Chapter CHAPTER Sixty Six
"Kung ano mang sasabihin mo sa akin, pakibilisan. Wala akong oras na makipag-usap sa mga taong kagaya mo kaya huwag mong sayangin ang oras ko sa kung ano mang sasabihin mo sa akin."
Hindi ko mapigilang malakas na bumuntong hininga dahil sa sinabi ni Margaux. Sa totoo lang ay naiinis din naman ako sa inaasal niya at sa mga sinasabi niya sa akin pero pinipilit kong kumalma dahil ayaw ko nang palakahin pa ang gulo. At isa pa, ang tanging dahilan ko naman kung bakit ko siya inaya upang kausapin ay para matulungan siya at mabalaan... hindi ang makipagkaaway sa kaniya.
"Gusto ko lang na magsalita kapag kalmado ka na dahil gusto ko na pakinggan mo ako nang bukas ang isipan mo at hindi galit ang pinapairal," mahinahong sambit ko pabalik.
Umismid siya at tinaasan ako ng kilay. Kapagkuwan ay tumingin siya sa tabi ko kaya't wala sa sarili akong napailing dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
"Galit? Oh, come on. Ikaw nga ang judgemental diyan. Isinama mo pa talaga, akala mo naman, sasaktan kita nang pisikal," mataray na sabi niya at masamang tiningnan si Preston.
Sasagot pa sana sa kaniya si Preston ngunit agad ko na siyang napigilan. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa kaya't malakas na bumuntong hininga si Preston bilang tanda ng pagsuko.
Nakakahiya kung doon kami sa loob ng clinic mag-uusap kaya't inaya ko sila rito sa labas sa malapit nna coffee shop sa clinic kung saan kami naroon kanina. Ikinancel din ni Preston ang appointment para lang dito kaya naman determinado akong masabi kay Margaux ang totoong katauhan ng 'boyfriend' niya ngayon.
"Si Gab..." panimula ko at nag-angat ng tingin kay Margaux. "Totoo bang boyfriend mo siya? Kailan naging kayo?"
Tulad ng inaasahan ko ay mabilis na nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko. Alam kong nagtataka siya kung bakit ko kilala ang boyfriend niya at kung bakit ko tinatanong ang mga bagay na iyon dahil alam ko rin naman na kung ako ang tatanungin nang ganoon ay ganoon din ang magiging reaksiyon ko.
Pero wala akong choice kung hindi ang itanong sa kaniya ang bagay na iyon dahil gusto kong malaman mula sa simula. Malakas kasi ang kutob ko na ginagamit lamang din siya ni Gab at hindi naman siya totoong mahal.
Iyon ang hinala ko dahil sa mga mata ko, hindi naman kayang magmahal ni Gab... hindi niya alam kung paano magmahal. Sigurado ako dahil naranasan ko na.
Malakas na bumuntong hininga si Margaux. "He's my boyfriend. We've been together for a month or so now. Why does it bother you, by the way? As if naman may pakialam ka—"
"Mayroon," pagputol ko sa sasabihin niya. "Kung isang buwan na kayo, ibig sabihin, pagkatapos mong sumugod sa bahay ni Preston at ipagsiksikan ang sarili mo, pagkatapos mong magpanggap na aalis ng bansa para bilugin ang utak ko at nang mag-away kami ni Preston, naging kayo na? Naging boyfriend mo na siya?"
"Excuse me? I wasn't lying when I told you that I'm leaving the country! Totoo namang aalis ako, hindi nga lang natuloy."
"Bakit hindi natuloy ang pag-alis mo? Para makita mo na nag-aaway kami ni Preston, ganoon ba? Sinabi mo sa akin noon na anak ni Preston sa ibang babae si Chantal at siya ang unang nag-cheat sa 'yo-"
"But that's true!" Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw siya. Mabuti na lamang at kakaunti ang tao rito sa napuntahan namin kaya't nanatili akong kalmado. Umayos siya ng upo at masama akong tiningnan. "Totoo naman talaga ang sinabi ko sa 'yo na anak ni Preston sa ibang babae si Chantal. Why? Hindi ka naniwala sa akin?"
Bumuntong hininga ako at walang emosyon siyang tiningnan. "Naniwala."
