Chapter Epilogue
"You're due in two months, right, Lyana?"
Agad akong tumango bilang sagot sa tanong ni Tita-nanay ni Preston. Tumingin ako sa gawi niya at ngumiti. "Bakit po?" takang tanong ko sa kaniya pabalik.
Makahulugan siyang ngumiti sa akin at marahang umiling kaya't hindi ko mapigilang mas lalo pang magtaka dahil doon. Alam ko kasi kung may ibig sabihn ang tanong niya o wala. Saka base sa pagngiti niya sa akin, alam kong mayroong dahilan kung bakit niya itinanong sa akin ang bagay na iyon.
"Nakapagpacheck up na ba kayo ulit ni Preston? Alam mo na ba ang gender ng baby?"
"Medyo busy po kasi si Preston sa trabaho nitong mga nakakaraang linggo kaya ako lang po ang nagpapacheck up. Sinasamahan din naman po ako ni Dalia kaya ayos lang naman po sa akin. Saka alam ko na po kung anong gender," sagot ko at ngumiti rin sa kaniya.
Mukhang nalaman niya rin kaagad na may kahulugan ang pagngiti ko kaya't pinanliitan niya ako ng mata. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan na matawa. Siyempre hindi ako magpapatalo, ano. "Alam na ba ni Preston kung anong gender?" tanong niya.
Agad akong umiling. "Saka na po. Para man lang makabawi ako kasi hindi niya ako sinasamahan sa check up ko. Sabi niya pa naman noon, present siya lagi tapos nitong nakakaraang linggo, palagi naman siyang wala sa bahay. Pagkagising ko, minsan hindi ko na po siya naaabutan. Tapos kapag naman po uuwi siya, malapit na rin akong matulog. Lagi siyang busy," mahinang sambit ko at umiling.
Mas lalo akong napasimangot nang maalala na noong una ay sinasamahan naman ako ni Preston na magpacheck up pero ngayon, hindi na talaga siya nakakasama o minsan naman ay late ang dating. Nainis na ako na palagi siyang late kaya sabi ko ay si Dalia na lamang ang sasama sa akin. Ayaw niya pa ngang pumayag noong una pero tinarayan ko kaya't sa huli ay napapayag ko na rin.
Malakas na bumuntong hininga si Tita at marahang napailing. "Maybe he's just busy, pagpasensiyahan mo na. At isa pa, once you're deadline is really near, sigurado naman ako na hindi na siya busy... maybe the day after tomorrow? Who knows, right?"
Humaba ang nguso ko dahil sa sinabi ni Tita pero wala rin naman akong nagawa kung hindi ang tumango at malakas na bumuntong hininga. Siyempre, hindi ko rin naman kasi puwedeng pagsabihan si Preston na huwag muna siyang magtrabaho dahil alam ko naman na masaya siya sa trabaho niya. Saka dalawang buwan pa naman bago ako manganak, ano. Hindi ko siya kaagad puwedeng patigilin sa trabaho.
Saka isa pa, wala naman akong ginagawa rito sa bahay kung hindi kumain at matulog. Nahilig na rin ako sa pagp-painting dahil wala na talaga akong magawa rito. Ayaw akong patulungin ni Manang Lerma sa paggawa sa kusina, palaging nakasunod sa akin si Tita dahil baka raw may kailangan ako, sina Jarvis at Chantal naman ay hindi na rin ako pinapagod masyado at naglalaro na lamang kami habang nakaupo.
Kahit kailan yata ay hindi ako masasanay sa ganito 'yong walang ginagawa. Palagi ko ngang sinasabi sa kanila na kailangan ko ring gumalaw at gumawa ng kung ano-ano para maging healthy ang baby. Tapos sa halip na pagawain ako, ikinuha pa ako ni Preston ng instructor para may kasama ako sa pag-eexercise. 'Yong mga exercise na ginagawa ko noong buntis pa ako kina Jarvis at Chantal, ganoon din ang ginagawa ko ngayon. Kaya technically, gumagalaw pa rin naman ako.
