My Old Billionaire Husband

Chapter 53 Under attack!



Alexis

Tumawag si Zac ng Private Doctor to check up his Mom. At buti nalang okay siya, maliban sa nakuhang trauma sa mga nangyari. Hindi na ako tinatablan ng trauma. Nagsasawa na ako sa Mafia na 'yan! I want to end them all and bring them to hell.

Pero, kaya ko ba?

Hindi, natural huhu.

Wala ako sa mood ng makauwi na kami nang bahay.

Agad akong naligo at nahiga. Ayaw parin ako pansinin si Zac!

Bahala siya. Hindi naman pwede na basta nalang namin patayin si Adrian. Nakita ko kung paano niya pinatay ang mga tauhan nila.

Pero naguguluhan parin ako kung ano ang dahilan niya? Dahil gusto niya ako? Parang ang babaw na reason to take that action. Lalo na at buhay ang pinag-uusapan. Kung ganyan ang Butterfly Gang sa pagkawalang puso at halimaw, mahihirapan akong harapin sila!

Madali lang ako maawa. Hindi ko kayang pumatay ng hayop lalo na kung tao. Hindi ko alam kung ano ang aking maiaambag sa Mafia War na paparating!

Ang Kung Fu moves ko?

Nagpapatawa ka Alexis!

Shut up brain. Masakit ang ulo ko ngayon at I don't want to argue.

Parang bigla nalang ako nawalan ng gana sa lahat ng makita ko ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Zac. Para sa akin ba 'yon? Bigla ata akong nalungkot naa isiping ito!

He didn't trust me or he did not trusted me?

Sa tagal na namin magkakilala at sa lahat ng mga nangyari sa amin ay wala pala siyang tiwala. Kahit ang friendship man lang namin.

I felt that we're back at square one. Kung saan parang wala lang.

Is the real Zac back? Wala na ba siyang amnesia?

Heto na naman ako sa pagka overthinker ko! Pero hindi ko talaga maiwasan.

Nakarinig ako ng malakas na katok sa labas.

At sino naman ito! Gusto kong magpahinga kahit hindi matulog.

Nagulat ako ng buksan ko ang pintuan. Si Zac ay naka bulletproof armor!

Nag-umpisa na ba ang gyera? Pero ang Mafia War ay sa Italy gaganapin. Bakit nalipat dito?

"Ano'ng nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"We are under attack! Wear this." At inihagis niya sa akin ang bulletproof vest.

"Kailangan ba talaga suotin ito?" Nagtataka kong tanong.

"Yes, napapalibutan tayo ng napakaraming kalaban from Butterfly Gang. Let's go!" Hinila ako bigla ni Zac at hinayaan ko lang siya. Parang nakakahiya ang outfit ko! Nakapantulog with my favorite hello kitty pajama sa gitna ng bakbakan at OMG! Wala akong bra!

Walanghiyang Butterfly Gang na yan! Hindi man lang nagpasabi at ng nakapag outfit ako nang ala Angelina Jolie. Para akong ewan nito! Buti nalang at may bulletproof vest at least naitago ang dalawang naglalakihang bundok. "Where is Mom and Dad?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi pa nga nakaka recover si Mom sa nakuhang trauma. Heto na naman ang mga bwesit na butterfly gang!

"Don't worry, I let them escape first and they are safe somewhere." Sagot ni Zac habang pinagbabaril ang mga pangit na goons na nakaharang sa aming daraanan.

At Parang Mafia King lang si Zac sa kanyang outfit na naka leather jacket.

Nasaan ang hustisya? But we have no time to think about my outfit. Ewan ko lang kung makalabas pa ba kami ng buhay ni Zac!

Konti lang ang mga bodyguards ni Zac dahil ang iba ay kasama nila Mom at Dad.

At ako ay wala man lang maiaambag!

"That's good then. Give me a gun!" Determinado kong sabi.

"Seriously?" Nakataas kilay na tanong ni Zac.

"Yes, Seryoso ako! You already teach me how to fire at the Favorite Place. I can do it. Trust me!" Walang ngiti na sagot ko. "This is not a game Alexis! We are at the real world and our enemy is real and ready to kill us!" Naiinis na sigaw ni Zac.

