Chapter CHAPTER 12: HOW TO SEDUCE YOUR HUSBAND
DASURI
"Nandito na ko," inilibot ko agad ang paningin ko.
"Ayos! Mukhang wala pa si Hubby," patakbo kong pumasok sa loob at inihagis ang bag ko sa sofa. Kailangan mai-ayos ko na ang lahat bago pa sya dumating.
Pumunta ko sa kusina at naghanap ng mga pwedeng iluto. Nakakita naman ako ng mga raw ingredients sa loob ng refrigerator.
"I-yu-youtube ko na lang kung paano ba 'to lutuin."
Kinuha ko 'yung apron at isinukbit 'to sa katawan ko. Itinali ko rin ang buhok ko at nagsimulang magluto. Inilagay ko 'yung cellphone ko sa lugar kung saan makikita ko nang maayos 'yung instruction sa Youtube. "Sana tama 'tong ginagawa ko," sambit ko habang hinuhulog ang mga gulay sa pinakukuluan kong soup. Balak ko kasing magluto ng Pork Sausage Stew, Korean Style Sushi Roll, at Kimchi Fried Rice. Sana magustuhan ni Kai. Ahihi.
Habang hinihintay kong maluto ang mga 'yon. Sinimulan ko na ring ayusin 'yung maliit na mesa sa sala. Naglagay ako ng red wine, candles, at kung anu-ano pang decoration para set ang mood namin mamaya. Matapos kong gawin ang lahat ng 'yon at matapos kong masiguro na okay na ang lahat. Tinignan ko 'yung oras.
"Naku, 7:00 na pala nang gabi. Siguradong maya-maya darating na si hubby. Kailangan ko nang magmadali."
Tumakbo ko paakyat sa kwarto namin. Binuksan ko 'yung drawer at kinuha ang isang paper bag na may lamang pink night gown na may itim na laso. Simple lang 'yon kumpara sa mga napili ni Mama Kim. Hindi masyadong daring pero kahit ganon, alam ko magugustuhan 'yon ng asawa ko.
Pumasok ako sa banyo na may matamis na ngiti. Etong gabing ito ay isa sa mga gabing hinding-hindi ko makakalimutan. "Dasuri, Aja!"
ΚΑΙ
"Sige, Paalam po." Pagpapaalam ko sa mga kasamahan ko sa shooting. Madilim na pala sa paligid. Naalala ko tuloy ang asawa ko. Ano naman kaya 'yung supresang sinasabi nya? H'wag mong sabihing balak nyang sunugin 'yung bahay? Lumapit ako sa kotse ko at i-nunlock 'to. Bago ko pa man 'to mabuksan nang tuluyan, may naramdaman akong bagay na idinikit sa tagiliran ko.
"Holdap 'to. H'wag kang kikilos nang masama." bulong sa akin nung lalaki. Lilingunin ko pa lang ito ay muli na naman syang nagsalita,
"H'wag ka nang lumingon. Ibigay mo na samin ang susi ng kotse mo."
Bahagya kong tumawa, "Paano kung hindi ko ibigay, anong gagawin nyo sa akin?"
"Edi..... pakainin mo na lang kami sa bahay mo."
Tuluyan na kong tumawa. Humarap ako sa kanila at nagtanong, "Anong kalokohan na naman 'to mga hyung?"
Tanong ko sa limang lalaking nakatayo sa harapan ko. Si Chanyeol na nagpanggap na holdaper, si Baekhyun, Kyungsoo, at Suho na may dala-dalang mga pagkain. Pati na si Sehun na nakapoker-face na naman. "Paano mo nalaman na kami 'to?" gulat na gulat na tanong ni Chanyeol. Cool ko namang tinuro 'yung salamin ng kotse.
"Nakita ko dito."
"Aist. Sabi ko na nga ba papalpak ang yodang 'yan. Sabi ko naman kasi ako na lang." Reklamo pa ni Baekhyun.
"Seryoso? Anong ginagawa nyo dito? Magdadala nang pagkain? Pero tapos na 'yung taping." Ang dami kasi nilang dalang inumin at pagkain.
"Sino naman nagsabing sa taping mo kami pupunta?" saad ni Suho hyung.
"Nagkayayaan kaming lima. Balak sana naming pumunta sa bahay nyo para bisitahin si Dasuri. Kaso naisip namin mas maganda kung kasama kana namin kaya pumunta kami dito." Pagpapaliwanag ni D. O. "Bumili na kami ng sariling pagkain at inumin kaya hindi nyo na kailangang mag-abala." Singit naman ni Sehun.
