Chapter CHAPTER 9: FAMILY KIM
ΚΑΙ
"Okay, cut! Good Take!"
"That's all for today. Back up na tayo."
Pagkasabing-pagkasabi ni direk, umalis na agad ako sa harap ni Hyena at naglakad patungo kila Jamie noona. Maghapon rin kaming nag-take ngayong araw para sa first episode na i-eera para bukas. Hindi ko makakaila na napagod ako dahil
'don.
"Oh' phone mo, nakailang missed calls na dyan ang asawa mo. Hindi ko naman nasagot dahil nakasilent pala. Ngayon ko na lang din nakita." Abot sa akin ni noona pagkarating ko sa harap nya. May problema kaya sa bahay?
Pagbukas ko sa cellphone, bumungad sa akin ang sandamakmak na missed calls galing sa asawa ko. May voice message pa kong nakita kaya minabuti kong pakinggan ito,
"Hoy Jong In! Kinidnap ko ang pinakamamahal mong asawa. Kaya kung gusto mo pa syang mabalik sa'yo. Pumunta ka sa ***** Restaurant, mamayang alas-syete ng gabi. Maliwanag? Aasahan kita 'don. Ito nga pala ang maganda mong ina. Ha-ha-ha."
Napailing ako matapos pakinggan 'yon, "Aist. Si mama talaga, dinamay pa sa kalokohan si Dasuri."
"Guys, mag celebrate kaya ta'yo. Mga-inuman tayo tutal bukas na i-eere 'yung first episode natin. Treat ko," naulinigan kong pahayag ni Direk. Naghiyawan naman 'yung mga staffs.
"Ano, Hyena, Sehun at Kai. Sama ba kayo?" tanong pa nito sa amin. Talaga naman. Bakit nasabay pa.
"Sige Direk." Pagsang-ayon ni Sehun.
"Oh' sure. Count me in." saad ni Hyena na nagawa pa kong ngitian. Para bang sinasabi nyang 'Pumayag ako kaya kailangang ikaw rin'
"Ayos! Ikaw Kai?" Natuon naman ang atensyon nilang lahat sa akin. Bigla kong napaisip.
Sasama ba ko? Kaso paano ang asawa ko?
HYENA
Grrr. Loko 'yung Kai na 'yon! Talagang nagawa nyang tumanggi sa paanyaya ni Direk.
"Pasensya na po Direk. May emergency po sa bahay. Kailangan ko nang umuwi agad. Babawi na lang po ko sa susunod." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sagot nya. Anong karapatan nyang tumangi?! "Aigoo! Tumawag na 'yung asawa mo 'no? Naku. Iba talaga pag bagong kasal. Gugustuhin mong umuwi lagi nang maaga sa bahay."
"Pero Direk, kapag tumagal na yang mga 'yan, Tignan mo, Si Kai pa mismo ang magaaya sa atin na makipag-inuman. Haha."
"Oo nga, parang tayo lang! Sige na, pagbibigyan ka na namin. Tutal, bagong kasal ka pa lang. Basta sa susunod, huwag ka nang hihindi." "Sige po direk! Salamat po! Paano noona, Sehun, una na ko."
"Sige hyung! Ingat ka na lang."
"Oh' Hyena, talaga bang sumama bigla ang pakiramdam mo? Bakit may lakas ka pang panggigilan 'yang unan sa upuan," natauhan ako nang kausapin ako nang aking manager na si Mr. Kang.
Matapos kasing umalis ni Kai, nagdahilan ako para hindi makasama sa calebration. Mas mabuti nang umarte kaysa sumama sa kanila. Ayoko ngang uminom kung wala rin naman akong rason para gawin 'yon. Ngayong nasa loob na ko ng sarili kong van, itinigil ko na ang drama at hinarap ang aking manager. "Mr. Kang, totoo ba 'yung sinabi ni Direk?" pasimple kong tanong dito.
"Alin?"
"'Yung tungkol kay Kai, talaga bang may asawa na 'yon?" kahit sya na mismo ang nagsabi sa akin. Hindi ko parin magawang paniwalaan 'yon. What if he was lying to me, right? What if it was just a joke? "Ayun ba? Oo, ibinalita na 'yon nung nakaraan. At binigyan nang konpirmasyon nang mismong agency nya. So kung susumahin, totoo nga ang balitang iyon." "Ganon ba? Sino naman daw ba 'yung babae? Idol rin ba? Maganda? Mayaman?"
