Chapter CHAPTER Sixty Nine
"Do you visit here often?"
Tumingin ako kay Preston nang marinig ang tanong niya at marahang tumango bilang tugon. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at sa halip ay pinagmasdan na lamang sina Chantal at Jarvis na magkaharap na nakaupo sa puntod ng Kuya nila.
Malakas akong bumuntong hininga at kaswal na nagkibit balikat. "Palagi. Kapag may libre akong oras kagaya ng pagkahatid ko kina Jarvis at Chantal sa school noon. Hindi ko nga alam na hindi pala naikukuwento sa 'yo ni Kuyang driver na inihahatid at sinusundo niya ako palagi rito noon," sagot ko.
"He's not like that. And isa pa, it's your own privacy. Wala nga siyang nababanggit sa akin kaya hindi ko alam." Napatango naman ako dahil doon at tipid na ngumiti dahil kampante ako na hindi masasamang tao ang kasama namin sa bahay. Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso habang nakatingin kina Jarvis at Chantal. Medyo malayo kami ni Preston sa kanila kaya't hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila ngunit halata naman mula sa puwesto namin na nag-uusap ang dalawa.
"Alam ba ni Jarvis na may Kuya siya?" tanong muli ni Preston sa akin na para bang ayaw niyang may mamayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Umiling ako. "Hindi ko na sinabi sa kaniya noon kasi baka magtanong siya nang magtanong sa akin. Hindi rin naman ako handang magkuwento sa kaniya noon kaya't wala na akong pagkakataon pang banggitin sa kaniya. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi namin napapag-usapan ang tungkol sa Papa niya noon-na ikaw pala. Hindi ko kasi binabanggit sa kaniya ang tungkol doon dahil alam ko na kapag sinabi ko sa kaniya, magtatanong siya nang magtatanong at wala naman akong maisasagot sa kaniya. Kilala mo naman si Jarvis, 'di ba?"
Marahang tumango si Preston at humugot din ng malalim na buntong hininga. "Matanong," tanging sagot niya kaya't tumango ako bilang pagsang-ayon. Ganoon naman talaga si Jarvis.
Isa 'yon sa pagkakaiba nila ni Chantal. Si Chantal naman kasi, masiyado siyang chill sa buhay. It is what it is. Ganoon siya. Si Jarvis naman, marami siyang tanong kasi marami siyang gustong malaman na bagay-bagay. Medyo mahiyain din si Chantal sa ibang tao at sa amin lamang na kilala na niya nakikipag-usap samantalang si Jarvis naman ay mukhang masungit pero madali siyang makihalubilo sa ibang tao hindi kagaya ni Chantal.
"When you lost your child..." panimula muli ni Preston. Bumuntong hininga siya at animo'y nag-aalangan sa pagtatanong. "How did you cope up?"
"I did not."
Ramdam ko ang paglingon niya sa akin kaya't alam kong nagtataka siya sa isinagot ko at hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot ko sa tanong niya. Malakas naman akong bumuntong hininga habang nakatingin pa rin sa magkakapatid. "Wala akong oras na tuluyang magluksa noon, e. Pagkatapos niyang mamatay, kailangan kong humanap ng pera na pambayad sa ginastos sa hospital at sa pagpapalibing sa kaniya, Noong nabayaran ko naman ang mga iyon, sunod ko namang binayaran ang mga utang ko. Hindi ko rin naman mabayaran 'yon kaagad kasi kailangan ko pa ring bumili ng gamot ni Thirdy na kapatid ko. Puro ako trabaho noon kaya't hindi ako nakapagluksa nang maayos," mapait na tugon ko at kinagat ang aking ibabang labi. "Masakit pa rin?"
Tumango ako. "Hindi naman yata mawawala 'yong sakit, e. Mukhang mas masakit nga lang sa sitwasyon ko kasi parang hindi ako nakapagluksa nang maayos... kaya hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin 'yong bigat ng nangyari noon. Hindi ako makapag-move on."
Nanatiling tahimik si Preston at tanging ang sunod-sunod na buntong hininga lamang namin ang namayani sa pagitan naming dalawa. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa at lalapit na sana ako sa kambal ngunit muli siyang nagsalita. "I wasn't aware that you went through all of that..." mahinang usal niya.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi bago tumingin sa gawi niya. Saktong tumingin din siya sa akin kaya't nagtagpo ang aming mga mata. Tipid ko siyang nginitian. "Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko sinabi sa 'yo kaagad ang tungkol dito. Hindi pa kasi ako handa noon kaya't hindi ko masabi saka natatakot ako sa magiging reaksiyon mo." "Babe..."
