OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 10: SORRY, PAPA



ΚΑΙ

"Wifey, gising na." Hinawakan ko ang balikat ng asawa ko at saka 'to bahagyang tinapik. Gumalaw ito nang kaunti pero nagpatuloy ulit sa pagtulog.

"Dasuri, hindi ka ba talaga babangon?" sa huling pagkakataon. Muli ko syang sinubukang gisingin ngunit matigas talaga ang ulo ng babaeng 'to.

Tinalikuran nya pa ko't nagreklamo, "Mamaya na ko babangon, mamayang tanghali pa pasok ko." Natawa na lang ako sa naging sagot nya. Kailan nya kaya mare-realized ang mga responsibilidad nya bilang isang asawa? Tsk. Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim nya at sinapo ang buo nyang katawan. Tumayo ako habang buhat-buhat ko sya. Napapitlag naman sya't napahawak sa leeg ko. "Woah! H-hubby! Anong ginagawa mo?!"

"Finally, nagising na rin ang asawa ko," kinarga ko sya at lumabas nang kwarto.

"Hubby naman e'. Ayoko pang bumangon, inaantok pa ko." pagta-tantrums nya sa harap ko. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Dasuri, Dasuri, ilang taon kana ba ha? Dalawang beses na tayong ikinasal pero hanggang ngayon, hindi mo parin alam kung paano ba ko alagaan nang tama?" "Ang kapal! Inaalagaan kaya kita!" reklamo nito.

"Talaga?" Pagkarating namin sa kusina, iniusod ko 'yung isang silya sa tapat nang mesa sa pamamagitan ng isa kong paa. Inupo ko 'don si Dasuri na nakakunot ang mga noo.

"Talagang! Talaga!" pagmamalaki nito. Pinitik ko ang noo nya.

"Sinungaling! Wala ka namang ginawa kundi ang magpaalaga sa'kin. 'Yung totoo, ano ba kita? Asawa o anak?" Inayos ko pa ang upuan nya at inilapag ang pagkain sa harap nya. Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Dasuri dahil sa sinabi ko. Palihim akong ngumiti bago umupo sa tapat nya.

Padabog naman nyang kinuha 'yung chopstick at sinimulang sumubo ng pagkain.

"Ang yabang nito. Makikita mo, eto na 'yung huling beses na magluluto ka sa bahay na 'to. Mapapaiyak ka pa dahil sa galing kong mag-alaga." Saad nito habang nakatingin sa'kin nang masama. Nginitian ko lang sya sabay sabing, "Okay, Let's see, kung magagawa mo nga."

Lalong nagapoy ang mga mata nya dahil sa determinasyon. Yumuko naman ako't nagsimula nang kumain. Siguro nga matigas ang ulo ng asawa ko, pero alam ko kung paano sya pasusunurin. "Oo nga pala, pagkatapos kumain mag-ayos ka, aalis tayo." pahayag ko sa kalagitnaan nang pagkain namin. Nilingon naman nya ko't nagtanong. "Saan naman tayo pupunta? Wala ka bang taping?" "Mamaya pa naman ang schedule ko. At saka, may importanteng tao akong kailangang kitain ngayong araw." Halata sa mukha nya ang pagtataka. Iniisip nya siguro kung sino ang tinutukoy ko. "H'wag ka nang magtanong, sumunod ka na lang." Kahit halatang gusto nya pang umangal. Wala na syang nagawa kundi sumunod sa gusto ko.

"Oo na po, Tsk." DASURI

"Hubby, manonood muna ko ng tv. Tutal hindi ka pa naman tapos e." sigaw ko kay Kai habang nasa taas sya habang ako nasa sala. Kinuha ko 'yung remote at saka sumalampak sa sofa. "Ayos, hindi pa tapos 'yung Yokai Watch. Hihi." Sumandal ako sa sofa at komportableng nanood. "Grabidi. Hindi ko 'to napanood kahapon, may pasok kasi."

Habang nag-eenjoy ako sa panonood sa aking Yokai na kaibigan. Napatingin ako sa cellphone ni Kai sa ibabaw nang lamesita na tumutunog. Sinilip ko 'yon para malaman kung sino ang tumatawag. 011-******* CALLING....

Unregistered number? Huminto na 'yung tawag kaya bumalik na lang ako sa panonood. Sino naman kaya 'yung tumatawag kay hubby? Si manager Jamie? Exo members? Relatives? Friends? Imposible. Bakit hindi nakaphone book? Hayaan mo na nga.

