My Old Billionaire Husband

Chapter 57 Family Reunion



Alexis

Nakarating din kami ng Italy na ligtas! Pagdating ng airport ay maraming nag escort sa amin.

Mga bodyguards na myembro ng Blue Dragon.

Siguro naman ay safe na kami, O may asungot na mga assasin na naman? Sana naman ay pagpahingahin naman kami kahit isang araw lang!

Pero sabi naman ng lider ng Blue Dragon Squad ay ligtas na kami. Nothing to worry.

Excited na akong makita ang pamilya ko. Sana okay lang sila!

Sinubukan kong tawagan ulit si Debbie pero hindi parin ma kontak! Ang boring kaya ng walang makausap. Iba parin makipag chika sa best friend mo ah. Sinundo kami ng kulay blue na Limousine.

Yayamanin din sila Mommy dito ah!

Bwesit, kay Adrian yan na expression.

Sana lang ay hindi ko na siya makita pang muli. Bad trip lagi ang lukaret na lalaking 'yon!

At hindi ko namalayan na nakatulog ako na nakasandal kay Zac. Pero hindi na umaandar ang sasakyan!

Don't tell me na hindi ako ginising ni Zac?

Nakakahiya naman, tulo laway pa naman ako palagi kung matulog huhu.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin kung gigising na o magtulog-tulogan pa!

"I know that you are awake baby. You can open your eyes." Nagulat ako ng biglang magsalita si Zac. Nakakahiya!

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakangiting si Zac. Hala, wala kaya akong mota? Bahala na!

"I'm sorry Zac. Palagi nalang akong nakakatulog huhu." Sambit ko.

He squeeze my nose. At napapikit ako sa sobrang hiya! Namula pa ang aking pisngi.

Heto na naman tayo sa nagbabagang pakiramdam!

"It's okay. You can sleep anytime and anywhere you want!" Sagot niya.

"Thanks, let's go. Excited na ako makita sila Mommy!" Parang bata kung sigaw.

Nauna na akong bumaba ng sasakyan kay Zac. At in fairness ang laki ng Mansion namin dito sa Italy. Pero palasyo na ata eh. Hindi na Mansion sa sobrang laki at ganda! Biglang bumagal ang aking paghakbang ng matanaw ko sa di-kalyuan sila Mommy, Daddy at Lolo. Nakatayo sila sa pintuan at may nakalagay na banner sa itaas. WELCOME OUR PRINCESS!

Parang maiiyak ako sa sobrang sweet nila. Bakit bigla sila naging ganito? Hindi mo aakalaing mga cold blooded Mafia sila. Lalo na si Mommy na napakahinhin parin tingnan! Parang maiiyak ata ako sa pa surprise nila ah. Na miss ko sila!

Tuluyan na akong napahinto sa paglalakad.

"Let's go. They are waiting for you." Bulong ni Zac at hinawakan ang aking kamay.

He gives me confidence again. Sana huwag ng matapos ang moment na ito. Ganito nalang sana kami forever!

Nang sa wakas ay makalapit na ako kina Mommy ay agad na pumutok ang mga makukulay na fireworks sa kalawakan na may nakaukit na "WELCOME!"

Nag effort pa talaga sila at tuluyan na akong naiyak.

"Little princess! I miss you!" Sigaw ni Lolo at agad akong niyakap.

Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"I miss you too Grandpa Lolo." Umiiyak kong sagot.

Pinahiran ni Zac ng kanyang panyo ang aking mga luha.

"Shhhh, Don't cry." Sabi ni Lolo habang tinatapik ang aking balikat.

"Welcome Home Alexis." Mahinang sambit ni Mommy.

Na miss ko ang mahinhin niyang boses! Agad akong bumitaw kay Lolo at patakbong yumakap kay Mommy.

"Mommy!" Tawag ko sa kanya at agad niya akong niyakap.

"May apo na ba kami?" Birong tanong ni Daddy sa aking likuran.

