Chapter 47 Serious Matter
Alexis
Para akong nakalutang sa ulap! Kahit nakauwi na kami ni Zac sa Mansion nila Hector ay ang Movie Date parin namin ang nasa aking isipan. Ngunit puso ko ay mayroong pangamba dahil sa hindi pa niya maalala ang nakaraan. Ay, Ano ba! Napatula na ata ako sa sobrang kilig kanina hehe. Pero napawi ang aking ngiti ng makita ko si Demonyita Annalise papasok ng Private Office ng Daddy ni Hector!
Talaga lang determinado ang mga pangit na Butterfly Gang na 'yan. Pero bakit sa Daddy ni Hector? Hindi naman siya ang leader!
I can smell something fishy. Kung ano man ang malansang baho na dala ni Annalise ay yan ang hindi ko pa alam! Lalapit sana ako sa pintuan pero ang daming bodyguards sa labas.
I need to talk to Hector. Ngayon na talaga! I need his support, hindi pwedeng pumanig siya sa mga pangit na Butterfly Gang na 'yon!
Kinatok ko sa Debbie sa kanilang kwarto. Nagbabakasali na andito rin si Hector para makausap.
"Besh! Ano ang latest?" Sigaw ni Debbie na mas excited pa sa akin.
"I'm sorry Besh. Pero wala ako sa mood na tumawa. I need to talk some serious matter. Andiyan ba si Hector?" Seryoso kong tanong.
Napahinto si Debbie sa kanyang pagtawa. Alam niya kung kailan ako seryoso at nagbibiro. What are friends are for!
"Bigla ata akong kinabahan Besh. May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong.
Napabuntong-hininga ako ng malalim.
"Wala pa, pero paparating na ang delubyo. Nag-aalala ako sa pamilya ko Debbie." Malungkot kong sagot.
"Ano'ng nangyari?" Tanong niya na halos maiyak na.
"Wala pa besh. Pero bakit 'yang mukha mo ay parang namatayan?" Hindi ko tuloy napigilan ang pagtawa. Hindi ako sanay sa seryosong mukha ni Debbie!
"Are you joking Besh? Tanong niya na naka kunot ang noo.
Huminto muna ako sa pagtawa bago ko siya sagutin.
"I'm sorry Besh, natawa lang ako sa reaction mo haha." Hindi ko mapigilan ang aking pagtawa.
"Akala ko kung ano na Alexis. Tatawa ka lang naman pala besh. Wait, Ano ginawa niyo ni Zac? Saan kayo nagpunta? Sinuko mo na ba ang Bataan?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Walang sumuko haha. Pero wait, need ko talaga makausap si Hector Besh!" Mamaya na ang magulo kong lovelife. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.
"Okay, nasa pool area ata sila ni Zac Besh. Puntahan natin at magdala na tayo ng pulutan hehe." Nakangising sagot ni Debbie.
"Pulutan? Are they drinking?" Nagtataka kong tanong.
"Let's go! Obvious naman haha." Ang lukaret na si Debbie ay hinila na ako pababa sa kitchen at kumuha ng isang dosenang junk foods! Hayy, ewan ko sa babaeng ito...
Andito nga sina Zac at Hector at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Ano naman kaya?
Malay ko!
Huwag kanang sumingit brain. Matulog ka muna diyan at ako ay naguguluhan!
"Baby! What are you doing in here?" Nakakunot noong tanong ni Zac.
"Sorry if na disturb ko kayo Zac. But I really need to talk to Hector!"Seryosong sambit ko.
"Sure, join us. Babe, come here!" Tawag niya kay Debbie.
Mabuti naman at approachable si Hector kahit napaka powerful ng Aura. Napalingon ako sa paligid kung may tao ba. At mayroong mga bodyguards na nakakalat. Pero nasa malayo naman sila. "Why?" Nagtatakang tanong ni Hector.
"Is it safe to talk in here?" Kailangan ko muna maka sigurado. Wala akong mapagkakatiwalaan sa mga tao dito except Zac, Hector and Debbie.
"Oh, Don't worry. They are my most trusted men and gabi na bawal lumabas ang lahat."Paliwanag ni Hector.
Napabuntong-hininga muna ako bago ko sabihin.
"Ang Family ni Annalise ay ang Notorious Butterfly Gang. And they wanted an Alliance on all the Mafias from all over the world! Kinakabahan ako for my parents." Malungkot kong sambit. Napatayo si Debbie.
"What? Kaya pala andito 'yang babaeng yan. Babe, Don't you dare accept the alliance." Pagbabanta niya kay Hector.
Si Hector ay hindi man lang nagulat. So, it means na alam niya na? Napawi ang ngiti ni Debbie. Naku, baka mag-away pa ang dalawa!
"You knew it? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Medyo may hinanakit niyang tanong.
"It's confidential Babe. And my Father are still known on half of my clan. He still have a power. Hindi ako tanggap ng iba naming kamag-anak." Nakuyom ni Hector ang kamao habang nagpapaliwanag. Halata ang galit sa kanyang mga mata. Who would have thought na may ganitong issue within their Family.
