My Old Billionaire Husband

Chapter 46 Movie Date



Alexis

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay galawin ang buhok ko!

Nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay pinilipit ko ito ng todo hangga't mabitawan niya ang aking buhok.

"Ouch! I will kill you bitch!" Sigaw ni Demonyita.

"Huh, Bring it on!" Sagot kong nang-uuyam at binigyan siya ng nakakalokang ngiti.

Susugod pa sana ang bruha ng pigilan siya ni Rond.

"Stop it! You are causing a scene." Sabi ni Rond.

"Natura! She is seducing you. At ikaw nagpalandi ka naman ha?" Galit nitong tanong.

Medyo umarko ang kilay ko sa salitang landi. Ako pa ang na kidnap ako pa ang malandi! Pero syempre hindi ko sasabihin na ginawa ni Rond 'yon. I won't blow his cover. Pero uminit talaga ang dugo ko sa aking nalaman. "Are you done? Let's go baby." Hinila ako ni Zac pero sumigaw bigla ang lukaret na Demonyita!

"We are not done! Ano'ng klaseng asawa ka ba? Yong babae mo ay nakikipaglandian sa asawa ko okay lang sa'yo?" Naiinis na tanong niya kay Zac.

Nginitian lang siya nito.

"I trust my wife. So, it's not my problem anymore if you don't trust your Husband." Malamig na sagot ni Zac. Hinila niya na ako palabas pero huminto ako.

I will not leave this place na hindi gumaganti! Sa ginawa nila ni Joanna sa amin ni Rond. Oo, hindi ko na mahal si Rond pero pinaglaruan nila kami lalo na si Rond na pinagbantaan pa nila.

Mabilis akong lumapit kay Annalise at binigyan siya ng napakalutong na sampal na hindi niya makakalimutan.

"How dare you!" Sigaw niya.

"Yes, I dare you bitch! You deserve that. At sino ang malanding gagawin ang lahat makuha lang ang lalaking gusto niya? Kulang pa 'yan sa lahat ng kalandian mo!" At iniwan ko siyang nagtataka. Habang papalabas ay rinig ko ang sinabi niya kay Rond.

"What did you do Rond? Remember no one can save you! And no one can save that bitch! Don't test my patience." Galit na sabi niya.

At kita ko ang pangamba sa mga mata ni Rond. Bakit ba ayaw lumaban ng lalaking ito? Takot na takot talaga siya sa babaeng 'yan! "Hoy bruha! This is for you." Tinawag ko siya ng nasa pintuan na ako. Giving her an F sign.

At galit na galit lang siyang nakatingin sa akin.

"Let's go!" Enjoy pa sana ako na inisin si Demonyita. Pero hinila na ako ni Zac papalayo.

At habang sakay kami ng elevator ay tahimik lang siya. I don't know if galit ba siya or ano?

"Zac, hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang nangyari?" Tanong ko.

Napabuntong-hininga siya.

"I already read the contract and it's your private matters." Maikli niyang sagot.

"Okay, but we need to talk about it later. May importante ako na gustong sabihin sa inyo ni Hector."

"Okay." Bakit ang ikli naman ng sagot niya?

"Are you angry with me?" Tanong ko ulit.

"No." Sagot niya.

Bakit feel ko galit siya?

"Are you sure? Bakit iba ang nakikita ko. Parang galit ka! Don't tell me you're jealous again?" Ay bwesit! Bakit naitanong ko pa?

Tinitigan niya ako at biglang isinandal sa pader ng elevator.

"Yes, I'am!" At siniil na niya ako ng mapagparusa niyang halik!

Sino ba naman ako para tumanggi?

Hoy mahiya ka Alexis!

Shut up brain. Moment ko 'to!

The kiss lasted for a minute at para akong nahilo ng slight lang naman.

Ang sherep lang kasi hehe.

Pero pa shy type tayo mga besh. Hindi ako nagsalita hangga't makalabas na kami ng hotel.

