saya sa buhay.
"Mom," suway ni Preston kaya't tumigil na siya sa pagtawa.
Habang sapo ang tiyan na sigurado akong sumakit dahil sa kakatawa niya ay saka siya lumingon sa akin at Preston. "Why don't we ask our Manong Guard what is he doing here, right?"
"Hon," suway ng tatay ni Preston sa asawa niya.
"What?" Nagkibit balikat ang ina ni Preston at muling tumingin sa amin. "You're curious, too, right? Come on, hon. Tell them."
"Right. Mom's right, Dad. Kanina mo pa iniiwasan na sagutin ang tanong ko. I'm getting impatient here, you know? I just want to know how did you met Jarvis and Lyana? I haven't introduce them to you personally," pagsang-ayon ni Preston sa ina.
Napatingin ako sa gawi ng ama niya at saktong nakatingin din pala ito sa akin. Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga. "Remember the thing that I enjoyed doing? That one that I started a year ago..." panimula niya.
Tumingin ako sa gawi ni Preston na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa ama. Nagtagpo ang kaniyang dalawang kilay at animo'y hindi ito naiintindihan. "And? I thought you're fishing or playing golf with your friends... there's no way that you met Lyana and Jarvis there."
"Fishing? Playing golfs?" Mahinang tumawa ang nanay ni Preston habang umiiling. Hindi niya pa napigilang hampasin nang kaunti ang balikat ko sa kakatawa. Hindi naman iyon masakit at parang hindi niya rin sinasadya dahil abala siya sa pagtawa kaya't hindi ko na pinansin. "Oh, gosh, son. Do you really think that your father will enjoy that? You're making me laugh. Really."
Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sinabi niya kaya't muli akong napatingin sa gawi ng tatay ni Preston-na mukhang Preston din ang pangalan. Nakasimangot ito habang nakatingin sa asawa kaya't hindi ko mapigilang mapalunok nang mapagtantong grabe pala ang pagkakahawig nila ni Preston. Bukod pala sa pangalan ay magkahawig din sila. Wow.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Naisip ko tuloy na baka ganito din ang maging hitsura ni Preston kapag tumanda kami-hindi rin naman ako magrereklamo. Ang problema nga lang ay baka hindi ako maging kasing-ganda ng nanay ni Preston. Mukhang galing din siya sa mayamang pamilya, e. Hindi naman ako mayaman tulad nila. Saka halata sa kilos niya na hindi siya lumaki sa hirap dahil masiyado siyang elegante kung gumalaw.
"If that's not what you did... then what? You're already retired, Dad. Ano namang gagawin mo bukod doon?"
Wala sa sarili akong napatango nang marinig ang sinabi ni Preston. Sabi na, e! Akala ko talaga noon ay dapat na siyang mag-retiro pero nagtatrabaho pa rin siya. Iyon pala, matagal na siyang nagretiro!
Pero kung ganoon, bakit siya nagtatrabaho bilang guard noon?
"Come on, hon. Say it," udyok ng asawa niya ngunit nanatiling tahimik ang tatay ni Preston at animo'y ayaw umamin dahil natatakot na mapagalitan ng anak.
Magsasalita pa sana si Preston ngunit agad na siyang naunahan ni Jarvis. Tinapik niya ang braso ng tatay ni Preston at sumimangot. "Manong guard, 'di mo po ako na-miss? Pangit po ng guard sa school ni Chanty, 'di ako bigay ng lollipop saka walang chismis. Lipat nalang po kaya kayo?"
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya at maging si Preston at ang kaniyang ama ay nagulat sa sinabi nito. Namayani ang katahimikan sa amin ngunit agad din iyong pinutol ng pagtawa ng ina ni Preston.
"Magpa-relocation ka na raw kasi, hon," biro nito habang tumatawa.
Narinig kong mahinang nagmura si Preston, marahil nang mapagtanto ang ibig sabihin ng ama at ng ina. Hindi na naman ako nagdalawang isip pa at muling sinipa ang kaniyang paa dahil nasa harap namin ang mga bata. "Dad, did you just worked as guard?!" Malakas at animo'y hindi makapaniwalang tanong ni Preston sa ama.
Humarap sa amin ang tatay niya at tinaasan siya ng kilay. "And? Do you have a problem with that?"
"Kaya pala reklamo nang reklamo si Mom sa paggagawa ng lunch box kasi..."
"Oh, come on. Don't blame me "
"Manong guard, may baon ka po ulit?" pagputol ni Jarvis sa sasabihin ng tatay ni Preston. Ipinagsiklop niya ang dalawang palad at animo'y pumalakpak ang tainga nang marinig ang salitang 'lunchbox'. "Pahingi po ulit!" "Lunchbox, Jarvis?" takang tanong ni Chantal sa kapatid.
Tumango si Jarvis. "Oo, Chanty. Lagi kaya may baon si Manong Guard na box tapos pinapasubo niya ako. Tapos pagkakain namin, bigay niya naman ako ng lollipop," inosenteng sagot niya.
"Really, Lolo? Can I try that, too?"
Nagkatinginan kami ni Preston ngunit malakas lamang siyang bumuntong hininga at napailing. Kapagkuwan ay bumaling naman ang tingin ko sa kabilang gilid ko kung saan nakaupo ang ina ni Preston. Agad namang kumunot ang noo ko nang makitang nagpunas siya ng pisngi na animo'y galing sa pag-iyak.
