Chapter CHAPTER 11: PLANS
SORA
"Dasuri." mahina kong bigkas nang mamataan ko ang kaibigan kong si Dasuri sa di kalayuan.
Papasok na rin ako ng building namin nang mapansin ko ang isang kotse na pumarada sa gilid. Iniluwa nito si Dasuri. Balak ko nang sumabay sa kanya sa pagpasok kaya hinintay ko sya sa bukana ng building. "Hinatid siguro sya ng asawa nya." Komento ko pa.
Habang naghihintay, napansin ko ang isang motorsiklo na kapapasok pa lang ng school. Nakasalubong nito 'yung kotse ng asawa ni Dasuri. Sinundan ko lang nang tingin 'yon hanggang sa maiparada na ito sa parking area. Dahan-dahang hinubad ng driver 'yung helmet nya. At doon bumungad sa'kin ang isang familiar na lalaki. Gangster inspired parin ang damit nito at hindi ngumingiti.
Napansin kong nilingon nya 'yung kotse ng asawa ni Dasuri at pinagmasdan ang paglayo nito. Nakita nya siguro na doon bumaba si Dasuri kanina.
"Bakit ba parang interesadong-interesado sya sa asawa ni Dasuri?" wala sa loob kong tanong sa sarili. Nagulantang naman ako nang biglang sumulpot si Dasuri sa harap ko. "Woy! Sinong tinitignan mo dyan ha? Atsaka sino 'yung interesado......sa asawa ko?" bigla kong kinabahan sa tanong nya. Hala... narinig nya pala ang sinabi ko.
"Wala. Wala naman akong sinabing ganon ha? Baka nabibingi ka lang. Nga pala, bakit hindi ka pumasok sa klase ni Ms. Seo kahapon? Hinanap ka nya." Pag-iiba ko sa usapan.
"Bigla kasing dumating 'yung parents ni Kai kaya kinailangan kong umuwi. Talaga namang hahanapin ako 'non. Alam mo namang ako ang favorite 'non. Favorite alaskahin." Nakangusong sambit nya. Sabagay, tama naman sya. Mula nang malaman ni ma'am na si Kai ang asawa nya. Walang araw ata na hindi sya kinulit nito. Nakakatawa nga kung minsan.
"If both of you wants to talk, go on the bench so you won't block the hallway." Nagulat kami pareho nang may biglang dumaan sa gitna namin. Pareho pa kaming napaatras ni Dasuri dahil 'don. Pagtingin ko sa lalaki, nakita ko si L. Joe na dire- diretsyo papasok nang building.
"Aist. Epal talaga 'yung mokong na 'yan. Kapapasok ko pa lang nang bi-bwiset na naman. Tara na nga Sora, baka malate pa tayo sa klase." Naunang naglakad si Dasuri na sinundan ko naman.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya 'yung tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko alam 'yung totoong dahilan kung bakit pilit na tinatanong ni L. Joe si Gain tungkol sa asawa nya. Paano kung ako lang pala ang nagbi-big deal dito?
"Uhm. Dasuri? Pwede ba kong magtanong?" saad ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Sure, basta wag lang about sa Math or Science. Mahina ko 'don eh. Haha."
"Hmmm. Sigurado ka bang hindi kayo magkakilala ni L. joe?" iniwasan ko ang tingin nya para hindi nya mahalatang meron akong itinatago. "Sino? Si L. joe? Hindi ko talaga kilala 'yon. Hindi ko nga alam bakit sya gumawa ng eksena kahapon. Nakasinghot ata. Bakit mo natanong?" "Wala lang, kasi diba pareho kayong transferee galing America? So, naisip ko, baka naman schoolmate kayo dati?"
Biglang napaisip si Dasuri dahil sa sinabi ko. Malaki kasi ang chance na tama ang konklusyon ko.
"Hmm. May point ka naman 'don. Kaya lang, malaki ang America. Hindi naman iisang lang university 'don kaya malaki din ang chance na hindi ko sya schoolmate. Baka adik lang talaga ang gangster na 'yon kaya napagtripan nya ko kahapon. H'wag mo na ngang alalahanin 'yon. Wala naman akong paki sa kanya kaya wala kong balak na alamin ang background nya." Sabay pasok nito sa loob ng room namin.
Bahagya ko namang binagalan ang lakad ko. Sinulyapan ko pa si L. joe habang papasok sa loob. Nakasuot na naman sya ng headphone habang nakatingin sa labas ng binata. Samantalang si Dasuri ay nakipagdaldalan na sa mga kaklase namin.
Siguro nga totoo 'yung sinabi ni Dasuri. Baka kung anu-ano lang ang iniisip ko. Mukha naman kasing wala syang balak na gumawa ng masama.
DASURI
"Ahhh~" nag-inat ako matapos ang klase namin. Grabe. Inantok ako sa discussion 'nung professor muntik na nga kong makatulog. Haha.
