OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 8: HER HUSBAND



HYENA

Tanging pagtitig lang ang itinugon sa akin ni Kai. Siguro'y masyado syang namangha kung gaano ko kaganda sa malapitan. Hindi ko sya masisisi, marami na ang nagpatunay dyan. "Tapos kana?" Huh? Anong tapos na ko?

"Kung tapos kana sa sasabihin mo. Ako naman ang magsasalita," Napaatras ako nang biglang tumayo si Kai mula sa kinauupuan nya. Is he planning for something?

"Una, hindi ko ugaling magsinungaling. Kung ano 'yung totoo. 'Yon lang ang sasabihin ko." Bawat salita nya ay katumbas din ng bawat paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa akin. Dahan-dahan din tuloy akong napapaatras dahil sa ginagawa nya.

"Pangalawa, leading lady lang kita. You don't have the rights to demand and I don't have the responsibility to follow you." Ang mga mata nya. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig nya.

Is it possible?

"And lastly," I was terrified nang mapasandal ako sa mesa at itukod nya ang kanyang mga kamay sa gilid para ikulong ako.

Gosh. Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko? And his manly scent? It doesn't help me. Ano bang nangyayari sa akin?!

Nang maramdaman ko ang unti-unting paglapit nang mukha nya sa akin. Iginilid ko agad ang mukha ko, I won't let him steal a kiss from me. Pinakiramdaman ko lang ang mga kilos nya. Itinapat nya ang kanyang mga labi sa aking kaliwang tenga. Bigla kong kinabahan sa mga ginagawa nya.

"Huwag mo kong ituring na pag-aari mo. Nobody owns me, except for my wife."

Pakiramdam ko nabingi ako sa mga salitang binitawan nya. Nobody owns me, except for my wife.

"May asawa kana?!" wala sa loob kong tanong matapos nyang umalis sa harap ko't maglakad palabas. He stops for a while and glance at me.

"Hindi mo ba nabalitaan? Kinasal na ko, two weeks ago." Then left.

"What?!" I blurted out.

THIRD PERSON

Habang naglalakad sa field ng kanilang eskwelahan ay napansin ni Dasuri ang isang itim na kotse na kapapasok pa lamang mula sa kanilang gate. Medyo malayo pa iyon sa kanya ngunit natanaw nya iyon agad dahil patungo ito sa kanyang direksyon.

"Kumusta kana, Mrs. Kim?" pahayag ng isang babaeng dumungaw mula sa bintana ng kotseng huminto sa kanyang harapan. Namilog naman ang mga mata ni Dasuri matapos itong makilala.

"Mama Kim?!" gulat nitong pahayag. Ngumiti lamang sa kanya yung babae na lalong ikinakunot ng noo ng ating bida.

Anong ginagawa ng mama ni Kai dito? Tanong pa n'ya sa kanyang sarili.

"Saan po tayo pupunta? Kikitain po ba na'tin si Kai?" tanong ni Dasuri sa babaeng katabi nya sa loob ng kotse.

Matapos nya kasing makita ang mama ni Kai, inaya sya nitong sumama sa kanya. Hindi naman sya makatanggi dahil bukod sa biyenan nya ito. Ito lang din ang unang beses na humingi ito nang pabor sa kanya.

"Hindi iha, imposibleng 'yang sinasabi mo. Mas pipiliin ng lalaking 'yon na magtrabaho kaysa samahan sa pamamasyal ang nalulumbay nyang ina." May bahid na lungkot na pahayag ng ina ni Kai. Naalarma naman si Dasuri at inaharap ito. "Ayos lang po ba kayo?" may papunas-punas pa kasi nang mata nya ang ginang na animo'y naiiyak talaga. Kinabahan tuloy ang ating inosenteng bida.

"Ayos lang ako. H'wag kang magalala, nasanay na rin ako. At saka isa pa," nilingon ni mama Kim si Dasuri at hinablot ang kamay nito, "Nandito na naman ang manugang ko, para samahan ako, tama ba, Dasuri iha??" "Huh?"

Nagulat si Dasuri sa tinuran ng kasama pero nang mapansin nya ang pagningning ng mga mata nito habang sinasabi 'yon. Napakamot na lang sya sa kanyang batok saka ngumiti nang may pagkaalanganin, "Oo naman po, Mama Kim. He-he."

Hubby, bakit parang mas weird pa sa akin ang mama mo? isip-isip ni Dasuri.