Heto na naman siya sa pagka isnabero. At naka maskara parin sa gitna ng gyera!

Well, it added for his mysterious look at lalo siyang gwapo tingnan. At biglang nag-init ang aking pisngi sa gitan ng putukan!

Ano ba Alexis, magseryoso ka naman!

Pinagalitan ko talaga ang aking sarili. Baliw na talaga ako eh!

"I know, Ano gusto mong gawin ko? Playing damsel in distress na laging pinagtatanggol ng kanyang prince charming? Ayokong mamatay ng hindi lumalaban Zac!" Determinado kong sambit.

He just chuckled and give me a baby armalite. Magaan lang naman siya pero nagulat ako sa paghagis ni Zac at na out of balance. Buti nalang at mabilis ang kamay ni Zac at agad niya akong nasalo at nahawakan ang aking beywang. Wala naman nagbago sa epekto na dulot niya. Para parin akong nakukuryente at ang init ng aking nararamdaman. Pero wala kaming time para kiligin!

Time is running and we need to get out in here alive.

Biglang may nagpaputok sa amin at agad kaming tumakbo at nagtago. Pero napahiwalay ako kay Zac. Ang tanga ko lang naman kasi! Akala ko ay papunta si Zac sa kanan kaya dito ako tumakbo. Pumunta pala siya sa kaliwa!

"How sweet! Let's see kung hindi ba kayo lalanggamin today. Pero hindi dahil sa sobrang tamis bitch. Ang kakainin ng mga langgam ay ang walang buhay mong katawan hahaha!" Nakakalokang sigaw ng Demonyitang si Annalise.

Siya pala ang nag declare ng war! She is determined to kill me. At aaminin ko na kinilabutan ako sa aking narinig but as I've said, I don't want to die without fighting! Kung akala niya na magmamakaawa ako sa kanya. Well, sorry nalang siya! "Akala ko naman kung sinong VIP ang nandito. Katulong lang pala ng Butterfly Gang hahaha." Nakatawa kong sagot.

At kita sa kinaroroonan ko ang galit sa mukha ni Annalise.

"Die Bitch!" At pinaputukan niya ako ng ilang beses.

Buti nalang at matigas na bakal ang aking nataguan. Medyo nag-aalala ako kay Zac. Hindi masyadong matibay ang kahoy na pinagtataguan niya!

"Ikaw kaya ang mamatay diyan! Gusto ko pang mabuhay no! Ikaw buhay ka pa nasa impyerno na yang kaluluwa mo! Bagay nga sa'yo ang maging Demonyita." Naiinis kong sagot.

"Stop that filthy mouth of yours! You will die today, Alexis Jenn Buenavista. Men, kill him! At ako na ang bahala sa babaeng ito."Sigaw niya at agad na nagpaputok ang mga pangit niyang goons.

Di'ba sabi nila kapag Mafia ay mga gwapo. Bakit ang pangit ng mga butterfly gang?

Pero ang mga member nila Hector ay mga gwapo at cute naman.

Bumagay lang ata sa sama ng budhi nila ang kanilang pagmumukha.

At sure ako, few months from now. Ay mag transform yang mukha ni Annalise sa totoong Demonyita!

"Zac, mag-iingat ka!" Nag-aalala kong sigaw.

"Don't mind me baby, save yourself first!" Sagot ni Zac habang nakikipag barilan sa mga alipores ni Annalise.

Ang dami ng mga kalaban! Hindi ko alam kong kakayanin ni Zac o kung hanggang saan aabot ang bala niya. Baka maubusan siya!

May biglang gumalaw sa aking gilid at bigla ko itong pinaputukan. Buti nalang at bullseye!

"Impressive! Pero hanggang saan ba aabot ang bala ng walang kwenta mong armalite? Let's play a game Alexis, Exciting ito hahaha." At tumawa na naman ang evil queen!

Hindi ko alam kung kakayanin ng baril namin ni Zac. Ang dami nila na nakaabang sa amin na maubusan kami ng bala!

