Chapter 54 Meet The Blue Dragon Squad
Alexis
Napakatahimik ng buong paligid at ang gaan ng aking nararamdaman. We survived and still alive! Si Annalise ay nakatago sa di-kalyuan. At marunong din pala matakot ang demonyita haha.
"Huwag ka munang ngumiti bitch. I will kill you!" Sigaw ni Annalise at pinaputukan ulit kami ng kanyang baril.
Hinila ako ni Zac para magtago. At umulan ng napakaraming bala pero hindi sa direksiyon namin kundi kina Annalise.
At biglang nagsulputan ang maaangas na limang kababaihan. Napaka-seksi nila sa overall leader outfit na naka all black lahat.
May dalang mga baril at ang cool nilang tingnan habang umuulan ng mga bala ang kanilang dinaraanan.
Walang sinabi ang no bra outfit ko sa naglalakihang bundok nila!
Kahiya naman huhu.
"Bullshit! Sino ba ang mga hudas na mga babaeng 'yan." Sigaw ni Annalise habang nagtatago.
"Your worst nightmare, girl!" Sagot ng isa at pinaputukan ulit siya ng bala.
"Die, Bitch!" Sabi ng isang kulot ang buhok at kulot din ang pilikmata! Ang ganda niya.
Si Zac ay seryoso lang na nakatingin sa mga nangyayari. Pero malay ko kung nagagandahan din siya sa mga babaeng ito? Walanghiya ka pangit!
"Why are you staring at me?" Tanong ni Zac na pumukaw sa aking kabaliwan na pag overthink.
Kumurap-kurap muna ako bago nakasagot. Nahuli ako!
But I'd rather ask him kaysa mag overthink na naman ng malala.
"Did you find them beautiful?" Seryoso kong tanong.
Nangunot ang noo ni Zac pero sinagot naman niya ang aking tanong.
"Yeah, they are all beautiful. Is there a problem with that?" Nagtataka niyang tanong.
Meron at malaki! If they are beautiful in your eyes paano naman ako na mukhang ewan kung itatabi mo sa kanila.
"Yes there is. What about me? Pangit ba ako?" Naiinis kong tanong.
Biglang tumawa si Zac ng napakalakas at napalingon ang limang kababaihan pati si Demonyita Annalise ay napasilip sa pinagtataguan.
Buhay pa pala ang bruha! May sa pusa talaga.
"You're funny. Don't tell me, you are jealous?" Tumatawa niyang tanong.
Nagseselos ba ako? Mukhang malala na ata itong feelings ko para kay Zac pero takot ako! Ayaw kong mag commit ulit kung wala naman kasiguraduhan. Ayaw ko ng masaktan! Pero bakit nasasaktan na ako ngayon? Eh, hindi pa kami.
Ano na self. Brain nagtago ka na naman ah!
"Ewan ko sa'yo!" Inis kong sagot at tinalikuran siya.
Ayaw kong makita niya ang pamumula ng aking pisngi. At ang lapit lang kaya ng mukha ni Zac na wala ng maskara. Hindi ako sanay. Nakakalunod ang kanyang Gray eyes.
Palagi nalang akong hindi nakakaahon at nalulunod sa kanyang ka gwapuhan o sa kanya mismo! Sa kanyang taglay na karisma.
Kita ko pa ang paghanga sa mata ng limang astig na babae. Maliban sa kanilang leader na napaka cold ng mata. Wala atang kaligayahan ang babaeng ito?
Biglang may dumating na rescue sa side nila Alexis at ito naman ang nagpaulan ng mga bala. Mabilis na nagsitaguan ang limang babae at niyakap ulit ako ni Zac.
Isang malaking 10-wheeler truck na puno ng nagpapangitang mga goons ang laman nito.
"Bakit naman ang tagal ninyo. Kill all of them! Lalo na yang mga bwesit na babaeng epal na 'yan!" Sigaw ni Annalise.
"I'm sorry ma'am but the leader said to go home and back off. Andito kami to assist your safety, not to fight." Sagot ng isang goons.
In fairness, magalang at hindi masyadong pangit ang isang ito. Hindi katulad ng iba.
Pero ang Demonyita ay ayaw magpa-awat humihirit pa talaga eh. Tagal niyo umuwi! Gusto ko ng maligo, ang lagkit na ng buo kong katawan.
Nasaan ang hustisya?
Ang gulo-gulo ng aking buhok at amoy pawis pa! Samantalang ang lima ay ang ganda lang at ang seksi huhu.
"Bullshit! Eh kung patayin kaya kita." At tinutukan ng baril ang kawawang goons.
Naiinis ako sa aking nakikita pero ayaw kong makialam. Pasalamat ka Demonyita at wala na akong bala grrr...
Buti nalang at tumunog ang cellphone ni goons. Saved by the call siya.
"Si Boss, gusto ka makausap." Nanginginig ang kamay na pinasa niya ang cellphone.
Ang limang kababaihan ay nagmamasid lang sa kanilang galaw. Pinalibutan nila kami ni Zac to protect us. Kung sino man sila ay salamat talaga ng malaki. Akala ko talaga ay mamamatay na kami ni Zac. At least magkasama kayo.
Tumigil ka brain. Ngayon ka lang nagpakita na tapos na ang lahat huh!
"Yes, Uncle. Copy!" At yon lang at paalis na rin sila at last.
Pero bago pa umandar ang kanilang sasakyan ay pinaulanan talaga ako ng bala ng bwesit na demonyita!
"I'll be back bitch! At sa susunod, I will bring your head with me." Nakatawang sambit nito bago sumampa sa sasakyan.
At nag-init lang naman ng bongga ang aking dugo sa narinig. Nasa highest level na siya. Sumasakit na ang batok ko! At hindi na ako nakatiis.