"Yokai na aking kaibigan, lumabas ka jibanyan, Yokai medal Set ON." panggagaya ko pa 'don sa pinapanood ko. "Hahahaha. Nakakatuwa talaga ang palabas na 'to."

Nasa kalagitnaan na ko nang palabas nang muli na namang tumunog ang phone ni Kai. Napakamot tuloy ako nang ulo, "Ano ba 'yan! Ang kulit nang tumatawag. Naiistorbo ko sa panonood."

Sinilip ko 'yung taas kung meron na bang Kai na pababa para sagutin ang makulit nyang caller. Kaso mukhang malabong mangyari 'yon. Kahit yabag ng paa nya wala eh. Kinuha ko na lang 'yung phone nya at muling umupo sa sofa. Tinignan ko 'yung name ng caller.

"Sya na naman?" 'yung unregistered number na tumawag kanina. Bakit ba ang kulit nito? Ano bang kailangan nya sa asawa ko?

"Wala naman sigurong masama kung sagutin ko 'tong tumatawag. Asawa naman ako ni Kai at alam na 'yon nang lahat. Baka importante din 'yung sasabihin nito kaya panay ang tawag." Pangungumbinsi ko sa sarili habang hawak-hawak 'yung phone ni hubby.

"Sige na nga, sasagutin ko na." pinindot ko 'yung answer button.

ΚΑΙ

Habang pababa ako nang hagdan, nakita ko si Dasuri na kinakausap ang sarili nya habang may hawak-hawak na cellphone. Sino naman kaya 'yung tumatawag? Bahagya kong binilisan ang pagbaba.

"Wala naman sigurong masama kung sagutin ko 'tong tumatawag. Asawa naman ako ni Kai at alam na 'yon nang lahat. Baka importante din 'yung sasabihin nito kaya panay ang tawag."

"Sige na nga, sasagutin ko na." sabay pindot nya sa answer button at lagay nito sa gilid nang tenga nya.

"Hello?" 'Yan pa lang ang nasasabi nyang magsalita ako mula sa likod nya.

"Cellphone ko ba 'yan?" Napalingon naman sa'kin si Dasuri na halatang nagulat sa pagsasalita ko,

"Oh' hubby. Nandyan kana pala."

Tinitigan ko lang sya dahilan para makaramdam sya nang medyo pagkailang,

"Ahh... ano... kanina pa kasi tumutunog 'tong phone mo. Akala ko nagaayos ka pa kaya sinagot ko na." pagdadahilan nito.

"Sino naman daw ang tumatawag?" tanong ko. Nagkibit-balikat naman ito bilang sagot.

"Ewan. Unregistered 'yung number e." sabay abot nya sa akin ng phone. Kinuha ko naman 'yon at inilagay sa tapat ng tenga ko. Pansin ko sa mata ni Dasuri ang sobrang kuryosidad kung sino ba 'yung tumatawag. Tinitigan pa nya ko sandali bago muling nagsalita, "Ay, nanonood nga pala ko. Haha." sabay upo nito sa sofa.

"Hello? Who's this?" Pero kahit ganon, alam kong palihim nya kong sinusulyapan at nakikinig sa mga sasabihin ko.

Bahagya akong lumayo nang marinig ang boses nung tumatawag,

"Boses ng babae ang una kong narinig pagkasagot ng tawag ko. Is she your wife?" I heard her chuckle.

"Totoo nga, may asawa na ang mayabang na tulad mo. Don't worry, hindi naman ako nagsalita kanina so hindi nya alam na babae ako."

"Saan mo nakuha ang number ko?" tipid kong tanong.

"Wow. Pati ba naman sa phone, cold ka parin sa akin? I got it from your manager kaya wala kang karapatan na magalit. Just save my number dahil hindi pa ito ang huling beses na tatawag ako sa'yo. Put a heart beside my name, okay?" Aist. Ano bang problema ng babaeng 'to? Napalingon ako kay Dasuri na halatang nagsususpetsya na sa kinikilos ko. Baka pag-awayan pa namin 'to.

"Listen, I don't want to be rude to you, So please, h'wag ka nang tatawag ulit. Bye." I ended the call and erase her number.

Lumapit ako kay Dasuri na parang walang nangyari.

"Tara na, baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin." Mukhang gusto pa sana nyang magtanong pero hindi ko sya binigyan ng pagkakataon.

Habang nasa loob ng kotse, halatang hindi sya mapakali. Panay kasi ang pagkilos nito. Titingin sa labas ng bintana, mamaya-maya ay titingin sa harapan. Obvious namang iniiwasan nyang mapadako ang tingin sa'kin. Umubo ako't tinawag ang pangalan nya,

"Dasuri."

