The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Seventy



"Chanty, siya si 'To Thirdy. 'Di siya medyo nakakapagsalita pero bait naman siya. 'Di siya nang-aaway."

Pinagmasdan ko lamang ang kambal na nag-uusap samantalang napaggigitnaan naman nila si Thirdy na pabalik-balik ang tingin mula kay Jarvis at Chantal na animo'y nagtataka kung sino si Chantal. Hindi talaga namin pinlano na daraan din kami rito kay Thirdy pero naisipan ni Preston na pumunta na raw kami rito para na makilala na rin niya si Thirdy nang makilala rin ni Chantal ang Tito niya na hindi niya pa kailanman nakakausap o nakikilala.

Nakakatuwa nga dahil pagdating namin ay agad nang tumayo si Thirdy at niyakap ako nang mahigpit na para bang miss na miss ako. Mula kasi nang magbuntis ako ay hindi pa ako nakakadalaw muli sa kaniya dahil hindi pa rin alam ni Tiyang na buntis na naman ako at alam kong mahihirapan akong magpaliwanag sa kaniya kaya't hindi ako kaagad nakadalaw.

Halos isang oras yatang hindi bumitiw sa akin si Thirdy at hindi pinansin ang tatlo sina Jarvis, Chantal, at Preston. Tanging ako lamang yata ang nakita ng mga mata niya at nakayakap lamang sa akin sa loob ng isang oras na iyon. Kahit tuloy nagkukuwentuhan kami nina Tiyang at nang ipakilala ko si Preston at si Chantal ay nakayakap pa rin siya sa akin at hindi bumibitiw.

"Wala masyadong tinda sa tindahan sa labas kaya softdrinks at biscuit lang ang nabili ko. Pakainin mo muna ang mga bisita mo, Lyana. Tapos ikaw... magtubig ka nalang," magiliw na sambit ng bagong dating na si Tiyang. Ipinatong niya ang naka-plastic na 1. 5 na bote ng softdrinks at ang ilang piraso ng biscuit na binili niya sa kapitbahay na may sari-sari store. Sinabihan na namin siya na huwag bumili dahil kakakain lamang din naman nina Chantal pero nagpumilit pa rin siya. Ayaw niya naman daw na wala man lamang siyang ipapakain sa mga bisita.

Naipakilala ko na rin sa kaniya si Preston bilang boyfriend ko at ang ama ng mga anak ko. Ipinaliwanag na rin namin ang sitwasyon namin-na anak ko rin si Chantal at si Preston ang tatay ni Jarvis. Noong una ay hindi maintindihan ni Tiyang at talagang sobrang tagal ng ginawa naming pagpapaliwanag. Hindi ko rin kasi sinabi sa kaniya ang tungkol sa pagsusurrogate ko noon kaya naman muntik na siyang atakihin nang malaman kung anong ginawa ko noon para lang makakuha ng pera. Akala niya raw ay 'maayos' na trabaho ang ginawa ko.

Tinulungan din naman ako ni Preston na magpaliwanag at sinabing maayos naman talaga ang trabaho na pinasok ko. Sadyang may nangyari lang na hindi inaasahan kaya't ako talaga ang naging ina ng mga bata. Sinabi niya rin kay Tiyang na hiwalay na siya sa asawa at balak niya akong pakasalan-kahit na hindi pa naman siya nagpopropose sa akin.

Gulat man ay wala ring nagawa si Tiyang. Hindi ko na rin sinabi sa kaniya na 'sobrang' yaman ni Preston dahil baka tuluyan na siyang mahimatay kapag nalaman niya pa ang tungkol doon.

"Bakit nga pala kayo napadalaw dito bigla? May problema ba?" tanong ni Tiyang at umupo na sa puwesto niya kanina.

Agad naman kaming nagkatinginan ni Preston. Tumango si Preston kaya't napatango na rin ako bago ko ibinalik ang aking mga mata sa gawi ni Tiyang. "Kasi Tiyang, balak po kasi naming sunduin na si Thirdy rito kung ayos lang po sa inyo. Nag-alok po kasi si Preston na ipapagamot niya si Thirdy kaya..."