Inagaw kong bigla ang baril ng isa sa limang babae.
Hindi pa nakakalayo ang kanilang sinasakyan. Pinaputukan ko ang kamay ni Annalise na may dalang baril.
At bang!
Bullseye!
Lumipad ang kanyang baril at nahulog.
I hit the target at nadaplisan ko ang kanyang kamay.
"I will kill you bitch!" Sigaw niya.
I just give her the fvck sign. At tinawanan ng nakakaloko.
Ano ka ngayon demonyita!
Nagsilapitan ang limang kababaihan sa amin ni Zac nang makaalis na sila Annalise.
"Princess!" Sabay na sambit nila at yumukod sa akin as a sign of respect.
Napalingon ako kay Zac. Hindi naman siya pwedeng maging princess!
So, it means na ako?
Bongga! Pero bakit naging princess ako?
"Okay, bakit naman may pa ganyan pa. Sige na tumayo na kayo ng maayos. Salamat nga pala sa pagligtas ninyo sa amin ni Zac." Magalang kong sambit. "We are here to protect you, My princess." Sagot ng lider.
Parang ang awkward lang na may princess pa.
"Teka, Saan ba kayo galing?" Nagtataka kong tanong.
"We just arrive from Italy. Our mission is to protect the princess at all cost. We are the Blue Dragon Squad!" Sagot ng lider.
Wow! Ang ganda ng group name. Parang girl group lang ah.
"Princess, but I'am not!" Nagugulahan kong sagot.
"You are the only heiress of Blue Dragon Queen. You are the princess." Sabat ng isa.
"Ganu'n ba yon? Parang magulo pero sige na nga. Princess na ang itawag ninyo sa akin. Kumain na ba kayo? Baka nagutom kayo sa bakbakan kanina." Tanong ko. Syempre, mga visitors sila from Italy pa galing.
Este protectors pala hehe.
Sakto naman dumating si Zac na naka maskara na.
Hayyy, nagtago na naman si pangit!
"Squad, let's go at the kitchen. I prepare something for all of you." Sambit ni Zac at nauna ng naglakad papuntang kusina.
Kahit sa pagkain ay desiplinado ang lima. Napaka snappy at alerto parin ng porma nila. Hindi kaya mahirap kumain pag ganyan? "Are you sure na okay lang kayo? You are not in Italy. Pwede kayo mag relax ng konti at kumain ng maayos." Awkward kong sambit. "Don't worry princess. We are trained for 10 years. Ganito na talaga kami kumain." Seryosong sagot ng lider.
At nag Tagalog siya?
"Marunong ka pala magsalita ng Tagalog?" Masaya kong tanong.
"Yes princess. That's why I'am their leader. They only speak English and Italian." Paliwanag niya.
Astig pala kung ganoon!
Pero bigla kong naalala ang kalagayan nila Mommy.
"How's my Mom? My Dad and Grandpa?" Malungkot kong tanong.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bigla ko silang na miss ng bongga. Ang saya lang namin kumain noon na kompleto kami sa lamesa. Kahit ako lang ang maingay.
Masaya parin dahil andiyan ang lahat.
Nakakalungkot, na miss ko talaga sila!
"They are okay. The Queen wants you to fly in Italy before the Mafia War. The enemy will always want to kill you. It's much better if you are there para ma protektahan ka nila." Mahabang paliwanag ng lider. At wala akong maintindihan kahit isa! Maliban sa pagpunta ng Italy.
Napatingin ako kay Zac. At naintindihan naman niya.
"Don't worry baby. I will come with you." Sambit ni Zac.
At napanatag naman ang aking kalooban. At least andu'n siya with me. Okay na ako.
Pinagpahinga na namin ang lima dahil bukas din lilipad na kami papuntang Italy. At dahil hindi ako makatulog, I decided to call Debbie para balitaan siya sa mga kaganapan sa aking buhay lately.
Na miss ko rin ang maingay niyang boses. Pero kanina pa ako dial ng dial ng kanyang phone number ay out of coverage area.
Sinubukan ko ang number sa Mansion ay ganu'n din. Hindi ko sila ma kontak.
Kinuha ko ang aking laptop para tawagan siya online at makapag videocall na rin. Pero wala! At matagal ng hindi nakapag update si Debbie ng kanyang status at wala rin siyang post na bago. May nangyari bang masama sa kanila?
"Why are you still awake? Let's sleep." Hinila ako ni Zac palapit sa kanyang dibdib.
Kahit kinikilig ay hindi ko parin maiwasan mag-alala. Sana okay lang sila.
"Nag-aalala lang ako kay Debbie. Hindi ko siya ma kontak. Kahit saan, ni anino niya ay hindi ko mahagilap. May nangyari kaya? Nakakausap mo pa ba si Hector?" Nag-aalala kong tanong.
At kahit pilitin kong iwaksi sa aking isipan ay hindi ko maalis na biglang kumislap ang mga mata ni Zac!
Ano ang ibig sabihin nito?
"Nope, I didn't heard from him lately. At naging busy din ako. Don't worry, tomorrow I will call him. For now, let's sleep." At pinikit na niya ang kanyang mga mata habang nakayakap ang isang kamay sa akin. Ano 'to? Para na kaming tunay na mag-asawa!
At mag-asawa naman talaga kami!
Pero gusto ko rin naman eh.
Ano ba, matulog kana Alexis!
Shut up brain.
Nag-aalala parin ako. Ewan ko, hindi ko maiwasan ang mag overthink.
Sa pamilya ko.
Ang status namin ni Zac na hindi ko maintindihan kung ano.
At dumagdag pa si Debbie.
Nasaan kana Besh?