"Huh? B-Bakit hubby?" gulat nitong tanong.

"May tanong ako sa'yo," saad ko habang nagmamaneho.

"Ano 'yon?" tanong naman nya habang hindi ako nililingon.

"Nagtataka lang ako. Bakit Papa Kim at Mama Kim ang tawag mo sa parents ko? Bakit hindi na lang mama at papa?"

"Ahh. 'yon ba? Kasi ang dami nating parents. Kung sakaling magsama-sama tayo sa isang lugar, siguradong malilito ko kapag tatawagin ko ang isa sa kanila. Kaya naisip ko, bakit hindi ko na lang na tawagin Papa Kim at Mama Kim ang parents mo. Tapos Papa Choi at Mama Choi naman 'yung sa'kin. O' diba ang galing nang naisip ko?" pumalakpak pa 'to sabay lingon sa'kin nang nakangiti.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pwede mong gayahin 'yung technique ko kung ayaw mo ring malito. Hehe."

Bahagya naman akong tumawa, "Ikaw lang ang makakaisip nyan."

Proud naman itong nagsalita. "Naman, matalino kaya 'tong asawa mo."

"Oo na. Sabi mo eh"" Mabuti naman bumalik na sya sa dati. Nakakahawa 'yung mga ngiti nya eh.

"Kaya ikaw, wag mo kong sasayangin. H'wag na h'wag kang mambabae kasi magsisisi ka." Bigla kong napatitig sa kanya nang may marinig akong parang bumulong. Ang hina kasi nang pagkakasabi. Tama ba ang pagkakarinig ko? "What did you say?" tanong ko.

Natauhan naman sya't nilingon ako. "Meron ba kong sinabi? Wala naman ah? May narinig ka ba? Hahaha. Naku, hubby, pacheck-up kana. Mukhang may diperensya na 'yang tenga mo. Haha." painosente pa nitong saad. Hindi ko na lang pinalaki pa 'yon at ipinarada sa tabi 'yung kotse. "Tara na, baka nakaalis na 'yung mga 'yon." Aya ko sa kanya.

Lumabas naman sya nang kotse at sumunod sa akin papasok sa loob ng Seoul Airport. "Anong ginagawa natin dito? Ahh. Tama! Ngayon nga pala 'yung alis ng parents mo pabalik ng Japan." Bulalas ni Dasuri nang maalala ang nangyari kagabi.

"At saka hubby," bahagyang bumangon si Dasuri. Sapat lang para makita nya ang kabuuan ng mukha ko. Nilingon ko naman sya, "Hindi mo ba naisip? Baka nalulungkot din ang parents mo kasi, hindi nila nasubaybayan ang paglaki mo. Baka nanghihinayang din sila na hindi ka nila naalagaan. Wala nga lang silang magawa dahil ginusto nilang mabigyan ka nang magandang kinabukasan."

She leaned and looks at my eyes, "Lahat naman kasi tayo nagsasakripisyo, sa iba't-iba nga lang na paraan." Then gave me a sweet smile.

Napaisip ako bigla. Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang tungkol 'don? Masyado kong nakulong sa ideyang ako lang ang nasasaktan, na ako lang ang nagdudusa sa sitwasyon namin.

Hindi ko mapigilang mapangiti, akalain mong sa isip-bata ko pang asawa maririnig ang mga salitang gigising sa katangahan ko. Hinawakan ko ang braso nya at hinila sya payakap sa'kin. Bumagsak naman sya sa dibdib ko.

"Woah! Nanggugulat ka naman," Inihiga ko sya sa gilid ko't ginulo ko ang kanyang buhok. "Akalain mong tumatalino na nga ang asawa ko." biro ko pa.

"Yah! Mang-aasar ka na naman ba? Tss." hindi ako sumagot. Sa halip ay ipinikit ko ang aking mata.

"Oo nga pala, hubby.... sabi ni Mama Kim, bukas na daw 'yung flight nila pabalik ng Japan. Wala ka bang balak na ihatid sila? Ako kasi.... parang gusto kong pumunta ng airport."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya sabay halik sa buhok nya. "Matulog na tayo." bulong ko.

"Ibig sabihin? Waaah! Hubby!!!" niyakap pa ko ni Dasuri dahil sa sobrang tuwa. Inilayo ko naman sya nang kaunti at hinawakan sa kamay.

"Mamaya muna ko lambingin. Baka makaalis na sila papa," natauhan naman sya't hinila ko.

"Oo nga. Tara, bilisan na natin."