"Ganon ba?" Hindi naman siguro magagalit si Dasuri kung isasama ko sila? Kaya lang paano na 'yung supresang tinutukoy nya? Pero hindi rin naman pwedeng ipagtabuyan ko na lang ang mga ito. Bahala na nga.
"Sige, Tara."
THIRD PERSON/
"La la la la la." Nagha-hums pa si Dasuri habang naliligo. Natapos na nyang shampoo-han at sabunan ang buhok at katawan nya. Nakapagbanlaw na rin kasi sya at kinuha nya ang isang tuwalya at pinunasan ang katawan. Nagsuot muna sya nang bathrobe para makapagapply nang kaunting make-up. Habang nasa harap nang salamin, hindi nya mapigilang mapangiti. Naiisip na nya ang magagandang bagay na pu-pwedeng mangyari mamaya. "Matagal-tagal na rin simula nang gawin namin 'yon. Ganon parin kaya ang feelings kapag ginawa namin ulit 'yon? Waaah! Namumula na ko, iniisip ko pa lang." tinapik-tapik pa nya ang sarili dahil sa sobrang kilig. Tumayo na sya mula sa tapat nang salamin at kinuha ang nakahanger na pink night gown sa tabi.
"Ikaw ang isa sa mga masu-swerteng makakakita ng mangyayari mamaya. Sssh. Atin-atin lang 'yon ha? Hihi."
Pinagmasdan pa nya ang kabuuan ng kwarto. "Okay lang kahit masira lahat ng design na inilgay ko sa kamang 'to. Basta ba kaming dalawa ni Kai 'yung dahilan. Ano ba! Haha." Bukod kasi sa sala, inayos din ni Dasuri ang kwarto nila para sa inaasahan nyang HONEYMOON nila mamaya.
Papasok na sana sya nang banyo para magpalit ng damit nang biglang may magdoorbell.
*Ding**Dong*
"Um? Si Kai na ba 'yon? Pero bakit kailangan pa nyang magdoorbell?" nagtatakang-tanong ni Dasuri sa sarili.
"Ahh. Baka sa kapit-bahay lang," wala na sana syang balak na pansinin pa 'yon kung hindi lang naging sunod-sunod ang pagtunog nito.
"Aist. Sino ba 'yan?" inis nyang sabi sabay lapag nung damit sa kama. Nagmamadali rin itong tumakbo pababa para tignan kung sino ba 'yung pindot nang pindot sa doorbell. Naiirita na sya sa ingay nito. "Nandyan na!!" sigaw pa nito habang pababa nang hagdan.
Samantala......
Sa labas ng bahay nila.
"Ang kupad naman ng asawa mo Kai." Komento ni Sehun na halatang naiirita na sa tagal nang paghihintay. Ilang beses na nitong pinindot ang doorbell pero wala paring Dasuri na nagbubukas. "Nasaan ba kasi 'yung susi mo?" tanong ni Suho.
"Naiwan ko pala sa kwarto namin kanina. Sandali, tatawagan ko na lang sya para malaman nyang nandito na tayo." Inilabas ni Kai ang cellphone mula sa bulsa nya at nagsimulang magdial. "Nangangawit na ko. Ang bigat pa naman nang dala ko." reklamo ni Baekhyun.
"Puro chi-chirya lang naman 'yang dala mo. Makapagreklamo ka." Saad ni Chanyeol. Inirapan lang sya ni Bacon.
"Hindi sinasagot eh." pahayag ni Kai matapos tawagan ang asawa. Lalong nagreklamo ang mga kasama nya dahil 'don. Pero hindi rin naman nagtagal ay narinig nila ang unti-unting pagbukas ng pinto. "Oh. Ayan, may nagbubukas na." Nabuhayan naman ang lima nang mapansin 'yon. Sabay-sabay pa nilang itinuon ang atensyon sa pintong unti-unting nagbubukas.
"SINO KA BA HA?? BAKIT PANAY PINDOT MO SA---WAAAAAH!!!!!!"
Napatili na lang si Dasuri nang makita ang mga lalaking nasa likod ng pinto nila. Pakiramdam nya napako na sya sa mismong kinatatayuan nya.
LORD. PANAGINIP LANG PO 'TO DIBA?? HINDI 'TO TOTOO. WAAAH! LAMUNIN NA PO SANA KO NG LUPA. HUHUHUHU.
Halos lumuwa naman ang mga mata ng lima nang makita ang babaeng nagbukas ng pinto. Natameme pa sila dahil sa gulat. May suot-suot itong ribbon sa ulo at pink folk-a-dots na bathrobe.