Pero kasi, hindi ganoon ang gusto kong gawin! Namimiss ko nang magluto, magwalis, ihatid sa school sina Jarvis at Chantal, o kaya naman ay paliguan sila... hay. Sana lang talaga ay matapos kong makapanganak ay makabawi ako kina Jarvis at Chantal dahil hindi na namin nagagawa ang mga ginagawa namin dati. Mabuti na lamang talaga at hindi sila nagagalit at naiintindihan nila ako.
"Uh, mas mabuti pang matulog ka na, Lyana. Ako na lamang ang maghihintay kay Preston para hindi ka na antukin pa. Baka kulangin din ang tulog mo dahil medyo maaga kang gigising bukas," sambit ni Tita at tumayo na mula sa sofa. Taka ko siyang tiningnan. "Maaga po?"
Animo'y natigilan siya dahil sa tanong ko ngunit kapagkuwan ay humarap ulit siya sa akin at ngumiti. "Hindi ba't may check up ka ulit bukas? Nakita ko sa planner mo sa kuwarto niyo," sagot niya.
Napalabi naman ako at walang nagawa kung hindi ang tumango. Oo nga pala, may appointment nga pala ako bukas para sa check up. Magpapalit kasi ako ng vitamins kaya inaya ko si Dalia na samahan ako sa doctor. Tipid akong ngumiti kay Tita at tumango. "Sige po. Medyo antok na rin po kasi ako. Parating na rin po nang ganitong oras si Preston kaya sana po ay gising pa rin ako kapag dumating siya," mahinang sambit ko.
Bumuntong hininga si Tita at tinapik ang aking balikat. "Don't worry. Everything's going to be all right, okay? Huwag kang mag-alala kasi mahal ka naman ng anak ko. Saka masama sa 'yo ang mastress kaya itulog mo nalang 'yan. Ako na ang bahala kay Preston, okay?"
Tumango na lamang ako at nagpaalam na na pupunta na sa kuwarto namin ni Preston para matulog. Medyo maaga pa naman-8PM, kaya hindi pa naman talaga sobrang gabi ang uwi ni Preston. Kaso medyo antukin talaga ako kaya wala akong choice kung hindi matulog nang ganitong oras. Bumibigay na ako kapag alas otso na kaya hindi ko na nahihintay pa minsan ang pagdating ni Preston.
Humihikab akong umakyat sa hagdan at nagtungo sa kuwarto ni Preston. Agad din naman akong humiga at pumikit dahil antok na antok na talaga ako.
Subalit kahit na nakapikit na ang mga mata ko ay hindi ko pa rin maiwasang mapalabi habang iniiisip si Preston. Nagtatampo talaga ako. Ayaw ko mang aminin pero nagtatampo talaga ako na medyo nawawalan na ng oras sa akin si Preston. Hindi ko alam kung masyado lang akong emosyonal dahil buntis ako o ano pero ewan ko, basta nagtatampo ako.
Mahalaga ang trabaho niya pero... mahalaga din naman ako, ah? Mahalaga din naman ang baby namin, ah? Medyo nagiging unfair na siya pero hindi ko masabi kasi mabait pa rin naman siya sa akin at hindi pa rinn nagbabago ang pakikitungo niya. Hindi ko rin naman nararamdaman na may iba siyang babae dahil parang imposible naman na palitan niya pa ako.
Duh, alam niya ang mangyayari sa kaniya kapag pinalitan niya ako, ano. Subukan niya lang at mapuputol ang kaligayahan niya. Akala niya, ah. Alam niya na naman na kapag may sinabi ako, tutuparin ko talaga kaya imposible na magloko siya sa akin.
Baka sadyang wala nga lang talaga siyang oras dahil abala siya sa trabaho. Saka baka inaaayos niya na rin ang mga mahahalagang dapat na ayusin sa opisina kasi narinig ko silang nag-uusap ng Dad niya sa leave niya kapag nanganak ako, e. Baka nga dahil doon.