"Naniwala ka naman pala. Then tell me, hindi mo mahiwalayan si Preston dahil nabuntis ka niya "
"Shut up." Pinutol na ni Preston ang dapat na sasabihin ni Margaux kaya't nagbaba ako ng tingin. "And oh, did I forgot to tell you? Lyana is the mother of my children-yes, children. She's Chantal and Jarvis's mother."
Muli akong nag-angat ng tingin upang tingnan ang reaksiyon sa mukha ni Margaux. Pansin kong nagulat siya nang marinig ang sinabi ni Preston pero hindi ko na makita ang sakit sa mga mata niya.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka... b-baka naka-move-on na talaga siya kay Preston?
"What?" Lumingon sa akin si Margaux at tinaasan ako ng kilay. "Y-You're the surrogate?"
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Ako nga. Pero mas mabuti sana kung sa susunod na lamang natin pag-usapan ang bagay na 'yan dahil may mas mahalaga pa tayong dapat na pag-usapan bukod diyan. Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo ang tunay na nangyari tungkol sa pagiging surrogate ko dahil hindi naman iyon ang ipinunta ko rito," mahinahong sagot ko.
"And what? Is it about my boyfriend again? Oh, come on, Lyana. You already have Preston. Hindi ko na nga kayo ginugulo pa. I already stopped, all right? I already moved on so can't you just leave me alone? Hindi pa ba sapat ang mga sakit ng ulo na ibinigay niyo sa akin?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang ikalma ang aking sarili. Naramdaman ko naman na parang gustong makisali ni Preston sa usapan kaya't tinapik ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa para mapakalma siya kahit papaano. Ayaw ko nga sana siyang isama dahil hindi pa yata ako handa na marinig niya ang kung ano mang sasabihin ko pero siya mismo ang nagpumilit at hindi raw niya ako hahayaang makipag-usap kay Margaux nang hindi siya kasama dahil baka may sabihin na namang hindi maganda si Margaux o kaya ay saktan ako kaya't mas mabuti na kasama ko siya palagi.
"Wala akong balak na guluhin kayo," agad na pagtatama ko sa sinabi niya. "Gusto lang naman kitang balaan sa kaniya. Hindi ko naman sinasabi na hiwalayan mo. Hindi kita dinidiktahan sa kung ano man ang gagawin mo. Ang mahalaga sa akin ay magawa ko ang parte ko na balaan ka laban sa kaniya."
"You're talking as if my boyfriend is a bad guy-"
"Kasi masama naman talaga siya," pagputol ko sa sasabihin niya at taas-noong nag-angat ng tingin sa kaniya. Mas lalo namang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya't nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "Masamang tao ang boyfriend mo."
Hindi siya kaagad nakapagsalita at umawang lamang ang labi. "W-What... y-you're lying, right?"
"Mukha ngang hindi mo pa kilala kung sino talaga ang boyfriend mo kaya mas mabuting kilalanin mo muna siya bago mo siya iyakan. Kapag nalaman mo kung sino talaga ang lalaking iyon, masasabi mo sa sarili mo na nasayang lang ang mga luha mo."
"Why are you talking as if you really know him more than me? Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala ang boyfriend ko? Bakit mo siya sinisiraan sa akin?"
Hindi ko mapigilang isara ang aking mga mata upang ikalma ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Sa pagkakataong iyon naman ay si Preston ang tumapik ng kamay ko sa ilalim ng lamesa para pakalmahin ako. Naging epektibo naman iyon dahil agad akong nagmulat at muling sinalubong ang mga mapanuring mata ni Margaux na nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.
"Kasi kilala ko naman talaga siya. Kilala ko na siya bago mo pa man siya makilala... bago mo pa man siya maging boyfriend," mahinahong sagot ko sa tanong niya.
"So you were colleagues? All right. I understand-"
"Ex-boyfriend ko siya." Pinutol ko na ang dapat na sasabihin niya at sa halip ay taas-noong tumingin sa kaniya. Parehas silang nagulat ni Preston dahil sa sinabi ko pero hindi ako nagpatinag. Mas mabuti na nga lang din na rito marinig ni Preston ang lahat para hindi ko na kailangan pang ulitin sa kaniya at isahang paliwanag na lamang ang kailangan kong gawin dahil sabay na sila.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Margaux tanda na hindi siya naniniwala sa sinabi ko sa kaniya. Umismid siya at umiling. "No way. He's rich. Hindi 'yon papatol sa... oh. Sabagay. Kung si Preston nga, nahuthutan mo ng pera, si Gab pa kaya? Sabagay. Trabaho mo ba 'yan? Ang maghanap ng mayayamang lalaki para humingi ng pera?"
