Chapter 58 Training (First Day)
Alexis
Mahimbing pa akong natutulog ng biglang may malakas na boses na nagsalita sa aking teynga na naka mega phone pa!
"It's time to wake up Princess!" Ang nakangiting leader ng The Blue Dragon Squad.
May pa mega phone pa talaga? Hindi na ata ako makarinig sa lakas ng boses niya! Napatingin ako sa wall clock and it's only five in the morning?
Grabe naman ang aga ng training!
"Seriously? Alas singko pa eh." Reklamo ko habang nakahiga parin.
"Yesterday, you are very eager to train. It's time to wake up Princess. Take a bath and go downstairs, have a cup of coffee then proceed to the training ground." Ang naka megaphone niyang sagot. Ay bwesit na Lily!
Oo Lily ang pangalan niya. Tinanong ko talaga kahapon.
"Okay, Just get out at itapon mo yang megaphone mo. Ang ingay!" Nakasimangot kong sigaw.
Umalis naman siya ng kwarto at napangiti ako. Hihirit pa sana ako ng tulog ng biglang bumukas ulit ang pintuan!
"Wake up, Princess!" Muling sigaw nito sa Megaphone.
Nagulat ako at napatayo.
"Hoy Lily, Papatayin mo ako sa nerbyos eh, hindi sa training!" Naiinis kong sambit.
Ngumisi lang siya at muling isinara ang pinto.
Pero teka, nasaan si Zac?
Bahala siya! Baka busy sa kanyang laptop.
Matapos makaligo ay bumaba ako papunta sa kusina. Tahimik pa ang buong paligid. Tulog pa ang lahat! Pero may naaamoy ang ilong ko. Amoy pancake! Ang bango. Maaga ba nagising si Lolo?
Ewan ko!
Hoy brain, I'm not asking you. Baka nagugutom ka na diyan.
It's Zac! Pakanta-kanta pa habang inilalagay ang mga pancakes sa lamesa. At ang ganda ng pagkahulma at pagkaluto niya!
"Akala ko nasa laptop mo ikaw ngayon at busy." Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Good morning! I told you that I will support you. Your breakfast is ready!" Nakangiti niyang sagot.
"Ang bango ah! Naku Zac, is this your way to make me fall in love with you?" Biro kung tanong.
Pero biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi at naging seryoso ito!
Nagbibiro lang po ako pangit hehe.
"Then, Did it make your heart beat fast? In love ka na ba sa akin?" Seryoso niyang tanong.
Matagal na!
Tumigil ka brain! Huwag kang pa epal. Matulog ka kaya.
"You're so serious Zac. Kapag sinabi ko ba na Mahal na kita, sasaya ka ba?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.
He only smirk at me..
"What kind of question is that? Of course! I will be the most happiest man in the universe!" Nakangiti niyang sagot.
Parang cheesy naman ata ng joke niya haha. Isinali pa talaga ang universe!
"Seryoso? But- nevermind! Let's eat at baka bumalik na naman ulit si Lily with her megaphone haha." Pilit kong pagtawa para makaiwas sa topic. Paano ko ba sasabihin na Mahal ko na siya. Eh may amnesia pa siya?
Hayy!
Tumahimik naman si Zac at mabilis na kumain.
At iniwan ako ng wala man lang pasabi!
Ano 'yon?
Zac pangit talaga!
This is it! excited na ako sa first day of training hehe.
At ang laki ng training ground nila!
Just wow! Ano kaya ang gagawin ko dito?
Tumambling Alexis haha.
Bwesit ka talaga brain! Ano naman ngayon, magaling ata ako sa tamblingan hehe.
Pero bakit ang tagal nila Lily?
Malapit na sumikat ang araw ah!
Naghintay pa ako ng ilang minuto.
Nang ilang oras! At nakatulog ako ng hindi inaasahan sa malamig na sementong upuan.
Medyo naalimpungatan pa ako ng makarinig ng tawanan. Napamulat ako ng aking mga mata.
At aking nabungaran ang nakangiting The Blue Dragon Squad.
Ang sexy ng nga lukaret kong sisters ah!
It's unfair, ang ganda nila habang ako ay tulo laway pa with matching gusot-gusot hair.
But wait!
Napatingin ako sa aking relo and its already eight in the morning!
Mga walanghiya. Pinaghintay talaga ako ng matagal huhu.
"At nakangiti pa talaga kayo no? Masaya lang, grabe! May training pa bang magaganap?" Nakasimangot kong tanong. "The training has already started my princess. The moment you entered this training ground." Nakangiting sagot ni Lily. Napairap ako ng aking mga mata sa narinig. Training para matulog?
"You're kidding me Lily. Pinaghintay niyo lang naman ako ng dalawang oras mahigit eh!" Naiinis kong sagot.
Pero tumawa lang ang mga lukaret na squad. Ang ganda lang nila pati sa pagtawa. Nasaan ang hustisya?
"Waiting is part of your training my princess. Patience is measured, and congratulations. You passed! You didn't walked out or give up. You passed and we are happy about it, that's why we are smiling." Sagot ni kulot na maganda. Ganu'n ba yon? Nakatulog lang naman ako kaya andito pa ako. Ay ewan! Bahala sila. Basta pumasa ako ng walang kahirap-hirap hehe.
"And now, the next thing you will do is to warm up your body for the real training tomorrow." At agad na binigyan ako ng walis ni Lily.
Sumunod ang apat na may dalang basahan, basurahan at kung anu-ano pa na gamit pang linis!
"What is this? Don't tell me janitor ako today?" Di-makapaniwalang tanong ko.
