Chapter CHAPTER Sixty Seven
"Are you... all right?"
Tumingin ako sa gawi ni Preston nang sa wakas ay magsalita na siya. Nasa loob na kami ng kotse niya at mula nang umalis ako at iwan si Margaux sa hospital ay dito na ako nagtungo sa sasakyan niya. Sumunod lamang sa akin si Preston at nanatiling tahimik na nakasunod sa akin. Wala siyang sinabi tungkol sa mga sinabi ko kanina kay Margaux. Naupo lamang siya sa tabi ko at hinayaan akong pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa rin nakaparada rito sa parking lot ang kotse niya pero hindi pa rin kami umaalis.
Malakas akong bumuntong hininga at marahang tumango. "Ayos naman talaga ako," mahinang sagot ko habang nakatingin sa kaniya. "B-Baka ikaw ang hindi..."
Agad na nagtagpo ang kilay niya at animo'y nagtatakang tumingin sa akin. Wala sa sarili naman akong napalunok at mag-iiwas na sana ng tingin ngunit muli siyang nagsalita. "Why would I not be okay? Of course, I'm all right," sagot niya. "Hindi ka..." Muli akong napalunok upang pigilang mapaiyak. "G-Galit sa akin?"
Hindi kaagad siya nakasagot kaya't mas lalo kong diniinan ang kagat sa aking ibabang labi. Ineexpect ko na na magagalit siya sa akin dahil hindi ko kaagad sinabi sa kaniya ang tungkol sa nakaraan ko. Alam ko naman na may mali ako sa parteng iyon at hindi ako magmamalinis. Iyon din ang pinag-awayan namin noon kaya't ang lumalabas, parang inuulit ko lang ang maling ginawa ko noon.
Pero ang mahalaga sa akin ay sa wakas, nasabi ko na sa kaniya. Iyon naman talaga ang mahalaga. Kahit mahirap, nalaman na niya rin ang totoo.
Malakas siyang bumuntong hininga at hinawakan ang aking kamay. Wala sa sarili naman akong napaigtad dahil hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang kamay ko. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya.
He smiled. “Come on. Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi hindi ko kaagad sinabi sa 'yo ang tungkol doon. 'Di ba, ayaw mo nang ganoon? 'Yong hindi kaagad sinasabi sa 'yo?" mahinang tanong ko pabalik.
Magbaba na sana ako ng tingin upang iwasan ang mga mata niya ngunit nagulat na naman ako nang itaas niya ang baba ko upang magtagpong muli ang aming mata. Ngumiti siya kaya't muli na naman akong napalunok. "I'm glad that I know now. That's what's important, right?"
"Pero hindi ko pa rin sinabi sa 'yo kaagad..."
"It's all right. I understand that you're not comfortable talking about it. I mean... him, your son. Though I must admit that I was shock and I cannot believe what I just heard but still, I'm glad that I am not clueless now. I'm glad that even though it was hard, pinilit mo pa ring ikuwento. And you're not the one at fault, babe. It was him that bastard," mahinahong sambit niya kaya't hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Hinubad ko ang suot kong seatbelt at agad siyang niyakap. Niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy sa pagbuhos ang aking mga luha. Nabasa ko na nga yata ang suot niyang polo shirt pero wala akong pakialam. Masaya ako. Sobrang saya ko na hindi siya nagalit sa akin at hindi na naman naulit ang nangyari noon. He really changed. Totoo nga ang ipinangako niya sa akin na susubukan na niyang magbago at hindi na siya kaagad magagalit. "S-Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa 'yo. Natatakot kasi ako na b-baka sisihin mo rin ako sa pagkamatay ng anak ko. S-Sinisi kasi nila ako noon kaya-"
"Shh, babe. It's all right, huh? Hindi mo kasalanan." Sinapo niya ang mukha ko at pinunasan ang aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki. Kapagkuwan ay masuyo niyang hinalikan ang aking noo kaya't mas lalo akong napaiyak. "No one would blame you. I don't blame you and... I know that Margaux is not blaming you as well. Kung ano mang nangyari noon, kasalanan 'yon ng gagong 'yon."
Hindi ako nagsalita at sa halip ay tahimik na umiyak lamang habang nakatingin sa kaniya samantalang patuloy niya pa ring pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi kahit na hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"And in fact, I was at fault, too. I should have known. Dapat hindi ko na tinanong sa 'yo noon kung anak ko ba talaga si Jarvis. Hindi ko naman alam na ibang bata pala ang tinutukoy niya... and how dare he told you that? I-kumusta? After he let his son died? He's fucking insane. I won't tolerate that shit. And what... fucking domestic abuse and he got away with it? Not this time."
Humiwalay ako sa kaniya at matiim siyang tiningnan. "A-Anong... m-may pinaplano ka bang hindi ko alam?"
