Chapter [29] Terenz Dimagiba
Bukod kay Sir Pancho, ngayon lang muli ako nakakita ng lalaki na sobrang lakas ng kagwapuhan. Gwapo rin naman si Sir Axel, pero masasabi ko na bukod kay Sir Pancho, isa ang lalaki na ito sa kinatulala ko. Habang si Sir Ellie naman ay magandang lalaki kaya hindi ko siya maihahanay sa mga gwapo. Iba ang kagwapuhan ng mga tao rito sa syudad bukod sa mga nakikita kong mukha sa kinalakihan kong isla. Nakalulula.
Kung kay Sir Pancho ay kulay abo na mga mata, kulay bughaw naman ang sa taong kaharap ko ngayon. Napakatingkad ng kulay at kumikislap. Hindi ko alam kung natural ba ang kulay ng buhok niya pero sa pagkadilaw noon ay halatang siya ay banyaga. Maliit at matangos ang kaniyang ilong, tila hinulma at bumagay sa korte ng kaniyang mukha. Kahit hindi pa siya nakangiti ay kita ko ang biloy sa magkabila niyang pisngi. Kapag ngumiti siya ay tiyak ang lalim no'n. "Are you okay?"
Nawala ako sa pagkatulala sa mukha niya nang marinig ko siyang muli na magsalita. Banyaga nga, may tono ang pananalita niya. At iyong boses niya'y sobrang lalim at bilog ang pagkalalaki. "U-Uh..." Nautal pa ako habang sinusubukang tumayo. "A-Aym payn. T-Tenkyu."
Buti na lang may kakaunting ingles akong baon. Dahil siguro sa araw-araw ko nang pakikinig kay Sir Pancho kapag siya ay nag-i-ingles.
Ngumiti naman ang lalaki sa akin at ang lalim nga ng mga biloy niya! Mas gumwapo siya do'n. Napansin ko rin ang mamasel niyang katawan at ang taas niya'y hindi nalalayo kay Sir Pancho. Bigla akong nanliit. Dapat siguro makigamit na rin ako ng gym ni Sir sa mansiyon.
"Good. Sorry, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko kanina," diretso niyang sabi.
Marunong siya magtagalog at dire-diretso pa! Ang galing naman.
"P-Pasensiya na rin."
Bigla siyang tumawa. "Nakita kong nagulat ka no'ng marinig mo akong magtagalog, pero ang bilis mo rin nakabawi. How cute. Anyway, here are your things."
Inabot niya sa akin ang mga gamit ko at mabilis ko namang kinuha iyon. Tumango-tango ako at muli ay nagpasalamat sa kaniya. Ang bango niya naman. Parang amoy matamis. Hindi matapang pero nakagugutom. Branded rin yata ang mga suot niya. Plain na itim na damit, pantalon ding itim, at pares ng tila bota sa paa. Mayaman, gaya ni Sir.
"Salamat."
"You're welcome. Kukuha ka rin ba ng exam?" bigla ay kaniyang tanong.
"Uh... Oo." Napakamot ako sa pisngi.
Noon lang rumehistro sa akin na sa laki ng unibersidad sa harap ko ay hindi ko alam kung saan mag-uumpisang hanapin ang kwarto kung saan ako kukuha ng exam. Dapat pala nagpasama muna ako kay Sir kanina! Kaso ang tanda ko na para
roon.
"Oh! Same here. What course? We can go together then."
Pakiramdam ko ay bumukas ang langit ng mga oras na iyon at siya ay isang anghel na ibinaba mula sa langit para tulungan ako. Salamat sa diyos at siya ang nakabangga ko!
"Salamat!" Hindi ko naitago ang saya sa aking boses.
Muli siyang tumawa. "Nah, thank you rin. Ano nga pala ang pangalan mo?"
Oo nga noh, kanina pa kami usap nang usap, hindi pa namin alam ang mga pangalan namin.
"Terenz. Terenz Dimagiba," pagpapakilala ko at naglahad ng isang kamay sa harap niya.
"I'm Kayin. Kayin Benjamin," pagpapakilala rin niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.
Iyon nga ang nangyari. Sabay naming hinanap ang kwarto kung saan kami kukuha ng exam. Kasamaang palad magkaiba pala kami ng kurso. HRM sa akin samantalang si Kayin ay Fine Arts ang kukuhain. Kaya pala may dala siyang parang drawing book na malaki. Magaling siguro siya sa pagpipinta.
Napag-alaman ko rin na may lahi siyang kano habang nag-uusap kami sa daan. Lumaki raw siya sa US pero lumaki siyang tinuturuang magtagalog bukod sa ingles. Kaya pala magaling din siya sa pagtatagalog. Kano raw ang tatay niya samantalang pinay ang ina. Noong nakaraang taon lamang din daw siya dumating sa Pilipinas para mag-aral ng kolehiyo rito.
"Paano, roon ako sa kabilang building. You sure you're gonna be okay, Terenz?" pagsisigurado niya kung kaya ay mas napangiti ako sa kabaitan niya.
"Oo. Salamat sa pagsama, Kayin."
"Okay then. Bye! See you around!"
Kumaway ako sa kaniya na noo'y bumaba para magtungo sa building kung saan ang exam niya. Nakahihiya, hinatid niya pa talaga ako rito sa building ko. Sabi ko na okay lang ako, pero wala naman daw kaso sa kaniya. Nabanggit ko rin kasi na laking probinsiya ako at hindi maalam sa mga ganitong sitwasiyon, pero imbes na makakita ng pagmamaliit sa mga mata niya ay nakakita pa ako ng pagkamangha. Aniya ay sana raw makita niya rin ang simpleng buhay na kinalakihan ko. Ngayon lang kami nagkakilala, pero ang gaan ng loob ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan ang nilakaran niya kanina. Sana makita ko siya ulit dito sa malaking unibersidad.
