Chapter 55 Assassination at the airport part 1
Third Person POV
Ready na si Alexis papunta sa Italy pero hindi parin siya mapakali. Hindi ma kontak sila Debbie at Hector. At kinakabahan na siya baka may nangyari ng masama sa kanila!
Nakatulog naman siya pero balisa ang kanyang isipan. Hinihintay niya bumaba si Zac para tanungin.
"Zac, Natawagan mo ba si Hector?" Nag-aalalang tanong ni Alexis.
Same gesture kahapon. Zac's eyes spark kahit nakatago pa ito sa likod ng maskara.
Nagdududa na si Alexis kung may itinatago ba si Zac sa kanya.
Pero ayaw niyang mag assume ng masama. Ano naman ang itatago ni Zac sa kanya? Matagal ng malihim si Zac. Iwinaglit niya nalang sa kanyang isipan.
"Yes, they are in a vacation. At one of the Island in Spain and it's a remote area kaya walang signal." Sagot ni Zac.
Nabuhayan naman siya ng loob sa narinig.
"Bakit daw? Okay lang na magbakasyon si Debbie? Hindi ba masama ang mahabang biyahe? Buntis kasi siya pero sabagay maliit pa naman ang tiyan niya." Nabigla kong sambit. "Hindi maganda ang health ng Daddy ni Hector. They need a quiet place and fresh air." Huling hirit ni Zac at tuluyan ng napanatag ang kanyang kalooban.
Bigla sila nakarinig ng putok ng baril sa labas at limang bodyguards ang bagsak sa lupa dahil pinagbabaril ito ng the Blue Dragon Squad.
Agad na lumapit si Alexis ng makita ang isang bodyguard na naging close na niya. Buhay pa silang lahat at natuwa si Alexis.
"Bakit? Ano ang kasalanan nila? Okay ka lang Jeric?" Nag-aalalang tanong ni Alexis sa nakahiga na bodyguard.
Ang alam niya ay may pamilya si Jeric na binubuhay at masaya ito sa piling ng kanyang asawa at mga anak.
Bakit nagkaganito? Tanong niya sa kanyang isipan.
"They are spies from the butterfly gang! We need to kill them." Sagot ng lider.
Pero iniharang ni Alexis ang kanyang katawan.
"No! They are human too. Bakit niyo sila papatayin ng ganyan nalang. Just let them go and leave." Protesta ni Alexis.
"I'm sorry my princess. That's the rule. If we let them go. They will report what secret that they've discovered in here." Walang emosyon na sagot ng lider.
"I don't care-" Pero hindi naituloy ni Alexis ang kanyang sasabihin ng magsalita si Jeric.
"Tama na ma'am Alexis. Salamat sa kabutihan mo at patawad." Yon lang at may kinuha ito na parang candy sa kanyang bulsa at kinain.
Ganu'n din ang ibang kasamahan nito. Maya-maya ay bigla silang nangisay at bumula ang bibig hanggang sa tuluyan silang namatay!
Agad na niyakap ni Zac si Alexis para hindi nito makita ang kalunos-lunos na sinapit ng limang bodyguards na palagi nilang kasama araw-araw.
Bumitaw si Alexis sa yakap ni Zac at tinawag ang ibang bodyguards.
"What are you all waiting? Call an ambulance! Baka buhay pa sila." Nanginginig na sigaw ni Alexis.
Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Napapagod na siya sa ganitong buhay! Dati naman ay wala siyang ibang ginawa kundi mag party buong umaga kasama ang mga kaibigan at si Rond.
Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ikinasal siya kay Zac at nag traydor ang kaibigan niyang si Joanna. Si Debbie ay may sarili nang pamilya at malayo na sila sa isa't-isa. Si Lara ay nasa Korea at busy sa walang kwenta niyang lovelife. Masaya siya ng malaman na may Lolo pala siya pero nagimbal ang tahimik niyang mundo ng malaman na ang tahimik at maamo niyang Mommy ay isa palang Mafia Queen!
Ang buong akala niya ay ang Daddy niya ang tigre, hindi pala.
Ang dami niyang akala na walang kinahinatnan.
Ni hindi siya nagawang ipaglaban ni Rond! Pero siya ay todo ang paglaban sa kanilang pagmamahalan kahit na asawa niya na si Zac.
At ngayon ano ang susunod? Si Zac ay mawawala? Makakaya ba niya?
Tuluyan ng napahagulgol ng iyak si Alexis sa isiping iyon.
At nakatulog siya sa balikat ni Zac habang papunta na sila ng airport.
*****
REGALADO MANSION
"What? Jeric died?" Di-makapaniwalang tanong ni Adrian.
Nasa basement parin siya ng mansion at nakakulong. Pero may alam siyang sekretong daanan para makapag report parin sa kanya ang kanyang mga tauhan.
"Yes, boss. Papatayin din sila ng iyong Daddy. Wala na silang choice. Namatay sila sa harapan ni Alexis. Ang Blue Dragon princess." Sagot nito.
Biglang nag-alala si Adrian sa nalaman. Hindi niya alam kung nakayanan ba ni pretty lady ang mga nasaksihan. Alam niyang matapang ito pero isa parin siyang babae. "Where are they?" Tanong niya.
"Inilibing din nila kaagad." Malungkot na sagot ng kanyang tauhan.
Kahit siya any nalungkot din. That's their life ever since at yan ang ayaw niya! Ang ituring ang tao na parang bagay lang. Ang ituring ang buhay na isang laruan lang. Kapag nasira na ay basta nalang itatapon!