Bubuntong hininga sana ako ngunit natigilan ako nang may maramdamang humalik sa noo ko. Agad ko namang iminulat ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit agad din naman na nagtagpo ang mga mata namin ni Preston. Gulat ko siyang tiningnan ngunit ngumiti lamang siya sa akin.
Tumingin ako sa may pinto at napagtantong bukas na nga iyon at hindi ako nananaginip na nakauwi na si Preston. Masyado yata akong naging abala sa pag-iisip kaya't hindi ko na namalayan na nakarating na pala siya. Baka noong umakyat ako rito ay ipinaparada na niya ang kotse niya sa labas kaya't hindi kami nagpang-abot sa baba.
"Did I wake you up?" mahinahong tanong niya sa akin habang inaaalis ang suot na necktie. Nakatingin pa rin siya sa akin na para bang ayaw magsayang ng oras.
Umiling ako. "Gising pa talaga ako pero hindi ko na namalayan na nagbukas ang pinto. Masiyado lang yatang malalim ang iniisip ko kaya..." "What are you thinking? Is there something bothering you?"
Malakas akong bumuntong hininga at pilit na ngumiti. "Hindi, wala naman. Ayos lang ako. Medyo boring lang kaya ganito ako," pagpapalusot ko.
Baka kasi mag-away pa kami kapag sinabi ko sa kaniya na nagtatampo ako sa kaniya kasi hindi ko rin naman siya masisisi roon. Hindi niya rin naman kasalanan saka hindi niya puwedeng iwan ang kumpanya. Saka sinusubukan niya pa rin naman na maging malapit kami sa isa't-isa.
Muli akong bumuntong hininga at nagkumot na. "Matutulog na ako kaya magshower ka na. Basta huwag..."
"Huwag akong magbobodywash, safeguard na sabon lang," pagputol niya sa sasabihin ko at ngumiti na sa akin. Agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Ayaw ko kasi ng amoy ng kahit na anong bodywash kaya mabuti na lamang at sinusunod niya.
Lumapit muli si Preston sa akin at hinagkan muli ang aking noo. "Good night, babe. I love you, all right?" mahinang sambit niya at hinawakan ang aking tiyan.
Pilit akong ngumiti at tumango. "I love you too. S-Sige, mag-shower ka na," tanging sambit ko at ipinikit na ang aking mga mata.
Mukhang sumunod naman siya sa akin nang maramdaman ko ang yabag ng paa niya paalis at ang pagsarado ng pintuan ng banyo rito sa kuwarto namin. Bumuntong hininga na lamang ako at napagpasyahan na matulog na lamang dahil wala rin namang ibang mangyayaring mabuti kung makikipag-away pa ako sa kaniya o kung ipapaliwanag ko ang nararamdaman ko.
Bahala na. Mahal niya pa naman ako... iyon naman ang mahalaga, 'di ba? Mahal niya naman ako kahit na hindi pa rin siya nagpopropose hanggang ngayon kahit na malapit na akong manganak. Hay buhay nga naman, oh. Grabe rin, e. Ang lumalabas tulog, para akong hindi makahintay.
Baka naman kasi pagkatapos ko nalang manganak siya magpropose sa akin o kaya naman ay sa first birthday ng anak namin. Ewan ko, bahala na. Kung magpopropose siya, e 'di magpropose siya. Alam ko naman na kung anong isasagot ko sa kaniya kaya hindi ko na iyon dapat pang problemahin.
Siya.
Siya ang dapat na mamroblema dahil hindi niya pa alam ang gender ng anak namin. At itatago ko kung ano hangga't hindi niya napapansin na nagtatampo ako o kaya naman ay hanggang hindi siya nagpopropose (kung sakali man na habang buntis ako siya magpropose).
Bahala na siyang mamatay sa kuryosidad, bahala siya. Saka si Tita-mukhang may itinatago sila sa akin dahil pakiramdam ko talaga ay may meaning ang ngiti niya kanina pero hindi niya sinabi kung ano.
Hindi puwedeng sila lang ang may itatago, dapat ako rin. Kapag nalaman nila kung ano ang itinatago ko, tatawa ako nang malakas. Kasi duh, ito ang ganti ng isang api-ganti ng buntis na walang kahit na anong alam sa nangyayari.