"Ewan. Wala silang inilabas na statement about sa katuhan nung bride. Siguro para pangalagaan ang privacy 'nung dalawa. Pero ayon sa source ko, galing daw 'yung babae sa mayamang angkan. Isa sa mga family friend ng pamilya ni Kai at katuwang rin sa ilang business. Nag-aaral parin daw ngayon 'yon sa isang sikat na unibersidad dito sa Seoul. Hindi nga lang alam kung saan 'yung mismong paaralan. Teka nga, Bakit bigla ka atang naging interesado?" I look away nang titigan ako ni manager. May iniisip na naman 'tong imposibleng mangyari. Tsk.
"Wala naman. Nacurious lang ako, anong klaseng babae naman kaya 'yung pinakasalan nang mayabang na Kai na 'yon." Para tuloy ginusto ko syang makilala.
Sya lang daw ang nagiisang nagmamay-ari kay Kai? Ha. Bakit mas maganda at sexy ba sya sa'kin? Tignan lang natin.
I hope to see you soon, Mrs. Kim.
ΚΑΙ
Pagkarating na pagkarating ko sa restaurant na sinabi ni mama. Ipinarada ko agad ang kotse ko at pumasok dito. Isa iyong Japanese restaurant na medyo old-fashioned ang theme. May kanya-kanyang kwarto ang mga guest kung saan sila kakain.
Pagkapasok ko rito, may lumapit agad sa aking staff ng restaurant na nakasuot nang kimono, "Kayo po si Mr. Kim, tama po ba?" Tumango ako bilang sagot. "Sumunod po kayo sa akin."
Dinala ako nung babae sa isang silid kung saan, di-slide ang pintuan. "Nasa loob po ang inyong mga magulang. Kanina pa po nila kayo hinihintay."
"Sige po. Salamat sa paghatid. Pwede nyo na kong iwan dito." Nagbow 'yung babae at saka umalis sa harap ko. Ano naman kayang naisip ng mga magulang ko para gawin ang kalokohang ito.
Hinubad ko muna ang sapatos ko bago nagtuloy sa loob. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang isang mahabang mesa sa gitna na punong-puno nang mga pagkain. Naroon din ang mga magulang ko na magkatabing nakaupo sa gilid nito. Lumapit ako sa kanila at nagsalita, "Nasaan ang asawa ko?"
Nilingon naman ako nang aking ama. "Sa tagal nating hindi nagkita. Hindi mo man lang ba kami magagawang batiin?" natauhan ako't yumuko sa harap nila. "Annyeong hasaeyo, Papa, Mama."
"Tama na nga 'yang kadramahan nyong mag-ama. Maupo kana dito Jong In para makakain na tayo." pahayag ni mama. Nung una nagdalawang isip pa ko kung susunod ba ko o hindi. Pero sa huli, naupo rin ako sa tapat nila. "Ma, nasaan si Dasuri? Sabi nyo kasama nyo sya?" pahayag ko nang hindi ko makita maski anino ng asawa ko.
"Aigoo! Ang anak ko, sobra ka namang nag-aalala sa asawa mo." Napabuntong-hininga na lang ako sa harap nila. I have a hard-headed mom.
"Ma naman, alam nyo namang kaya ko nagpunta dito----" napahinto ko sa pagsasalita nang dugtungan iyon ni mama.
"Alam ko, kung hindi ko pa kinidnap ang asawa mo. Wala kang planong sumulpot dito. Naku. Ikaw talagang bata ka. Napakatigas talaga nang ulo mo."
Bigla namang bumukas muli 'yung pinto dahilan para mapatingin kami roon, "Mama Kim, Papa Kim, nakita ko po 'yung kotse ni Kai sa labas. Nandito na po ba sya?"
Kumunot ang noo ko nang makita ang asawa kong papasok sa loob habang may pasan-pasan na malaking rillakkuma sa likod. Anong kalokohan na naman 'tong pinaggagawa nya?
"Omo! Hubby! Nandyan ka na nga." Tumayo ako't kinuha 'yung stuff toy sa likod nya.
"Anong kalokohan na naman 'yang ginagawa mo? Bakit may malaki kang stuff toy sa likod mo? Ibaba mo nga 'yan, nakakahiya kila papa."
"Bakit ka mahihiya? Si Papa Kim kaya 'yung nagbigay sa akin nito." Sabay yakap nya ulit dito.
"Oo nga. Hayaan mo nga 'yung asawa mo. Ang kyut nga nyang tignan. Diba manugang ko? Hoho." Pangungunsinti pa ni mama.