"Wala ba'ng paraan to unite them?" Naisipan kong itanong.
Napailing si Hector. That means, malabo. Nag message na ako kay Mommy and they already knew and they are looking for Alliance too.
But as much as possible ayokong maging kaaway sina Hector. He is my Best friend's husband!
"Don't worry, I will try to talk with your Father." Si Zac na sumingit sa usapan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Thanks, Bro. I will try my best Alexis but I will not promise anything. But here's one thing is for sure. I will always be an allied to your family. You are my wife's best friend." Sambit ni Hector na may sinseridad.
At medyo gumaan ang loob ko dahil nasa panig namin siya. Gusto kong makausap ang Daddy ni Hector! I will try my luck.
"Thank you Hector." Medyo speechless ako at walang masabi. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Zac. Caressing my hand.
"Don't worry. I'm always be here for you." Bulong niya na nagpakilig at nagpabilis ng tibok ng aking puso.
Pero natatakot ako! Muntik na siyang mamatay ng saluhin niya ang bala na para sa akin. Hindi ko yata kakayanin kung may mangyayari ulit! Hindi pa nga siya gumagaling sa kanyang amnesia. "Thank you Babe." Lambing ni Debbie at niyakap si Hector.
"I will do anything for you babe." Sagot naman ni Hector.
Ang sweet naman! Medyo nilanggam kami ni Zac dito sa gilid hehe.
Natapos ang seryosong usapan pero ako ay hindi parin mapakali! Gusto kong kausapin ang Daddy ni Hector.
Nag-inuman kami dito sa pool. Pero ang isipan ko ay lumilipad at lutang! Parang tumanda ako ng 10 years huhu.
"Besh, Bakit?" Nakahalata na si Debbie at tinanong ako ng pabulong.
"Gusto kong kausapin ang Daddy ni Hector Besh." Sagot ko sa mahinang boses.
Busy naman sila Hector at Zac sa pag-uusap ng kung anu-ano. Sana lang hindi nila mahalata ang aking pagkabalisa.
"Don't worry. Ako na ang kakausap kay Dad." Determinadong sambit ni Debbie.
"Seryoso ka Besh?" Di-makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman. What are friends for. And you are like a sister to me. Let's win this alliance. Don't worry, hindi natin bibigyan ng chance si bruhang Annalise. Bwahaha!" Tawa nito. "Ang sama mo Besh!" Nakatawa kong sambit.
"Hindi pa tayo naka one fourth sa kasamaan nila besh hehe. Kaya, cheer up kana bukas I will talk to Dad."Seryoso si Debbie this time. And I appreciate it always. Palagi siyang nandiyan 'pag kailangan ko siya. "Thank you Besh." Naiiyak kong sagot.
"Itigil na natin ang Drama besh. Let's enjoy! Heto ang sa'yo. Shot puno hahaha." Sabay pasa sa akin ng puno na baso.
Lukaret na babae! Pinuno ng wine ang aking baso.
"Seryoso ka Besh? Gusto mo akong lunurin?" Natatawa kong tanong.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hindi nakasagot si Debbie nang agawin ni Zac ang baso mula sa akin.
"Let's share baby. I will drink the half." At ininom nga niya ng straight! At iniwanan ako ng kalahati.
"Hala! Ang sweet!!" Tili ni Debbie na halos bumasag sa aming ear drum.
"Hoy, Zac! Okay ka lang? Bakit mo naman ininom in one go?" Nag-aalala kong tanong.
"I'm okay. Here, drink the half." Nakangiting sagot ni Zac.
And I drink the half. And feeling ko ay nag kiss lang kami dahil share kami ng baso hehe.
Ano ba itong naiisip ko?
"Babe, You drink it all huh!" Malambing na tawag ni Debbie kay Hector at binigyan ng puno na baso. Loka talaga!
Pero kanina ko pa napapansin. Wala naman siyang iniinom aside sa coke at sprite. At kami ay nilalasing niya!
Umandar na naman ang pagka-kalog ng best friend ko!
"You're so beautiful when smiling." Bulong ni Zac at feel ko ang mainit niyang hininga sa aking teynga!
And I felt hot again.
Jusko! Nag blush na naman ako!
"And you're cute when blushing." Sambit ni Zac at hinalikan akong bigla sa aking pisngi!
Mas lalo tuloy namula! Pinagpapawisan na naman ako. Ano na Alexis?
Kilig yarn!
At kinilig ka talaga brain. Ikaw ata ang nalasing eh!
Kahit na medyo balisa ako ay nakatulog naman ako ng mahimbing sa kili-kili ni Zac. He is my safe haven. Parang ayaw ko na mahiwalay sa kanya!
Pero, Bakit ako kinakabahan? Ayaw ko ng bumalik ang alaala niya! Gusto ko ganito lang kami forever. Pero alam naman natin na walang forever. Nagwakas nga ang aming matagal na pag-iibigan ni Rond.
Kami pa kaya ni Zac na from the beginning ay walang pagmamahal sa isa't-isa.
Mahal mo na ba talaga si Zac?
Ewan ko brain! Hindi ko alam.
Paano kung ako lang ang nagmamahal?