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. "Pero naisip ko kasi na kung ikaw nga, gumagawa ka ng effort para maayos ang ugali mo at ang mga pagkakamali mo, siguro oras na rin para naman baguhin ko rin ang akin. Isa sa pangit na ugali ko 'yong hindi ako nagsshare ng nararamdaman ko sa ibang tao dahil lumaki naman ako nang wala talagang nakakausap tungkol sa mga ganitong bagay-bagay kaya't hindi ako sanay. Pero iba na kasi ngayon kasi narito na kayo at kasama ko. Dapat na mag-open din ako sa inyo tulad ng ginagawa niyo. Isa 'to sa gusto kong katangian na mabago ko kaya sana, hintayin mo rin na mag-improve ako, huh?"
Malakas siyang bumuntong hininga at hinila ako palapit sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap at marahang hinaplos ang aking ulo. "You already went through so much, babe. And I won't blame you for note telling me everything now. I know you have your reasons and I know that it's hard to open up. Pinagtiyagaan mo nga ang masamang ugali ko noon, 'di ba? So who gave me the right to judge you when you haven't done anything wrong but to protect your peace of mind?" mahinahong sambit niya.
"I love you."
Ramdam kong bahagya siyang natigilan sa sinabi ko kaya't lihim akong napangiti. Kinilig na naman ang loko.
Mayamaya pa ay mahina siyang tumawa at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Dahil mas matangkad siya sa akin ay wala lang sa kaniya iyon at abot na abot niya ang tuktok ng ulo ko. "I love you too," mahinang sambit niya pabalik. "Thank you... huh? Kasi hindi mo ako jinudge."
"Why would I? You're a great mother, Lyana. No one have the right to judge you in that aspect. You have been a great sister to your brother. And even though your eldest son died, I know that he don't blame you for what happened to him. You tried your best to save him, Lyana. You tried your best to prolong his life... sadyang may mga pagkakataon lang talaga na hindi mo mapipigilang mangyari. And I know your son in heaven knows that. He knows that you're a great mother to him... hindi mo siya pinabayaan, okay?"
Marahan akong tumango habang tahimik na umiiyak. Ang kaibahan lang, hindi ako umiiyak dahil sa sakit kung hindi dahil sa saya. Saya na sa wakas, may nakakaintindi na rin sa akin. Masaya rin ako kasi sinabi niya ang bagay na 'yon dahil sinubukan ko naman talaga... lahat ng makakaya ko, sinubukan ko naman noon. Pero ang hindi ko lang matanggap ay 'yong sinabihan ako ng ibang tao na masama at pabayang ina kahit na hindi naman nila alam kung anong pinagdaanan ko
noon.
"S-Salamat," mahinang bulong ko kay Preston.
"And you're a great mother to Chantal and Jarvis, too. Alam kong alam na rin naman nila na mahal na mahal mo sila. Wala kang kahit na ano mang pagkukulang, babe. You're already the best mother that everyone could wish for," dagdag niya pa kaya't mas lalo akong napaiyak. "Oh, come on. People might think that I am saying bad words to you that's why you're crying."
Dahil nakayakap ako sa kaniya ay hinampas ko ang likod niya at mahinang tumawa. Natawa naman siya dahil doon. "And now you're laughing while you're crying. You're getting pretty weird, babe. Baka mamana ni baby," biro niya pa kaya naman humiwalay na ako ng yakap sa kaniya at pinunasan ang aking pisngi na basang-basa na dahil sa luha ko.
Nang tingnan ko naman si Preston ay hindi rin nakatakas sa mata ko ang basang polo shirt niya, partikular sa may dibdib niya, nang dahil sa luha ko. Mahina akong natawa habang pinupunasan ang luha ko. "Ikaw kasi, may payakap-yakap ka pang nalalaman. Ayan tuloy, basa ang damit mo."
Tumingin si Preston sa suot na damit at kapagkuwan ay tumawa. "Kunwari nalang, pinagpawisan ang dibdib ko."
Wala akong nagawa kung hindi ang mapailing dahil sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako para sagutin siya ngunit hindi ko na nagawa nang mapansing nakalapit na pala sa amin sina Jarvis at Chantal. Agad din namang kumunot ang noo ko nang makitang seryosong nakatingin si Jarvis sa Tatay niya.
"Nak?" pagtawag ko sa atensiyon niya pero hindi niya ako pinansin.
Tiningnan niya nang masama si Preston na siya namang ikinapagtaka ko. "Tatay," panimula niya ngunit seryoso na ang boses niya--- seryoso na animo'y nagbabanta pero cute pa rin at hindi naman nakakatakot.