**
"Ha? Umuna na ako sa 'yo?"
"Oo, oo. Medyo malalate yata ako kasi sobrang traffic dito sa dinaanan ko. Kung alam ko lang kasi na traffic pala, sana inagahan ko na kaagad ang punta diyan para naman hindi ako ma-late," sagot ni Dalia at tila nagpapanic sa kabilang linya. Medyo maingay din ang paligid niya kaya't alam ko na hindi siya nagsisinungaling.
Malakas akong bumuntong hininga habang binubuksan ang gate. Maaga rin kasing umalis si Manang Lerma kasi mamamalengke raw siya tapos si Jarvis at Chantal naman, hinatid na ni Preston kanina sa school noong pumasok siya sa trabaho. Ang nanay at tatay naman ni Preston ay umuwi raw sa bahay nila para kumuha ng ilang damit saka may kailangan daw na kuhaning papeles kaya hindi na ako nahintay pa sa paggising.
Humaba kaagad ang labi ko nang mapagtantong wala pala akong sasakyan. "Wala rito si Manong driver, e. Baka wala akong masasakyan," sambit ko pagkatapos kong sumilip sa garahe. "Sige, dadaaan nalang kita diyan sa inyo. Labas ka na sa gate."
"Akala ko ba malayo ka pa saka traffic ka? Bakit lalabas na ako kaagad sa gate?" Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa init. Kung nandito lang sana kasi si Preston, e 'di hindi sana hassle saka hindi ko naaabala si Dalia. Nakakahiya tuloy. "Para kapag dumaan ako diyan, nasa labas ka na. Baka ma-late tayo sa appointment kapag nagpark pa ako saka kapag hinintay kitang makalabas ng bahay niyo. Alam mo naman kapag buntis, hindi ka puwedeng tumakbo," pagpapaliwanag niya kaya't napatango ako. Oo nga naman. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?
Dali-dali akong sumunod sa kaniya at kahit na mainit pa rin ay lumabas na ako ng gate. Mabuti na lamang at hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw. Bakit ba kasi hindi pa umuuwi si Manang Lerma? Magtatanghali na, a. "Nandito na ako," anunsyo ko kay Dalia.
"Nasa labas ka na?"
"Oo, bakit?"
May sinabi pa siya sa kabilang linya pero hindi ko na narinig pa dahil maingay ang paligid niya. Mas lalo naman akong napalabi dahil doon. Sana naman ay hindi siya masiyadong magtagal dahil hindi ko kayang tumayo nang matagal dahil sa kabigatan ng tiyan ko.
"HIntayin mo nalang ako diyan, okay? Daraanan kita. Mabilis nalang ako."
"Okay, nakaalis ka na sa traffic?"
Hinihintay ko pa ang sagot niya pero nang ilang segundo ay wala nang ingay, saka ko ichineck ang telepono ko at napag-alaman na pinatay na niya pala ang tawag. Malakas akong bumuntong hininga at pinaypayan ang aking sarili. Hindi man lamang siya nag-bye. G na g? Madaling-madali? Ayaw akong kausapin?
Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa dala kong shoulder bag nang maramdaman kong may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Agad naman akong nag-angat ng tingin kung sino iyon ngunit laking gulat ko nang dalawang lalaking naka- itim na bonet ang sumalubong sa akin.
Hindi ako kaagad nakagalaw o nakasigaw dahil sa gulat. Ang sunod ko na lamang na nalaman ay tinakpan na nila ang mata ko at hawak naman nila ang magkabila kong kamay.
"H-Hoy! W-Wala akong pera, hoy! Tulong! Manong! Manang! Preston!" Malakas at nagpapanic na sigaw ko habang hinihila nila ako papunta sa dala nilang sasakyan. "H-Hoy, wala nga akong pera! G-Gago, kita niyo na ngang b-buntis 'yong tao ay peste! Dahan-dahan naman!"
