Chapter [33] Terenz Dimagiba
Kanina pa ako hindi mapakali at pabalik-balik ang tingin sa pinto ng mamahaling restaurant kung saan kami magkikita ni Ninong. Pinadala niya sa akin sa mensahe ang lugar na ito at kabilin-bilinan na dapat walang makaalam. Mabuti na lamang at may importanteng meeting si Sir Pancho kay Sir Arturo ngayong linggo. Habang sinabi ko naman kay Nanay Matilda na magpapadala lamang ako kina Nanay. Ayaw kong magsinungaling, kaso ayaw ko ring suwayin si Ninong. "May nais po ba kayong order-in habang naghihintay kay Mr. Del Mundo, Sir?" tanong ng waitress na lumapit sa akin.
Nahihiya akong umiling. "Ayos lang po ako. Hihintayin ko na lamang siya."
Ngumiti siya at tumango bago umalis. Sa tingin ko ay regular na si Ninong sa restaurant na ito. Nakapa-reserve na kaagad siya ng magandang pwesto para sa aming dalawa. Sa sobrang kaba ko nga lang ay napaaga ako ng punta. Excited dapat ako at may pasok na ako bukas, pero heto at mukhang mapapasabak muna ako sa isang sermon bago iyon.
Nakahalata kaya si Ninong? Paano kung pabalikin na lamang niya ako sa amin para magkalayo kami ng anak niya? Paano na ang trabaho ko at ang pag-aaral ko? Paano kapag malaman nina Nanay? Ang daming pumapasok sa utak ko, pero pinanghahawakan ko na lamang na hindi ganoong tao si Ninong.
"Goodmorning, Sir!"
Napaupo ako nang tuwid nang mamataan ko na ang pagpasok ni Ninong. Pormal na pormal ang suot niya at hindi gaya sa nakasanayan, medyo seryoso ang awra niya ngayon. Napalunok ako. Naglalakad na siya palapit sa akin. "You're early, anak," bati niya.
Tumayo ako at nagmano sa kaniya habang abala na ang mga waiter sa pagdala ng aming mga pagkain.
"M-Magandang umaga po, Ninong."
"Take your sit."
Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa amin habang pinapanuod ang mga waiter sa paglapag ng mga nakatatakam na pagkain. Sobrang dami naman yata? Kami lang naman dalawa ni Ninong. Hindi kaya sikreto niya ring papupuntahin si Sir Pancho rito?
Sumulyap ako sa kaniya noong umalis na ang mga waiter. Nakita niya iyon kung kaya ngumiti siya sa akin.
"Bukas na ang pasok mo, ijo. I'm wishing you goodluck. Hindi ba at HRM ang kinuha mo?" pauna niyang tanong.
Mabilis akong tumango. "O-Opo."
"That's a good course. I believe you can do it. But let us go straight to the point..." Kumabog nang mabilis ang puso ko nang seryoso akong tignan ni Ninong. "What is Pancho doing to you?"
Pinagsiklop ko ang mga nanginginig kong kamay sa ilalim ng lamesa. Malamig sa loob ng restaurant, pero namumuo na ang mumunting mga pawis sa aking noo. "A-Ano po ang ibig niyong sabihin?"
Bumuntong hininga si Ninong. Kita ko ang halong dismaya at alala sa mga mata niya.
"Terenz, ijo, I'm one of the witness of how Pancho loved Ellie. Isa rin ako sa mga tutol, pero nakita ko sa mga mata ng anak ko kung gaano siya kasaya sa piling nito. So I let them be. Sure I was shocked that the perfect love I've seen before already ended, but I doubt na mapapalitan kaagad iyon ng ganoon kadali." Bawat salita na binibitawan ni Ninong ay tila punyal na tumatama sa puso ko. "Ijo, anak ko si Pancho at inaanak kita. Open your eyes not just your heart. Pancho is wounded and he just... needs you for that. Nothing else."