At bakit kompleto ang lahat? Andito pa talaga sa labas ang tour bus at naghihintay sa amin.

Nakakahiya!

"Besh! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Debbie.

"Yes Besh, Don't worry." Sagot ko.

"Let's continue the tour then." Si Hector na sumingit.

Continue! With Rond and Annalise?

No thanks.

Napansin naman ni Zac na ayaw ko at sumingit siya sa usapan.

"No, We will have our own date." Sagot ni Zac.

Hector chuckled and smile.

"Sure, Let's go Babe." Tawag niya kay Debbie.

"OMG, Totohanan na ba ito?" Tanong ni Debbie sa akin.

Ano ang isasagot ko? Hindi ko alam! Paano magiging totoo, may amnesia si Zac? Ewan ko ba sa katawang lupa ko kung bakit ang bilis bumigay sa kanya lately. Napabuntong-hininga nalang ako. Wala akong maisasagot besh hayy...

"Let's go. Just leave them alone!" Si Hector na hinila na papasok si Debbie sa loob ng bus.

Naiwan kami ni Zac na walang kibuan. Nahihiya parin ako.

Ano na Alexis! Magsalita ka diyan.

"Let's go!" Maya-maya ay sabi ni Zac. Hinawakan niya ang aking kamay at kami ay naglakad.

"Wait, maglalakad lang tayo?" Nagtataka kong tanong.

"Yes, it's much better this way. We will surely enjoy the view." Sagot niyang nakangiti.

Bakit ba, sa tuwing ngumingiti siya ay para akong nanghihina? Ang gwapo ni Zac sa paningin ko!

Normal pa ba ito? And that gray eyes of him! Lagi akong hinihigop.

Malala kana Alexis huhu.

"What's wrong? You want to ride a cab?" Nagtatakang tanong ni Zac.

Anong cab? Mas gusto ko kaya ito!

"No, I like it. Napakaganda ng view, tama ka." Sagot kong nakangiti. "Indeed, it's very beautiful." Mahina niyang bulong.

At bakit bigla akong nag blush?

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Huwag kang assuming Alexis! Ang beautiful ay ang view at hindi ikaw.

Tse! Bwesit ka talaga brain. Matulog ka kaya muna diyan.

Parang ayaw ko ng matapos ang oras. Ayaw ko ng dumating kung saan man kami patungo! Gusto kong hawak ko lang siya at nasa tabi ko. Ayaw kong matapos ang moment na ito. Kahit nakukuryente ako at hindi mapakali. Ayaw kong bumitaw sa kamay ni Zac.

Ang sweet kaya hehe. Holding hands while walking!

Baka mahimatay na ako sa sobrang kilig nito.

At sa pagka clumsy ng inyong Lola ay muntik pa talagang madapa. Buti nalang at nasalo agad ako ni Zac. Parang naulit lang ang eksenang ito!

Noong una kong masilayan ang maganda niyang mata sa likod ng maskara.

Kailan kaya magkakaroon si Zac ng courage na alisin ang maskara niya? Hindi ko naman siya mapipilit. Hindi biro ang trauma na pinagdaanan niya. Pero kahit naka maskara siya ay ang gwapo parin niya no! "Are you okay?" Tanong niya.

"Oo naman. Malayo pa ba tayo?" Nagtanong na rin ako. Wala akong maisip na sabihin hehe.

"No, malapit na." Then he holds my hand again.

Ano ba! Kinikilig na talaga ako huhu. Pero hindi ako sigurado sa status namin ngayon. Ano na ba kami? Mag jowa na?

Gage! Asawa mo si Zac, Alexis.

Tumigil ka brain! Asawa lang sa papel at kontrata. Bahala na, enjoy ko na muna ang moment na ito. Mahirap din e clarify ang lahat lalo na at may amnesia pa siya.