Aist. Sumasakit ata yung ulo ko. Bakit ko nga ba pinakasalan ulit si Dasuri? Nadagdagan pa tuloy 'yung baliw na babae sa buhay ko. Hinayaan ko na lang sya at inalalayan sa pag-upo. Talagang hindi nya binibitawan 'yung stuff toy, nagawa pa 'tong pahigain sa lap nya. Adik.
"Ang mabuti pa, kumain na tayo." pahayag ni Papa.
Sa totoo lang, ang tagal na rin pala nung huling beses kaming kumain nang sabay-sabay. Simula nang maliit pa ko, madalas na silang wala sa bahay. Business trip, meetings at kung anu-ano pang dahilan para hindi ko sila makasama sa pangaraw-araw. Nung una nahirapan akong intindihin ang ganoong set-up, hanggang sa nasanay na rin ako.
Nasanay na kong wala sila sa paligid ko.
"Bakit nyo kami pinapunta rito? Wala ba kayong business trip na dapat puntahan? O di kaya mga meeting?" komento ko habang nagsisimula kami sa pagkain. Napahinto naman si Papa sa pagkain dahil sa sinabi ko. Nagkatinginan pa sila ni mama sandali.
Napalingon naman sa akin si Dasuri, hindi ko sya pinansin. Hindi na ko magsisinungaling, kahit papano, may sama parin ako nang loob sa mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi hindi nila ko nagawang alagaan nang tama. Mas pinili nilang unahin ang pagtatrabaho kaysa sa sarili nilang anak.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Pinapunta namin kayo rito para sabihing, babalik na ng Korea ang parents ni Dasuri sa susunod na ilang buwan." Panimula ni papa.
"Talaga po? Bakit hindi nila sinabi agad sa akin? Waaah! Hubby! Makikita ko na ulit ang parents ko. Narinig mo ba 'yon? Ang saya! Saya!" napapalakpak pa si Dasuri dahil sa sobrang tuwa. "Ikamusta mo na lang kami sa kanila, iha. Matagal-tagal narin kasi nung huling beses ko silang nakita." Nakangiting sambit ni Papa kay Dasuri. Sinagot naman nya iyon nang matamis na ngiti, "Sige po, Papa Kim. Ako nang bahala. Hehe."
Hindi ako nagsasalita, hinahayaan ko lang silang mag-usap-usap. Wala naman kasi kaming dapat pag-usapan pa. "Ehemp, bukod roon, meron pang isang bagay kaming gustong sabihin sa inyo." Pagbubukas muli ni Mama nang usapan.
"Ano po 'yon, Mama Kim?" tanong ni Dasuri dahil hindi ako nagsasalita. Patuloy lang ako sa pagkain.
Sinenyasan ni Mama si Papa na para bang sinasabi nitong 'sabihin mo na'. Humugot naman nang lakas si Papa at nagsimulang magsalita, "Nabalitaan nyo narin naman siguro ang tungkol sa nalalapit na pagsasanib nang kumpanya ko at kumpanya ng mga magulang ni Dasuri. Tumatanda na kami at unti-unti na ring nanghihina ang aming mga katawan. Gustuhin man naming magpatuloy sa nakasanayan naming gawain pero darating talaga 'yung panahon na kakailanganin naming magretiro."
Medyo hindi na ko natutuwa sa tinutungo nang usapang ito. Marahil ay ipipilit na naman nila sa akin ang mga bagay na sinubukan nilang ipagawa sa akin seven years ago. "Ano pong ibig nyong sabihin?" naulinigan kong sambit ni Dasuri.
"Ang ibig kong sabihin iha, ngayong mag-asawa na kayo at nasa tamang edad. Siguro, dapat lang na isipin na ni Jong In ang pagpasok sa-----" "Tama na! Aalis na kami. Tara na, Dasuri." Tumayo ako't hinila si Dasuri papalabas. Kinuha nya 'yung stuff toy nya at aligagang sumunod sa'kin.
"Teka hubby! Ayoko pang umalis. Hindi pa nga tayo tapos kumain eh." pagpupumiglas nito. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglabas.
"Ano ba! Ayoko pa ngang umalis eh." hinila ni Dasuri ang braso nya dahilan para mapahinto kami pareho. Lalong uminit ang ulo ko. Hinarap ko sya't nasigawan.
