Chapter 59 Training (2nd Day Bugbugan part 1)
Alexis
Hindi ko na nagawang tapusin ang aking hapunan sa first day of training. Pagod na pagod ako!
Nagpahatid ako kay Zac at deretso sa aming higaan agad akong nakatulog at syempre sa favorite place ko, Zac's kili-kili hehe.
Napamulagat ako ng makarinig ng maingay na alarm. Inaantok pa kaya ako Grr!
4:30 pa nang madaling araw! Who set this alarm? Ang ingay pa, bwesit.
Agad akong tumayo at pinatay ito.
Wala naman ibang tao sa kwarto namin kung hindi kaming dalawa lang.
On the other hand, na touch ako sa pagka caring ni baby ah. Gusto niya ako magising habang wala pa si Lily na may dalang megaphone. Ano ba 'to! Si Zac lang ata ang laman ng isipan ko.
Baby?
Bakit brain may reklamo ka?
Ewan mabuti pa maligo na ako. Mas lalo akong maloloka habang kausap ang sarili ko.
Same as usual, Zac is cooking my early breakfast.
But this time it's bacon and egg at ang bango lang naman pero mas mukhang mabango ata si Zac! Ang sexy niya talaga kapag naka Apron huhu. Jusko, ano ba itong naiisip ko!
"Thanks for the alarm." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Are you okay now? Masakit pa ba ang katawan mo?" Nag-aalala niyang tanong.
Bakit ang sweet naman! Wala nahulog na talaga ako. Paano na 'to?
Ewan ko sa'yo!
Thanks for the help brain, as if may naitulong ka talaga.
"I'm okay. Thank you Zac!" Pasalamat ko.
"I will support you all the way baby, sit down and let's eat." Sagot niya at ipinaghila pa talaga ako ng silya.
Feeling ko talaga ay totoong princess na ako. Ang sweet kaya ni baby!
Matapos ang masaya naming kainan ni Zac ay balik ako sa training ground. And na shock ako ng makita silang lahat!
"What's the occasion?" Nagtataka kong tanong.
"Hello my little princess, it's time to test your martial arts and kung fu skills. Any kind of skills that can defend yourself!" Excited na sagot ni Lolo. Wait! Silang lahat?
"Seriously? Kayong lahat talaga?" Namimilog ang mga matang tanong ko.
Pero wala ata si Mommy at Zac? Baka hindi kasali. Parang bugbog sarado na ako niyan eh.
"Yes my princess. But we will fight to you one on one. Are you ready?" Masayang tanong ni Lily.
Ready? Syempre hindi! Kung fu lang kaya ang alam ko. Jusko, puro pasa ata ako ngayong araw na ito huhu.
"Hindi pa! Ngayon na? Agad-agad?" Naiinis kong tanong.
"Yes, it's time to test your skills and capabilities in fighting. Good luck my daughter. Fight for your life!" Singit ni Daddy na parang nasisiyahan pa!
Fight for my life? Letse huhu.
At ngayon ko lang napansin ang isang napakalaking arena sa gitna ng training ground! Dito na ba ako bibitayin?
"Come in my princess, you will fight first the Blue Dragon Squad." Tawag sa akin ni Lily at pumasok na ang unang myembro ng blue dragon.
Bakit ba kasi ang sexy ng mga ito!
Sexy din naman ako haha. Talagang nag outfit na ang lola ninyo today.
Overall black outfit with my signature black boots.
Oh di ba, ang sexy ng lola ninyo!
Labas lahat ng curves at luwa ang cleavage.
Pero ewan ko lang kung buhay pa ako until this afternoon!
Grabe ang bakbakan with The Blue Dragon Squad! Pinahirapan talaga ako ng matindi.
Ang bilis kumilos ng mga kamay at paa nila. Flexible pa ang buong katawan! Ang galing sa bakbakan kaya bugbog sarado na ang beauty ko ngayong umaga huhu.
Pero magpapatalo ba naman tayo Syempre hindi! Kahit nabugbog na ang beauty ko ay hindi ko talaga pinalampas ang bawat myembro na makatikim ng aking pamatay na Kung Fu kick! Pinalipad ko silang lima.
Huh, hindi tayo magpapatalo no! Hangga't may ilalaban, Go mga lukaret! Hahaha.
Pero lugi parin ako huhu. Ang dami kong pasa at sugat. Grabe itong mga babaeng 'to! Goodluck nalang talaga sa magiging asawa ng mga ito.
And it's Daddy's turn! Seryoso ang mukha niya while looking at me at biglang may inilabas na weapon!
Ay batuta! Natakot ako bwesit si Daddy.
Dos por dos lang pala na pamalo.
Pero alam ko masakit yan eh!
Hindi nila ako napalo noong bata. Now, it's his chance!
Humanda ka pwet, bugbog sarado ka mamaya huhu.
"Are you ready Alexis?" Seryosong tanong ni Daddy.
Hindi! Pwede ko ba sabihin yon? Hindi rin huhu.
"Ready na. Pero nakakatakot 'yang batuta niyo Daddy!" Kinakabahan kong sagot.
"You're funny! Let's be serious. Hindi natin alam kung ano'ng weapon mayroon ang mga kalaban. You must be ready at all times!"Sagot ni Daddy na seryoso parin ang mukha. Sabagay may point naman siya. Magdasal kana Alexis huhu.
"Okay Daddy, Bring it on!" Determinado kong sagot.
At yon na nga. Bring na lahat ng strength ni Daddy. Jusko, kung makahampas wagas!
Totohanan talaga. Kapag hindi ako umilag ay patay kang pwet ka!
Nagpagulong-gulong ako, dahil ang liksi kumilos ni Daddy kahit matanda na.