"Margaux," mariing suway ni Preston sa dati niyang asawa kaya't malakas akong bumuntong hininga.
"Hindi ko siya nahuthutan ng pera kahit na kailan kahit piso, wala akong nakuha mula sa kaniya."
"And why would I believe you? Kay Preston pa nga lang, ang dami mo nang nakuhang pera, e. You're not believable anymore, Lyana. Quotang-quota ka na-“
"Isa pang sabi mo niyan, hindi mo na magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo. I am not kidding, Margaux. You know that," dinig kong banta ni Preston kay Margaux pero kinuha ko na ang pagkakataong iyon habang nag-uusap sila para kuhanin ang wallet na nasa bulsa ko.
Kinuha ko ang nakasipat na litrato mula roon na matagal kong itinago kay Preston dahil hindi pa ako handang malaman niya ang tungkol doon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin kay Preston ngunit abala pa rin siya sa pakikipag-away kay Margaux kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kaba.
Nag-aalangan ako kung sasabihin ko sa kaniya at kung oras na ba para malaman niya pero sa huli ay naisip ko na kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ko sasabihin sa kaniya-o sa kanila, baka mas lalo lang magalit sa akin si Preston dahil itinago ko na naman.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at ipinatong sa lamesa ang litratong hawak ko. Agad namang napatingin ang dalawa roon kaya't wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba.
Kinuha ni Margaux ang litratong nasa lamesa at matiim na tinitigan iyon. Kapagkuwan ay kunot-noo siyang nag-angat ng tingin sa kaniya. "Who is this child? Bakit mo ipinapakita sa akin 'to?" takang tanong niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sabi mo, hindi ka naniniwala na ex-boyfriend ko si Gab, hindi ba?" Tumango siya. "And? Anong connect ng litrato na 'to sa boyfriend ko—“
"That is our child," pagputol ko sa sasabihin niya at malakas na bumuntong hininga. "Anak namin ni Gab ang batang 'yan."
"Babe," rinig kong pag-angal ni Preston sa sinabi ko ngunit hindi ko siya pinansin. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Margaux na hanggang ngayon ay naka-focus pa rin ang mga mata sa litrato.
Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa kaniya ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagguhit ng sakit mula sa kaniyang mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi na animo'y pinipigilan ang sarili sap ag-iyak. Humugot naman ako ng malalim na buntong hininga dahil alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Lahat nalang ba, aagawin mo?" mapait na tanong niya.
"Wala akong inaagaw-"
"You had a child with my husband! Tapos ngayon... p-pati ba naman sa boyfriend ko, may anak ka?! Anong klaseng babae ka?" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses sa akin pero hindi rin ako nagpatinag dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako kabit.
Malakas akong bumuntong hininga at tumingin sa litratong hawak niya. "Ang litratong 'yan... kinuhanan ten years ago."
"What the fuck?"
Hindi ko mapigilang mapalunok nang marinig ang pagmumura ni Preston sa tabi ko. Alam kong sa mga oras na 'to ay galit na siya dahil hindi ko kaagad sinabi sa kaniya ang tungkol doon. Subalit ang pinagkaiba lamang noong una ay tila pinipilit niyang ikalma ang sarili at hindi pa rin binibitiwan ang aking kamay. Wala akong narinig sa kaniya kung hindi ang mahihinang komento at sunod-sunod niyang pagbuntong hininga.
"T-Ten years..." Umiling si Margaux at binitiwan ang litratong hawak niya. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi dahil alam ko na rin kung ano ang naiisip niya. "M-May anak na si Gab? W-Wala siyang nababanggit sa akin..." "Talagang hindi niya mababanggit," mapait na tugon ko at binawi na mula sa kaniya ang ipinakita kong litrato. Mula sa gilid ko ay hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pasimpleng pagsulyap doon ni Preston na para bang gusto niyang makita ang hitsura ng anak ko.