"Tinatanong pa ba 'yan?" pagputol ni Tiyang sa dapat na sasabihin ko at napailing. "Kung sa ikabubuti ni Thirdy, ay siya'y bakit naman hindi? Saka mas mabuti nga 'yon at magkakasama na kayong magkapatid kasi miss na miss ka na niyang si Thirdy."

"A-Ayos lang po talaga sa inyo, Tiyang?"

Malakas siyang bumuntong hininga at tumingin sa gawi ni Thirdy. Dahil doon ay napatingin din ako sa gawi nila. Nag-uusap ang kambal samantalang nakamasid lamang sa kanila si Thirdy at mabilis na kumukurap na para bang pilit na iniintindi ang pinag-uusapan ng mga pamangkin niya.

"Mabait naman si Thirdy at nasanay na rin ako na kasama ko siya. Talagang maninibago ako kapag umalis siya pero ayos na rin 'yon dahil magkakasama na kayong magkapatid saka maipapagamot mo na rin siya. Hindi ba't iyon naman naman talaga ang gusto mo noon pa man?"

Agad akong tumango bilang sagot sa tanong ni Tiyang at humugot ng malakas na buntong hininga. "Nag-aalala lang po ako kasi napalapit na nga po si Thirdy sa inyo saka hindi ko rin po alam kung paano ako makakabawi sa tulong niyo sa aming magkapatid pati na rin po sa pagpapalaki ko kay Jarvis. Sobra-sobra na po 'yon Tiyang kaya..."

"Hindi ba't isa lang naman ang gusto kong mangyari sa 'yo noon?" Malakas siyang bumuntong hininga ta ibinalik ang tingin sa akin. "Noong hindi naging maganda ang pagsasama niyo ni Gab, sabi ko, mas mabuti na nga lang na huwag ka nang humanap pa ng ibang lalaki at mag-focus ka na lamang sa sarili mo. Pero noong dumating si Jarvis, hindi mo ba natatandaan kung anong sinabi ko sa 'yo?"

Ilang beses akong napakurap habang pilit na inaalala kung ano bang sinabi niya sa akin noon. Medyo matagal na rin kasi kaya't hindi ko na masyadong matandaan... Nag-angat ako ng tingin kay Tiyang at kunot noong tumingin sa kaniya. Natawa naman siya at marahang napailing dahil sa naging reaksiyon ko kaya't hindi ko mapigilang mahiya dahil nakalimutan ko kung ano man ang sinabi niya. "Sabi ko noon, ang gusto ko ay sana makahanap ka ng maayos na lalaki na tatanggapin ka at si Jarvis. Gusto kong malagay na kayo sa tahimik para naman hindi mo na kailangan pang magtrabaho mula umaga hanggang madaling araw. Ngayon na nandyan na nga ang lalaking buong puso kang tinanggap, bakit pa ako hindi papayag, 'di ba?"

Agad na tumaas ang sulok ng labi ko nang marinig ang sinabi niya. Oo nga pala. Isang beses niya lang namang sinabi sa akin ang bagay na iyon at hindi ko na rin talaga pinagtuunan ng pansin kasi wala naman sa isip ko iyon noon. Hindi ko rin naman kasi inaaasahan na darating si Preston sa buhay ko.

"Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Hindi ko naman po pababayaan sina Lyana at si Thirdy-pati na rin po sina Jarvis at Chantal. Kapag ho may ginawa akong masama, kahit kayo pa po mismo ang sumampal sa akin, ayos lang ho sa akin," pagsingit ni Preston sa usapan.

Mahina namang tumawa si Tiyang. "Magkaka-ginto ba ang kamay ko kapag sinampal kita?" biro niya kaya't maging ako ay natawa. Mukha namang hindi naintindihan ni Preston ang sinabi niya at nakisabay na lamang sa amin sa pagtawa kahit na hindi niya naman naiintindihan ang sinabi ni Tiyang.

"Basta kung saan kayo mas mapapabuti, doon ako," sabi sa akin ni Tiyang at kapagkuwan ay tumingin na muli kay Preston. "Alagaan mo ang magkapatid na 'yan, ha? Noong namatay kasi ang Nanay at Tatay nilang dalawa, ipinangako kong hindi ko pababayaan kaya't sana ay huwag mo ng saktan. Nasaktan na 'yan noon sa gagong ex niya kaya sana ay hindi ka rin gaano."

