Chapter 42 Confession at the Reception
Alexis
Medyo lutang ako habang nasa sasakyan kami ni Zac papuntang reception. I just can't believe that he propose to me! Gusto kong sumigaw dahil sa kilig. Pero hindi pwede, baka akalain ni pangit na gustong gusto ko. Eh, gusto mo naman talaga girl!
Tumigil ka brain.
"Tired?" Tanong ni Zac.
"A little bit." Pa kyeme kong sagot. Pretending to be tired kahit hindi naman.
"Come in here." At hinila niya ako palapit sa kanyang dibdib.
Nakasandal ako sa kanya at hindi ko alam kung hihinga pa ba ako? Ni hindi nga ako makagalaw!
Huminga ka girl. Mamamatay ka for sure!
Ano ba brain stop it. Baka sabihin ni Zac ay na baliw at naloka na ako.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata. But still, I'am not comfortable! Mas feel ko parin sa kili-kili niya.
"Zac, Can I face you?" Mahina kong tanong.
"You don't want to sleep?" Nagtataka niyang tanong.
"I like but... Ano Kasi. Paano ba sabihin?" Nahihiya kong tanong.
"Okay I'll get it. Come and face me." Na gets daw niya? Humarap naman ako at inilagay niya ang aking ulo sa kanyang kili-kili.
Ay, parang nasa heaven ako! Hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako sa kanyang katawan.
Agad kong binawi ang aking mga kamay pero ibinalik niya ito sa pagkakayakap.
"Just put it back. Then, sleep for awhile. Medyo malayo pa ata ang reception." At gumanti din siya ng yakap sa akin.
And the moment he touches my body ay nag overheat na naman ang aking pakiramdam. I felt like burning!
Bakit ba kasi ganito ang effect niya sa akin?
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at niyakap siya. Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.
Napasarap yata ang aking tulog! Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at unang sumalubong sa akin ay ang Gray eyes ni Zac!
Nagulat ako d'un. Muntik na naman akong malunod sa mapupungay niyang mga mata!
"Feel better?" Tanong niya.
Nakakahiya! Naglaway pa ata ako habang natutulog.
"Oo, Thanks Zac." Nakangiti kong sagot.
"Then, let's go. They are waiting for us." At nauna na siyang bumaba at himala sa himala na pinagbuksan pa talaga ako ng pinto!
Sobrang sweet na ni Zac. Parang hindi na kakayanin ng powers ko at malapit na talaga akong bumigay!
Pero hindi ako sigurado kung may gusto rin siya sa akin o wala. Paano ba malalaman eh may amnesia nga siya? What If gusto niya ako ngayon then pag makaalala na siya ay goodbye na? Sumakit na naman ang ulo ko dito. Bakit ba kasi ang advance mo mag-isip brain?
Hindi ako girl! Ikaw kaya ang isip ng isip kay Zac.
Ay ganun! Ako talaga?
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zac.
Parang hindi okay pero okay narin. Ewan ko ba!
"Oo naman. Let's go!" Nakangiti kong sagot.
Kumunot nalang ang noo ni Zac. Sabay kami naglakad papasok at hinawakan niya ang aking kamay. Holding hands while walking again.
Nagkakasayahan na sila sa loob ng hotel. Ang daming foods at drinks. Buti naman at umabot pa kami sa pag slice nila ng cake.
Matapos ang event ay inuman na! Ang pinakahihintay ng lahat. At ang bruhang si Annalise ay sumali pa talaga. Hindi nalang umuwi dahil tapos na ang wedding. Ang kapal din ni Demonyita eh.
"Shot puno besh!" Sigaw ni Debbie habang nilalagyan ng wine ang aking baso.
Tinanggap ko naman ang glass with wine.
"Cheers Besh! Congratulations. Pero huwag masyadong maglasing ha. May honeymoon ka pa girl!" Mahina kong bulong sa last part.
"Ay, na excite tuloy ako besh!" Sigaw nito sabay inom ng wine.
Hayy, ewan ko sa babaeng ito. Uminom parin. Imbes na mag honeymoon baka magtulugan nalang sila ni Hector! Si Lara ay lasing na rin habang masayang nakikipag-usap sa BF niya pero ang mata ay nasa crush niyang Mafia soldier. I can smell chaos later on.
Ang bwesit sa buhay ko na si Annalise ay parang baliw na sumasayaw sa gitna. Tinatawag niya si Rond to join her. Pero nakasimangot lang ang mukha nito. Tahimik na umiinom sa gilid. Hayaan na natin malasing si Demonyita. Si Zac ay nasa grupo nila Hector at masayang nakikipag-usap.
"Inom pa besh! Sky is the limit! Ibuhos mo lahat. Hahaha!" Walang tigil sa pagtawa si Debbie. Ang saya niya, pag ito nalasing tulog haha.
Muli niyang nilagyan ng wine ang aking baso at ininom ko naman.
Minsan ay mapapatingin si Zac sa akin at ngingiti. Medyo hindi pa ako sanay at nagulat din. Imbes na gumanti ako ng ngiti ay namumula nalang ang aking pisngi dahil sa matinding pag blush. Ano ba self? Umayos ka! Pinilit ko naman ngumiti pero ang hirap. Nahihiya ako at hindi na makatingin sa kanya.
Napadami na ang aming inom ni Debbie. At ayan, tulog na. Tinawag ko si Hector at binuhat niya si Debbie. Naka check in sila sa pinaka the best honeymoon suite dito sa hotel. Actually kaming lahat ay may mga room. Hindi pa naman ako nalasing but I felt like ugly. I need to freshen up myself. Nagpunta ako sa powder room at nag retouch lang ng kaunting make up. Gusto ko yong natural lang tingnan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Paglabas ko ay hindi ko inaasahan ang aking makikita.