Inayos ko na 'yung gamit ko at sinalansan 'to. Dahil isa lang naman ang subject ko ngayong araw, makakauwi ako nang maaga. YEHEY!! May oras pa ko para makapag-ayos sa bahay.
"Dasuri, uuwi kana ba kaagad?" naulinigan kong tanong sa akin ni Sora. Nilingon ko naman sya't nginitian nang wagas.
"Oo, magpapakaasawa kasi ako ngayong gabi."
Kahapon, habang nagsa-shopping kami ni Mama Kim, napagkwentuhan namin si Kai.
"Iha, pasensya kana kung hinalukat ko ang bag mo nang walang paalam. 'Yon lang kasi ang naiisip kong paraan para magpakita sa amin anak kong si Kai. Nakakahiya mang aminin, pero hindi ganon kaganda ang relasyon namin ng anak ko. Kailangan ko pang gumamit ng pwersa para lang makita sya." bakas sa mga mata ni Mama Kim 'yung lungkot habang sinasabi 'yon. Hinawakan ko sya sa braso.
"Okay lang po 'yon, mama Kim. Willing naman po akong tumulong sa inyo para mapasunod natin 'yang si Kai. Basta, simula sa araw na 'to partners in crime na po tayo." saad ko para pagaangin 'yung nararamdaman nya. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi nito.
"Aigoo. Ang swerte ko talaga sa naging manugang ko. Kaya h'wag na h'wag mong hihiwalayan ang anak ko ha? Baka kasi ako ang maglupasay sa lungkot kapag ginawa mo 'yon." Natawa naman ako sa sinabi nya. Hinding-hindi ko na talaga hihiwalayan si Kai. Ang dami kayang naiingit sa'kin dahil napangasawa ko ang bias ko. Hihi.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa hallway nang mall habang tumitingin-tingin ng mga damit sa paligid. Hindi naman nagtagal ay huminto si Mama Kim sa tapat ng isang store kung saan may mga nakadisplay na nightgown. "Dasuri iha, alam mo naman sigurong nasasabik na kami ng papa ni Jong In na magkaroon ng apo. Nag-iisa lang naming syang anak at sobrang tagal na rin since nagkaroon ng bata sa bahay. Ganon din ang parents mo, kaya sana, hinihiling ko sa'yo." Nagulat ako nang humarap sa akin si Mama Kim at hawakan ang mga palad ko.
"Bilis-bilisan nyo naman ang paggawa. Naiinip na kami eh."
Napalunok ako nang marinig 'yon. Alam ba ng mama ni Kai ang sinasabi nya? Nakakahiya naman 'to.
"Pero Mama Kim, hindi po yata dapat sa akin sinasabi 'yan. Dapat po diba 'yung lalaki 'yung gumawa ng first move? Kasi kapag 'yung babae... ano.... nakakahiya." Feeling ko umuusok ang magkabilang tenga ko habang sinasabi 'yon. Gosh. Uminit bigla ang paligid. Paypay! Paypay!
"Ano ka ba! Modern na ngayon. Pantay na ang karapatan ng babae at lalaki. Kaya dapat maging agresibo rin ang mga babae paminsan-minsan. Halika, ipapaliwanag ko sa'yo kung paano namin nabuo si Jong In." EHH??
Kahit labag sa kalooban ko at kahit parang bulkan na kong sasabog sa kahihiyan. Wala kong nagawa kundi sumunod nang hilahin ako ni Mama Kim papasok 'don sa store. Waaah! Kai help. Bine-brain wash ako ng mama mo.
"Pero mama Kim... wala pa ata sa plano ni Kai ang magkaroon kami ng baby. Busy pa po kasi sya sa taping at schedule ng grupo nya. Wala na syang oras para dyan." Pagbabakasakali ko na baka magbago pa ang isip ng aking modernong biyenan. Haysst. Kapag wala kong ginawa baka mapasubo ako nito.
Hindi naman nya ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Kaya nga ikaw na ang kikilos para sa inyong dalawa. Team work ang pag-aasawa. Kung hindi sya pwede, edi ikaw ang gumawa ng paraan. Basta maniwala ka lang sa akin iha, subok ko na 'to sa papa ni Jong In. Haha." hindi ko alam kung kikilabutan ba ko o hindi sa sinasabi ni Mama Kim. Para kasing may senaryong tumatakbo sa utak nya na ayaw ko nang malaman kung ano ba 'yon.