"Hindi rin naman po ako perpekto. May mga pagkakamali po akong nagawa noon at hindi rin po ako magsisinungaling at sasabihin na hindi ko kailanman nasaktan si Lyana. Minsan ko na rin po siyang napaiyak noon pero ipinapangako ko po na hindi ko na po siya kailanman sasaktan ulit. Nagsisisi na po ako sa ginawa ko noon kaya sana rin po ay bigyan niyo ako ng pagkakataon na itama ang kamalian ko noon," mahinahong sambit ni Preston kay Tiyang kaya't nagbaba ako ng tingin.

Hindi ko kasi inaasahan na sasasabihin ni Preston ang bagay na iyon kay Tiyang dahil siyempre, mali niya iyon, e. Mahirap naman kasi talagang aminin ang pagkakamali.. Saka lalaki siya at nakakababa 'yon ng pride o ng ego. Pero si Preston... ilang ulit na niya yatang inamin ang pagkakamali niya at wala siyang pakialam sa pride o ego niya basta makahingi lamang siya ng tawad. "Pinatawad ka na ba ni Jarvis?"

Ilang beses akong napakurap matapos marinig ang tanong ni Tiyang. Bakit napunta kay Jarvis?

Marahang tumango si Preston bilang sagot sa tanong niya. Tila nakahinga naman nang maluwag si Tiyang at napatango na rin. "Kung ganoon, ibig sabihin, nagbago ka na nga. Mahirap magpatawad ang batang 'yan, e. Kung pinatawad na nga, baka nagbago ka na talaga. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ako tututol sa relasyon niyong dalawa."

Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Tiyang. Tila nakahinga na rin naman nang maluwag si Preston kaya't mas lalo akong napangiti. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at tumango kay Tiyang. "Makakaasa po kayo na hindi ko na po sila ulit sasaktan, Ma'am. Ipinapangako ko po 'yan sa inyo."

"Parang hindi naman bagay sa akin ang Ma'am. Tiyang na lang din ang itawag mo sa akin, ayos lang. Tutal, parte ka na rin naman ng pamilya namin, e," nakangiting sabi ni Tiyang kaya't napakamot ng ulo si Preston. Awkward siyang ngumiti at marahang tumango. "S-Sige po, u-uh... Tiyang," nahihiyang pagsang-ayon niya kay Tiyang. Pinigilan ko namang tumawa dahil pulang-pula ang tainga niya.

Magsasalita sana ako para biruin si Preston ngunit naputol na ang kung ano mang dapat kong sabihin nang magsalita si Jarvis at malakas na pumalakpak kaya't wala kaming choice kung hindi ang tumingin sa gawi nila.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak na ni Thirdy ang buhok ni Chantal samantalang inosente namang nakatingin si Chantal sa kapatid. Nakatayo naman si Jarvis sa kama habang nagtatatalon at pinapalibutan ang dalawa. Tatayo na sana ako para suwayin sila ngunit hinawakan ni Preston ang kamay ko para pigilan ako kaya't wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Mayamaya pa ay humaba ang labi niya na animo'y itinuturo sina Jarvis kaya naman agad akong lumingon pabalik.

Muling pumalakpak si Jarvis. "Hala! Galing mo pala 'To Thirdy!" papuri niya habang pumapalakpak at abot tainga ang ngiti.

"R-Really?" animo'y kinakabahan namang tanong ni Chantal. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil doon.

"Ayaw kasi ni Chantal na hinahawakan ng iba ang buhok niya..." mahinang sabi ko kay Preston at nag-aalalang tumingin sa gawi nila. Hindi naman binitiwan ni Preston ang kamay ko na para bang pinipigilan niya akong lumapit sa kanila at pigilan si Thirdy sa kung anong ginagawa niya.

"Oo nga, Chanty. Galing!" sambit ni Jarvis at tumingin kay Thirdy. Itinaas naman ni Thirdy ang kaliwang kamay kaya't agad na kumunot ang noo ko. Mayamaya pa ay tumango si Jarvis na para bang naintindihan ang ibig sabihin ni Thirdy kahit na hindi naman ito nagsasalita. "Ah, tali, tali!"

"B-Bakit tali?"