Napatingin ako kay Preston at sakto namang naabutan ko ang ilang beses niyang pagkurap habang nakatingin sa anak. Sabi ko kanina ay hindi nakakatakot pero mukhang natakot si Preston.
"H-Huh?" animo'y kinakabahang tanong niya kay Jarvis. Ramdam ko naman ang paglapit ni Chantal sa akin kaya't hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin at inoobserbahan namin ang dalawa.
"Inaaway mo na naman si Mama... po. Umiiyak na naman ang Mama, Tatay. Pinaiyak mo naman."
Umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Kapagkuwan ay hindi ko na napigilan pang matawa. Napatingin naman sa akin si Jarvis kaya't malapad ko siyang nginitian.
"Inaway ka na naman po ba ni Tatay, Mama?" inosenteng tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at marahang umiling. "Hindi, 'nak. Hindi kami magkaaway ni Tatay mo. Saka ano ka ba, magkayakap nga kami kanina, 'di ba?"
"Pero iyak ka po..."
"Umiiyak si Mama kasi masaya ako, 'nak. Hindi ako inaaway ng tatay mo saka hindi na naman niya ako inaaway, iniinis nga lang pero 'di naman nasasaktan si Mama kasi bati pa rin naman kami," pagpapaliwanag ko at tumingin kay Preston. "Di ba, hindi mo naman ako inaaway na ulit?"
Agad na tumango si Preston bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Humaba naman ang nguso ni Jarvis at napakamot sa ulo dahil doon.
"Yaan mo na po si Jarvis, Mama. Takot po kasi siya na away kayo ni Daddy kaya siya ganiyan." Napatingin naman ako kay Chantal nang siya naman ang nagsalita.
"Talaga ba?" tanong ko at agad naman siyang tumango.
Tumingin siya kay Jarvis at pinanlakihan naman siya ng mata ng kakambal. Nagkibit balikat naman si Chantal na animo'y ayaw makinig sa banta ng kapatid.
"Kasi po, Mama Lyana, baka raw po kapag nag-away kayo ni Daddy, umalis na naman daw po kayo tapos hiwa-hiwalay na naman po tayo. Saka Jarvis loves Daddy naman po and he wants to call him Daddy rin po kaso he's nahihiya raw po-" "Chanty!" nahihiyang suway ni Jarvis sa kakambal pero tinawanan lamang siya ni Chantal.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ibinalik ko naman kaagad ang tingin ko kay Jarvis at kunot noo siyang tiningnan. "Gusto mo na ring tawaging Daddy si Tatay mo?" tanong ko sa kaniya.
Agad namang humaba ang nguso niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "K-Kasi Mama..."
"Di ba sabi mo, ayaw mo siyang tawaging Daddy noon kasi pang-mayaman? 'Nak, kung hindi ka naman kumportable, ayos lang kay Mama saka kay Tatay," mahinahong sambit ko at sumulyap kay Preston na parang tulad ko ay hindi rin naiintindihan ang nangyayari. "Di ba, Preston? Ayos lang naman sa 'yo na Tatay ang tawag niya?"
Mabilis namang tumango si Preston bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Malakas siyang bumuntong hininga at umupo para maging kapantay na niya sina Jarvis ang Chantal. "Hindi naman mahalaga sa akin kung anong itawag niyo sa akin. Everything is all right-oh, well, except sa Manong. I don't like that," sabi niya kay Jarvis kaya't mahina akong natawa.
Naikuwento kasi sa akin noon ni Chantal na Manong daw ang itinawag sa kaniya noon ni Jarvis noong inaway ako ni Preston at noong naiwan siya rito sa bahay. Ayaw daw kasing tawagin na Tatay ni Jarvis si Preston noon kasi inaway ako tapos ayaw na rin naman daw na Boss kasi tinanggal na raw ako sa trabaho kaya 'di na si Preston ang boss. Kaya 'yon, Manong ang itinawag ni Jarvis sa Preston.
At siyempre, hindi iyon nagustuhan ni Preston lalo pa't alam na niya noon ang totoo na anak niya naman talaga si Jarvis at hindi lang siya basta 'Manong'.
"Come on, why are you sulking?" Itinaas ni Preston ang baba ni Jarvis at kunot noo siyang tiningnan. Nakasimangot pa rin si Jarvis ngunit dahil nakatagilid sila sa akin ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang pamumula ng tainga niya tanda na nahihiya siya sa ama.