Napatawa ako ng malakas. Hindi ako sanay sa mabait na ugali niya! Mas gusto ko pa na pagalitan niya ako. Na miss ko ang estriktong Daddy na mala tigre kung magalit. Pero bakit ang bait nila ngayon?

"Let's go inside my little princess. I cook your favorite chicken tinola!" Excited na sigaw ni Lolo.

Alam niyo na siguro kung kanino ako nagmana hehe.

"Come in Zac. We have a long day of talking." Sambit ni Daddy.

"Sure, Mr. Buenavista." Masayang sagot ni Zac at kami ay pumasok na sa loob.

At wow! Kung maganda sa labas ay mas lalo na sa loob. Hindi na ito simpleng mansion lang kundi palasyo na!

"Wow, ang ganda naman dito. Parang palasyo ng mga sinaunang Hari at Reyna!" Hindi ko maiwasang sumigaw.

"You are right my little princess. But this is the palace of our late ancestors. The King and Queen of Blue Dragon. It was built since early 1978." Paliwanag ni Lolo.

"Ay, grabe may Mafia na noon?" Nagulat kong tanong.

"Yes Alexis. But not in a brutal way. Our Clan are kind and helpful. Pero sa pagdaan ng mga taon ay maraming gustong sakupin ang Blue Dragon. Kaya natuto sila gumamit ng dahas to defend themselves." Paliwanag ni Mommy. Na amazed ako sa mala-telenobelang history ng aming angkan!

"Here's the hot chicken tinola my little princess! Tama na muna ang usapan. Let's eat." Anyaya ni Lolo habang nilalapag ang mainit na chicken tinola. Na-miss ko ang amoy ng luto ni Lolo!

"Finally, makakakain na ulit ako ng luto mo Lolo!" Masaya kong sigaw at tinikman kaagad ang mainit na sabaw.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

And it feels like heaven! Ang sarap talaga ni Lolo magluto eh.

"Careful, baka mapaso ka." Si Zac na nakatawang nakatingin sa akin.

"Okay lang ako baby, Kain kana rin." Nakangiti kong sagot.

"Baby?!" Sabay na tanong nilang lahat.

Muntik na akong mabilaukan sa sabaw. Bakit ba kasi tinawag ko si Zac na baby?

Napaubo ako at nagtawanan silang lahat.

"Here, drink some water." Binigyan ako ni Zac ng tubig at na relax naman ako.

"We are only joking Alexis. But we are happy na may progress na ang relationship ninyo ni Zac. Excited na ang Mommy niya magkaapo at kami rin." Si Daddy na parang si Mom lang! "Soon, Mr. Buenavista." Zac answered smiling.

"But Zac, can you stop calling me Mr. Buenavista?" Request ni Daddy.

Oo nga naman ang awkward lang. Pero parang mas awkward ata in Zac's part kasi mas matanda lang nang kunti sila Daddy at Mommy sa kanya.

Parang mas bagay na tawagin silang Kuya at Ate.

"Oh, then what should I call you then?" Nagtatakang tanong ni Zac.

"Daddy!" Sagot ni Daddy.

At muntik na naman ako mabilaukan! Buti nalang at hindi pa ako sumubo ulit. Bakit naging ganito si Daddy? Binago ba siya ng Italy? Or stress lang sila dahil sa nalalapit na Mafia War? Parang naging lukaret lang na katulad ko ah!

"It's a bit awkward on my part." Mahinang sagot ni Zac.

"Zac, you are part of our family. And we are so thankful to you for protecting our daughter. For helping us! You can call me Dad. And I'm serious about it." Seryosong sabi ni Daddy. "You can call me Mommy too Zac. I owe you our daughter's life. We are family in here." Mahinang saad ni Mommy.

"And also me! Please stop calling me Mr. Night Zac. I'm your Grandpa Lolo, remember that!" Nakatawang singit ni Lolo.

Napatingin si Zac sa akin. At binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti.

"Okay, if that's what you all want." Pagsang-ayon ni Zac.

