My Old Billionaire Husband

Chapter 41 The Mafia Wedding



Third Person POV

This is it! Ang Wedding day na pinakahihintay ni Debbie. Napakaganda niya sa kanyang gown at make up. Tinatanong niya sa kanyang sarili if she's ready to become a Mafia Queen? It's not a joke. May trauma parin siya sa nangyaring barilan recently. At hindi niya 'yon makakalimutan sa buong buhay niya.

And now she's entering a new chapter of her life. Kung saan sa mundo ni Hector ay expected na ang patayan at barilan!

Ano'ng magagawa niya? Eh mahal na mahal niya ang kanyang babe. She cannot live without him kaya kahit ilang bala pa ang humarang sa kanila. She will take it all! In a few minutes she will become the Mafia Queen of Spain. Napakagandang titulo pero napakabigat na responsibilidad! Kakayanin niya ang lahat basta't kasama niya si Hector. Kahit ano, gagawin niya para sa kanyang pinakamamahal na lalaki.

"A penny for your thoughts?" Nakangiting tanong ni Alexis.

Nagulat si Debbie dahil lumilipad ang utak niya sa kung saan.

"Bwesit ka Besh! Nagulat ako haha." Tawa niya.

"Kanina pa kaya kita pinagmamasdan. Bakit malungkot ka? It's your wedding day besh. Smile! At pagkatapos ay honeymoon na hehe." Nakangising biro ni Alexis.

"Ano ka ba! Pero I'm excited haha." Nakatawang sagot ni Debbie.

Niyakap siya ni Alexis.

"Congratulations Besh, I wish you all the best and happiness." Naiiyak na sambit nito.

"Thanks Besh. Paiyakin mo talaga ako sa wedding ko ha. Bawal umiyak baka matunaw ang make up ko. Pero infairness water proof naman lahat pati ang lipstick ko." At biglang dumating si Lara. Nakiyakap na rin sa kanilang dalawa.

"Ay bakit kayo lang ha! Sali ako haha." Nasa gan'on kaming ayos ng dumating si Zac.

"The wedding will start in 15 minutes. Let's go girls and let's leave the bride in here." At nauna na rin itong umalis.

"Good luck Girl!" Sabay pa kami ni Lara at sumunod na kami sa likuran ni Zac.

Ngumiti lang si Debbie pero halatang kinakabahan na siya.

Kaya mo yan girl! Sambit niya.

THE MAFIA WEDDING

Nagulat sina Alexis at Lara sa kanilang nadatnan na wedding venue. Napakaraming mga tao! Na may dalang armalite ba o ano. Hindi naman kasi sila familiar sa mga klase ng baril.

Basta mahaba siya na parang shotgun.

"Parang napilitan na wedding ata ito. May pa shotgun pa hehe." Mahinang bulong ni Lara kay Alexis.

"Baka ito ang traditional nila na wedding as a Mafia? Pero ewan ko lang haha." Nakatawang sagot ni Alexis.

Imbes na mga bulaklak ang designs sa gilid ng aisle ay mga mafia soldier na nakasuot ng pang gyera. At may dalang baril na naka line up on each side. Nakatayo lang sila doon in a snappy way. Mukhang tigasin at ayaw man lang ngumiti. Ang pilyang si Lara ay sinundot ang ilong ng isang Mafia soldier. Pero hindi man lang ito gumalaw.

"Ay ang cute nila at ang gwapo pa!" Tumili ito.

"Hoy, Lara. What are you doing? Malapit na mag umpisa ang kasal!" Saway ni Alexis.

"Paisa pa besh. Ang cute ng isang ito eh. Pwede ba natin e take home?" Nakatawang tanong ni Lara.

Umiling nalang si Alexis sa kakulitan niya.

"Ewan ko sayo Lara. Baka magselos yong Korean BF mo." Naiiling na sagot niya.

"Hindi no! Mabait at understanding 'yon." Sabay pindot sa ilong ng type niyang Mafia soldier.

"You two, what are you doing? Tinatawag na kayo ng wedding coordinator." Saway sa kanila ni Zac. At sinimangutan niya si Alexis at walang lingon na umalis.

"Let's go! May topak na naman si pangit." Naiinis na sambit ni Alexis at iniwan na si Lara.

"Hoy, hintayin mo ako besh!" Hinabol siya ni Lara na nakatawa.

*******

The Music played at unang nagsilabasan ang mga abay sa kasal. Napakaganda nina Alexis at Lara sa kanilang Golden Gown. At hindi mapigilan ng mga taong naroon ang mapahanga. Kakaiba talaga ang beauty ng mga mestisang pinay. Si Zac na katabi ni Alexis ay hindi maipinta ang mukha.

Nakakunot ang noo at mukhang naiinis na hindi mo ma explain.

Ganu'n din naman si Rond ay nakasimangot din habang si Annalise ay napakalaki ng ngiti at nakapulupot ang mga kamay sa kanyang bisig.

