Chapter [30] Terenz Dimagiba
Bahagyang ibinaba ni Sir Pancho ang itim niyang salamin at pinakatitigan si Kayin. Tumaas ang kilay niya habang si Kayin ay ngumiti lamang pabalik sa aking amo. Umismid si Sir Pancho bago inayos muli ang kaniyang salamin at ibinalik ang atensiyon sa akin.
"We're going home," sabi niya sabay talikod.
"A-Ah, opo, Sir!" aligaga kong sagot sabay baling kay Kayin. "P-Pasensiya ka na, ha? Mauuna na ako."
"Okay. I'll text you!" Kumaway si Kayin sa akin bago ako nakapasok sa kotse ni Sir.
Nakahihiya, ni hindi ko manlang sila napakilala sa isa't-isa. Bakit naman kasi nagmamadali itong si Sir Pancho? At bakit pakiramdam ko ay naiinis siya sa hindi ko alam na dahilan? "Who was that?" bigla ay tanong niya noong papalabas na ang kotse niya sa unibersidad.
Inayos ko ang aking seatbealt na hindi pa nalalagay nang maayos, pero itong amo ko umaarangkada na.
Tumingin ako sa kaniya at nakita ang salubong niyang mga kilay. "Nakilala ko lang po kanina. Tinulungan niya po akong maghanap ng silid kung saan ako kukuha ng pagsusulit." Narinig ko ang pagtunog ng dila niya.
Bakit mas sumama yata ang timpla ng mukha niya? Hindi ko nakikita ang mga mata niya dahil sa nakaharang na salamin doon, pero bakit pakiramdam ko ay masama ang titig niya sa daan? O baka pakiramdam ko lang talaga? "Do you have a hobby of talking to strangers, Terenz? Baka binigay mo rin ang numero mo do'n?" aniya sa mas malalim na boses.
Napayuko at nagsimulang kabahan. Bumalik sa aking alaala ang eksena kung saan galit na galit si Sir Pancho at bigla na lamang akong hinalikan dahil nalaman niya na nagpapadala sa akin ng mensahe si Sir Axel. Ayaw kong sabihin dahil baka kung ano na naman ang gawin niya, pero masama ang magsinungaling.
"A-Ah... M-Mukha naman po siyang mabait, Sir. Kaya..." Nag-aalinlangan akong napatingin sa kaniya.
Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga at ang mas lalong pandidilim ng kaniyang paningin. Hinanda ko ang aking sarili sa kung ano man ang kaniyang gagawin, pero isang malalim na buntonghininga lang ang pinakawalan niya. Hanggang sa nakarating kami sa mansiyon ay ako pa ang nagulat dahil wala siyang sinabi o ginawa.
'Yun lang? Buntonghininga? Sayang.
"I want you to cook for our dinner for tonight. Nasabihan ko na si Nana. I want adobo, please. Thank you."
Hindi ako magkandaugaga sa pagsunod sa kaniya pagkalabas ng kotse. Ang laki naman yata ng hakbang niya, tila atat na makalayo sa akin.
"Okay, Sir," pagtugon ko sa kaniyang hiling.
Pagpasok sa mansiyon ay agaran kaming namataan ng mga kasambahay.
Isa ito sa pinagtatakahan ko nitong mga nakaraan. Kapag nakikita nila kami na magkasama ni Sir ay tila naiilang sila at hindi makatingin sa amin. Si Nanay Matilda ganoon pa rin naman, kaso kapag nagtatama ang paningin nila ni Sir Pancho ay parehong seryoso ang mga titig nila. Hindi ko maiwasang kutuban kung nalaman ba nila na may nangyari sa aming dalawa?
Paano na lang kung makarating kay Ninong? Lalo na sa pamilya ko? Hindi pa ako handa roon.
"Nanay, sabi ni Sir ako na raw po ang magluluto ngayon," bungad ko kay Nanay pagkarating sa kusina.
"Ah, oo. Nasabihan na rin niya ako. Aniya ay para mahasa ang kakayahan mo bago magpasukan." Napangiti naman ako roon.
Iba na talaga si Sir ngayon. Marunong nang makiramdam sa ibang tao hindi kagaya dati na makasarili. Naalala ko pa noong una ko siyang pinagluto at nais lang niyang ipakain iyon sa mga aso sa kalye. Natutuwa ako at saksi ako sa pagbabago sa kaniya, kahit pa ang dahilan noon ay si Sir Ellie.
Habang nagsusuot ako ng apron, naramdaman ko ang mga titig ni Nanay sa akin. Nang lingunin ko ay seryoso ang kaniyang mga titig. Bigla akong nabahala.
"May problema po ba, Nanay?" hindi ko naiwasan ang magtanong.
Bumuntonghininga siya. "Magtapat ka nga sa akin, Terenz. May nararamdaman ka ba para kay Pancho?"
Literal na nanlaki ang aking mga mata sa harap ni Nanay Matilda. Kamuntik ko pang mabitawan ang hawak na kawali.
"P-Po? Bakit niyo naman po natanong iyan?" kinakabahan kong ani at nag-iwas ng tingin.
"Wala lang akong sinabi, pero alam ko na may namagitan na sa inyong dalawa."
Napakurap ako at ilang beses na napalunok. Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Sir?
Nilingon kong muli si Nanay at nakita ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Nanay... i-iyong gabi kasi na iyon, medyo nakainom si Sir at-"
"Pinilit ka ba niya?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Mabilis akong lumingo.
"Hindi po!" Naikagat ko ang ibaba ng aking labi. "P-Pareho naman po naming g-ginusto."