"Ah! Hindi ko natanong bakit dito niya sa pinas naisip magkolehiyo. Ano ba 'yan," kakamot-kamot kong sabi bago pumasok sa silid at kumuha ng exam.
Isinantabi ko ang kaba at nilakasan ang loob. Nilagay ko sa aking isipan ang aking pamilya bilang inspirasiyon. Sina Nanay Matilda na naniniwala sa akin. Pati si Ninong na tinawagan ako kaninang umaga para palakasin ang aking loob. At siyempre, lalong-lalo na si Sir Pancho. Kailangan kong makapagtapos para sa kanilang lahat.
Dahil sa kaisipang iyon ay naging maganda ang pagsasagot ko sa pagsusulit. Nawala ang kaba at napalitan ng malakas na diterminasiyon. Kailangan kong makapasa para may maibigay akong magandang balita sa kanila. Nagresulta iyon ng maayos kong pagtatapos sa pagsagot. Nang matapos ako ay pakiramdam ko noon na lamang muli tumakbo ang oras. Sobra akong pokus sa ginagawa! "Yes..." bulong ka sa sarili.
Nagtipa ako ng mensahe kina Nanay na katatapos ko lang kumuha ng pagsusulit. Aniya ay ipagdarasal nila ang resulta at masaya sila na nakakuha na ako.
Pagkalabas ko sa silid ay siyang gulat ko na lamang noong magkumpulan ang ibang kababaihan sa labas. Akala ko ay may nangyari na hindi maganda, iyon pala ay sinusubukan nilang kausapin ang lalaki na nakasandal sa labas ng silid. Seryoso lang siya at hindi pinapansin ang mga babae pero nang mamataan ako ay tila siya tuta na lumapad ang ngiti.
"Terenz!" Lumapit siya sa akin. "Done?"
Akala ko iyon na ang huli naming pagkikita kanina. Anong ginagawa ni Kayin dito?
"Uh... O-Oo. Mukhang tapos ka na rin, bakit ka narito?"
Nakita kong bahagyang ngumuso ang mga labi niya, tila may ngiti na pinipigilan.
"Is that bad? Naisip ko kasi baka maligaw ka palabas. I was worried. Sabay na lang tayo ulet. Are you... fine with that?"
Okay naman sa akin iyon, pero bakit pakiramdam ko may mga masasamang tingin akong nakikita?
"A-Ayos lang naman," wala sa sarili kong pagsang-ayon.
"Good! Let's go then."
Tumango ako sa kaniya at pasensiyoso na nginitian ang mga babae. Si Kayin naman ay tila walang pakialam sa paligid at ako lang ang pinapansin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. "Ah-"
"Right! Naisip ko rin pala since nagkausap na rin naman tayo at alam na natin mga pangalan natin, why not if maging magkaibigan tayo, Terenz? I mean, habang wala pa tayong kakilala na iba. If that is fine with you." Natuwa naman ako roon. May kaibigan na kaagad ako. Ang bait niya talaga!
"Oo naman!" agaran kong pagsang-ayon. "S-Sana makapasa tayo para magkasama tayo rito."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nakarating na kami sa may gate nang hinawakan ako ni Kayin sa magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha.
"Papasa tayo." Seryoso siya. "Okay let's do this. Let's exchange contacts para mabalitaan natin ang isa't isa kapag lumabas na ang result."
Sabay kaming naglabas ng cellphone namin at nagpalitan ng numero. Kahit cellphone niya halatang hindi basta-basta. Buti na lamang at binigyan ako ni Ninong ng cellphone.
Wow. Napansin ko rin ang mga daliri ni Kayin habang nagtitipa. Mahahaba at maganda ang postura. Parang kamay ng nagpipinta talaga. Malilinis din ang kuko niya at bumabagay ang ilang singsing na nakasuot sa ibang daliri niya. "Nice! I'll text you so make sure you do the same." Ngumisi siya at natulala na naman ako sa mga biloy niya.
"Sige."
"Then how should I call you? Ano ang nickname mo?"
Nakita ko nang bigla niyang itikom ang bibig, nahiya yata bigla dahil marami siyang sinasabi. Natawa ako. "Ayos lang. Renz na lang."
"Renz," binigkas niya iyon ng may ngiti sa mga labi. "Then call me Kai, that's my nickname."
Kai. Kayin. Kai Benjamin.
"Okay, Kai."
Nag-usap pa kami sa may gate at tinanong niya kung mag-co-commute raw ba ako. Sinabi ko na may sundo ako na medyo kinagulat niya. Mag-e-ekspleka pa sana ako nang mahagip ng paningin ko ang sasakiyan ni Sir Pancho sa likuran ni Kayin. Naging matunog ang pagsara niya ng pinto nang siya ay lumabas. Kahit nakasuot siya ng shades sa mga mata ay ramdam ko ang intensidad ng titig niya.
Napalunok ako nang lumapit siya sa amin, ni hindi niya manlang nilingon ang kaharap ko. "Terenz."
"S-Sir Pancho."
Napaharap si Kayin sa kaniya at noon lang din humarap si Sir kay Kayin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanliit sa presensiya ng dalawang nagwagwapuhang lalaki ngayon sa harap ko.