Tumigil ako sa pagsigaw nang mapansing nagdahan-dahan nga sila sa paglalakad at sumunod sa akin. Sisipain ko na sana sila pero naunahan na nila ako. Binuhat nila akong dalawa-at talagang pinagtulungan pa ako, ha! Hindi naman ako gaanong kabigat, letse. Naramdaman ko na lamang na tuluyan nila akong isinakay sa kotse nila.
Hindi na naman ako nagtangka pang sumigaw ulit dahil alam ko naman na may CCTV sa labas ng bahay at alam kong mahahanap ako kaagad ni Preston. Sus. Takot lang nila kay Preston.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Saan niyo ba ako dadalhin? Ibebenta niyo baa ng lamang loob ko?" tanong ko at sinubukang magpumiglas pero hindi pa rin nila inaalis ang kapit sa palapulsuhan ko.
Medyo nagpapasalamat ako na hindi nila ako pinosasan o kaya ay tinalian ang kamay ko dahil masasaktan talaga ako kapag ganoon. Subukan lang talaga nila, naku. Sinasabi ko talaga. Igaganti ako ni Preston, mga letse sila.
"Hindi niyo ba nakikitang buntis ako? Bakit ang daming puwedeng kidnappin, bakit ako pa? Ang papangit naman ng taste niyo, e, ano? Saka mukha ba akong mayaman-"
"Hindi."
Agad akong natigilan nang may narinig akong pamilyar na boses. Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon at hindi talaga ako magkakamali. Imposible na magkamali ako! Kahit na may takip ang aking mga mata ay nanlaki pa rin ang mga mata ko dahil sa labis na gulat.
Bakit...
"Remove her blindfold," rinig kong utos niya sa lalaking nakahawak sa akin.
"Pero Ma'am"
"Alisin nga sabi," seryosong utos niya kaya't hindi ko mapigilang kabahan. Kung kanina ay hindi ako masyadong kinakabahan dahil akala ko ay simpleng kidnapping lang at mahahanap agad ako ni Preston pero ngayon na narinig ko na ang boses ng kung sino mang kasama namin dito sa kotse, hindi ko na nagawa pang pigilan na kabahan.
Paano niya nagawa ang bagay na 'to? Akala ko ba...
Tuluyan nang inalis ng lalaki ang pagkaka-blindfold nila sa akin. Mariin ko namang ipinikit ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Matapos ang ilang segundo ay saka ako nagmulat para tingnan at nang makumpirma kung siya nga ba ang taong nasa isip ko.
Umawang ang labi ko nang lumingon siya sa akin at ngumisi. Ikinuyom ko naman ang aking kamao dahil pakiramdam ko ay kumukulo na naman ang dugo ko dahil sa labis na galit.
"Margaux."
"Hi!" bati niya na parang wala lang. Ipinagkrus niya ang dalawang braso at tumingin na muli sa harap.
Nagtiim ang bagang ko at masama siyang tiningnan. "Pinatawad ka na namin ni Preston, Margaux. Akala ko ba ay nagsisisi ka na? Kung nagsisisi ka, ano 'to? Kita mong buntis ako, 'di ba? Kung kikidnapin mo man ako, sana pagkatapos ko nalang manganak, tangina ka. Pinatawad ka na kasi akala namin hindi ka na uulit pero-“
"Chill, chill," natatawang sambit niya at muling tumingin sa gawi ko. "Kumalma ka naman diyan, masiyado kang highblood. Ayaw mo ba munang makipagkuwentuhan?"
"Kuwentuhan sa 'yo? Eh gaga ka pala. Ikaw kayo ang kidnap-in ko tapos sinabi ko sa 'yong mag-chill ka rin, magagawa mo ba, ha?" Inis na tanong ko pabalik at sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na nakahawak sa akin. "Bitiwan niyo nga ako, mga letse! Ipapaalam ko 'to kay Preston! Isusumbong ko kayo, mga letse kayong lahat! Bitiw nga sabi!"
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Margaux kasabay ng pag-iling niya. "Let her go. Baka mayari tayo kay boss kapag ginanyan niyo."
Agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay matapos marinig ang sinabi niya. "Boss? Huwag mong sabihin... t-tangina! 'Di ba nga sabi ko sa 'yo, hiwalayan mo na si Gab?! Tanga ka ba o—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tumigil ang sinasakyan naming van. Mas lalo naman akong nagulat nang bitiwan na nga ako ng dalawang lalaking nakabonet at nang lumabas silang dalawa. Hinubad nila ang suot na bonet pero mas lalo lamang akong nagtaka nang makita ang itsura nila.
Mukha silang... hindi kidnapper. Saka parang magkamukha silang dalawa?
Ilang beses akong napakurap nang sa halip na bumalik sila sa loob ay may dalawang babae na pumasok sa sasakyan at tumabi sa akin. May dala silang case na hindi ko alam kung ano kaya't hindi ko mapigilang kabahan. "S-Shit! Margaux, bomba ba 'yan?!" Malakas na sigaw ko. Nang tingnan ko naman sila ay kapwa nanlalaki ang mga mata nila kaya't mas lalo lamang akong kinabahan.
Bomba ba talaga ang dala nila?!
"Bomba! Bomba! Bom-"
"H-Hoy!" Malakas na sigaw ni Margaux kaya't napatigil ako sa pagsigaw dahil sa gulat. Tumingin ako sa gawi niya at nanlalaki ang mga mata niyang sinenyasan ang dalawang lalaki na umupo sa likod. Agad namang sumunod ang dalawang lalaki at sumakay muli bago umandar muli ang sasakyan.
Mas lalo akong nagpanic at paiyak nang nagsalita. "B-Bomba ba talaga 'yan? P-Please, huwag! M-Magbabayad nalang ako-s-si Preston pala-ng pera! P-Pakiusap, huwag niyong pasasabugin 'yan, please! K-Kapag pinasabog niyo 'yan, sama- sama tayong mamamatay dito. Hindi ko kayo hahayaang umalis, sinasabi ko sa inyo."
Nagkatinginan ang dalawang babae na bagong sakay at may dalang case. Mayamaya pa ay sabay silang nagsalita. "What the fuck?" sabay na sabi nila at kapagkuwan ay tumingin kay Margaux.
Ilang beses naman akong napakurap habang hinihintay ang sunod nilang gagawin. Medyo natatakot na irn ako na magsalita pa dahil baka pasabugin na nga talaga nila ang bomba. Ayaw ko pang mamatay, please lang.
Ang baby ko... baka mapahamak ang baby ko. Hindi puwedeng mangyari 'yon kaya...
"That's not a fucking bomb, Lyana. Come on."
Mas lalo pang nagtagpo ang aking mga kilay matapos marinig ang sinabi niya. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya samantalang hinilot niya ang sintido na para bang naiinis. Kapagkuwan ay hinampas niya ang balikat ng nagddrive ng sasakyan. "Call your friend. Baka mamaya ay magreport na may bomba nga tapos hanapin nila," seryosong saad niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Tumango naman ang lalaki kaya't ilang beses akong napakurap. Mayamaya pay muling lumingon sa gawi ko si Margaux at napailing.
"That's not a bomb, stop over reacting, please. Makukulong pa yata kami nang wala sa oras nang dahil sa 'yo."
Malakas siyang bumuntong hininga kaya't taas noo ko siyang tinaasan ng kilay. "A-Anong hindi bomba, ha? Sinasabi niyo lang 'yan para hindi ako sumigaw-"
"Hindi nga sabi," pagputol niya sa sasabihin ko at muling bumuntong hininga. Maging ang ibang kasama namin sa sasakyan ay bumuntong hininga rin at napailing kaya't mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa labis na pagtataka. Itinuro ko ang dalang brief case ng katabi kong babae at kunot-noo silang tiningnan. "Kung hindi 'yan bomba, ano 'yan?" kinakabahan ngunit nagugulluhan ko pa rin tanong sa kaniya.
Nagkatinginan ang dalawang babae sa tabi ko bago bahagyang lumayo sa akin. Ipinatong nila sa kandungan ang dalang brief case at sabay iyong binuksan. Agad namang umawang ang bibig ko nang makita kung ano ang laman niyon. "A-Ano..."