Nanginig ang aking mga labi. Bakit pati si Ninong? Hindi lang si Nanay Matilda? Kumakapit ako sa mga salita ni Sir Pancho. Sa mga ginagawa niya para sa akin. Pinagbibigyan ko ang puso ko kahit doon manlang, pero bakit pilit nilang binubuksan ang mga mata ko sa katotohanan?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Kahit hindi siya ihabilin ni Sir Ellie sa akin. Kahit hindi sabihin ni Ninong na ako na ang bahala kay Sir. Kahit hindi ipaalam ni Nanay Matilda ang mga dapat kong gawin para sa alaga niya.... kusa ko iyong gagawin lahat. Dahil mahalaga siya sa akin. Dahil mahal ko siya.
"M-Mahal ko po ang anak niyo, Ninong. Mahal ko na po siya," determinado kong sabi sa kabila ng pangamba.
Nakita ko ang pag-iling ni Ninong. Alam kong nagulat siya, pero iyon din ang katotohanan na kailangan niyang tanggapin. Wala na akong pakialam kung pigilan ako ng mundo. Hindi ko kayang isuko itong pagmamahal ko. Pasensiya na, Nanay, Tatay.
"Ayaw ko na sa huli ay makita kong magkasakitan ang anak ko at ang inaanak ko, Terenz. I already lost Kitarina, Pancho's mother. I don't want to lose your father and mother, too. Kaibigan ko silang matalik at pinagkatitiwalaan nila ako." Napayuko ako sa sinabi niya. Tila bigla ay tinakpan ang bibig ko at hindi na makapagsalita. Nakikita ko na ang panlalabo ng aking mga mata sa nagbabadyang mga luha.
Sir Pancho...
"What are you two doing?"
Nanlaki ang mga mata ko. Boses niya pa lang, kilala na ng puso ko. Hindi manlang nagulat si Ninong sa tinitignang tao sa likuran ko. Mabilis akong napalingon at nang magtagpo ang mga tingin nami'y roon na pumatak ang aking mga luha.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"S-Sir Pancho..."
Nilahad niya ang isa niyang kamay sa akin na mabilis kong tinanggap. Hindi na ako nagreklamo noong hinila niya ako at mabilis na yinakap. Siya lang ang kailangan ko. Hindi ko siya kayang ipaubaya.
"You've sent me a message to see you making Terenz cry? Dad, we've just started to mend our relationship as father and son, I don't want to ruin it this early. Don't provoke me." Natigil ang iyak ko sa kakaibang galit sa boses niya. "Pancho, I didn't meddle with what you and Ellie had before. Alam ko na hindi ako naging perpekto na ama sa iyo, but I believe what I am doing right now is the right thing," si Ninong.
"Akala ko rin, Dad. I thought I was right before, but lately I realized that what happened brought me to the right one." Tumingala ako kay Sir Pancho dahil sa sinabi niya. "Terenz is the right one."
Nakita ko ang ngiti na iyon sa mga labi niya. Ang ngiti na matagal kong pinapangarap. Ang ngiti niya na para sa akin. Ang ngiti niya na dahil sa akin. Mas napaluha ako, pero marahan niyang pinunasan iyon.
Muli siyang tumingin sa ama na noo'y natahimik na. Lumingon ako kay Ninong at hindi na siya nakatingin sa gawi namin. Walang expresiyon ang kaniyang mukha.
"I understand where you're coming from, Dad. Kahit si Nana, but Terenz is not just a remedy for me. He stayed at my side even I'm the worst, he's the best person. How can I let him go?" Hinawakan ako ni Sir sa kamay, handa nang umalis. "Just... thank you for bringing him to me."
Nang papalabas na kami ni Sir doon, muli kong nilingon si Ninong. Nakatanaw siya sa amin, may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Nilalabas ng mga mata niya ang kaniyang alinlangan. Ramdam ko na hindi niya pa rin kayang matanggap. Ngumiti ako kay Ninong. Pinaparating ng ngiti na iyon na ayos lang ako.
Magiging ayos ako.
Magiging ayos lang ang lahat dahil nagtitiwala ako sa taong ngayon ay hawak ang aking kamay. Kung nakaya kong manatili sa tabi niya noong hindi pa niya ako tinatrato ng tama, paano pa ngayong nasa tama na? Naroon ang kaisipan na baka nasa isip pa niya si Sir Ellie, pero buo na ang desisyon ko. Naging mabait sa akin si Sir Ellie at isa siya mga tinuturing kong kaibigan. Hindi magbabago iyon.
Pero hindi ko rin bibitawan si Sir Pancho.