"Pwede ba itigil mo 'yang pagiging immature mo?! Kapag sinabi kong uuwi na tayo. Uuwi na tayo!" Hindi ko namalayaan na napataas na pala ang boses ko. Natameme naman si Dasuri at mukhang nagulat sa pagsigaw ko. "Jong In! Bakit mo sinisigawan ang asawa mo?" gulat na reaksyon ni mama. Natauhan naman ako bigla.
Ano ba 'tong ginagawa ko?
Sinulyapan ko si Dasuri na pinipigilan ang pag-iyak. Halatang natakot sya sa ginawa kong pagsigaw. Pilit kasi nitong iniiwasan ang tingin ko. Huminga ko nang malalim para pakalmahin ang sarili. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay nya at pinisil 'to.
"I'm sorry, wifey. Hindi ko sinasadyang sigawan ka but please, umuwi na tayo." unti-unti nyang iniangat ang kanyang mukha at sinalubong pagtitig ko. Hindi naman nagtagal ay tumango ito bilang pagsang-ayon. Bahagya akong ngumiti. Hinawakan ko na ang pinto at itinulak ito pabukas. Bago pa man kami makalabas nang tuluyan. Naulingan ko pang magsalita si Papa, dahilan para mapahinto ko sandali.
"Jong In anak, Patawad kung hindi kami nakapunta ng mama mo sa kasal nyo ni Dasuri. Patawad rin kung pakiramdam mo hindi kami naging mabuting magulang para sa'yo. Pero maniwala ka, araw-araw kong pinagsisisihan ang tungkol 'don."
Sana nga ganon lang 'yon kadali. Sana sa simpleng sorry nyo, maibabalik nyo pa 'yung nasayang na panahon.
"Let's go, Dasuri.” hindi ko na sila nilingon pa. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ng asawa ko at nagpatuloy sa paglalakad.
DASURI
Wala na naman syang imik. Mula nang sumakay kami ng kotse nya hanggang sa makabalik kami sa bahay, hindi na sya kumikibo. Kahit hindi nya sabihin, alam kong malungkot rin sya dahil sa nangyari kanina.
"Hayst. Nakakalungkot naman." Nauna nang umakyat si Kai sa kwarto namin. Yun 'yung dati nyang kwarto dati. Hindi muna ko sumunod sa loob, baka kasi gusto nya munang mapag-isa.
At sa halip ay dumiretsyo sa kwarto ko dati. 'Yung kalapit nitong kwarto. Mula nang bumalik kami rito sa bahay, never pa kong pumasok ulit dito. Nandito pa kaya 'yung mga gamit ko? 'Yung mga posters and merch ko? Hinawakan ko 'yung door knob at pinihit ito. Pagbukas ko rito, walang ilaw kaya wala kong maaninag sa loob. Kinapa ko 'yung switch nang ilaw at pinindot ang open switch. "WAAAAAAAAAAH!!!!!"
My jaw was literally dropped on the floor when I saw the whole room. Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa sobrang tuwa. O to the M to the G!!!! Isang RILLAKKUMA THEMED ROOM ang bumungad sa akin. SERYOSO?? Kwarto ko ba 'tong pinasukan ko??
Waaah! I can't believe this! Dahan-dahan akong pumasok sa loob. May mukha ni Rillakkuma at KoRillakkuma ang dingding. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Puno kasi ang loob nang mga gamit na Rillakkuma inspired. Eto siguro yung tinutukoy ni Mama Kim na supresa nya sa'kin. Aweee. Kinikilig ako. Haha!
Sa bandang kaliwa nang kwarto, mayroong Rilakkuma Sofa set na sobra kyot.
Garbidi!!!! Pero ang talagang nakakuha nang atensyon ko ay ang big bed carpet na Rillakkuma sa gitna. Mukhang eto 'yung pinalit sa kama ko.
Excited akong lumapit dito at inusisa 'yon. Pumasok ako sa bulsa nito na animoy kumot.
"Dasuri! What happen?!" napalingon ako kay Kai na kadarating pa lang. Halata sa itsura nya ang pagmamadali makapunta lang rito. Bakas rin dito ang pag-aalala. Mukhang dahil 'yon sa pagsigaw ko kanina.
Nakahinga naman sya nang maluwag nang makitang okay lang ako. "Thanks God, you're okay. Akala ko kung ano nang masamang nangyari sa'yo." Naglakad ito papalapit sa'kin.
"Saan galing ang mga 'to?" Tanong nya nang mapansin ang mga gamit sa paligid.