"Y-You're making all of these up, right? Sinasabi mo lang 'to dahil ayaw mong sumaya ako "
"Bakit ko naman gagawin ang bagay na 'yan?" pagtutol ko sa sinabi niya bago ako muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Alam kong may pagkakamali akong nagawa sa 'yo at sa pagsasama niyo ni Preston pero hindi naman ako masamang tao. Hindi ko rin ginusto ang nangyari walang may gusto ng nangyari. Kahit si Preston, kahit ako... hindi namin inaasahan na masisira pala ang marriage niyo nang dahil doon. Kaya ko nga sinasabi ang bagay na 'to sa 'yo para maiiwas ka na sa sakit habang maaga pa."
"Maiiwas? Are you fucking insane? You already ruined my life! Huli na, Lyana. Ano pang magagawa mo, ha? Can't you see that I am happy now? Bakit hindi mo nalang ako pabayaan sa buhay ko? Sabi mo nga 'di ba, I hurt your daughter! Hindi ko siya itinuring na anak kaya bakit ka pa rin nangingialam sa buhay ko?"
"Babe," mahinang bulong sa akin muli ni Preston, tanda na gusto na niyang umalis kami at hayaan na lamang si Margaux at sundin ang sinasabi nito.
Pero hindi ako ganoong tao.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tiim ang bagang na nagtanong. "Masaya ka na? Kaya ka pala iyak nang iyak kanina? Huhulaan ko. Kaya ka sinigawan at ipinahiya ni Gab kanina dahil nalaman niyang hindi ka na magkakaanak, 'di ba? Tama ba ako?"
Hindi nakasagot sa tanong ko si Margaux at nag-iwas na lamang ng tingin sa akin. Ipinikit ko naman ang mga mata ko upang ikalma ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sag alit at magkamuhi. Eh, tangina niya pala. "Tama ako, 'di ba?" dagdag na tanong ko pa.
Nagsimula na naman sa pag-iyak si Margaux at sinapo ang kaniyang mukhaupnag itago ang sarili niya sa amin. "W-Why do you keep asking? Gustong-gusto mo talaga na ipamukha sa akin na h-hindi ko kayang magkaaanak-"“
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Kasi ang kapal ng mukha niyang humingi ng anak sa 'yo samantalang hindi niya ako pinanagutan noon matapos niya akong buntisin," mariing pagputol ko sa sasabihin niya. Agad na nag-angat ng tingin sa akin si Margaux samantalang humigpit naman ang kapit ni Preston sa aking kamay. "Ang kapal niyang pilitin kang magkaanak samantalang wala siyang bayag noon na panagutan ako... wala siyang karapatan na humingi ng anak kasi isinuka niya ang anak naming dalawa." "What are you..."
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Margaux at nagbaba ng tingin nang bumalik na naman sa alaala ko ang mag sandaling matagal ko nang pinilit na kalimutan. Kung paano ako nagmakaawa noon, kung paano niya ako iniwan at pinagmukhang tanga, kung paano niya ako sinaktan... eh, gago pala siyang tangina niya.
Binitiwan ko ang kamay ni Preston sa ilalim ng lamesa at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Kapagkuwan ay muli akong nag-angat ng tingin kay Margaux at walang emosyon siyang tiningnan.
"Kilala mo nang mabuti ang boyfriend mo? Hindi totoo 'yan. Kasi kung kilala mo na talaga kung sino siya, hindi mo siya masusubukang mahalin... dahil hindi kamahal-mahal ang mga hayop na katulad niya." "I don't believe you—"
"Alam mo bang paulit-ulit ko na 'yang sinumbong sa pulis noon? Domestic abuse." Ikinuyom ko ang aking mga palad nang maalala kung paano ako humingi ng tulong noon pero wala namang tumulong sa akin dahil mayaman ang pamilya nila. "Nananakit 'yang boyfriend mo kapag hindi nasusunod ang gusto niya, Margaux. Siguro hindi mo pa nararanasan na masaktan niya pero siguro rin naman, sapat na 'yong ginawa niya sa 'yo kanina para mapatunayan kung paano siya magalit."
"G-Gab won't do that..." Umiling siya at sinapo ang bibig dahil sa gulat.