Nakita ko kung paano natanggal ang maskara ni Zac. Nang paputukan ito ng isang goon. Nagpanic ako sa aking nasaksihan.

Baka mag space out si Zac ngayon! Natanggal na ang kanyang maskara at masakit tingnan ang makulay ng mga putok na galing sa mga baril ng kalaban.

Hinawakan niya ang kanyang ulo at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Not now Zac, Open your eyes!" Sigaw ko pero natulala lang si Zac at tila walang narinig.

Bakit pa

kasi

ngayon pa siya natulala ulit!

"Interesting, kill him!" Sigaw ni Annalise.

"Don't you dare!" At agad kong pinaputukan ang lahat ng magtangkang lumapit kay Zac.

Doble kalabit na ang aking ginagawa! Walang tigil sa paglapit ang mga butterfly gang. At ako ay walang tigil din sa pagbaril sa kung sino mang may magtangkang lumapit sa amin! "Let's see kung hanggang saan aabot ang bala mo bitch!" Sigaw ni Annalise.

"Ikaw ang desperadang bitch! Ano na, nakuha mo na ba ang puso ni Rond? Hindi, di ba? Hahaha. Magdusa ka bitch!" At agad ko siyang pinaputukan na dumaplis sa kanyang braso. Naka hit ako doon ah!

Pero agad din naman gumanti ng putok ang Demonyita at nagtago ako for my dear life! Habang nakatago ako ay wala akong tigil sa pagpapaputok sa bawat lalapit kay Zac. Kailan ka ba magigising? Malapit ng maubos ang aking bala.

Huling bala na ito at napagdesisyonan kong iputok ito kay Zac. He needs to wake up. He is spacing out again at wala sa sarili. Ang dami pa kaya niyang bala!

Itinutok ko ang baby armalite sa baril na hawak ng kamay niya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Hoy pangit! Gumising kana. Huling bala ko na ito. Hahayaan mo ba akong mamatay?" Sabay putok ko sa kanya.

At nagising nga siya! Pero yon lang wala na akong bala.

"The lover boy is already awake, Save your princess boy!" Sigaw ni Annalise at sinenyasan ang mga pangit niyang goons na paputukan ako.

Buti nalang at binaril ni Zac ang mga ito. Pero hindi sila maubos!

Paano nalang pag nawalan na ng bala?

Tumakbo si Zac sa kinaroroonan ko habang pinapuputukan sila Annalise. Gusto pa ata mag suicide ulit at pag-alalahanin ako!

"Magpapakamatay ka ba?" Galit kong tanong nang siya ay makalapit na.

"Nope, But let's die together baby!" Nag wink pa ito bago nagpaputok ulit.

At nganga lang naman ang inyong Lola huhu.

Ang gwapo ni Zac! At lalo lang nagbigay ng atraksiyon sa paningin ko. Parang anytime ay pwede na akong mamatay dahil sa ngiti niya.

Pero hindi pwede! Naghihintay pa ang pamilya namin.

Patuloy sa pagbaril si Annalise at ang pangit niyang mga goons.

"We are getting to an exciting part. Uwu! Ano bitch, kinakabahan ka na ba? You are going to die anytime soon. Bwahaha!" Malakas na tawa nito. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko lang.

"Zac, mamatay ba tayo dito?" Malungkot kong tanong.

"Don't worry, our back up is7 coming. But If ever, we will die together." Seryoso niyang sagot at ipinutok ang huling bala ng kanyang baril. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata. This is it! We are going to die but at least we are together. Ayos na yon!

"It's time to die!" Sigaw ni Annalise.

Niyakap ako ni Zac at napasandal ako sa kanyang dibdib. At nakarinig kami ng putukan at biglang tumahimik ang buong paligid! Patay na ba kami?

Malamang hindi, nakakapag isip kapa kaya!

Hala brain, for the first time ay nagagalak ako na marinig ka!

Sabay namin binuksan ni Zac ang aming mga mata at nagulat kami sa aming nakita.

Tumba ang lahat ng kalaban! Wala ni isa mang nakatayo.

Dumating ba ang aming back up?

Napangiti kami ni Zac sa isa't-isa ng malamang ligtas na kami!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.