The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Sixty Eight



"Mama, pigtails, Mama. Tapos want ko rin po nitong clip na 'to. Lagay mo po to my hair," masiglang utos sa akin ni Chantal at inabot ang maraming makukulay at naliliit na hairclips na hawak niya. Excited siyang pumunta sa harapan ko at tumalikod para ayusan ko na siya ng buhok.

Aayusin ko na sana siya ng buhok subalit agad ko ring narinig ang pag-angal ni Jarvis na nasa tabi namin ni Chantal at alam kong kanina niya pa kami inoobserbahan. "Chanty, sabi nga ni Tatay, 'di raw puwede pagawain ang Mama kasi nga raw baka raw mapagod tapos 'di maging healthy ang baby. Gusto mo ba 'yon?" sermon niya sa kapatid.

Agad na humaba ang nguso ni Chantal at nakasimangot na tiningnan ang kapatid, "Eh 'di naman mapapagod si Mama Lyana, Jarvis. She's sitting naman, ah?" giit niya.

Umismid naman si Jarvis at hindi pa rin nagpatinag sa sinabi ng kakambal. Sunod-sunod siyang umiling habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib. "Sabi ko naman sa 'yo, ako na maggaganyan sa 'yo, 'di na si Mama para 'di na siya mapagod "

"Pangit kasi ikaw mag-pigtails, Jarvis. Bumababa kaya! Si Mama, galing siya kaya sa kaniya nalang," pagputol ni Chantal at umiling.

Tumaas ang kilay ko at takang tumingin sa kanilang dalawa. "Inaayusan mo rin ng buhok si Chantal, Jarvis? Saan mo natutunan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Hindi niya kasi nababanggit sa akin na marunong pala siya... o kung marunong ba talaga siya dahil sabi ni Chantal ay hindi naman siya maayos na mag-ayos ng buhok. Ilang beses akong napakurap nang taas-noo akong tiningnan ni Jarvis at animo'y proud na proud doon.

"Nag-aaral po kami ni Tatay, Mama," taas-noong sagot niya sa akin kaya't mas lalong nagtagpo ang aking mga kilay. "Ha? Ng alin?"

Nakakaloko siyang ngumiti at inayos ang buhok-animo'y ginagaya ang tatay niya. "Sabi po kasi ni Tatay, girl daw po ang baby. Siya po mag-aayos sa buhok ni baby tapos ako po kay Chanty kasi pagkalabas niyo raw po kay baby, kailangan niyo pong magpahinga---"

"Sinabi niya 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Agad namang tumango si Jarvis sa akin at inosente akong tiningnan. Umawang ang aking bibig at hindi kaagad nakapagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Si Preston ang mag-aayos sa buhok ng baby? Eh baka nga nabibilang palang ang buhok noon pagkaaanak ko, e!

"Bakit po, Mama? Mali po ba si Tatay?" Inosenteng tanong sa akin ni Jarvis nang hindi kaagad ako nakasagot.

Ilang beses akong napakurap at hindi rin kaagad nakapagsalita dahil sa gulat. Hindi ko alam kung nagresearch ba si Preston o ano pero kahit na ganoon ang na-research niya, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa kilig. Sige na nga, magpapasalamat nalang ako sa kaniya mamaya.

Magsasalita pa sana ako para sumagot kay Jarvis ngunit nauna na siya sa aking magsalita. Humaba ang nguso niya at animo'y bad trip na tumingin kay Chantal. "Chanty, fake news na naman yata si Tatay, e. Baka kaya 'di maganda ang pigtail ko sa 'yo kasi mali siya," reklamo niya sa kakambal.

"Really?" napatingin sa taas si Chantal at umaktong nag-iisip. Kapagkuwan ay muli siyang tumingin kay Jarvis at marahang tumango na para bang sumasang-ayon siya sa sinabi nito. "Maybe you're right nga kasi 'di rin pretty ang pigtails sa akin ni Daddy. Maluwag siya saka 'di pantay. Same nga kayo, e."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mahina nang tumawa dahil sa sinabi ni Chantal. "Mga bata?" pag-agaw ko sa atensiyon nila. Agad naman silang tumingin sa akin.