"Daddy, he wants to call you Daddy na nga po, promise, I swear! Kaso_"
"Oo na nga," pagputol ni Jarvis sa sasabihin ni Chantal. "H-Hiya ako. Oh, ano, happy na? Sabi ko sa 'yo, 'wag mo sabihin, e. Sinabi mo kaya hiya na ako. Ayaw ko na ng Daddy."
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na matawa dahil sa sinabi ni Jarvis. Palagi siyang seryoso nitong mga nakakaraang araw para raw magmukha siyang matapang pero ngayon ay tila naalis na ang pagiging seryoso niya. Para siyang basang sisiw na nahihiya sa amin dahil lang sinabi ni Chantal na gusto na niyang tawagin si Preston na Daddy.
"You want to call me Daddy now?" tanong sa kaniya ni Preston kaya't muli akong napatingin sa kanila.
"Yes nga po, Daddy," pagsingit na naman ni Chantal sa usapan na para bang naiinip na sa pagpapabebe ng dalawa. "Jarvis naman kasi, sabihin mo na. 'Di ba nga, nagpractice pa us ng sasabihin mo kay Daddy? Tell him na, dali."
Ilang beses naman akong napakurap dahil sa pagtataka. Practice? Bakit hindi ko alam ang practice na 'yon samantalang palagi naman kaming magkakasama oh. Baka tuwing gabi. Magkasama na nga pala silang dalawa sa kuwarto kaya't hindi ko na alam kung ano-anong pinag-uusapan nila tuwing gabi habang wala kami ng Daddy nila.
Mas lalong humaba ang nguso ni Jarvis at nagbaba ng tingin sa ama dahil sa hiya. Napapadyak naman si Chantal at sunod-sunod na napailing dahil doon.
"Do you want me to him nalang ba "
"Ako na nga," pigil ni Jarvis sa kakambal at kapagkuwan ay malakas na bumuntong hininga. "S-Sige na nga. B-Basta 'wag k-kayong tawa, ha."
"What is it, huh, Jarvis?" mahinahong tanong ni Preston sa anak. Kung kanina ay mukhang kinakabahan pa siya sa sasabihin ni Jarvis, ngayon ay hindi na maalis ang nakapaskil na ngiti sa kaniyang mukha. Kulang na nga lang ay mapunit ang pisngi niya dahil sa lapad ng ngisi niya habang nakatingin kay Jarvis.
Napatingin naman ako kay Chantal na seryosong nakatingin sa dalawa at animo'y naghahanda na kapag hindi nasabi ni Jarvis ang pinractice nilang dalawa tuwing gabi.
"Jarvis 'nak, sabihin mo na kay Tatay mo kung anong sasabihin mo sa kaniya. Nangangalay na si Mama sa pagtayo, oh. Sakit na ng paa ko, kawawa naman ako," udyok ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Jarvis at mas lalo pang humaba ang nguso dahil mukhang narealize niya na na kanina pa nga kami nakatayo at nananakit na ang paa ko dahil medyo mabigat na rin ang tiyan ko.
Medyo masakit na nga naman talaga ang paa ko pero ayos pa naman. Hindi pa naman sobrang sakit at bearable pa naman. Sadyang nag- exaggerate lang ako para sabihin na ni Jarvis ang kung ano mang gusto niyang sabihin sa Tatay niya. Malakas siyang bumuntong hininga at napakamot sa ulo. "K-Kasi Tatay..." panimula niya at nag-angat ng tingin kay Preston. Nang makitang nakangiti na sa kaniya ang Tatay niya ay hinampas niya ang balikat nito kaya't eksaheradang um- aray si Preston. "Tinatawanan mo naman po ako. H-Hindi ako nagbibiro."
"No, I'm not making fun of you. I'm just happy. Is that bad?"
Umiling si Jarvis bilang sagot sa tanong ng ama at nagpatuloy na sa pagsasalita. "K-Kasi po 'di ba tinawag ko po ikaw na Tatay kasi 'di naman ikaw ang Papa ko..."
Tumango naman si Preston dahil doon. "And I'm fine with it. You told me you're comfortable with it so it's all right," mahinahong sagot niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "P-Pero po 'di ba ikaw na rin po ang Papa ko? E 'di iisa nalang po ang Tatay at Papa ko... t-tapos Daddy po tawag sa 'yo ni Chanty k-kaya..."
"Kaya?" Nakangiting tanong ni Preston kay Jarvis kahit na mukhang alam na niya naman kung anong gustong ipahiwatig ng anak. Hindi ko rin naman mapigilang mapangiti nang dahil doon.