"Eto. Eto bagay sa'yo 'to. Siguradong maaakit si Jong In kapag nakita nyang suot mo 'to." Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang tinutukoy ni Mama Kim. Sea green, see-through night gown. Naramdaman ko ang pag-init nang magkabilang pisngi ko. Sa tingin ni Mama Kim, kakayanin ko ang magsuot nang ganyan? Gosh. Baka matuloy na ang pagguho ng mundo kapag nangyari 'yon. "Mama Kim naman, baka naman po himatayin ang anak nyo sa kakatawa kapag sinuot ko 'yan." Baka hindi nya ma-i-dentify ang harap sa likod. Huhu.
"Bakit naman? Hindi mo pa nga nasusubukan. Gusto mo isukat mo para makita natin."
"Ano po?! H'wag na mama Kim. Mabuti pa tumingin pa tayo nang iba." Hinila ko na sya bago pa masira ang kinabukasan ko. Parang awa nyo na po, patigilin nyo na si Mama Kim. Huhu.
"O' sige, eto na lang. Makikita dito ang hubog nang iyong katawan." Kinuha nya ang nakahanger na black sexy nightgown na nakita nya. Itinapat pa nya ito sa katawan ko.
"Mamili ka. Ito bang black o 'yung white?"
Pakiramdam ko, harap-harapan kong minamaliit ang sarili ko. Hindi ba alam ni Mama Kim na halos mamatay na ko dito sa kinatatayuan ko? Anong hubog naman ang tinutukoy nya? Hindi nya ba nakikita na pang baby bra lang 'tong hinaharap
ko? Uwaaah! Hubby, iuwi mo na ko please.
Grabe talaga ang torture na naranasan ko kahapon. Mabuti na lang at nakalabas ako sa store na 'yon na humihinga pa. Hayst. Napabuntong-hininga pa ko nang maalala 'yon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ganon ba? Edi mauuna ka na pala sa akin. Dadaan pa kasi ako ng library para mag-aral." Sagot ni Sora. Tinignan ko sya with a Seryoso-Ka-Look?!
"Hindi ka ba nagsasawa sa pag-aaral? Hinay-hinay lang, mamaya nyan maloka kana." Komento ko pa. Wala atang oras na hindi ko sya nakikitang nag-aaral eh. Baka sumobra na ang talino nito. Maging Jimmy Neutron. Haha. "Sige, alis na ko. Kita na lang tayo bukas. Bye." Kinuha ko 'yung gamit ko at nagsimulang maglakad palabas nang room. Bubuksan ko na sana 'yung pinto nang may maunang gumawa 'non para sa akin.
"Ladies first," saad nya.
Medyo napatulala pa ko saglit nang makita kung sino 'yon. Pagkalabas ko, sumunod na rin sya at saka nagdire-diretsyo sa paglalakad. Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo.
"Himala. Hindi nya ko inasar?"
Ngayon ko lang narealized. Natapos ata 'yung klase namin ngayon na matiwasay? Kahapon kasi napansin kong lagi syang nakatingin sa akin, tapos sinundan nya pa ko sa hallway. Kaya nga sinabi ko sa kanyang crush nya ko eh. So, tapos na 'yung panti-trip nya sa akin?
"Okay ngayon eh, at least tatahimik na ulit ang buhay ko." saad ko sabay lakad na paalis.
Habang nasa bukana na ko ng school. Tinawagan ko si Kai para sabihing umuwi sya agad. May supresa pa ko sa kanya eh. Hihi.
"Hello hubby? Busy kaba?"
"Hindi naman. Bakit? Nasa bahay kana?"
"Uhh... papauwi pa lang."
"Gusto mo sunduin kita?"
"Hindi na. Sasabihin ko lang naman sa'yo na kung maari, agahan mo 'yung pag-uwi saka dumiretsyo kana agad sa bahay. May surprise kasi ako sa'yo." Pinipigilan kong mag-giggle habang sinasabi 'yon. Kailangan hindi nya mapansin na may binabalak ako.
"Sure, wifey. Uuwi agad ako, para sa'yo."
"Okay! Bye, Hubby. Love you."
"I love you more." I ended the call na nakangiti.
Ayos, excited na ko. KIM JONG IN. Humanda ka sa pinaplano kong supresa. Siguraduhin mong hindi ka pagod. Ahihi. Lumbas na ko ng school at nagdiretsyo sa sakayan ng bus.
Ilang minuto na rin ang lumipas pero wala pang dumadating kahit isang bus.
"Anong oras na ba? Baka maunahan pa ko ni hubby na umuwi nito eh. Aist."
Hindi na ko mapakali sa pwesto ko. Bakit sa dinami-rami ng araw ngayon pa talaga na-trapik 'yung mga 'yon. Kaasar naman. Mapupurnada pa 'yung plano ko nito eh.
"Oh! Si L. joe ba 'yon?" tanong ko sa sarili nang mamataan ko sya sa di kalayuan. Mga ilang segundo na lang ay dadaan na 'to sa harap ko. Pu-pwede siguro kong makisabay sa kanya tutal classmate naman kami eh. Tapos crush pa nya ko kaya I'm sure, hindi sya tatangi. Sige nga, wala namang masama kung susubukan.