Masyadong maraming tao sa airport. Marami ang papaalis at marami rin ang kadarating pa lang. Pero kahit ganon hindi kami sumuko ni Dasuri na hanapin ang parents ko.

Kahit na natagalan, hindi pa naman siguro huli ang lahat diba? Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong magsorry sa pagiging makasarili. Bakit ko nga ba sila sinisi sa mga bagay na ako naman talaga ang may kasalanan? Pinili kong magrebelde imbes na maging mabuting anak. Mas pinili kong magalit imbes na intindihin ang mga rason nila.

"Hubby, ayon sila!" Itinuro ni Dasuri ang parents ko na papunta na sa loob patungo sa eroplanong sasakyan nila.

“PAPA KIM!! MAMA KIM!!! SANDALI LANG PO!!!!" sigaw ni Dasuri sabay takbo sa kanila. Natameme pa ko sandali nang makita sila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pero sa huli, ang mga paa ko na mismo ang kusang gumalaw papunta sa kanila.

Bakas ang gulat at tuwa sa mukha ng mga magulang ko nang makita akong papalapit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumigat ang mga mata ko. 'Yung mga ngiti nila, 'yung mga titig na nagpapahiwatig kung gaano nila ko kagustong makasama. Akala ko..... hindi ko na ulit 'yon muling masisilayan pa.

"Pa.... Ma..." bulalas ko nang makaharap ko sila.

Ngayong napagmamasdan ko nang malapitan ang mga mukha nila. Hindi ko makakailang napakalaki na nga ng ipinagbago ng mga ito. Ang mga makikinis nilang mga balat ay may mga mangilan-ngilan nang kulubot. Ang mga mata at ngiti nilang may bakas ng mga pinagdaanan sa buhay.

"Pa.... sorry...."

"I'm sorry for all I did. Sorry kung naging pasaway akong anak. Sorry kung ngayon ko lang nare-realized ang mga pagkakamali ko. Sorry kung......." Yumuko ako't sinubukang itago ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak. Ngayon ko lang narealized, ako pala talaga ang sumayang nang panahon. Ako pala talaga ang may kasalanan, Kung sana hindi ako lumayo. Kung sana, hinayaan ko silang bumawi sa'kin nung mga panahong sinusubukan nilang muling mapalapit sa'kin. Baka mas marami pa kaming naging magandang alala bilang isang PAMILYA.

Hindi ko magawang magpatuloy sa pagsasalita. Sabay-sabay na bumabalik sa alaala ko ang mga panahon noong bata pa ko. 'Yung mga panahong walang pu-pwedeng manakit sa'kin dahil nandyan sila para protektahan ako. 'Yung panahong hindi ako natatakot madapa dahil nandyan sila para alalayan ako.......

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Nandyan sila para patahanin ako.

"Sssh.... Hindi mo na kailangang magsalita pa. Naiintindihan na kita, anak." Lalo kong naiyak nang maramdaman ang braso ng aking ama na nakayakap sa'kin nang mahigpit. 'Yung pakiramdam na matagal ko nang hiniling na muling maramdaman.

"Masaya kong nagawa mo na rin kaming intindihin ng mama mo. Ngayon, talagang napatunayan kong maari ka na ngang tumayo bilang isang ama. Basta tatandaan mo lang, Jong In, anak ko. Kahit saan ka man makarating, kahit ilang taon man ang bilangin. Hindi magbabago ang pagmamahal namin sa'yo ng mama mo. Ikaw ang nag-iisang kayamanan na pinaka i-ingatan, at ipinagmamalaki ko." Niyakap ko rin nang mahigpit si Papa. Wala kong pakialam kung ano man ang maging tingin sa'kin ng mga tao sa paligid. Wala kong pakialam kung makilala nila kung sino ako. Ang mahalaga....

Maiparamdam ko sa papa ko, kung gaano sya kahalaga sa'kin.

"Sige na anak, tahan na. Hindi ka ba nahihiya? Nakikita ka ng asawa mong umiiyak." Pagpapatahan sa'kin ni Papa. Pinunasan ko ang mga mata ko at nilingon si Dasuri na umiiyak rin habang yakap-yakap ni mama. "Nakakahiya nga, Pa. H'wag na nating uulitin 'to ha." sabay kaming tumawa ni Papa pagkatapos 'non. Hinawakan nya ko sa balikat at bahagyang pinisil ito. "Alagaan mo ang asawa mo. H'wag mo syang bibigyan nang dahilan para umiyak. Maging mabuti ka ring ama, kahit pa hindi ako naging ganon sa'yo."