Cute. Wala akong ibang masabi kung hindi iyon. Clingy naman talaga si Jarvis sa akin pero iba pa rin pala talaga kapag sa mismong tatay niya siya umaakto nang ganito. Kahit kailan noon, hindi ko naisip na magkakakilala silang dalawa at makakasama pa ni Jarvis ang totoong tatay at maging ang kakambal niya. Tapos ngayon, heto at isa na kaming pamilya-may padagdag pa.
Grabe ring maglaro ang tadhana, e, ano? Akalain mo 'yon.
"K-Kaya po p-puwede po bang..." Bumuntong hininga si Jarvis at nagbaba ng tingin dahil sa hiya. "D-Daddy nalang po tawag ko sa inyo p-para po parehas na kami ni Chanty."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maging emosyonal dahil sa sinabi ni Jarvis. Agad kong pinunasan ang luhang pumatak mula sa aking mga mata dahil baka mamaya ay makita na naman ni Jarvis at isipin niya na may nang-aaway na naman sa akin o ano.
"Mama Lyana?" Nagbaba ako ng tingin nang tawagin ako ni Chantal. Inosente siyang nakatingin sa akin at animo'y nagtataka kung bakit ako umiiyak ngunit mayamaya ay may gumuhit na ring ngiti mula sa kaniyang mga labi nang marahil ay mapagtanto kung bakit ako umiiyak. "Are you happy po ba?"
Marahan akong tumango bilang sagot sa kaniya. Gusto ko rin sanang maupo para magkapantay kaming dalawa at nang mayakap ko siya ngunit dahil medyo malaki na rin ang tiyan ko ay nahihirapan na akong umupo. Dahil doon ay niyakap lamang ni Chantal ang aking hita samantalang tinapik-tapik ko naman ang kaniyang balikat dahil sa labis na saya.
"I love you, Chantal 'nak," mahinang sambit ko sa kaniya.
"Love ko rin po ikaw, Mama. Sana happy ka po forever po.'
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin na naman ang sarili na maiyak dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na kina Jarvis at Preston na ngayon ay magkayakap na. Hindi ko na naintindihan pa kung ano ang isinagot ni Preston sa anak matapos siyang tanungin nito kung puwede ba siyang tawaging Daddy.
"Daddy loves you and Chantal, all right? Remember that. Pati si Mama mo saka si baby," mahinang sambit ni Preston sa anak. "And I won't hurt your Mama anymore. I promise that I won't make her cry again."
Marahang tumango si Jarvis at niyakap na rin pabalik ang ama. "S-Sorry po kasi tinawag ko po ikaw na Manong s-saka po kung sumigaw po ako sa inyo po... 'di po ako bad, promise po."
"I know," agad na sagot ni Preston. "And I deserved it anyway. Daddy is not mad, remember that. And you and Chantal are not bad, okay? Mabait kayong parehas... ako lang talaga ang medyo hindi kaya pagpasensiyahan niyo na. But Daddy is trying to change and improve so don't get mad at me anymore, please. I'll try my best to be the best father for all of you three just like your Mama Lyana."
"Pero bait na naman po ikaw," mahinang sambit ni Jarvis kaya't agad na gumuhit ang ngiti mula sa aking mga labi.
Mahirap i-please si Jarvis. Mas lalo pang mahirap kapag minsan na siyang nagtiwala sa 'yo tapos biglang nawala. Sobrang hirap na kunin muli ang tiwala ni Jarvis kaya naman para patawarin na niyang muli si Preston at pagkatiwalaan, isa lamang ang ibig sabihin noon-talagang nagawa ni Preston lahat para lang makuha muli ang tiwala ni Jarvis.
"R-Really?"
"You're just like Mama Lyana now, Daddy," pagsingit ni Chantal sa usapan at nag-thumbs up sa Daddy niya. "You're mabait na po now kaya huwag ka na pong sad ulit."
Napangiti si Preston sa sinabi ni Chantal at nangingilid ang luhang tumango.
"D-Daddy?"
Ibinalik namin ang tingin namin kay Jarvis nang tawagin niya nang Daddy si Preston sa kauna-unahang pagkakataon. Dahil din doon ay tuluyan na ngang napaiyak si Preston. Mas lalo naman kaming napangiti ni Chantal habang pinagmamasdan ang dalawa. "Hmm?" mahinahong tanong ni Preston sa anak.
Hindi ko naman inaasahan ang sunod na ginawa ni Jarvis-niyakap niya ang ama at bumulong ngunit sapat na upang marinig namin ni Chantal kung ano ang sinabi niya sa Daddy niya.
"I love you po."
Dahil sa apat na salitang iyon, mas lalong umiyak si Preston.