"Woah! Talaga po bang pwede kong bilhin lahat ng gusto ko rito?" bulalas ni Dasuri matapos nilang makarating sa isang Mall. Dumiretsyo sila sa Women's section kung saan makikita ang mga limited edition ang branded dress nang taon. "Oo naman iha, pumili ka lang kahit anong gusto mo. Ako nang bahalang magbayad nyan."

"Talaga po? Waaah! Tenkyu! Tenkyu! Mama Kim." Nipayakap pa ni Dasuri nang mahigpit ang kanyang biyenan dahil sa sobrang tuwa.

"Sige po, mamimili lang ako." Balak na sanang lapitan ni Dasuri 'yung mga damit nang pigilan sya ni Mama Kim.

"Sandali lang," napahinto naman si Dasuri at nagtatakang nilingon ito.

"Bakit po?"

Ngumiti ito sa kanya at saka nagsalita. "Kukunin ko lang sana 'yung bag mo. Baka kasi mahirapan ka kapag nagsukat kana." Nagtu-twinkle pa ang mata ng mama ni Kai habang sinasabi 'yon. Kahit parang nagtataka na si Dasuri sa kinikilos nito ay hinubad parin nya ang kanyang bag at inabot 'to dito.

Wala naman sigurong masama kung pumayag ako. Mama naman 'yan ni Kai eh. kausap ni Dasuri sa sarili.

"Heto po oh"" saad nya.

Kinuha naman 'yon ni Mama Kim at ngumiti nang tagumpay, "Sige iha, mauupo lang ako rito habang namimili ka." Turo nya 'don sa cushion sofa sa tapat nang fitting room. Tumango naman si Dasuri at nagsimula nang mamili nang damit. Hinintay pa ni Mama Kim na mawala ang atensyon sa kanya ni Dasuri bago nagmamadaling umupo 'don sa sofa.

"Ayos, nakuha ko rin 'yung bag nya." Bulong pa nito.

"Take your time iha, h'wag kang magmamadali ha. Maghihintay lang ako rito." Pahayag ni Mama Kim bago buksan 'yung bag. Sinusubukan nya lang kung wala na talaga sa kanya ang atensyon ng manugang. Hindi naman sumagot si Dasuri kaya sinimulan na nya ang binabalak.

"Nandito lang naman siguro 'yon 'no? Imposibleng wala." Bulalas nya habang kinakalikot 'yung bag ni Dasuri. Medyo kinakabahan pa sya habang hinahalukay 'yon.

"Ano ba 'to. Notebook, BB Cream, lipstick, wallet, Ballpen. Bakit wala 'yung hinahanap ko?!" Halos ibuhos na nya sa sahig 'yung laman ng bag dahil sa sobrang pagmamadali.

"Bakit wala dito?! Ano ba 'yan! Mukhang papalpak pa ko." sobra ang kabang nararamdaman nya. Ayaw nyang maabutan sya nang kanyang manugang na parang masamang tao kung manghalukay nang gamit ng iba. Baka pag-isipan pa sya nito nang masama.

"Nasaan na ba kasi 'yon? Aigoo. Baka matapos na si Dasuri sa pamimili."

"Uhh.... Ano po ba 'yung hinahanap nyo?" isang boses mula sa gilid nya ang naulinigan nyang nagtanong. Akala nya'y isa lang sa mga staff ng store kaya hindi na nya ito pinagkaabalahang lingunin pa.

"Yung cellphone ni Dasuri. Saan kaya nilagay 'nung batang 'yon dito? Kanina ko pa hinahanap kaso hindi ko makita. Balak ko kasing tawagan ang anak ko gamit ang cellphone nang asawa nya." Saad nito habang patuloy parin sa paghalukat sa bag.

"Ahh... ganon po ba? Hmm. Wala po kasi talaga dyan ang cellphone ko, Mama Kim. Eto po... nasa bulsa ko." para namang naistatwa ang mama ni Kai nang marinig ang sinabi nang katabi. Pakiramdam nya'y biglang nagyelo ang buo nyang katawan at pagkatapos ay pinukpok ito nang martilyo para mabasag.

Dahan-dahan nyang nilingon 'yung nagsalita at ngumiti nang may pagkaalanganin. 'Langya! Baka hindi na ko galangin nang batang 'to dahil sa pinaggagawa ko ah. Nakakahiya!'