Bahagya akong humiwalay kay Preston at mas lalong lumapit sa ginang. "A-Ayos lang po kayo, Ma'am?" mahina at nahihiyang tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sa akin at kapagkuwan ay marahang tumango. "Yes, of course. I... I was just happy. I thought my husband was just bluffing back then." "T-Tungkol saan po?" pag-uusisa ko pa sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "Na kinakain ng apo ko ang niluluto ko."
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya at sa halip ay manghang tumingin lamang sa kaniya. Nang mapansin ang ekspresyon ko ay ngumiti lamang siya sa akin at tinapik ang aking balikat.
"Dad... why... y-you're not aware that Jarvis is my child so..."
"I know," pagputol ng ama ni Preston sa kaniya. "I found out a year ago. Bago mo pa malaman, alam na namin ng Mom mo."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Napalunok ako at nagbaba ng tingin. Hinawakan naman ni Preston ang kamay ko sa ilalim ng mesa na marahil ay para ikalma ang kaniyang sarili.
"B-But why? P-Paano?" tanong niyang muli.
Malakas na bumuntong hininga si Mr. Tejada. "I met Jarvis accidentally. When I saw his face, I immediately knew that he's your son. Magkamukhang-magkamukha kayong dalawa lalo na noong bata ka pa. At first, I thought that you had a child with another woman-with Lyana."
Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Magsasalita pa sana ako para ipagtanggol ang sarili ko ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita.
"But I know that you wouldn't cheat. Kahit na nagdivorce na kayo ni Margaux nang malaman ko ang tungkol kay Jarvis, nagawa pa rin ang bata habang mag-asawa kayo ni Margaux. I am your father and I trust you... alam kong hindi mo magagawa 'yon kay Margaux. So I asked Dalia and she admitted that Lyana was... the twin's surrogate mother,” dagdag niya.
Napalunok ako nang banggitin niyang muli ang tungkol doon. Hindi naman nakatakas sa aking tainga ang sunod-sunod na pagbuntong hininga ni Preston sa aking tabi.
"That's when I found out that Chantal has a twin... na itinakas ni Lyana," sambit mula ng tatay ni Preston at lumingon sa akin. Agad naman akong nagbaba ng tingin dahil sa takot. "I was mad at first, of course. But I decided to use my mind." Napaubo si Preston sa sinabi ng ama na para bang natamaan siya kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilang magreact.
"So you applied to be a guard?" Hindi makapaniwalang tanong ni Preston. "Dad, you're old."
Agad siyang sinamaan ng tingin ng ama kaya't agad din siyang napaayos ng upo. "The real guard was there. Pumupunta lang ako kapag labasan na. You know, your girlfriend right here is too busy working. Late na niyang nasusundo si Jarvis, binabantayan ko lang. And he eats with me, too. Isn't that fun?"
Tumingin sa akin si Preston kaya't napasimangot ako. "M-Marami akong trabaho noon kaya... s-saka mukhang mabait naman s-si Manong guard kaya n-nagtiwala ako. W-Wala rin namang masamang nangyayari kay Jarvis s-saka.. bawas gastos. A-Ang mahal kasi ng bigas tapos m-malakas kumain si Jarvis," nahihiyang paliwanag ko sa kaniya.
Napailing na lamang si Preston at malakas na bumuntong hininga bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang ama.
"If that's the case, then why didn't you tell me sooner? Kung sinabi niyo sa akin kaagad, sana mas maagang naayos-"
"Oh, that? I enjoyed it so much so I forgot telling you," kaswal na sagot nito at nagkibit balikat.
Umawang ang labi ko at alam kong maging si Preston ay ganoon din ang naging ekspresyon. Nakalimutan niyang sabihin kasi... nag-enjoy siya? Seryoso ba siya?
"Dad," suway ni Preston kaya't mahinang tumawa ang kaniyang ama.
"I'm telling the truth. And besides, you're too busy with work. You can't even take care of Chantal that time... gusto mo pang magdagdag? It was a good thing that I found out that Lerma's niece is Lyana's friend. At least it worked well, right? You and Chantal became happy again naturally. Natanggap niyo rin si Jarvis nang hindi pilit... it's good, right?" Bumuntong hininga si Preston. "Yes, Dad. But still-"
"And come on, son. Don't get too pissed off. Especially you, Lyana." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Masama sa buntis ang ma-stress."
Umawang ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya.
"Mama ko... buntis ikaw?!"
"OMG, Mama Lyana! I am an Ate na?!"
Napatingin ako sa kambal na ngayon ay parehas na nakatakip ang palad sa bibig na animo'y gulat na gulat. Sunod ko namang ibinaling ang tingin ko sa tatay ni Preston na nakakunot ang noong nakatingin sa akin at kapagkuwan ay napatakip din sa kaniyang bibig tulad nina Chantal at Jarvis.
"Oops. I thought they already know. I don't--"
"Dad! You ruined our plan!" Malakas at naiinis na sigaw ni Preston sa kaniyang ama habang parang bata na nagpapadyak. Napailing naman ako at sabay kaming napahilot ng kaniyang ina sa aming sintido.