"Tama naman si Daddy niyo. 'Di palang siya expert tulad ni Mama pero ganoon talaga." Tumingin ako kay Chantal at sinapo ang mukha niya. "Saka Chantal 'nak, kahit naman lumabas na si baby, si Mama Lyana pa rin naman ang mag-aayos ng buhok mo, okay? Sabihin mo lang sa akin, aayusan kita. Kayo pa rin naman ni Jarvis ang original na baby ni Mama."

Malapad na ngumiti sa akin si Chantal at malambing na hinalikan ako sa pisngi. Mas lalo naman akong napangiti dahil sa ginawa niya. "Love you po, Mama Lyana!"

"I love you too, okay? Love ko kayo ni Jarvis," sagot ko at saka naman ibinaling ang aking tingin kay Jarvis na tahimik lamang kaming pinagmamasdan ni Chantal. Malapad ko siyang nginitian at pinaypayan na lumapit sa akin. "Lika nga, 'nak." Walang pag-aalinlangang sumunod sa utos ko si Jarvis at lumapit sa amin ni Chantal. Inayos ko ang buhaghag niyang buhok. "Alam naman ni Mama na gusto mong maging Kuya pero tandaan mo na sa mata ni Mama saka ni Tatay, baby ka pa rin, ha? Ayos lang naman sa amin na ayusan mo ng buhok si Chanty pero magpapaayos ka rin kay Mama, okay?" mahinahong sambit ko habang inaayos ang buhok niya.

Tumigil ako nang mapansing nakasimangot si Jarvis. Humiwalay siya sa akin at ginulong muli ang kaniyang buhok kaya't awtomatikong umarko ang isa kong kilay. "Nak, inayos na nga ni Mama. Bakit mo ginulo ulit?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya at susubukan na sanang ayusin ang buhok niya pero dali-dali siyang lumayo sa akin.

"Style po 'yan, Mama."

Umawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Ano raw? Style?

Malakas akong bumuntong hininga. "Nak, hindi style 'yan. Naayos na nga ni Mama ang buhok mo tapos ginulo mo naman ulit... mukha kang hindi nagsuklay sa lagay na 'yan, Jarvis 'nak. Lapit ka rito, dali. Aayusin ko." Pinaypayan ko siyang muli pero mabilis siyang umiling at hindi sumunod sa akin.

Akmang magsasalita pa sana ako para tanungin siya ngunit hindi pa man ako nagsasalita ay naunahan na ako ni Chantal.

"Mama, inaayusan po kasi siya ng hair ng crush niya sa school, Mama."

Agad kong ibinalik ang aking tingin sa gawi ni Jarvis pero nag-pout lamang siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa akin. Mas lalo namang umawang ang bibig ko nang hindi niya man lamang itinanggi ang sinabi ng kakambal niya. "Nak, masyado pa ikaw bata para crush-crush na 'yan," suway ko at mabilis na umiling. "Dapat hindi ka kaagad nagkaka-crush tulad ni Chantal kasi-"

"Eh may crush din naman po si Chanty, Mama. 'Yong bungi po ang ngipin na umiiyak kapag 'di siya binigyan ng mama niya ng lollipop. Binigay nga po ni Chant lollipop ko sa crush niya, e. Binigyan pa, eh bungi naman," pagputol ni Jarvis sa dapat ay sasabihin ko kaya't sa pagkakataong iyon ay kay Chantal ko naman ibinaling ang aking mga mata.,

Sakto nmanag bumukas ang pinto at iniluwal si Preston. "What's happening here? Kanina ko pa kayo hinihintay sa baba, handa na ang sasakyan," takang tanong niya sa aming tatlo.

Malakas akong bumuntong hininga at hinilot ang aking sintido. "Hindi mo paniniwalaan ang nalaman ko sa sinabi ng dalawang 'to, Preston," umiiling na sambit ko.

Agad namang nagtagpo ang kaniyang dalawang kilay at lumapit sa amin. "What is it?"

"Mama," suway ni Jarvis at animo'y nahihiyang malaman ng tatay niya ang tungkol doon.

"Itong dalawa, may crush na pala sa school! Itong si Jarvis, inayos ko na ang buhok tapos ginulo na naman kasi ang crush niya ang gustong mag-ayos ng buhok niya. Tapos ito namang si Chantal, ibinigay daw ang lollipop ni Jarvis sa crush niya kasi umiiyak daw... DIyos ko! Ilang taon palang ba 'tong mga 'to?" Eksaherada akong umiling at pinaypayan ang aking sarili.