Malakas siyang bumuntong hininga at hinilot ang sintido at animo'y pinapakalma ang sarili. Ramdam kong galit siya pero panatag pa rin ang loob ko dahil alam ko naman na hindi ako ang kinakagalitan niya. "Don't mind me. For now, let's just go home instead. You should rest. I know talking to Margaux made you stressed so..."
"Hindi," pagtutol ko sa sasabihin niya at marahang umiling. Muli naman siyang tumingin sa akin at kunot noo akong tiningnan. "Hindi ba tayo puwedeng bumalik doon sa clinic? Sayang naman ang ipinunta natin kung hindi tayo tutuloy." "W-Well, I can pull some strings but... are you sure? Ayaw mo bang magpahinga muna? Let's just go back tomorrow o kung kailan mo gusto. I'm free anytime."
Umiling ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Hinawakan kong muli ang kamay niya at tinapik iyon. "Ayos lang naman ako ngayon, ano ka ba? Mukha ba akong hindi ayos sa lagay na 'to? Saka kung hindi man ako ayos, mas mabuti kung pumunta na tayo sa clinic para malaman kaagad natin, 'di ba? At isa pa... hindi ka ba excite "
"I'm nervous, babe," pagputol niya sa sasabihin ko at inalis ang pagkakabutones ng unang dalawang butones ng polo shirt niyang suot para makahinga siya nang maluwag. "I'm hella nervous."
Mahina akong tumawa at napailing. "Oh, e 'di tara na. Sayang naman ang ipinunta natin. Para isahang kaba nalang, 'di ba?"
Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi ko sa kaniya kaya't bumalik na kami sa clinic kung saan kami galing kanina lang.
Nanatili pa rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa pagkatapos niyon. Ramdam ko pa rin na tensiyonado pa rin siya kaya't hinayaan ko muna na kumalma siya tulad ng ginawa niya sa akin kanina noong ako ang hindi kalmado. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay saka ako nagsalita. "Preston?" pagtawag ko sa atensiyon niya.
"Hmm?"
Hindi siya lumingon sa akin at abala sa pagmamaneho kaya't nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "Salamat." "For what?" mahina siyang tumawa at napailing. "I wasn't expecting that you'll say that."
"Pero totoo nga. Salamat talaga. Akala ko kanina, magagalit ka sa akin kasi hindi ko rin 'yon sinabi sa 'yo kaagad tulad noong nangyari kina Chantal at Jarvis. K-Kinabahan ako kanina pero... salamat dahil hindi mo ako sinigawan. Totoo ngang sinusubukan mo na talagang magbago at huwag hayaang mapangunahan ka ng galit mo kaya s-salamat."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya't wala sa sarili akong tumingin sa gawi niya. Agad umangat ang sulok ng labi ko nang makita ang ekspresyon na naglalaro sa kaniyang mukha nang tingnan ko siya. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi na animo'y tuwang-tuwa sa sinabi ko. Mukhang hindi niya rin napapansin na nakatingin ako sa kaniya at pinagmamasdan siya kaya't ngiting-ngiti pa rin siya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Mukha ngang gustong-gusto niya ng compliments. Totoo nga ang sinabi sa akin ng nanay niya kagabi habang naghahapunan kami. "Preston?"
Peke siyang umubo at pigil na ngumiti bago tumingin sa akin. Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang sandali niyang pagkagulat nang makitang nakatingin na ako sa kaniya. Lihim naman akong napangiti dahil sa naging reaksiyon niya. Dumako ang mga mata ko sa tainga niya na pulang-pula dahil sa hiya kaya't huindi ko na napigilan pa ang sarili ko na matawa.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na ganiyan ka kiligin," natatawang sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Malakas na bumuntong hininga si Preston at muling umubo kaya't mas malakas akong tumawa. Ang cute. "Pero seryoso nga ako, Preston. Salamat talaga. Saka... proud ako sa 'yo."
Saglit siyang tumingin sa akin. "Proud?" animo'y namamanghang tanong niya.
Marahan akong tumango. "Proud ako sa 'yo kasi tinutupad mo pala talaga ang mga pangako mo saka sinusubukan mo talagang baguhin at hindi na ulitin 'yong mga maling ginawa mo noon. Nakakahiya tuloy. Hindi ako maka-keep up. Masiyado ka nang mabait niyan, parang hindi na ikaw ang Preston na kilala ko," biro ko kaya naman humagalpak na siya ng tawa. Maging ako tuloy ay hindi na rin mapigilang matawa dahil bumenta pala sa kaniya ang biro ko. Totoo naman kasi. Hindi na siya ang Preston na nakilala ko noon... pero siya pa rin naman ang Preston na mahal ko. Medyo nag-iba nga lang ng ugali-mas lalo siyang bumait.