"Now, say it Zac!" Excited na sigaw ni Lolo.

Tinanggal muna ni Zac ang kanyang maskara bilang pag-galang. Minsan kasi ay hindi na niya ito inaalis pati sa pagtulog! "Daddy, Mommy, Grandpa Lolo. How is that?" Seryosong tanong ni Zac.

At ako ang unang hindi nakatiis! Tumawa ako ng malakas na sinundan ni Lolo at nakitawa narin sila Mommy at Daddy. Napakasaya namin ngayon pero kinakabahan ako sa posibleng ganti nito.

Ayon kasi sa kasabihan kapag sobrang saya mo ngayon asahan mo na magiging malungkot ka sa darating na panahon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

At ayaw ko yon mangyari! Minsan lang kami magkita at mag bonding nang ganito. Tapos panandalian lang pala?

Erase that negative thoughts brain. Overthinking kana naman ha!

Hindi ako, ikaw kaya diyan. Tahimik lang ako dito.

Aba at sumagot pa talaga ang lukaret na utak ko.

Matapos nang masaya naming kainan ay nag movie marathon kami sa movie theater room. Imagine mo 'yon! May sinehan sa loob ng palasyo. At welcome naman ang lahat manood basta hindi lang on duty. Isinama ko ang Blue Dragon Squad para sumaya naman sila.

At bigla nalang pumasok sa aking lukaret na isipan ang matutong bumaril!

"Mommy, I want to learn how to shoot. I mean not basketball but shooting using a gun!" Seryoso kong sambit at napalingon silang lahat sa akin.

Nasa likuran nila kami ni Zac. At kasunod namin sa hilera ang Blue Dragon Squad.

Napawi ang tawanan at napalitan ng katahimikan.

Matagal bago sila nakasagot. Walang ni isa man sa kanila ang gusto akong sagutin!

"My decision is final. Blue Dragon Squad, you should teach and train me tomorrow!" Ipinakita ko sa kanila kung gaano ako ka seryoso at determinado.

Muntik ng mahulog ang popcorn ng lider ng Blue Dragon Squad sa narinig.

"Alexis! I don't want you to be like us! I want you to live a peaceful life." Sa wakas at nakasagot din si Mommy.

I just smirk upon hearing what she said. Nasaan ang peaceful sa life ko? Puro barilan at patayan!

"There's no peace Mommy! Kita mo naman. Kahit wala na kayo. The enemy still wanted me dead! Ayoko ng humarap sa kanila ng nangagapa at walang kalaban-laban. I want to learn and protect my self. Not just me but to protect all of you!" Galit kong sagot.

"That's my little princess!" Pumalakpak pa si Lolo bilang pagsuporta.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at kumaway pa ako na parang beauty queen.

Lukaret talaga!

"Mommy, Daddy. I'm not a baby anymore. I want to fight for the coming Mafia War. Ayaw kong mamatay ng wala man lang naitulong. Hope you understand!" Naiiyak kong paliwanag.

Napabuntong-hininga si Mommy at nag-isip ng malalim. Namagitan ulit ang katahimikan habang ako ay kinakabahan sa magiging sagot ni Mommy.

"Fine, You are an adult now. If it's what you like. Then welcome to Mafia World. Blue Dragon Princess!" Nakangiting sabi ni Mommy.

Nagsipalakpakan naman sila Daddy at Lolo pati si Zac. At magpapahuli pa ba ang Blue Dragon Squad? Sila lang kaya ang may pinakamalakas na audience impact hehe.

"Zac?" Mahina kong tanong.

"Don't worry Alexis. I support you all the way, baby." Nakangiti niyang sagot at binigyan ako ng panakaw na halik.

Kahit smack at mabilis lang ay nag-init parin ang aking pisngi. At walang tigil ang pawis sa aking noo kahit napakalamig ng aircon. Ang tiyan ko ay parang may bulate na gumagalaw na hindi ko maipaliwanag. Ganito ang epekto sa akin ni Zac!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.