Nawala ang ngiti nito sa labi ng makita si Alexis. Bigla itong sumimangot at inirapan siya na binigyan naman niya ng f*ck you sign.

Napakagat labi nalang si Annalise dahil sa inis. Samantalang si Lara ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa dalawa.

The most anticipating moment has finally arrive!

Last na nag march down the aisle is the beautiful bride. Napakaganda ni Debbie sa kanyang gown at make up.

Nagseryoso na si Alexis at Lara habang pinagmamasdan ang enchanted na paglalakad ni Debbie sa aisle.

Pinipigilan nila ang kanilang luha. Masaya sila for their best friend.

Si Debbie naman ay halos hindi makalakad. Hindi naman sagabal ang kanyang gown. Masyado lang siyang emotional at that moment. She can't believe na ikakasal na siya. Siya na walang mahanap na matinong boyfriend noon. Kaya lagi siyang naglilihim sa mga kaibigan dahil laging failed ang kanyang relationship.

But now, ikakasal na siya at umabot pa talaga sa Spain!

Bawat paglakad nila ay nag give way ang mga Mafia soldier pagkatapos ay nag salute. Ang ganda lang pagmasdan dahil sabay-sabay ang mga ito.

Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni ng maghiyawan ang mga tao sa paligid. Malapit na pala sila kay Hector. Ang Daddy niya ang naghatid sa altar habang ang kanyang Mommy ay tahimik na umiiyak dahil sa tuwa. Naganap ang seremonyas hangga't sinabi na ng pari na you may kiss the bride.

Biglang nagpaputok ang leader ng Mafia soldier kasabay ng pagsabog ng makulay na fireworks sa kalangitan. Na may nakaukit na mga letra. "Congratulations! Naiyak si Debbie sa bonggang finale ng kanyang kasal. Napaka enchanted ng wedding at napaiyak na rin si Alexis.

"Don't cry baby. You like this kind of wedding?" Bulong ni Zac sa kanya na ikinagulat niya.

"Ha? Tapos na kaya tayo ikasal." Nagtatakang sagot ni Alexis.

"Yeah, but we can get married again and again if you like." Nakangiting sambit ni Zac. Napatitig si Alexis sa kanya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yes baby. Because I don't remember our wedding. Let's get married again?" Tanong ni Zac.

"Wait, Are you proposing to me?" Naguguluhang tanong ni Alexis.

Tumawa si Zac. He always find her cute and beautiful. Lalo na kapag nagugulat ito.

"What do you think baby?" Ganting tanong ni Zac.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Is it for real? Or are you joking?" Naguguluhan si Alexis sa ikinikilos ni Zac.

Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba o totoo na ang mga pinagsasabi nito?

"Let's talk about this again when we go home in the Philippines." Seryosong sagot ni Zac.

Tumango nalang si Alexis dahil hindi pa ma digest ng utak niya. That Zac propose on her? Parang joke lang kasi ang lahat eh.

At dahil nakatulala siya hindi niya namalayan na paalis na ang lahat papuntang reception.

Binalikan siya ni Zac na nakakunot ang noo.

"Hey, what are you doing in here? Akala ko sumunod ka sa'kin! Let's go." At hinawakan niya ang kamay ni Alexis.

Mas lalong hindi nakagalaw at nakapag salita si Alexis sa ginawa ni Zac. Hindi pa nga siya nakaka recover sa proposal nito. May pa holding hands naman this time.

Ayaw naman bawiin ni Alexis ang kanyang kamay. She felt warm while holding Zac's hand. She felt safe and secure. She felt home?

Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

Magka holding hands sila papalabas at hindi maiwasan magtinginan ng mga tao. They look good and perfect together.

The perfect couple in people's eyes. But Alexis knew that it's just a temporary happiness.

Naguguluhan ang utak niya. Kung magpapakasal ba siya ulit kay Zac? This time kasi ay iba na ang sitwasyon pati ang feelings niya ay parang nag-iba na rin.

Pero may amnesia si Zac at hindi niya alam kung susugal ba siya o hindi. Bigla siyang napatingin sa kinaroroonan ni Rond.

Baka matulad lang kay Rond at iiwan din siya ni Zac. Panibagong sakit na naman.

Sa ayaw at sa gusto niya ay she needs to fullfil and follow their contract. Pero ibang usapan na kasi ang kasal. This time they are both aware about Zac's proposal to her. Kinilig siya at sino naman ang hindi? Pero may kaba sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag kung ano.

Ipinagkibit balikat nalang muna ni Alexis ang lahat. Later, ay mag-uusap naman sila ni Zac.

"Don't overthink too much baby. Let's enjoy your friend's wedding." Bulong sa kanya ni Zac.

"Thank you Zac." Sincere niyang sambit.

Sa di-kalayuan ay masakit ang loob ni Rond habang nakatanaw sa babaeng Mahal niya na iba na ang nagpapangiti...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.