"Hoy! L. joe! Tumingin ka dito." Kumaway-kaway pa ko para makuha ang atensyon nya.
Nilingon naman nya ko kaya lalo kong nabuhayan ng loob. "Pwede ba kong makisabay ha? Wala kasing masakyan na bus." Pagmamakaawa ko pa.
Kaso ang buong akala kong hihinto na sya sa harapan ko ay biglang naglaho. Ibinalik nya ang kanyang tingin sa daan at pinaharurot pa ang kanyang motor.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Dahan-dahan namang bumababa ang mga kamay ko mula sa pagkaway nito kanina. Biglang kumulo ang dugo ko, "Loko 'yon a'. Talagang ginagalit ako. Humanda sya sa'kin bukas. Arggh!" /HYENA/
"Lumabas ka dyan. Alam kong kanina mo pa ko sinusundan."
Lumabas ako mula sa kinatataguan kong poste. Nakayuko akong humarap sa kanya.
"P-Pasensya na. H-Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nyo ni Ms. Jang kanina. Pero kahit ganon, n-naisip ko na baka kailangan mo nang makakausap."
Napansin ko ang pagharap nya sa'kin kahit pa nakayuko ako. Lalo akong kinabahan nang lumapit ito sa'kin. Hinawakan nya ang baba ko at unti-unti itong iniangat. Pinagtama nya ang aming mga mata. Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Para itong kampanang umaalingaw-ngaw sa magkabilang tenga ko.
"Tigilan muna ko. Kahit anong gawin mo, hindi ako magkakagusto sa'yo." Dahan-dahang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko. Nagawa ko nga syang mapatingin sa akin, pero bakit ganon sa masakit namang paraan? "Okay, cut! Good Take!"
Tinanggal na ni Kai ang kamay nya sa akin. Naglapitan naman sa'kin ang mga alalay ko. Binigyan nila ko ng tissue pamunas sa mga luha ko. Ginamit ko naman 'yon habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.
"Kamusta na kayo ng asawa mo? Hindi ba sya nagalit dahil sa ginawa kong pagtawag kanina?" Napahinto sya sa paglalakad at hinarap ako.
Gaya ng dati, wala itong kaemo-emosyon pagdating sa'kin. "Bakit mo tinatanong?"
"Bumalik na kayo sa upuan." Utos ko sa mga alalay kong nagpapaypay at nagpupunas ng pawis ko. Nilapitan ko naman si Kai at nginitian. "Para kasing kinakabahan ka 'nung tumawag ako." Hinawakan ko pa ang kuwelyo nya at pinaglaruan 'to.
"Selosa siguro 'yung asawa mo."
Hinawakan nya 'yung kamay kong nakahawak sa kuwelyo nya at tinanggal 'to. "Tama ka, kaya kung pu-pwede tigilan mo na ko."
I rolled my eyes. Akala nya ba nagro-roll pa rin ang camera? Parang walang ganong pinagbago ang dialogue at sinabi nya ngayon. Nagcrossed-arm ako at nilapitan pa sya. I look straight to his eyes para damang-dama nya ang sasabihin ko, "Bakit ko naman gagawin 'yon? Nakakalimutan mo atang ako ang leading lady mo. Mas gugustuhin ng mga tao na makitang ako ang kasama mo, kaysa dyan sa asawa mo."
Mukhang nainis sya sa sinabi ko. Kitang-kita ko 'yon mula sa reaksyon ng mukha nya. Masyado kasing matigas ang ulo nya. Hindi sya marunong makinig sa akin.
Matapos ang ilang segundong titigan, nauna syang bumawi nang tingin dahil sa pagtunog cellphone nya. Kinuha nya iyon at sinagot. "Hindi naman. Bakit? Nasa bahay kana?" Sino kaya 'yung kausap nya? Teka nga, as if I care?
"Gusto mo sunduin kita?" talagang tumagilid pa sya para lang hindi ko marinig ang usapan nila.
Sa tingin nya ba nakikinig ako? Ha. Makaalis na nga.
Aalis na sana talaga ko sa pwesto ko nang marinig ang sinabi nya. Bigla kong napahinto dahil 'don. "Sure, wifey. Uuwi agad ako, para sa'yo."
So, ang asawa nya pala 'yon?
Muli ko syang nilingon. At sa pagkakataong iyon ay nakatingin na rin sya sa'kin. Pinamumukha nya ba sa'kin na mas importante kaysa sa'kin ang asawa nya?
"I love you too." He hung up the phone and then leaves me.
I smirked. Talagang hinahamon mo ko Mr. Kim. Tignan na lang natin kung magagawa mo pa kong itratong parang wala lang sa mga susunod na araw. Mapapasunod din kita. Maghintay ka lang.