My Old Billionaire Husband

Chapter 45 Kidnap by Rond Part 2 (A surprise revelation)



Alexis

Nagising ako sa isang malamig na lugar. Ayoko pang magmulat ng aking mga mata. Baka nabaliw na si Rond at patayin ako! Ano ba 'yang naiisip mo brain?

Bakit ako? Ikaw kaya nag-isip ng ganyan!

Sumasagot pa talaga eh! O nababaliw na ako?

Jusko Sana matagpuan ako nina Zac at Debbie huhu.

"I know gising ka na. Just open your eyes Alexis and let's talk." Sambit ni Rond.

Bwesit. Alam pa talaga niya na hindi ako tulog!

No choice but to open my eyes and get up. Pero medyo nahirapan ako dahil nanlalambot pa ang aking katawan.

Ano kaya ang pinaamoy niya sa akin? Hindi ko magagamit ang aking pamatay na kung fu moves. Nanghihina ako!

Bwesit kakalbuhin talaga kita Rond pag nagkaroon ako ng chance!

"Bakit ba? I told you already na hindi na kita Mahal!" Naiinis kong sigaw.

At biglang nag-iba ang expresyon ng kanyang mukha! Nahawa na ata sa Demonyita niyang asawa. Parang devil boy version lang siya ni Annalise! "How could you say that! Don't you know how much I sacrifice? Just to save you!" Napa ingles si Rond at hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya! Save me? From who? From what?

Ewan ko!

Hindi ikaw ang tinatanong ko brain! Tumigil ka.

"What are you saying? Care to explain!" Naiinis kong sagot.

Inis parin ako, ikaw kaya ang paamuyin ng mabahong echos na 'yon! Kung sa kili-kili pa ni Zac ay mas okay sana no! Zac, nasaan ka na...

"I married Annalise just to save you. They threaten me to kill you kapag hindi ko siya pinakasalan and it's all Joanna's plan. It's her revenge to you!" Seryosong sagot niya. Hindi pa pala tumitigil ang malanding babaeng 'yon!

Kever sa kanya.

"So what? Dahil lang diyan nagpakasal ka agad-agad? Don't make me laugh Rond!" Nakatawa kong sagot. Bakit hindi nalang niya sabihin dahil sa business at kung anu-ano pa ang e rason na walang katuturan!

"You don't understand Alexis!" Napasuklay pa ito sa kanyang buhok na tila ba pasan niya ang buong mundo.

Rond look devastated and anxious. It's the first time na nakita ko siyang nagkaganito!

"Gaano ba ka seryoso at parang binagsakan ka ng langit at lupa? And I'm telling you Rond. Kung hindi mo naman gusto si Annalise. Just file an annulment! Huwag mo akong isipin. They can threaten me hangga't gusto nila. I'm not afraid of them!" Nakasimangot kong sagot. Matapang ito!

"It's more complicated and serious Alexis. I want you to be safe dahil Mahal kita alam mo 'yan." Sagot niyang halos naiiyak na.

Pero Mahal ko pa ba siya? Wala na akong nararamdamang spark! Meron man eh naawa ako sa kanya. Bakit niya ginawa 'yon? Dapat sinabihan niya ako if he really loves me. Sinabi ko naman sa kanya ang lahat ng kaganapan sa buhay ko. Naging honest at totoo ako sa kanya. Pinaglaban ko pa ang aming pagmamahalan. Kaya nga sumang-ayon ako sa contract namin ni Zac para makasama lang siya. Pero ano ang ginawa niya?

"No Rond, you don't love me! Bakit mo sinolo? You could have told me! At sabay natin harapin kung ano man 'yang problema na sinasabi mo. But you've hurt me! Leaving me alone and hanging. Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo but now I know but I'm not happy to hear it Rond. Hindi mo kailangan mag sacrifice! I'm here, you know minahal kita noon. I'm sorry I don't love you now." Medyo humina ang boses ko in the last part. Alam kung masakit para sa kanya. But I don't love him anymore. At alam niyang honest akong tao. Kung ano ang nasa puso ko. Sinasabi ko talaga.

"I told you I was threaten! Not just me, But my whole family and you. Nang dahil lang sa obsessed na pagmamahal ni Annalise and Joanna initiate this whole plot. They are a strong Mafia Family from Italy Alexis. They are powerful beyond your imagination!" Sambit ni Rond na may takot sa kanyang mga mata.

Ano'ng ginawa nila sa pamilya ni Rond! Naaawa ako sa takot na aking nakikita sa kanyang mga mata.

Walanghiyang mga Mafia na 'yan! Ayaw talaga akong tigilan. Is this a sign to accept who really I'am?

But wait...

Powerful Mafia Family in Italy? Kami lang naman ang powerful na angkan doon except...

"Ano'ng pangalan ng powerful Mafia na sinasabi mo?" Seryoso kung tanong.

"Notorious Butterfly Gang. Hindi biro ang mapag-initan ng pamilya nila. Mahirap Alexis. Si Daddy ay nahihirapan na rin kahit nakangiti sa harapan nila!" Desperadong sagot ni Rond.