Lahat sila ay na-estatwa dahil sa pangayayari. Nanlaki ang singkit na mata ni Sehun. Sumingkit naman ang bilugang mata ni D. O. Nangitim si Suho habang namuti ang asawa nyang si Kai. Nabitawan pa ni Chanyeol ang dala-dalang supot habang si Baekhyun ay muntikan nang himatayin.
JUSKO GUGIGO. BAKIT NYO PO HINAYAAN NA MASILAYAN NAMIN ANG ISANG KARUMAL-DUMAL NA TANAWIN??? Halos sabay-sabay na isip nang apat.
"Ang mata ko! Huhu. Pakiramdam ko nabulag ako nang ilang segundo dahil 'don." - Baekhyun.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ikaw lang ba? Ako nga pakiramdam ko, nagkasore eyes ako bigla. Grabe. Ang tinding pagsubok 'yon." Segunda pa ni Chanyeol.
"H'wag na tayong bumalik sa bahay na 'to. Nakakatrauma." Komento pa ni Sehun.
'Yan ang usapang naabutan ni Dasuri pagkababa nya nang hagdan. Napakaripas sya nang takbo pabalik sa kwarto nila matapos matauhan sa kahihiyang naranasan nya. Hindi naman kasi nya inaasahang bigla na lang susulpot sa bahay nila ang mga kagrupo ng asawa.
SA DAMI NG ARAW, NGAYON PA TALAGA?? BWISET! Isip-isip pa nya.
Wala na tuloy syang nagawa kundi ang kumaripas ng takbo paakyat. Nagpalit sya nang damit. Imbes na 'yung plinano nyang nightgown, nauwi 'don sa hello kitty pajamas nya.
Napapairap na lang sya habang nakatingin sa mga lalaking nasa sala nila. Kanya-kanya na ang mga ito nang salampak sa sofa. Hindi pa nakuntento, ginulo ang inayos nyang lamesa at tinikman ang mga pinanghirapan nyang mga pagkain. Pakiramdam ni Dasuri, gusto nyang kumuha ng chainsaw, at gamitin 'yon sa mga 'to. Sobra ang effort na ibinuhos nya sa pagluluto at pagaayos ng mga 'yon para maging espesyal ang gabing ito para sa kanilang dalawa ng asawa. Tapos sisirain lang pala ng mga mokong.
Grrrrrrrrr. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, bulong nya sa sarili.
Lumapit ito sa kanila na magkasalubong ang dalawang kilay. "Oyyy! Nandyan na pala ang bagong bida ng conjuring. Grabe, Dasuri. Muntik na kong atakihin sa puso kanina. Promise." Nagtaas pa nang kamay si Chanyeol para ipakitang sincere sya sa sinabi.
"Oo nga Yoda. Nang makita ko sya, parang nakita ko na rin ang Doppler ganger ko. Life threatening. Haha." tuwang-tuwang komento ni Baekhyun.
Binigyan naman sila ni Dasuri nang 'Sige-mang-asar-pa. Mananapak-na-ko!-Look. Nagpigil tuloy ang mga ito sa pagtawa.
"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Bakit bigla-bigla na lang kayo sumusulpot nang walang pasabi??" saad nito pagkaupo sa tabi ni Kai.
"Gusto kasi naming makita ang bahay at asawa ni Kai. Tagal mo nang hindi napunta sa dorm namin." - Kyungsoo.
"Oo nga. Wala na tuloy kaming mapagtripan. Hahahaha." - Chanyeol.
"Sila Kris oppa? Bakit hindi nyo sila kasama?" napansin nya kasing puro EXO-K lang ang kasama nya ngayon. Si D. O ang sumagot sa tanong, "Nasa China. Busy sa promotional activities."
"Ahh. Sayang naman." Komento nito. Maya-maya ay natuon naman ang atensyon ni Dasuri kay Sehun na inuupakan 'yung gawa nyang gimbop. "YAH! H'wag mo ngang kainin 'yang mga niluto ko. Para samin 'yan ni Kai!" sabay hampas pa sa kamay nito.
"ARAY! Ang sungit naman ng sasaeng na 'to. Feeling mo masarap luto mo? Pinagtatyagaan ko na nga lang eh." reklamo pa ni Sehun. Halos sumabog naman na sa galit si Dasuri. Nangingain na nga. Nanlait pa? Takte talaga!