Si Rond? Nakasandal sa wall at may hawak na baso ng wine. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang.
"Ang bilis mo naman makalimot bebe." Mahina niyang sambit na nagpahinto sa aking paglalakad. Hinarap ko siya ng nakapameywang.
"Excuse me, Don't call me like that. You are a married man and me as well. So, back off!" Naiinis kong sagot.
"Married, That's bullshit! I have no choice Alexis." Sagot niya sa nagsusumamong mata.
And honestly, I don't know what is he's talking about. And I don't care anymore. Ayan napa English na tuloy ang inyong Lola. "Well, wala na akong pakialam diyan. So, please don't block my way." Sambit ko dahil nakaharang na siya sa aking daraanan. "Tsk! In love ka na ba kay Zac? That old manipulative bastard!" Mahinang sigaw nito at uminom ng wine sa kanyang baso. Medyo nag-init ang teynga ko sa narinig! Zac is old but he's very handsome. Mas gwapo pa nga sa kanya eh! "Wala ka ng pakialam du'n!" Nakairap kong sagot.
Walang mangyayari sa usapang ito eh. Naging asal Demonyita na rin siya. Nahawa sa bwesit niyang asawa!
"May pakialam ako because you are only mine Alexis!" Sigaw ni Rond na napalakas ang boses.
"Are you joking? Noong ako ay sa iyo pa, Ano ang ginawa mo ha? Sinaktan mo ako! Binitawan at wala kang pakialam kahit mamatay na ako sa sobrang sakit! Now, you are telling me that I'am yours? You will never have me!" Halos maiyak kong sigaw.
Parang nagbabalik 'yong alaala ng engagement nila ng bruhang demonyita! Nasaktan ako ng sobra pero balewala lang sa kanya! Ngayon sasabihin niyang sa kanya lang ako?
"I'm not joking. I still love you Bebe. I did all of this because of you!" Naiiyak na sambit ni Rond.
Parang bago sa pandinig ko. Because of me? Bakit nga ba?
"Are you kidding? What do you mean by that?" Naiinis kong tanong. Ang ayaw ko pa naman ay 'yong ginagawa akong tanga! At pinapaasa.
But never na akong aasa pa sa kanya. I don't love him anymore and I already moved on.
"I can't say the real reason as for now Bebe. But can't you believe me? Please!" He's begging habang hawak ang aking mga kamay.
Pero wala na ang dating spark sa tuwing hinahawakan niya ako. Hindi na ako excited makita man lang siya. Kundi galit ako! Ayaw ko siyang mahawakan, kaya hinila ko ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak.
"Then, please stop wasting my precious time. I don't care kung ano man ang dahilan mo. Whatever it is, It's still useless! I don't love you anymore." At iniwan ko na siya.
Pero hinila niya ako payakap sa kanya at siniil ng halik. I try my best para kumawala but it's useless! Napakalakas niya at hindi man lang ako makagalaw. I bite his lips as hard as I could. At napasigaw siya sa sobrang sakit. Binitawan niya rin ako sa wakas. I felt disgusted ng malasahan ko ang dugo niya sa aking mga labi. Agad ko itong pinahiran.
Pero ayaw niya talaga akong pakawalan! Gusto talaga niyang gamitin ko ang aking Kung Fu skills!
"Please Alexis, I Love you. Ikaw lang at wala ng iba! Mula noon hanggang ngayon. Please believe me." Halos maiyak nitong pagsusumamo.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
But it's all useless. Kahit pigain pa niya ako. My feelings for him is already dead!
"I'm sorry Rond, But I don't love you anymore. Let's move on with our separate lives. Sana maintindihan mo!" Mariin kong pagkakasabi.
"No, I will never understand. I will love you. Only you!" Sigaw niya at niyakap na namam ako.
Ang tigas talaga ng ulo niya! Ang hirap kausap. Nagpumiglas ako pero hindi na naman ako makawala! Rond knew some Martial Arts and Kung Fu too, kaya ang hirap makawala sa mga kamay niya.
Yes, we both studied Kung Fu in China pero ayaw ko sa Martial Arts.
Lalong gumulo ang lahat when Zac arrive at pwersahan akong hinila palayo kay Rond.
And the worst is nakatikim pa si Rond ng nakakahilong suntok!
"Take off your filthy hands on her!" Sigaw ni Zac sabay suntok kay Rond.
Natumba siya sa lakas ng impact!
Ang lakas ng kamao ni Zac.
Pacman is that you?
May gana ka pa talagang mag joke brain.
Nakangisi lang si Rond kahit namaga ang kanyang mukha.
"You can't change the fact that Alexis will always love me! Always be mine!" Galit na sigaw ni Rond na may halong ngisi at pangungutya. In fairness ginalit niya ako pero si Zac ay kalma lang ang aura pero parang tila papatay ng tao! Hindi ko napigilan huwag makialam.
Nandito lang kaya ako. Always be mine ang pinagsasabi niya!
"You are crazy! Can you please stop?"Naiinis kong tanong.
He just chuckled and smirk at us.
"I won't! I will be your shadow Bebe." Sagot nitong nakangisi.
And at last dumating na ang asawa niyang demonyita!
"And I will be your shadow as well Rond! Alam mo ang mangyayari Mahal kapag hindi ka tumigil!" Nagbabanta ang boses nito.
At hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin! Bahala na sila.
"I know! Huwag munang epamukha pa sa'kin!" Sigaw ni Rond at tuluyan nang umalis.
Ngumisi lang si Annalise sa akin at inirapan ko naman.
"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong kay Zac.
"I'm not!" Sagot niya at iniwan ako.
Sige iwanan ninyo akong lahat!