Ang init ng kamay ni Zac ay nagbibigay ng kapayapaan sa asking puso. Sana ganito nalang palagi...

"We are here!" Sambit niya.

At huminto kami sa napakaganda at napakalaking Mall!

At dinala ako ni Zac sa Cinema.

"We will watch a movie?" Tanong ko.

"Why, you don't like?" Nagtataka niyang tanong.

Gusto! Excited pa nga hahaha.

"I like it! Ano'ng movie kaya ang maganda dito?" Tanong ko sa kanya.

"Let's go ikaw na ang pumili." Suggestion niya.

May apat na movie ang pagpipilian. Alin kaya ang maganda dito? Ito nalang kaya? Astig din ng title eh. Pang action movie talaga!

Shoot ang title ng movie at nakatawag pansin sa akin yong poster niya na may babaeng nakahawak ng baril.

Bago kami pumasok sa loob ay bumili muna kami ng Large size na popcorn at juice. Mukhang maraming tao din ang nanonood. Maganda ata itong movie talaga! Umupo kami sa unahan dahil puno na sa gitna at hulihan.

Unang bungad palang ng palabas ay bakbakan na kaagad. Barilan to the max and I like it!

Tiningnan ko si Zac at naka focus lang siya sa screen.

"You want to eat?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng popcorn.

"Yes, feed me please." Sagot ni Zac na hindi inaalis ang mata sa palabas.

Ano daw? Feed me?

Feed him or not? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Where's the popcorn?" Nagtatakang tanong ni Zac.

Kusa nalang kumilos ang aking mga kamay and I feed him!

At ng dumampi ang kanyang labi sa aking mga daliri ay para na naman akong nakukuryente!

Bigla akong nag-init kahit ang lamig sa loob.

Pero si Zac ay kampante lang na nanonood at kumakain. Ako ay halos mahimatay na sa sobrang kilig. Ano ba!

At biglang nag-iba ang takbo ng scene sa movie!

Bakit may bed scene?

Jusko, Hindi ko kaya ito!

Napayakap nalang ako kay Zac. Hindi ko kayang panoorin.

Si Zac ay tawa lang ng tawa.

Nakakainis.

Nag enjoy pa talaga si pangit!

"What's funny?" Naiinis kong tanong na hindi tumitingin sa screen.

"Nothing, you're good at choosing movie. I like it!" Nakangiti nitong sagot.

Nang-iinis lang! Grr...

"Ewan ko sa'yo!" Naiinis kong sagot.

At hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kanyang balikat!

At tulo laway na naman tayo huhu. Minus ganda points!

"Tapos na ba ang movie?" Tanong ko.

"Yeah, kanina pa." Sagot niya.

"Hala! Sorry Zac. Naku, wala ng mga tao. Let's go!" Sabay 'tayo ko. Pero hinila ako ni Zac at napaupo sa kanyang lap!

Ano na Alexis? Nanigas ka na diyan dai!

Hindi ako makatingin sa mukha ni Zac.

At tuluyan na akong nanigas talaga ng tanggalin niya ang kanyang maskara!

Ang gwapo! Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Pinagpapawisan na ako!

"Relax. I paid the last full show!" Sagot niya na tila nang-aakit ang mga mata.

Ang ganda talaga ng Gray eyes niya! Pero wow! He paid the last full show? For the two of us!

Maiihi na ata ako sa kilig mga besh!

"Why you do that?" Mahina kong tanong.

Pinagpapawisan na ang aking ilong at noo. Ang tiyan ko ay may paru-paro na gustong kumawala! Pigil ko ang aking paghinga.

"I just want our movie date to be special and memorable." At bigla niyang hinila ang aking mukha at deretso na shoot ang aking nakaawang na labi papunta sa kanya. Heto na naman tayo sa nakakahimatay na halik ni Zac Rogen Walker!

This movie date is indeed special and memorable. I will treasure this moment for the rest of my life...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.