Kumusta kaya sina Mommy? Walanghiya! Mortal enemy ko nga talaga itong Demonyitang Annalise! Hindi ko sinabi kay Rond about my Family. Dahil baka hindi siya maniwala.

"Don't worry, I can manage myself Rond. Ang problema nalang ay kung paano ka makakawala kay Annalise." Sagot kung matiim na nag-iisip. Bruhang babaeng 'yon. Ginawa talaga ang lahat mapunta lang sa kanya si Rond at ang mastermind of manipulation ay ang malandi kong kaibigan!

"There's no escape Alexis. I just want you to know na Mahal parin Kita. Ikaw lang walang iba. Naging cold ako towards you para sa kaligtasan mo. But you know that it's killing me everyday kapag naiisip ko ang sakit na idinulot ko sayo. But I want you to be safe. I love you so much Bebe." Malambing na sambit ni Rond sabay hawak ng aking kamay.

Pero agad ko din itong binawi sa kanyang pagkakahawak. There's no future for the two of us. I don't love him anymore. Medyo na guilty lang ako for his sacrifices to me. Pero wala na talaga!

"I'm sorry Rond! I don't love you anymore. Hopefully you will understand. And don't worry about me. I can protect myself." Sagot ko na hindi tumingin sa kanya. Dahil alam kong malungkot siya. Hindi ko naman pwede dayain ang sarili ko na mahalin siyang muli.

Siguro much better this way. Pero hindi ako natutuwa kay Joanna at Annalise. They will soon taste their own karma. I will make sure of it.

"Okay, I will accept defeat. But can we still be friends?" Pagsusumamo nito.

Pero malabong mangyari na maging friend pa kami.

"Hindi ko alam Rond. Masyadong obsessed sa'yo ang asawa mong Demonyita! Bantay-sarado ka lagi. Paano ka nga pala nakatakas sa kanya? I'm sure may mga bodyguards din siya sa tabi-tabi na nakatago." Curious kong tanong.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pinainom ko ng pampatulog. Gusto na kitang makausap to explain my side. Sobrang bigat na kasi ng aking nadarama. Sa tuwing titingnan mo ako ng masama. Sa tuwing hindi mo ako pinapansin. Ang sakit Alexis! Pero hindi naman kita mapipilit kung hindi mo na ako mahal." Malungkot na paliwanag niya.

"I'm sorry Rond but we can be friends naman dahil diyan tayo nagsimula. Pero ang asawa mo ay isang demonyita! Malabo ang friendship for the two of us. Bakit nga pala kayo nandito sa kasal ni Debbie?" Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang tanong.

Napatiim-bagang si Rond. Galit ang expresyon ng kanyang mukha. Hindi ko ma imagine kung ano'ng klase ng pananakot ang ginawa ng pamilya ni Demonyita. Para magalit si Rond ng sukdulan!

"That greedy Mafia people wanted to strengthen their power! Every Mafia country ay kinontak nila para mapalakas pa lalo ang kanilang organisasyon. And we are here to convince Hector para makipag alliance sila sa Notorious Butterfly Gang. I'm not in favor with this at all!" Napasuntok sa hangin si Rond.

Galit na galit talaga siya. Pero alam ko naman na wala kaming magagawa. Malakas at makapangyarihan ang mga Mafia. Nasaksihan ko na yan at muntik nang mapahamak ang buhay ni Zac. Nakaligtas nga siya pero nakalimutan naman ang lahat.

Kanina pa ako nag-aalala kina Mommy at Daddy. Pati na rin kay Lolo! Sana okay lang sila. Ang mga bwesit na butterfly ay hindi pa talaga nakuntento!

Kailangan kong pakiusapan si Hector! Hindi siya pwedeng makipagkasundo sa kalaban namin!

"Let's go Rond. Gusto kong makausap sina Debbie at Hector. Don't worry gagawin ko ang aking makakaya para hindi sila makipag alliance sa bwesit na Butterfly Gang na yan!" Galit kong sambit.

Ngunit bago paman nakasagot si Rond ay may biglang nag doorbell sa labas ng hotel room at ang ingay nito! Pindot ng pindot at walang preno. Paulit-ulit!

"Annalise is here!" Medyo kinakabahan na sambit niya.

"Then that's good! Dahil kanina ko pa gustong lamutakin ang kanyang pagmumukha." Seryoso kong sagot. At si Rond ay napailing nalang.

I decided to open the door and greet her with my sweetest smile. Alam kong nandiyan din si Zac. Hopefully ay hindi siya mag-isip ng masama sa akin.

I take a deep breath bago ko buksan ang pintuan.

At boom! Ang Demonyitang galit na mukha ni Annalise ang aking nabungaran!

"Walanghiya kang malandi ka!" Sigaw nito at agad sinambunutan ang aking buhok!

Sa lahat nang ayaw kong pakialaman ay ang aking buhok!

Get ready for my revenge, Demonyita!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.