Napansin naman ni Suho na sobrang naiinis na talaga si Dasuri kaya nagsalita ito, "Masarap kaya. Lalo na 'tong Kimchi fried Rice." Sabay subo muli ni Suho sa pagkain. Nabawasan naman ang inis ng ating bida. "Talaga oppa?" Tumango-tango ito sa kanya.
"Diba Kyungsoo?"
"Oo. Hindi na masama."
"Ikaw hubby? Natikman mo na 'yung mga luto ko? Gusto mo subuan kita?"
"Nah, hindi na wifey. Ako na bahala sa sarili ko." napasimangot si Dasuri dahil sa naging sagot nang asawa. "Nilalandi na nga. Ayaw na naman maki-operate. Tss." Bulong pa nito.
"Pahingi nga ko nyan. Iinom na lang din ako." kinuha ni Dasuri 'yung isa sa mga Beer in Can na dala nila Suho.
"Teka, umiinom kana?" gulat na tanong ni D. O nang manguna si Dasuri sa pagbukas nung alak. Umiling-iling naman ito. "Ngayon pa lang,"
"Sino nagsabing pinapayagan kita?" singit agad ni Kai. Mukhang magtatalo pa sana sila ni Dasuri kung hindi lang sumingit si Suho sa usapan.
"Hayaan mo na Kai. Hindi na teenager 'yang asawa mo. Pagbigyan mo na kahit isa lang. Atsaka, ano bang ikinakatakot mo, eh nasa bahay nyo na naman tayo." Napangiti si Dasuri nang mapapayag ni Suho ang asawa. "Fine. Pero isa lang. Akin na, ako na magbubukas." Sabay agaw nya sa beer na hawak ng asawa nya.
"Okay, Uhmmm. Ang pakla pala nito." Komento ni Dasuri matapos lumagok nang alak. Nagtawanan naman ang mga kasama nya nang makita ang naging reaksyon ng mukha nito.
"Hmm. Gusto nyo maglaro tayo? 'Yung nilaro natin dati sa camping? 'Yung YES OR KISS??" Suhestyon ni Chanyeol para gumawa nang pagkakatuwan nila. Pumangit naman ang itsura ni Baekhyun pagkarinig 'non.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ayoko nga! Ayoko nang balikan pa ang masamang ala-ala sa nakaraan! Manahimik ka na lang dyan, Yoda!!" halos maghesterical nitong komento. Hindi nya kasi mapigilang mapangiwi sa tuwing maaalala nya ang nakakatindig balahibo na paghahalikan nila ni Chanyeol.
Natawa naman si Suho sa naging reaksyon ng kaibigan. "Mukhang natrauma si Baekhyun 'don ah. Hahaha."
"Ang arte nito. Choosy ka pa sa'kin? Halikan kita dyan. Makita mo." pang-aasar ni Chanyeol.
Namutawi ang tawanan sa loob ng bahay nang mag-asawang Kim. Halatang nagkakatuwaan na ang mga tao roon nang may marinig silang sumigaw.
"HOY KAYO!! ANONG TINATAWA-TAWA NYO DYAN HA??!!" Sabay-sabay naman silang napalingon sa babaeng sumigaw habang may hawak-hawak na alak at pasinuk-sinuk pa kung minsan. Halata dito ang pagkalasing. "Dasuri, anong nangyayari sa'yo?" sinubukan pang hawakan ni Kai ang braso nang asawa pero hinawi naman nya ito.
"Hala sya, nalasing sa isang lata? Hahaha. Weak!" komento ni Chanyeol.
"HOY! KAPRENG DUWENDE, ANONG PINAGSASABI MO? HUK. MANAHIMIK KA DYAN KUNG... HUK.... AYAW MONG MASAMPULAN." Pagewang-gewang pa 'to habang tumatayo. Natuon naman ang atensyon nang lahat. "Lagot. Mukhang magkakaroon ng gulo." Bulong ni Baekhyun.
"ALAM NYO? ALAM NYO BA NA... HUK.... SOBRANG LUNGKOT KO NGAYON?? HAHAHAHA. HINDI NYO ALAM! WALA KASI KAYONG ALAM!" lumagok pa ulit si Dasuri ng alak na hawak nya habang nanenermon. "Tama na 'yan. Lasing kana." Tumayo naman si Kai at sinubukang awatin sya sa pag-inom. Tinulak nya lang ito palayo sabay sabing, "Hindi! Bitawan mo ko. Isa ka pa e. Isa ka pa!" tinuro-turo pa nya ang asawa habang pagewang-gewang. Lalo namang nagulat ang lahat nang biglang maging emosyonal si Dasuri. Humikbi-hikbi pa ito habang nagsalita. "KASI NAMAN EH.... NAG-EFFORT TALAGA KO NGAYONG GABI! NAGLUTO AKO KAHIT HINDI AKO MARUNONG. HAHAHAHA. TAPOS SABI NG BWISET NA 'TO, HINDI DAW MASARAP? HA. KAPAL NG MUKHA." Itinuro pa nya si Sehun na halatang nasa-shock sa mga pinagagagawa nya.