"You don't have to change anything, babe. Perfect ka na nga, gusto mo pang mas lalong maging perfect."
Umismid ako at hinampas ang balikat niya. "Bolero," mahinang bulong ko at marahang napailing.
Tumawa siya. "I'm serious. You really don't have to change anymore. Wala na namang mali sa 'yo kasi mabuti ka na naman talaga. Ako nga lang talaga ang gago_" "Preston," suway ko at sinamaan siya ng tingin.
Muli siyang tumawa at napailing. "But I'm telling the truth, though. I was a jerk back then. I was a bad husband-kaya nga ako iniwan noon ni Margaux, and I was a bad father, too. I thought no one would love me after Margaux left me but you came and changed me for the better. Kung hindi ka siguro dumating, maybe I'm still a jerk. I'm not saying that I am a saint now but still... I'm improving, right?"
Tumango ako. "Ang sungit-sungit mo kaya noong bago palang kami ni Jarvis sa bahay mo. Tapos palagi mo pa akong sinesermonan kaya inis na inis ako sa 'yo tapos malalaman ko na nagpapansin ka lang pala sa akin." Malakas akong bumuntong hininga at umismid. "Ang pangit mo namang magpapansin.'
"Pangit mang magpapansin, sigurado namang maganda ang lahi ng anak natin."
Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sinipa ko ang paa niya kaya't mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya at animo'y tuwang-tuwa na asarin ako. Pero sabagay. Totoo nga naman ang sinabi niya. Magandang lahi nga naman. Sana all.
"Preston?"
"Hmm?"
"May tanong lang sana ako. Hindi naman siya masama pero naisip ko lang bigla..."
Saglit siyang lumingon sa akin at kunot noo akong tiningnan. "What is it? I'll answer it if I can," kaswal na sambit niya.
Kinagat ko ang aking labi habang pinaglalaruan ang keychain ng dala kong bag. Baka kasi mamaya ay maoffend siya sa itatanong ko kaya't nagdadalawang isip ako kung itatanong ko pa ba sa kaniya o hindi-pero curious ako, e. "Babe?" pagtawag ni Preston sa akin.
Malakas akong bumuntong hininga. "Gusto ko lang sanang tanungin na... p-paano kung hindi ko rin kayang magbuntis tulad ni Margaux, mamahalin mo pa rin ba ako?"
Natahimik siya dahil sa tanong ko kaya't nakasimangot akong nagbaba ng tingin. Ang tagal ko nang gustong itanong sa kaniya ang bagay na iyon dahil naisip ko na baka kaya niya lang naman ako minahal ay dahil kaya ko siyang bigyan ng anak, hindi tulad ni Margaux. Iyon lang naman ang tanging bagay na lamang ko kay Margaux, e.
"Of course," sagot ni Preston kaya't muli akong nag-angat ng tingin at tumingin sa kaniya. "I love you because you're you. Hindi kita minahal dahil lang kaya mong magbuntis, Lyana. Everything about you... I love it all. I don't care if you can give me a child or not, all right?"
"Pero bakit si Margaux...."
Bumuntong hininga siya. "I must admit that I loved and treasured her, too. Kaya ko rin naman siyang mahalin kahit na hindi niya ako kayang bigyan ng anak. I told her that I am fine with not having a child pero siya ang nagpumilit. She thought that being a mother is the essence of becoming a woman. Sa isip niya, wala siyang silbi bilang asawa kapag hindi niya ako nabigyan ng anak. So when she offered that surrogacy, I agreed because that is what makes her happy. But when she found out that Chantal is not really her daughter, that was when things went downhill."
"Ibig sabihin, minahal mo pala talaga siya..."
"Yes. Hindi ako magsisinungaling.. But you loved Gab, too, right?"
Humaba ang nguso ko dahil sa tanong niya at kapagkuwan ay marahang tumango. Tama naman siya. Minahal ko nga naman talaga si Gab noon kaso hindi rin naman sapat ang pagammahal para manatili ako sa tabi niya kasi masama naman siyang tao.
"See? Maybe that's the reason why our previous relationships failed... because we're meant to find each other and healed together. Maybe that's the destiny's way of telling us that we deserved each other Alam mo kasi, babe, kapag mahal mo talaga ang isang tao, walang kahit na anong pagkukulang ang hindi kayang punan."
"So
you didn't really love Margaux?" Naguguluhang tanong kong muli sa kaniya. Ang sabi niya kasi kanina, minahal niya si Margaux pero ngayon naman, parang iba ang ipinapahiwatig niya.
Bumuntong hininga siya at saglit na sumulyap sa akin. Kapagkuwan ay tipid niya akong nginitian. "I did. I loved her, Lyana. But I also know that I didn't love her enough... I didn't love her as much as I love you."