Tumango ako bilang sagot. Nilapitan ko sila mama, kinuha ko si Dasuri at hinayaang umiyak sa dibdib ko, "Tahan na wifey, baka akalain ng iba pinapaiyak kita." Bulong ko rito.

Humihikbi naman itong sumagot, "S-Sorry. Hindi ko lang mapigilan. N-Natouch kasi ako sa inyo ni Papa Kim."

"Patahin mo 'yan anak. Baka mamaga pa ang mata nang pinaka paborito kong manugang." Paalala ni mama. Maya-maya nama'y narinig namin ang isang boses na nagsasabing kailangan nang sumakay sa eroplano ng mga pasaherong papunta ng Japan.

"Paano anak, kailangan na naming pumasok. Baka maiwan pa kami ng eroplanong sasakyan namin. Lagi kayong mag-iingat ni Dasuri ha? Gumawa na agad kayo ng magiging apo namin para naman hindi na ko malungkot. Damihan nyo rin para masaya." Paalala pa ni Mama bago umalis. Si mama talaga.

Sa huling pagkakataon, niyakap ko sila't nagpaalam. Masaya kong hindi pa naging huli ang lahat.

"Tara na, wifey. Bumalik na tayo sa kotse ko." Aya ko kay Dasuri pagkatapos makapasok nila papa sa loob. Sa loob nang mahabang panahon, ngayon lang ata naging maluwag para sa'kin ang pag-alis nila. Siguro dahil narin sa katotohanang hindi na ko nag-iisa.

"Oh' panyo. Punasan mo 'yang mukha mo nang hindi ka pagtawanan ng mga kaibigan mo mamaya. Ihahatid na kita sa school mo." pahayag ko pagkapasok namin sa loob ng kotse.

Kinuha naman 'yon ni Dasuri at sinunod ako. Pinaandar ko ang kotse at tinahak ang daan patungo sa Seoul National University. Makaraan ang ilang minuto, nakarating naman kami agad sa bukana nito. Pumarada ko sa tabi at sinulyapan ang katabi ko. Ayos na naman ang lagay nito. Tumigil na rin sya sa pag-iyak. "Nandito na tayo wifey. Okay na ba 'yung pakiramdam mo? O gusto mo sunduin kita mamaya?" Umiling-iling naman 'to, "Hindi, okay na ko. Ayoko namang gambalain ka pa pati sa trabaho mo. Kaya ko nang umuwi mag-isa."

"Okay sige, but promise me. Kapag gusto mong magpasundo. Tawagan mo ko agad."

"Opo, sige na hubby. Pasok na ko. Ingat ka sa pagmamaneho ha? Bye." Kinuha nya 'yung bag nya then gave me a peck on my lips bago sya tuluyang bumaba ng kotse. Pagkasara nya ng pinto, may naalala kong isang bagay. Ibinaba ko 'yung salamin ng kotse.

"Dasuri," tawag ko rito.

"Bakit hubby?" sinenyasan ko sya na bumalik sa kinaroroonan ko. Sinunod naman nya 'yon. Inilabas ko ang wallet mula sa aking bulsa at inilabas ang isang credit card mula rito. Inabot ko 'yon kay Dasuri, "Take this."

Kahit nagtataka ay tinanggap nya iyon. "Kanino namang credit card 'to?" tanong nya.

"Sa'yo." Casual kong sagot.

"Huh? Pero wala naman akong maalala na kumuha ko nito? At saka isa pa, meron pa kong credit card na ginagamit. Kabibigay lang sa'kin 'non ng mama ko nung isang buwan." "Don't use your credit card. 'Yan na lagi ang gamitin mo." utos ko rito.

"Eh? Pero..."

"No buts, Dasuri. Since naging mag-asawa tayo. Ako na ang may responsibilidad sa'yo. Itigil mo na ang panghihingi ng pera sa parents mo. Ako ang nahihiya sa ginagawa mo."

"Pero Kai, parents ko naman 'yon. Kaya nga sila nagtatrabaho para sa'kin tapos pipigilan mo kong gastusin 'yung pera nila." nakanguso pa nyang pagpapaliwanag. Ang tigas talaga ng ulo ng asawa ko.

"Mrs. Kim, Listen. Hindi kita pinagbabawalang gumastos. Buy whatever you want basta lahat ng expenses mo ako ang sasagot. Nagtatrabaho rin ako para sa'yo, kaya wag matigas ang ulo. Sige na. Aalis na ko. Tumawag ka kapag nasa bahay kana." Itinaas ko na 'yung salamin nang kotse at nagsimulang umalis.

Akala nya ata nagbabahay-bahayan lang kami. Stupid wife.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.