"INAYOS KO 'YUNG LAMESA. NAGLAGAY PA NGA KO NG KANDILA AT WINE KASI SABI KO... PARA ROMANTIC. KASO ANONG GINAWA NYO? TINABUNAN NYO LANG NG MGA PAGKAIN NYO. AYAN OH. HINDI NYO BA NAKITA? BULAG BA KAYO?? TSS.... WALA NA 'TONG KWENTA." Sinipa nya 'yung lamesa dahilan para matapon ang mga pagkain 'don.
"Oh. Oh. Dasuri." sabay-sabay na saad ng lima nang muntikan na itong ma-out of balance. Kahit parang natatakot na ang mga ito sa inaasal nang ating bida. Sinusubukan parin nila itong alalayan.
"HINDI NAMAN AKO NAGAGALIT SA INYO. OKAY LANG NAMAN NA BUMISITA, KASO BAKIT SA DINAMI-DAMI NG ARAW........... BAKIT NGAYON PA??? NGAYON PANG GAGAWA KAMI NG BABY NI KAI?? UWAAAAAAAH!!! NAKAKAINIS NAMAN KAYO EH!! HUHUHU." Humalandusay si Dasuri sa sahig at saka nag-iiyak.
Natameme ang lahat at nagkatinginan. Nagkaroon nang long silence.........
sa pagitan nang lima. Hindi dahil sa nagulat sila sa pag-iyak ni Dasuri kung hindi dahil sa sinabi nang ating bida. Bigla silang nahiya pare-pareho.
Napakamot pa sa batok nya si Chanyeol habang iniiwasan ang eye-contact kay Kai. "Uhh.... Sa tingin ko kailangan na naming umuwi." Saad nito na tinitimbang ang sitwasyon. Natauhan naman ang iba at sumang-ayon dito. "Sa tingin ko din. May schedule pa tayo bukas eh. Ha-ha." naglabas ng fake na tawa si Suho habang sinesenyasan ang mga kasama sa pamamagitan ng mata. Sinasabi sa mga ito na maghanda na sa pag-alis.
"Sige Kai, exit na kami. Nakakatakot 'yang asawa mo eh." bulong pa ni Baekhyun habang sobrang ingat sa pag-alis.
Hinawakan lang ni D. O sa balikat si Kai para sabihing aalis na sila. Nagets naman agad 'yon ni Kai kaya tumango ito. Tinitigan muna ni Sehun si Dasuri na kasalukuyang nakayakap sa tuhod nya habang nakayuko at humihikbi bago tuluyang umalis.
"Tss. Baliw." Bulong pa nito.
Hinatid lang ni Kai sandali ang mga kaibigan bago binalikan ang asawa sa sala. Nakasandal na ang ulo nito sa mesa at mukhang natutulog na. Nilapitan nya ito at hinawi ang buhok.
"You're so silly." Saad nito habang tinititigan ang asawa. "Kaya nga ba mahal na mahal kita e."
Binuhat nya si Dasuri na kasalukuyang mahimbing na natutulog. Pagkaakyat nila sa taas. Pumasok ito sa kwarto, napangiti pa sya nang makita ang mga dekorasyon dito. Pati na ang pink night gown na nasa kama. "Mukhang nageffort nga talaga sya."
Inihiga nya si Dasuri sa kama at saka kinumutan. Pumwesto rin ito sa tabi nang asawa at pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog nito. Hinaplos ni Kai ang mukha ni Dasuri habang tinititigan nang buong pagmamahal. Hindi nya maiwasang mapangiti habang inaaalala ang mga nangyari kanina. Hindi man naging successful ang plano ng asawa, masaya syang malaman na nageffort 'to para sa kanya. "Uhmm." Gumalaw si Dasuri at tumagilid paharap kay Kai.
Nakapikit parin ito subalit maririnig mo ang kanyang pagsasalita. "Opo, Mama Kim... gagawa po kami ng madaming apo. Hmm."
Inilapit ni Kai ang mukha sa asawa at hinalikan 'to sa noo. Niyakap nya pa nya ito nang mahigpit bago bumulong, "Argh. Wifey, don't do this to me. You are killing me."