"Itatanong mo kung ano 'to? Make up," sarkastikong sagot sa akin ng babae na nasa may kanan ko kaya't ilang beses akong napakurap at takang tumingin kay Margaux.
Kaswal siyang nagkibit balikat habang umiiling. "See? I told you, that's not a bomb. Masiyado kang paranoid diyan," sambit niya.
"Paano naman kasi ako maniniwala kung kinidnap niyo ako "
"Kinidnap niyo?!" sabay na sigaw nang dalawa kong katabing babae. Tumingin sila sa nasa likuran naming dalawang lalaki kaya't itinaas ng mga ito ang kamay nila. "What the heck?"
"Ate Margaux ordered us. Wala kaming kinalaman diyan," agad na pagtatanggol ng isang lalaki sa sarili niya. Mabilis namang tumango ang isa pa kaya't napatingin kami kay Margaux na ngayon ay nakatingin na rin sa amin mula sa harap. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hello, do you really think that I'll kidnap you?" mataray na tanong niya kaya't muntik nang malaglag ang panga ko sa sahig.
"H-Ha?"
"It's a prank. Come on! Ayaw niyo namang makisakay-"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang may kunin akong kahit na anong make up mula sa nakabukas na brief case ng babae sa kanan ko at walang pasabi iyong ibinato kay Margaux. Sakto namang natamaan siya sa mukha kaya't agad niyang sinapo ang kaniyang mukha at umaray.
"Prank? Eh gaga ka pala, paano kung napaanak ako nang wala sa oras dahil sa prank mo na 'yan, ha?" seryosong tanong ko sa kaniya ngunit kahit na papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala niya ako totoong kinidnap.
"I thought you're going to figure out immediately that it's just a prank! Hindi ko naman alam na pinag-iisipan mo pa rin ako nang masama at kikidnapin kita. And what the heck did you just said? Si Gab... boss ko? Are you fucking insane? That's so delusional of you, Lyana."
Tiningnan niya ang sarili mula sa side mirror ng sasakyan at napaaray nang hawakan ang noo kung saan tumama ang ibinato ko sa kaniya. "Fuck. This fucking hurts like hell," reklamo niya.
"At ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit may pa-prank-prank ka pang nalalaman? Hindi ba't nasa ibang bansa ka na? Bakit bumalik ka pa?"
Muli siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Wow, ha. Para namang itinataboy mo na ako rito. Bawal ba akong umuwi?" sarkastikong sagot niya pabalik kaya't malakas akong bumuntong hininga. "Magseryoso ka nga. Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, pakiusap lang."
Umismid siya at marahang umiling. "Pinasundo ka lang sa akin ni Preston," kaswal na sagot niya at nag-iwas na ng tingin sa akin.
"S-Si Preston?"
Tumango siya kaya't naguguluhan ko siyang tiningnan. "I mean, ang boring naman kung susunduin lang kita sa inyo nang ganoon-ganoon na lang so I thought, maybe I'll just prank you. It's all fun and games until you shouted that there's a bomb in my car! Gusto mo pa yata akong ipakulong, wala na nga akong ginagawang masama sa 'yo," maarteng tugon niya habang sinusuri pa rin ang sarili sa salamin at tinitingnan kung bumukol ba ang noo niya dahil sa pagkakabato ko
roon.
"At bakit naman ako ipapasundo sa 'yo ni Preston? May sarili 'yong kotse. Saka daraanan ako ni Dalia_"
"Dalia is already at the church, though. Kanina pang madaling araw," pagputol niya sa sasabihin ko kaya't agad na umawang ang bibig ko at nagsalubong ang aking mga kilay.
Taka at naguguluhan ko siyang tiningnan. "H-Ha?"
Malakas na bumuntong hininga si Margaux at muling tumingin sa gawi ko. "You don't know?" tanong niya.
"Alin ang hindi ko alam?"
"Come on, Lyana. You don't know that you're getting married today?"