"Not janitor my princess. You will only warm up. Clean this whole training ground until afternoon. Don't worry, we will send your lunch later. Goodluck!" Tinapik pa niya ang aking balikat.
Is this a joke? Napatingin ako sa buong paligid. Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit nagandahan pa ako dito!
"Hey, you're joking Lily? I'm here for training, not cleaning!" Naiinis kong sigaw.
Huminto si Lily sa paglalakad at seryoso akong hinarap.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Yes my princess, I'm serious. It will help to strengthen your body. Believe me, it's part of your training. And everyone in here undergo their first warm up training. You're lucky to have the privilege to eat but during our time of training. We are not allowed!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Napatulala naman ako ng makitang seryoso siya sa kanyang sinasabi. Hindi sila kumain? Hindi pwede? Pero bakit?
Ewan ko Alexis!
Hindi kita tinatanong brain.
Well, magpapatalo ba ang Lola ninyo?
Syempre hindi!
Maglilinis lang naman eh. Kayang-kaya ko to.
Fighting, Alexis Jenn Buenavista!
Pero bigla akong natigilan ng maalala si Debbie.
It's not normal at all! Sa ingay ni Debbie ay halos araw-araw kami magkausap sa phone.
Ngayon ay nakakapanibago lang. Ang tahimik ng cellphone ko at hindi parin siya nag rereply sa mga messages at text ko. Wala nga ba talagang signal sa Isla?
Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Masama ang kutob ko! Sana lang, walang nangyaring masama sa kanila.
Itabi muna natin ang mga negative thoughts.
Time to clean Alexis!
Nagsimula na akong maglinis at nakakapagod!
Wala ba'ng high-tech na appliances dito para maglinis? Grr!
Tulo pawis ko bwesit at ang lagkit sa pakiramdam.
Walis dito, walis doon.
Punas to the right, punas to the left!
Idinaan ko nalang sa sayawan ang linisan. Oh ha! Laban lang Alexis hahaha.
Lukaret talaga eh.
Syempre need ko maglinis ng totohanan. I know that they are watching me through CCTV.
Pero pagod na ako huhu. At biglang may tumunog na alarm at ang ingay!
Pumasok ang dalawang myembro ng blue dragon squad na may dalang mabango na ulam.
Malayo pa sila ay amoy ko na ang mabangong fried chicken. Biglang tumunog ang aking tiyan. Gutom na akesh!
"Time to eat your lunch my princess. Finish eating this within 15 minutes. Eat as much as you can. After that, we will take it back. Enjoy your lunch!" Nakangiting sambit ng isa. Huh? Are you kidding me? Ang tagal ko pa naman kumain at ngumuya!
Inilapag nila ang pagkain sa sementong lamesa at umalis na.
Bwesit, ano pa ang hinihintay mo Alexis?
Attack na!
Kumain ako ng kumain at muntik pang mabilaukan. Letseng kain ito!
Inuna ko ng pinapak ang mga manok bahala na ang rice.
In fairness naubos ko ang two piece of chicken pero kalahati lang ang rice. Busog naman ako, okay na ito hehe.
Tumunog muli ang alarm kasabay ng boses ni Lily na maririnig sa buong training ground.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Time to clean again princess. Fighting!" Sabi nito.
Halata namang nakatawa ang mga Loka.
Sige lang eh! Tawa lang kayo diyan. Pero determinado na ako mag training. Malapit na ang Mafia War. I need to learn kahit ano basta matuto lang ako!
Kaya maglinis kana Alexis!
Itinuloy ko ang paglilinis buong maghapon. Pero hindi ko nagawang linisin ang buong lugar. Napakalaki at napakalawak kaya!
Hindi kaya ng powers ko. At least naglinis ako at hindi tumigil.
Para akong binugbog ng isang-libong tao huhu. Ang sakit ng buo kong katawan. Nanginginig pa ang aking mga kamay at paa. Hindi na ata ako makalakad para lumabas ng training ground. Paika-ika pa ako maglakad parang nawalan lang ng virginity huhu.
Ganito ba yon? Hehe, yan kasi ang sabi ni Debbie.
Na miss ko na talaga ang lukaret kong best friend ah.
Napahinto ako sa aking paglalakad ng makitang pumasok si Zac.
What is he doing in here?
Ingles yon brain haha. Lukaret talaga ako!
"Zac? Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong.
Walang sabi-sabi ay bigla niya akong binuhat with his signature bridal style lang naman.
At ako ay napakapit sa kanyang leeg at nalunod ulit sa kanyang mga mata.
Hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang gray eyes! Lunod na lunod lang naman ang inyong Lola huhu.
Buti nalang marunong akong lumangoy bwahaha!
Ano ba itong iniisip ko? Hindi ko tuloy maalis ang aking titig sa mga mata ni Zac!
"If I will not carry you. Bukas ka pa makakalabas ng training ground." Sagot niya.
Hala ganu'n? Ang bagal ko siguro maglakad hehe. Hindi ko na napansin. Bakit kasi ang sweet ni pangit ngayon huhu.
Nasasanay na ako eh. Bakit ganito?
Eh di masanay ka girl!
Tumahimik ka brain. Paano nalang pag wala na siyang amnesia? Saan tayo pupulutin nito?
Sa kangkongan!
Sumagot ka pa talaga.
Naloka na talaga ata ako huhu. Palagi ko nalang kinakausap ang aking sarili.
"Thank you Zac." Mahina kong sambit.
"Don't talk anymore. Save your energy and strength." Sagot niya at agad akong hinalikan sa aking noo.
Nakaw na halik na naman.
Namumuro ka na talaga Zac eh!
Pero gusto ko naman.
Gustong-gusto ko.
Inaamin ko na!
Gusto ko si Zac Rogen Walker huhu...