Tulad ng inaasahan ko ay bumuntong hininga si Preston at napailing. Tumingin siya sa dalawa at tinaasan ang mga ito ng kilay. Makakahinga na sana ako nang maluwag nang lapitan niya si Jarvis ngunit mas lalo lamang yatang tumaas ang presyon ko nang mas lalo pa niyang guluhin ang buhok ni Jarvis.

"Preston!" suway ko.

Malakas siyang tumawa at tiningnan ang mukha ni Jarvis. "Yan. Dapat mas magulo pa para mas matagal ka niyang ayusan ng buhok. Tapos kapag naayos na niya, guluhin mo ulit-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at tinampal na ang kaniyang hita. "Huwag ka ngang ganyan. Ang bata pa niyan, pinapayagan mo nang magka-crush? Babaero ka talaga, e, ano? Gusto mo pa yatang ipasa sa anak mo." Masama ko siyang tiningnan ngunit tumawa lamang siya sa akin.

"Tatay, ganito po ba?"

Ibinaling ko ang tingin ko kay Jarvis na animo'y isang linggong hindi nagsuklay ang itsura. Umawang ang bibig ko ngunit mas lalo pa iyong umawang nang mag-thumbs up si Preston na para bang ayos lang sa kaniya iyon. "Daddy, then can I have more lollipops po so I can give "

"Hindi puwede." Napalingon ako kay Jarvis at Preston nang sabay silang sumagot sa tanong ni Chantal. Ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang tumingin sa dalawa. "But why..."

Malakas na bumuntong hininga si Preston at si Chantal naman ang nilapitan. "Baby, you can't have a crush yet, okay? You're still a baby, bawal 'yon kay Daddy," mahinahong sambit niya.

Agad namang humaba ang nguso ni Chantal at mabilis na umiling. "Pero Daddy, bakit po si Jarvis, allowed magka-crush tapos ako not allowed? That's unfair, Daddy. Tampo na ako." Nagpapadyak pa si Chantal na para bang pinipilit ang Daddy niya na bilhan siya ng laruan kahit na nasabi nang hindi puwede. "Bungi kasi crush mo, Chanty, kaya bawal. Akin kasi, ganda saka 'di bungi," pagsingit ni Jarvis sa usapan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Humagalpak naman ng tawa si Preston dahil sa sinabi ng anak kaya't sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napailing. Sinapo ko ang tiyan ko at sunod-sunod na bumuntong hininga upang ikalma ang aking sarili.

"Bungi naman pala, Chantal. Tingnan mo nga kami ni Jarvis, oh. Hindi kami bungi kaya guwapo kami." Nagtaas-baba pa ng kilay si Preston kaya't napaismid ako.

"Daddy, he's handsome pa naman po kahit na he's bungi po. Saka he's nice, Daddy. Pinahiram niya po ako ng pencil saka po binigyan niya po ako ng love letter!"

Pumintig ang tainga ko dahil sa narinig at sumingit na sa usapan nilang mag-aama. "Love letter? Anong love letter? At saan niyo natututunan 'yang mga 'yan, ha? Nasaan na 'yong love letter, patingin ako—" "Pangit naman ang letter, Mama, e!" Mabilis na kontra ni Jarvis at sumimangot. "Saka mali spelling niya ng beautiful! 'Di siya magaling sa spelling tapos crush mo. Pangit pa mag-drawing ng heart!"

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Jarvis. Hindi naman pala tama ang spelling ng beautiful kaya hindi gusto ni Jarvis na maging crush ni Chantal. Tama nga naman, may point nga.

"Oh, narinig mo na si Jarvis, Chantal? No crush, okay? Turuan mo munang mag-spell ng beautiful 'yong crush mo bago mo maging crush. And you're still young so you're not allowed to have any crush, all right?" Mahinahong sambit ni Preston sa anak.

Agad namang napalabi si Chantal at tumingin sa akin na para bang naghahanap ng kakampi pero maging ako ay umiling. "No crush, Chantal. Saka na kapag eighte_"

"Fifty," pagputol ni Preston sa dapat kong sasabihin kaya't gulat akong tumingin sa kaniya. Malapad naman siyang ngumiti sa akin. "Kapag fifty ka na, saka ka puwedeng magka-crush, okay, baby?"