"Ganon ba iha? Hindi mo naman agad sinabi. Nagulo ko pa tuloy 'yung gamit mo. Ha-ha-ha." dali-daling ibinalik ni Mama Kim 'yung mga gamit ni Dasuri sa loob ng bag. Halos hilingin nyang lamunin na lang nang lupa dahil sa sobrang hiya. Idinadaan na lang nya sa tawa.

"Uhh... Sorry po. Hindi ko po kasi akalain na hahanapin nyo 'yon sa bag ko. Dapat nagtanong muna po kayo." Inosenteng sagot ni Dasuri. Napanganga naman ang nanay ni Kai. 'Niloloko ba ko ng batang 'to?'

L. JOE

I went outside the building to check my motorcycle. Nakalimutan ko kasing kunin ang susi kanina pagkapasok ko. Pagkatapos kong gawin 'yon, napansin ko ang isang itim na kotse na huminto sa harapan ni Dasuri.

Mukhang natakot pa sya nung umpisa rito dahil sa bahagya nyang pag-atras. Hindi ko namalayan na kusa na palang naglakad ang mga paa ko patungo roon. Napahinto lang ako nang mapansin ang pagbabago sa reaksyon ni Dasuri. It looks like, she knew the person inside the car.

Lumapit pa ito sa kotse at binuksan ang pinto nito. Pumasok sya roon at sumama sa pag-alis ng kotse.

Naalala ko ang sinabi sa kanya 'nung babae sa loob ng kotse bago ito sumama rito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Kamusta kana, asawa ni Jong In"

So, it's true? She's already married.

Tumayo ako mula sa upuan ko at nilapitan ang nag-iisang babae sa room namin na kulay itim ang suot. She's playing some games on her phone. I grab her hand and pull her outside the room.

"Oy! Anong ginagawa mo?! Saan mo ko dadalhin?!" she blurted out. Nagulat naman ang mga kaklase namin at napatingin sa ginagawa kong panghihila sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan?! Tulungan nyo ko, mga mokong kayo!!" mukhang tatayo ang ilan sa mga kaklase naming lalaki kaya huminto ako at tinitigan sila.

"Don't let yourself get involved here, you'll regret it."

Napayuko 'yung mga lalaki at bumalik sa dati nilang pwesto. "Ay, takte! Ang duduwag nyo. Bitawan mo nga ko!" sinubukan nung babae na makawala sa pagkakahawak ko pero hindi sya nagtagumpay. Hinila ko sya hanggang sa makarating kami sa hallway. "Ano bang problema mo?! Bitawan mo nga ko!" I follow her command.

"Ano bang gusto mo sa'kin ha?! Bakit mo ko dinala dito?" I faced her and then answered,

"Are you close to Dasuri? I saw you talking to her."

She smiled mockingly, "Adik ka ba? Kinausap lang close na agad? Ngayon kinakausap mo ko, edi close na tayo?" mukhang hindi sya madaling kausap.

Lumapit ako't isinandal sya sa pader. Nanlaki naman ang mata nya dahil sa ginawa ko. I put my left hand on her side, "Tell me, is it true that Dasuri is already married? What's her husband's name?" inirapan nya ko nang marinig ang tanong. "May gusto ka ba sa babaeng 'yon?! Ha-ha. Nakakatawa. Akalain mong pati ikaw naakit ng karisma nya?!" tinitigan ko ang mukha nya habang tumatawa. Mukhang wala kong mapapala sa babaeng 'to. Lumayo ako sa kanya at nagsimulang maglakad.

"You are just a waste of time." Saad ko sabay pasok ng aking mga kamay sa bulsa habang naglalakad. Wala na ko sa mood. I will just ditch my class.

"T*ng-ina nito. Kakaladkarin ako tapos iiwan na lang bigla. Mamatay kana sana. Bwiset!"

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Napansin ko naman ang isang babaeng may salamin na nakatayo sa di kalayuan. Mukhang kanina pa nya kami pinapanood kanina.

Wala na sana kong balak na pansinin sya nang bigla syang magsalita.

"Si Kai, Si Kai ng Exo ang asawa nya." I stop and look at her. I saw her name on his I. D, 'IM SORA'. Tinignan din naman nya ko.

"Hindi ko alam kung bakit interesado kang malaman ang tungkol sa kaibigan ko. Pero totoong may asawa na sya. At si Kai 'yon," I don't mind her and continue my walk.

Kai of Exo? Is he an idol?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.