Malakas akong bumuntong hininga. "Kung ayaw mong maniwala, pumunta ka sa police station at hanapin ang records ko roon. Makikita at malalaman mo na hindi ako nagsisinungaling sa 'yo. Isa pa, nakulong na rin si Gab noon dahil sa drugs. Hindi ko nga alam na nakalaya na pala ang gagong iyon,” dagdag ko pa.
Magsasalita pa sana si Margaux at marahil ay ipagtatanggol na naman ang kasintahan ngunit naunahan ko na siya. "At ang batang nasa picture na ipinakita ko sa 'yo... hindi ka man lamang ba nagtataka kung nasaan na siya ngayon? Kung bakit hindi ko nababanggit kay Preston at kung bakit hindi rin sa 'yo sinabi ni Gab."
Nag-angat ng tingin sa akin si Margaux at nangingilid ang luhang nagsalita. "D-Don't tell me..."
Tumango ako dahil alam kong parehas kami ng iniiisip., .
"He's dead. Matagal na siyang patay."
Naramdaman kong natigilan si Preston sa tabi ko kaya't muli kong pinunasan ang aking luha. Muli kong tiningnan ang litratong hawak ko at mapait na ngumiti. "Hindi niya ako pinanagutan pero binuhay ko pa rin. M-Malusog naman siya n- noong ipinanganak ko. K-Kung ayaw mong maniwala, puwede mong tanungin si Doctora Vallero. S-Siya ang nagpaanak sa akin noon. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ako tumanaw ng utang na loob sa kaniya at kung bakit pumayag kaagad ako na maging surrogate mother noong nag-offer siya,” dagdag ko.
Hindi kaagad nakapagsalita si Margaux ngunit kapagkuwan ay muli siyang nagtanong. "I-if he's healthy t-then why..."
"Dengue," sagot ko at malakas na bumuntong hininga. "Iniisip mo siguro na, 'dengue lang pala, bakit namatay?'. Pero kasi, hindi tulad niyo, wala akong pera na pampagamot. Mukha akong pera? Baka. Baka nga hinabol ko si Gab noon dahil sa pera... p-pero para naman sa anak niya 'yon, ah? Bakit masama kung humingi ako ng pera sa kaniya? Pero alam mo kung magkano ang nakuha ko diyan sa magaling mong boyfriend? Wala. Kahit piso, wala. Hanggang sa mamatay na ang anak namin, hindi niya ako tinulungan."
Mas lalo kong ikinuyom ang kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil sa galit nang maalala ko na naman ang panahong iyon. "Kaya anong karapatan niyang magalit sa 'yo dahil hindi ka makakapagbuntis samantalang 'yong mismong anak niya, hinayaan niyang mamatay noon? Ang kapal naman nga yata talaga ng pagmumukha ng hayop na 'yan. Masuwerte pa nga siya na may nagtitiyaga sa ugali niya, e,” dagdag ko pa.
Hindi nagsalita si Margaux at nagbaba na lamang ng tingin sa akin kaya't muli akong bumuntong hininga. "Sinabi ko sa 'yo ang bagay na 'yon hindi para kaawan mo ako o ano. Sinabi ko sa 'yo dahil hindi mo deserve na umiyak sa mga lalaking gaya niya. Hindi ko na makokontral pa kung anong sunod mong gagawin pero sana, nagdalawang isip ka. Nasaktan ka na kay Preston noon, pati ba naman ngayon?"
Nanatili siyang tahimik at hindi ako sinagot kaya't tumayo na ako mula sa aking kinauupuan. "At isa pa, hindi sukatan ng pagiging babae ang pagiging isang ina. Kagalang-galang ka pa rin na babae kahit na hindi mo kayang magdala ng sanggol sa tiyan mo," sambit ko.
Kinuha ko mula sa wallet ko ang calling card ng orphanage kung saan ako dating nagtatrabaho noon at ipinatong sa lamesa. "Isa pa, hindi naman porque hindi nanggaling sa tiyan mo ang bata, hindi ka na puwedeng maging ina. Kung gusto mo talagang maging nanay at kung iyon ang makakapagpasaya sa 'yo, marami pang bata sa mundo ang naghahanap ng kakalinga at tatayong nanay nila. May nagawa man akong mali sa 'yo noon pero sana makatulong ako kahit papaano."