Malakas akong bumuntong hininga at napailing na lamang dahil sa kanila. Nagkuwentuhan pa silang mag-aama habang tahimik ko namang inayos ang buhok ni Chantal. Ipinaayos ko na rin ang buhok ni Jarvis dahil hindi naman kami sa school pupunta.

"Mama, where are we going po ba?" tanong sa akin ni Chantal habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Hawak ng isa kong kamay si Chantal samantalang nakasuporta naman sa railing ang isa. Si Preston naman ang kasabay ni Jarvis sa paglalakad sa likod namin ni Chantal.

Nagkibit-balikat ako at ngumiti sa kaniya. "Secret. Malalaman mo rin mamaya promise," mahinahong sagot ko.

Hindi na naman sumagot pa si Chantal at napalabi na lamang. Nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan at nang makarating sa baba ay inabisuhan namin si Manang Lerma na aalis kami at baka ay gabi na kami umuwi. Baka kasi mag-panic na naman siya tulad dati. Sumama kasi ako kay Preston na bumili ng avocado shake noon tapos medyo nagtagal kami dahil napasarap sa kuwentuhan at gabi nang nakauwi dahil na rin sa traffic. Pagdating namin ay nasa bahay na ang tatay at nanay ni Preston na kapwa nagpapanic kung bakit daw hindi pa rin kami umuuwi.

Mula noon ay sinasabihan na namin si Manang Lermab tuwing aalis kami at kapag malalate kami ng uwi dahil baka magsumbong na naman siya kina Tito at Tita. Mahirap na dahil medyo matanda na rin silang dalawa at baka sila pa ang mapasama kapag nagpapanic sila.

Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan ni Preston. Tulad ng nakasanayan, si Preston ang nagd-drive at ako ang nasa tabi niya samantalang nasa likod naman ang kambal. Ilang beses ko na nga ring tinanong kay Preston noon kung bakit ayaw niya pang magpa-drive ng sasakyan dahil may driver naman siya pero sabi niya ay nag-eenjoy daw siyang mag-drive ng sasakyan dahil may kaibigan siyang racer noon at nagrarace sila noong college. Nakalimutan ko ang pangalan ng sinabi niya pero sa pagkakaalam ko ay pinsan iyon ni Deion Fontanilla saka 'yong pulis daw.

"Daddy, tagal po ba ang biyahe natin?" tanong ni Chantal sa ama matapos siyang suotan ng seatbelt. Hindi naman kaagad nasagot ni Preston ang tanong niya dahil umikot pa siya para naman suotan din ng seatbelt si Jarvis. Nagsuot na rin naman ako ng seatbelt dahil wala akong balak na magpasuot pa sa kaniya. Baka kasi kapag hindi kaagad ako nagsuot ay siya rin ang magsuot ng seatbelt sa akin. "Maybe? Why?"

"Can we eat some foods po while you're driving? I want fries..."

Kokontra pa sana ako dahil nag-fastfood na sila noong isang araw pero tumango pa rin si Preston bilang pagpayag kay Chantal kaya't napailing na lamang ako. Pero sabagay, mukhang masarap nga naman ang fries. Makikitikim nalang din ako.

Matapos niyon ay umalis na kami ng bahay at nag-drive sa pinakamalapit na drive-thru. Prenteng sumandal lang naman ako sa upuan ko dahil si Preston na ang bahala sap ag-order-order na ganoon. Saka medyo inaantok na rin ako kaya't hindi na ako nakisali pa. Noong tinanong ako ni Preston kung anong gusto ko ay tanging ikaw na ang bahala' ang isinagot ko dahil hindi ako makapamili at dahil antok na rin ako.

"Tatay, gusto ko po 'yong may toys saka ice cream!" dinig kong request ni Jarvis sa ama bago tuluyang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko pa sanang makitikim pero hindi ko na kaya dahil sa labis na kaantukan.

**

"Jarvis, ikaw na gising kay Mama Lyana. 'Di pa rin siya gising, e."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Naalimpungatan ako nang marinig ang mahinang boses ni Chantal na para bang natatakot siyang magising ako. Agad ko rin namang narinig ang mariing pagtutol ni Jarvis.