Ng dahil lang sa nabigo sa pag-ibig ang kanyang ama ay nag wild na ito at kung anu-ano na ang pinag-gagawa! Sa tingin niya ay tuluyan na itong nabaliw dahil sa pag-ibig. Si Annalise na kanyang pinsan ay ganu'n din. May lahi ata silang baliw lang sa pagmamahal. At aaminin niya. Na malapit na siyang mabaliw!
Alam niyang may asawa na si Alexis pero bakit nagkagusto pa siya dito? Sadyang tanga lang ata ang mga Regalado.
"Ano'ng balak ni Daddy? Babalik ba sila ng Italy?" Seryosong tanong ni Adrian.
"Hindi ko alam pero bukas ay ang mga skilled assasin from New York ang na hire ng Daddy mo to assassinate the Blue Dragon Princess." Mahabang paliwanag nito.
Bakit ba gusto niyang patayin ang anak ng babaeng minahal niya? Yan ang laging tanong ni Adrian na hindi niya talaga maintindihan!
"It's time for me to get out in here!" Sambit ni Adrian.
AIRPORT
*****
Matamlay si Alexis habang naglalakad. Bigla nalang siyang nawalan ng gana sa lahat. Parang nakakapagod na! Pagod na siya sa ganitong mundo at gusto na ng normal na buhay.
Mas gusto nalang niya bigyan ng apo ang Mom ni Zac at mamuhay ng tahimik at mapayapa.
Bigla niyang naalala ang mga ito.
"Where is Mom and Dad?" Tanong niya kay Zac.
"Don't worry, they went back in Japan. Hindi na sila nakapag-paalam ng nalaman ang nangyari kahapon. I told them na bumalik na muna doon for their safety and I forgot to tell you7." Paliwanag ni Zac. "That's good then at safe sila." Sagot ni Alexis.
Nabawasan ang kanyang alalahanin.
"Yeah, it's much better." Sang-ayon ni Zac.
"I'm thirsty, Can you buy me a juice or a water?" Utos niya.
"Sure," Mabilis na umalis si Zac.
Si Alexis ay napapagitnaan ng Blue Dragon Squad. They didn't sit down but standing up.
Nagmamasid sa paligid for a possible danger.
Dumating si Zac at agad na binuksan ni Alexis ang bote ng juice.
Bago pa niya mainom ito ay mabilis na inagaw ng isa sa mga squad member ang kanyang juice at itinapon sa kalapit na basurahan.
"Bakit? Uhaw na uhaw na ako!" Reklamo ni Alexis.
Si Zac ay napalingon sa paligid at agad na hinawakan si Alexis.
"Girls stay alert! The enemy is on the vicinity." Sabi ng lider.
Si Alexis ay lalong na bwesit dahil para silang mga ewan sa airport. Naintindihan naman niya na concern ang mga ito sa kanyang safety.
Pero sumusobra na ang mga bwesit na butterfly gang na 'yan!
Pati ba naman dito ay sinundan siya? Wala pa atang balak na paabutin siya sa Italy!
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Biglang may lumipad na bala sa kanyang gilid. At kitang-kita ni Alexis ang slow motion na pagbagsak ng bala sa kalapit ng kanyang inuupuan.
Mabilis siyang hinila ni Zac patayo at pinagitnaan siya ng apat na babae ng Blue Dragon Squad.
Ang lider ay nakipagbarilan ng patago sa mga kalaban na nasa di-kalyuan lang pala!
They are all using a silencer gun. Walang maririnig na putukan. And they are expert enough to control their way of shooting.
Ang mga tao sa paligid ay hindi man lang nakahalata na may nangyayari ng bakbakan!
Gustong matawa ni Alexis sa kanilang sitwasyon but it's not the right time to laugh and be happy.
Nasa bingit na naman sila ng kamatayan. What's funny nga naman!
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zac.
"Yes, pero naiinis na ako!" Mas lalong nainis si Alexis ng makita si Annalise na palapit sa kinaroroonan nila. Naka disguise ito na isang flight attendant.
Nakangiti pa ang bruha habang dahan-dahang binubunot ang baril sa kanyang bag.
Alerto ang apat sa paglapit Niya pero may biglang lumitaw na mga goons sa likuran at pinagbabaril sila.
No choice ang Blue Dragon Squad kundi ang makipagbarilan sa mga ito.
This time, napansin na ng mga tao ang tunog ng baril! Hindi silencer ang kanilang mga baril kaya nagkagulo na ang lahat.
Agad namang nagsitakbuhan ang mga goons papalayo matapos magpaputok. Hinabol sila ng Blue Dragon Squad at naiwan sila Zac at Alexis na magkahawak kamay. "Bullshit! Who are they? Mga panira sa plano!" Galit na sigaw ni Annalise na umalingawngaw sa buong paligid.
At dahil nagpanic na ang lahat ng mga tao.
Kanya-kanya ng takbuhan ang mga ito. At si Alexis ay napabitaw sa pagkakahawak kay Zac.
Bigla siyang natakot at kinabahan.
"Zac, nasaan ka?" Sigaw ni Alexis. Baka sakali lang na marinig siya ni Zac.
Gusto na niyang maiyak at baka may nangyari ng masama dito! Hindi niya alam na siya pala ang nasa panganib!
"Got you, Finally bitch. You will die in my hands!" Boses ni Annalise ang narinig ni Alexis sa kanyang likuran.
At dahan-dahan siyang napalingon at bumungad ang nakangising pagmumukha ng Demonyitang si Annalise. "Rest in peace!" Tawa nito bago kalabitin ang baril.