Kung hindi ay sabog ang beauty ko sa dos por dos!
Pero nasapol ang pwet ko at hindi nakaligtas!
Sakit kaya! Nadapa pa ang lola ninyo.
Ewan ko kung anong itsura ko sa monitor nila.
Ang pangit ko siguro.
"Bangon Alexis and fight for your life!" Napukaw ang aking pagmumuni-muni sa sigaw ni Daddy.
Fight for my life talaga! Parang papatayin na ako ngayong araw mismo at kapag hindi ako lumaban ay tigok at sa morgue na ang kababagsakan ko!
Agad akong bumangon at lumayo kay Daddy. Papaluin na naman niya ako ulit! Ang saya-saya lang ni Daddy ah.
It's unfair kaya!
Pero nagagalit na ako, it's time for Daddy to eat dust naman! Ako nalang lagi? Nope Daddy, saluhin mo ang tornado Kung Fu kick ko.
"Yaaaaahhhh! With matching sigaw pa yan ha. Fight for your life daw eh. Ngayon taste my lethal kung fu kick Daddy hehe.
At bullseye! Nasapol ang batuta at tumama ito sa malayo.
Now, Daddy has no weapon. It's time for me to launch a surprise attack!
Hindi napansin ni Daddy ng lumipad ako papunta sa kanya and give him my kung fu kick.
And sorry Daddy! Natamaan ko siya sa sikmura at napaluhod.
"Daddy, are you okay?" Nag-aalala kong tanong at nilapitan siya.
Pero sa halip na sumagot ay hinila niya ang aking kamay at ang dos por dos ay nakatutok sa aking leeg!
What the crap is this?
"Don't be too kind my daughter! Or else this will be your doom! What if totoo akong assasin at lumapit ka sa akin? You will be dead by now. Pwede kang lumapit but not in this kind of way! Learn to be insensitive and at the same time defensive. Remember Alexis, Don't lower your defense. Dahil diyan aatake ang mga kalaban!" Paliwanag ni Daddy.
Yon naman pala eh. Agad kong inagaw ang dos por dos na nasa kanyang kamay at itinapat ito sa kanyang mukha. Ang bilis lang din ng mga kamay ko hehe.
Ano na Daddy. Natulala ka haha. Sabi mo huwag magtiwala!
"Very good. That's my girl!" Nakangiting sambit ni Daddy.
And for the first time in history na nag compliment sa akin si Daddy! Hindi na sermon this time.
Malaki ka na talaga Alexis!
At biglang inagaw ni Daddy ang dos por dos sa aking kamay and this time ay nakatutok sa aking mga mata.
Kung tunay na kalaban si Daddy ay bulag na sana ako ngayon huhu.
"Stay alert my daughter. Maya kana makampante if you're opponent is already dead or knock out!" Nakangisi pa si Daddy sa akin.
Ang unfair naman! Pero syempre tama naman si Daddy.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Mabilis akong umatake sa kanya ng harapan. At naagaw ko ulit sa wakas ang dos por dos!
"Congrats Alexis! I'm glad na mabilis kang matuto." At niyakap ako bigla ni Daddy.
Nakaka touch naman huhu. Nag-iba na talaga si Daddy. Medyo na miss ko yong matapang at estriktong Daddy. Hindi talaga ako sanay na mabait siya.
Mas lalo na ngayon na napaka cheesey ni Daddy.
Ang awkward lang kasi. Mas gusto ko pa ang tigre na Daddy na lagi kong inaasar dati kapag gusto ko mag hang out with my friends.
But things change as well as life.
This is my life now...
Masaya ako at nakapasa sa bakbakan at bugbugan na ito!
And next in line is my grandpa Lolo..
Kita mo sa mga mata ni Lolo ang excitement. Hindi ko dapat maliitin si Lolo dahil siya lang naman ang former Mafia King ng Blue Dragon Squad!
Parang dehado ako nito. Magaling itong si Lolo eh. Kahit matanda na ay parang action star parin sa labanan!
"Are you nervous my little princess?" Nakangiting tanong ni Lolo.
Syempre naman!
"A little bit hehe." Kinakabahan kong sagot.
"Then, let's begin. Focus and observe your enemy!" Malamig na sambit ni Lolo at naglabas ng dalawang maliit na kutsilyo.
Bibitayin na talaga ako nito!
"Wait Lolo! Seryoso 'to? Kutsilyo talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, my little princess. Mas malala pa dito ang weapons ng mga kalaban! You must learn to defend yourself. Your life! Like what I say. Focus! Observe! Watch out every moves of your enemy. Every little move could lead into a big disaster!" Cold na sagot ni Lolo.
At bigla akong gininaw! Ito na ba ang Mafia aura? Kakaiba tingnan ai Lolo. Parang hindi na ako sisikatan ng araw! His intent to kill is very visible.
Sabi nga nila, Kill or get killed!
Ano na Alexis focus ka diyan baka ma barbecue ka.
Shut up brain! Sobra pa ata sa barbecue ang aabutin ko kay Lolo!
At umatake ito ng walang pasabi! Sneak attack at muntik na akong matamaan.
Sa face ko pa naman!
"Tamaan mo na lahat Lolo, huwag lang ang beautiful face ko!" Naiinis kong sigaw.
My Lolo just give me an annoying smirk!
"Then, fight! Concentrate and focus. Because I'm coming to get you my little princess!" Hala parang devil na ang mukha ni Lolo.
At papunta lang naman siya ulit sa akin. Trying to attack my beautiful face, again!
But sorry Lolo, I will not allow you to ruin my beautiful face!
Ano nalang ang sasabihin ni baby nito.
Teka- Ano daw?