"Ayaw ko nga, Chanty. Saka sabi ni Tatay, bawal daw na gisingin ang Mama kasi magigising din daw ang baby kapag ginising siya. Ikaw nga, gusto mo ba 'di complete ang tulog mo? Kawawa kaya ang baby saka si Mama kapag 'di complete ang tulog," mabilis na hindi niya pagsang-ayon sa kapatid. Kahit na nakapikit ako ay siguradong-sigurado ako na umiiling na siya bilang tanda ng pagtutol sa sinabi ni Chantal.

Narinig ko naman ang malakas na buntong hininga ni Chantal. "Eh kasi, we're here na raw sabi ni Daddy. Ang tagal naman kasing mag-pee ni Daddy! Dapat siya nalang ang gumising kay Mama Lyana para 'di na tayo like this," reklamo niya at animo'y dumungaw pa sa unahan para tingnan kung gising na ako. Mariin ko namang ipinikit ang aking mga mata dahil gusto ko pang makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Alam mo Chanty, parang di naman naiihi si Tatay."

"Really?"

"Uh-huh! Baka gusto niya talaga na tayo ang gumising kay Mama para 'di na siya ang gumising kasi magagalit sa kaniya si Mama kapag naputol ang tulog niya. 'Di naman nagagalit sa atin si Mama kaya gusto niya na tayo na ang gumising." Lihim naman akong napatango at pasimpleng binuksan ang aking mga mata nang maramdaman na bumalik na si Chantal sa pagkakaupo niya. Sakto namang pagmulat ko ng mga mata ay ang aksidente kong pagtingin sa gilid ng sasakyan. At tama nga si Jarvis dahil naroon nga si Preston sa labas ng sasakyan, nakaupo, at parang nagtatago sa dalawa.

Matalino din talaga 'tong si Jarvis, e.

"E 'di let's wake up Mama na---“

"Di pa nga puwede," mabilis na pagtutol ni Jarvis at umiling. "Hintay muna tayo nang saglit para 'di sumakit ulo ng Mama. 'Di ba sakit sa ulo kapag putol ang tulog?"

"Right, right! Saka baka sakit din ulo ni baby sa loob tapos baka 'di siya makalabas kapag ganoon. Tingnan mo nga tiyan ni Mama, Jarvis, oh. Laki na. Baka 'di na niya mailabas si baby kasi masiyado malaki," sambit ni Chantal sa kakambal. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtawa. Para silang nagchichismisang dalawa.

"Paano kaya tayo nagkasya sa loob ng tiyan ni Mama... hala! Baka sobrang laki ni baby paglabas niya kasi malaki ang tiyan ni Mama!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumawa na dahil sa sinabi ni Jarvis. Napatingin naman sa akin ang dalawa na animo'y gulat na gulat dahil gising na ako pero nginitian ko lamang sila.

"Nandito na pala tayo, hindi niyo ako ginising," sambit ko.

Napakamot silang dalawa sa ulo at hindi ako sinagot kaya't napailing ako. Inalis ko na ang suot kong seatbelt at ibinaba ang bintana ng sasakyan. Sinilip ko si Preston na nakaupo pa rin at nagtatago sa gilid ng sasakyan at sakto namang agad na nagtagpo ang aming mga mata.

"Lumabas ka na diyan, nahiya ka pang gisingin ako," natatawang sabi ko at kinuha na ang shoulder bag ko. Binuksan na naman ni Preston ang pinto kaya't bumaba na ako. Sunod niya namang inasikaso sina Jarvis at Chantal kaya't naghintay na lamang ako sa gilid. "Mama, why are we here po ba? I thought we're going to eat?" takang tanong ni Chantal habang lumilinga-linag sa paligid.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jarvis sa kamay ko at tumitingin-tingin din sa paligid at animo'y nagtataka rin tulad ni Chantal. Tipid naman akong ngumiti sa kanilang dalawa ni Chantal.

"Kasi may ime-meet kayo dito," sagot ko.

Tulad ng inaasahan ay kapwa nagtagpo ang kanilang mga kilay dahil sa makahulugang sinabi ko. "Who..." mahinang usal ni Chantal ngunit hindi na niya naituloy pa ang sasabihin at tanging kunot-noong nag-angat na lamang ng tingin sa akin.

Ngumiti ako. "Siguro oras na para makilala niyo ang Kuya niyong dalawa. Gusto niyo ba siyang makilala?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.