Bumaba si Jarvis sa kama at tumakbo palapit sa gawi namin. Inilahad niya ang kanang kamay sa akin na animo'y may hinihingi. Malapad siyang ngumiti. "Yong pang-pigtail ni Chanty, Mama," tila excited na sabi niya kaya't ilang beses akong napakurap at hindi kaagad ako nakasagot.

Bumalik lamang ako sa reyalidad nang igalaw ni Preston ang hawak niyang kamay ko. Agad naman akong bumitiw kay Preston at naguguluhang kinuha sa dala kong shoulder bag ang scrunchie ni Chantal at ibinigay iyon kay Jarvis. Hindi na naman pa ako kinausap ni Jarvis at muli na siyang tumakbo pabalik sa gawi nina Thirdy at Chantal na hanggang ngayon ay wala pa ring kagalaw-galaw sa puwesto nila na para bang sa oras na gumalaw sila ay masisira ang inayos nilang buhok.

Ibinigay ni Jarvis ang pamuyod kay Thirdy at agad naman iyong ipinantali ni Thirdy sa buhok ni Chantal. Matapos itali ay inayos pa ni Third ang ilang takas na hibla ng buhok sa gilid ng mukha ni Chantal. Mayamaya pa ay tinapik na niya ang baikat ni Chantal na para bang sinasabi na tapos na at puwede na siyang gumalaw.

"G-Ganda ba?" tanong ni Chantal kay Jarvis.

Mabilis namang tumango si Jarvis. "Oo nga, Chanty! Mas maganda na ikaw sa crush ko, promise! Mas magaling si 'To Thirdy kay Mama Lyana. Tingnan mo buhok mo, dali. Ganda mo!"

Napangiti ako nang marinig ang papuri ni Jarvis sa kapatid. 'Yong iba kasing magkapatid, hindi pinupuri ang isa't-isa, e. Pero si Jarvis, siya yata ang number one supporter ni Chantal sa lahat ng mga bagay.

Agad namang tumayo si Chantal at tumakbo palapit sa amin ni Preston samantalang si Jarvis naman ay pumapalakpak at nag-thumbs up pa sa Tito niya. Napangiti naman si Thirdy dahil doon kaya't hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil medyo matagal na rin mula nang makita kong nakangiti nang ganoon si Thirdy.

Lumapit sa amin si Chantal kaya't agad ko siyang pinatalikod upang makita ko kung anong ginawa ni Thirdy sa buhok niya. Muntik nang mahulog ang panga ko sa sahig nang makita ang ayos ng buhok ni Chantal.

"T-That's... beautiful," mahinang usal ni Preston habang nakatingin sa buhok ni Chantal.

Nanlalaki man ang aking mga mata dahil sa labis na gulat ay marahan pa rin akong tumango bilang pagsang-ayon dahil tama naman siya. At hindi lamang iyon maganda... sobrang ganda!

Marunong akong mag-braid pero hindi ko kayang gawin ang ginawa ni Thirdy. Parang nakapalibot sa ulo ni Chantal ang braid at tanging ang side bangs niya lamang ang nakababa. Ilang beses akong napakurap habang nakatitig doon. Tumayo ako at lumapit sa gawi nina Thirdy at Jarvis. "Thirdy?" pagtawag ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at inosente akong tiningnan. Umupo naman ako sa kama at hinila siya upang yakapin. Dahil gusto rin ni Thirdy na palagi niya akong niyayakap ay agad din siyang yumakap sa akin pabalik. "Thank you. Ang galing-galing mo. Hindi alam ni Ate na magaling ka pala sa ganiyan. Aayusan mo ulit ng buhok si Chantal sa susunod, ah? Ang galing mo kasi, mas magaling ka pa sa akin. Baka nga hindi na magpaayos ng buhok si Chantal sa akin dahil ang galing-galing mo."

Hindi siya sumagot sa akin dahil marahil ay hindi niya ako naiintindihan kaya naman kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko na umiyak. Masiyadong masaya ang araw na 'to para umiyak na naman ako. Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya at sinapo ang kaniyang mukha. Inayos ko ang buhok niya at tipid siyang nginitian. "Aayusin na natin ang gamit mo, ah? Sasama ka naman kay Ate, 'di ba?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Marahan siyang tumango kaya't mas lalo akong napangiti.

**

"Ay 'teh, grabe! Bahay niyo 'to? Rito ka na nakatira? Grabe naman, kabog, ha!"