Nakita ko ang pag-iling ni Nanay sa akin at ang muli niyang pagbuntong hininga. Halatang hindi niya nagustuhan ang mga narinig.
"Terenz, alam mo naman na kagagaling lamang ng batang iyon sa isang relasiyon at sa hindi pa biro. Seryosong relasiyon ang mayroon sila ni Ellie, apo. Hindi sa hinuhusgahan ko si Pancho, pero huwag kang magpatianod lamang sa mga ginagawa niya lalo pa at buwan pa lang ang nakalipas. Sariwa pa ang lahat," mahaba niyang litaniya. "Paano pa kapag nakarating ito kay Domingo? Naku, gulo na naman ito."
Hindi na ako nakasagot pa. Parang sa mga sinabi ni Nanay ay malakas na niya akong nasampal ng katotohanan. Alam ko naman iyon, pero nagbulagbulagan ako.
Dahil mahal ko si Sir Pancho.
Naging tensiyunado ang aming hapunan bukod lamang kay Sir Pancho. Naiilang na ako sa mga kasambahay na tiyak ko ay may alam na rin. Si Nanay naman ay normal lamang sa nakasanayan, pero nandoon ang kaseryosohan. Kailangan kong itanong kay Sir kung may kinalaman ba siya kung bakit nalaman ni Nanay.
Natapos ang aming hapunan na hindi nawala ang pagkabahala sa aking sistema.
Pagod kong inunat ang aking katawan nang nasara ko na lahat ng bintana at pinto. Tahimik na sa buong mansiyon at nasa higaan na rin ang iba. Sinigurado ko na wala akong nakaligtaang sarhan bago ko pinatay lahat ng mga ilaw. Kanina ay naisip ko na kausapin si Sir kaso baka pagod na rin siya at tulog na. Hahanap na lang ako ng tsansa na maitanong iyon sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi kay Nanay Matilda ang bagay na dapat ay para lamang sa aming dalawa. Alam kong malapit sila ni Nanay, pero pribadong bagay pa rin iyon.
Pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto ay nahigit ko ang aking hininga ng may kamay na humila sa akin papasok sabay sandal sa aking katawan sa nakasara nang pinto. Hindi ko pa lubusang nakikita kung sino iyon ay lumapat na ang malambot niyang mga labi sa akin. Muntik nang bumigay ang aking mga tuhod.
"Hmm..."
Mula sa aking braso ay tumaas ang kamay niya patungo sa aking bewang. Ang isa namang kamay ay pumasok sa suot kong damit at humaplos sa aking likod. Ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo lalo pa noong pumasok ang dila niya sa loob ng aking bibig.
Nang maghiwalay kami ay namumungay pa ang aking mga mata at habol ang aking hininga.
"Claiming my goodnight kiss." Nakita ko kung paano padaanan ni Sir Pancho ng dila ang ibaba ng kaniyang labi at sumilay ang isang ngisi roon pagkatapos.
"S-Sir Pancho!" Noon lang ako nagulat.
Mahina siyang natawa, pagkatapos ay bigla na lang akong niyakap. Pinirme niya ang kaniyang ulo sa aking leeg at ramdam ko ang init ng kaniyang hininga roon. Nakakikiliti!
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"You did great today. I'm looking forward to taste all of your cooking, Renz. Sigurado akong papasa ka," bulong niya malapit sa aking tenga.
"Sir Pancho..." Humiwalay ako sa yakap. "S-Sinabi mo ba kay Nanay Matilda na may nangyari sa atin?" diretso kong tanong, hindi na pinansin ang sinabi niya kanina.
Nakita kong inipit niya ang kaniyang mga labi. Napakamot siya sa kaniyang batok na tila ba nahihiya sa bigla kong tanong.
"Uh... Hindi ko direktang sinabi, they just found out. Paglabas ko kasi noon sa kwarto ko nasa labas sila ng kwarto mo. Sinabi ko lang na nasa loob ka ng kwarto ko at pinagod ka kaya tulog ka pa noon-"
"Parang sinabi mo na rin!" may paninisi sa aking boses.
Pero tinawanan niya lang ako.
"C'mon, Renz. Sina Nanay Matilda lang naman, besides, Nanay would understand. Ayaw pa niya no'n? We're closer than ever now."
Napailing ako sa sinabi niya at naisipang itulak na siya palabas. Sigurado akong namumula na ang mukha ko sa halong hiya at inis. Ano na lang ang reaksiyon ni Nanay ng araw na iyon?
"Matulog ka na, Sir. Maaga ka pa bukas." Tinulak-tulak ko pa siya, ang tigas ng katawan, eh.
"Okay! Okay!" Natatawa siya. "Isa pa munang kiss."
"Sir Pancho, ha? Nakahalik ka na!"
"Isa lang ulet, please? I'll be good and sleep after."
Nagtulakan pa kami roon sa may pinto, pareho na rin kaming nakatawa ngayon. Hindi ko akalain na makabibiruan ko si Sir ng ganito ngayon. Naalala ko noong mga panahon na malamig ang pakikitungo niya sa akin, pero kay Sir Ellie siya ay malambing. Ganito pala ang pakiramdam na matuonan ng atensiyon ng malambing na Pancho Kit Del Mundo.
Pero panandalian lang ang paglimot ko sa aking pagkabahala.
"Ahem."
Sabay kaming napalingon sa gawi ng hagdan at nakita roon si Nanay Matilda na nakatayo. Magkakrus ang mga braso at seryoso ang paningin sa amin ni Sir Pancho.