"Supresa sa'kin 'to ng mama mo. Ang kyot kyot no? Ahihi"
Nginitian nya lang ako bago humiga sa tabi ko. Pansin ko ang pagkabalisa nito. "Mukhang nagkakasundo na kayo ng parents ko. Papa bought you a bear and my mom? She did this for you? Parang mas anak ka pa nila kaysa sa akin" Ipinatong nya ang braso nya sa bewang ko at isinubsob ang mukha sa batok ko. Narinig ko pa syang magsalita muli,
"Wifey, I'm sad. Pwede mo ba kong pasayahin?"
Umikot ako upang magkaharap kami. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Ramdam ko rito ang lungkot na dinadala nya. Sana may magawa ko para mapagaan ang nararamdaman nya. Nakapikit ito, at mukhang natutulog na. Napakaamo talaga nang mukha nya.
Lumapit ako't hinalikan sya sa noo. "I"
Pababa sa kanyang ilong, "Love"
At ang huli ay sa kanyang labi, "You"
Dumilat naman sya pagkatapos 'non. "Mahal din kita, asawa ko." Then gave me a short but very sweet kiss.
Ipinagdikit pa nya ang mga noo namin. Pumikit syang muli at nanatili sa ganoong posisyon. Habang nakatitig sa kanya may naisip akong itanong.
"Hubby" bulalas ko.
"Hmm?"
"Pwede ba nating pag-usapan 'yung tungkol.... sa parents mo?" Biglang dumilat si Kai nang marinig ang salitang parents. Natulala pa sya sandali bago ko narinig ang pagbuntong-hininga nya. "Kung ayaw mo okay lang. Hindi kita pinipilit." pagbawi ko. Baka kasi iniisip nyang pinipilit ko sya.
Naramdaman ko ang pagkilos nya, humarap ito sa ceiling. Ginaya ko naman sya. "Dasuri, hindi ka ba nagagalit sa parents mo? Sa pagkakaalam ko pareho lang tayo ng sitwasyon. Pareho tayong lumaki nang hindi man lang nagabayan ng sariling mga magulang natin. Mas itinuon kasi nila ang atensyon sa trabaho kaysa sa sarili nilang mga anak."
Taimtim akong nakikinig sa bawat salitang binibigkas ni Kai. "Naiinis ako sa tuwing ipinamumukha nilang para sa akin 'yung ginagawa nila. Kahit minsan hindi ko hiniling sa kanila 'yon. Wala naman kasi akong pakialam sa mga materyal na bagay. Kaya kong mabuhay kahit wala ang mga 'yon. Ang kailangan ko lang ay atensyon at pagmamahal nila."
Kitang-kita ko sa mata ni Kai ang lungkot at hinanakit. Nasasaktan akong ganyan ang nararamdaman nya. Kinuha ko ang isang braso nya at humiga dito. Niyakap ko sya nang mahigpit.
"Hubby, naiintindihan ko 'yung ibig mong sabihin, kasi naramdaman ko na 'rin 'yan dati. Naiingit pa nga ko sa mga kaklase ko noon kasi may papa silang sumusundo pagkatapos nang klase, may mama silang nag-aasikaso sa tuwing aalis at darating sila sa bahay. Tapos ako? Wala."
"Pero hindi ako nagalit sa parents ko. Kasi naisip ko, kahit hindi ko hiniling 'yung mga materyal na bagay. Dapat parin akong magpasalamat kasi naiibibigay nila 'yon sa akin. 'Yung iba nga pinapangarap lang na magkaroon 'non pero ako, nakukuha ko 'yon nang ganon kadali. Doon ko naisip na, imposible ngang makuha mo lahat. Kaya dapat magpasalamat at makuntento na lang tayo sa kung anong meron tayo."
"At saka hubby," itinukod ko ang siko ko sa sahig at iniangat ang kalahati ng katawan ko para makita ng maayos ang mukha ni Kai. Gusto kong makita ang reaksyon ng mukha nya.
Nilingon naman nya ko. "Hindi mo ba naisip? Baka nalulungkot din ang parents mo kasi, hindi nila nasubaybayan ang paglaki mo. Baka nanghihinayang din sila na hindi ka nila naalagaan. Wala nga lang silang magawa dahil ginusto nilang mabigyan ka nang magandang kinabukasan."
Naglean ako at tumitig sa kanyang mga mata, "Lahat naman kasi tayo nagsasakripisyo, sa iba't-iba nga lang na paraan." Then gave him a sweet smile,