Kinamot ko ang ulo ko dahil sa sinabi ni Jasrylle nang makapasok siya sa bahay ni Preston. "Bahay 'to ni Preston, hindi bahay ko," pagtatama ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at umismid. "Ano ka ba naman, bahay mo na rin 'to! Sigurado naman ako na ikakasal na kayo kasi duh, sabi mo nga sa chika mo noong tinawagan kita, pangatlo niyo na pala 'yan. Ikaw naman kasi, hindi mo naman sinabi sa akin na sugar-daddy material ang tatay ni Jarvis. Kung sinabi mo noon, e 'di sana sinamahan na kitang maghanap! Akala ko naman kasi, Gab 2. 0 kaya hindi na kita pinilit, grabe ang revelation!"

Tipid ko siyang nginitian at napatango na lamang. Napagdesiyunan kasi namin na huwag nang sabihin sa iba ang pagsusurrogate mother ko dahil napaka-kumplikadong ipaliwanag.

"Eh 'di ba kasal na 'yong Pretson Tejada IV? Paano kayo ikakasal niyan?" tanong niya at tumingin sa gawi ko.

"Patay na," tanging sagot ko.

Siyempre, hindi 'yon totoo. Hindi pa naman patay si Margaux, ang totoo niyan ay galing pa nga siya rito kahapon kaya't imposible na patay na siya. Pero sabi kasi nina Tito at Tita, maging ni Preston, ay iyon na lamang daw ang sabihin ko sa tuwing may nagtatanong.

Kaya naman pala kasi hindi alam ng karamihan na mag-asawa si Margaux at si Preston ay dahil hindi naman pormal na ipinakilala ni Preston si Margaux sa ibang tao dahil gusto ni Margaux ng privacy at ayaw na niyang ma-associate niya sa pamilya niya. Akala kasi ng pamilya ni Margaux noon ay mabibigyan sila ni Margaux ng tagapag-mana pero nang malaman nila na hindi naman sila mabibigyan ng apo ay tuluyan nang lumayo ang loob nila kay Margaux at itinakwil ito. Nalaman ko rin mula kina Tita at Tito na pumayag si Margaux na sabihin na patay na ang dating asawa ni Preston sa tuwing may magtatanong. Isa iyon sa dahilan kung bakit walang nakakaalam na siya ang asawa ni Preston at kung bakit biyudo na ang tingin ng ibang tao kay Preston noon.

Nanggaling na rin dito si Margaux kahapon para pormal na humingi ng tawad sa aming lahat-lalo na kay Chantal. Nagpaalam na rin siya na aalis na talaga siya ng bansa dahil wala na naman siyang dahilan para manatili pa rito dahil nakipaghiwalay na siya kay Gab na siya namang ikinagaan ng loob ko.

Hindi siya tuluyang pinatawad ni Chantal pero niyakap naman siya pabalik kaya't sabi ni Margaux ay sapat na rin iyon dahil hindi naman daw siya nagmamadali na mapatawad siya ni Chantal. Pero kung ako ang tatanungin, pinatawad ko na si Margaux sa panggugulong ginawa niya noon at sa mga masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Wala rin naman akong mapapala kung magtatanim pa ako ng sama ng loob sa kaniya

Isa pa, pakiramdam ko ay nagbago na talaga si Margaux. Mukhang sincere na naman siya noong humingi siya ng tawad-maging sa magulang ni Preston ay humingi rin siya ng tawad dahil sa ginawa niya kay Preston noon. Kung hindi naman talaga siya nagsisisi, bakit niya gagawin ang bagay na iyon, 'di ba?

"Tegibels na naman pala, e 'di free na kayong magpakasal! Ang tanong... when nga ba ang kasal? Nagpropose na ba? Patingin ako ng singsing! Sigurado akong diyamante 'yan, 'no? Baka nga isang piraso lang ng tile dito sa bahay niyo, puwede ko ng allowance sa isang linggo, e," excited na tanong niya at lumingon sa gawi ko.

"Propose?"

Tumango siya at ilang beses na kumurap. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay. "Tingin nga ng diyamante mo riyan... ay? Bakit... wala?"

Sumimangot ako. "Tingin mo, bakit wala?" Naiinis na tanong ko sa kaniya at umirap.

"Hala! Hindi pa nagpopropose?!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.