My Old Billionaire Husband

Chapter 40 Jealousy fires up part 2



Alexis

Kung Myembro ng Mafia ang demonyitang yan. I'm sure mas lalong tataas ang sungay niya. Ang yabang na bwesit talaga ako! SBssssssss

At last at nakapagbihis na rin. At ang ganda ko hehe. Ni hindi nga naka level up sa aking pwet ang bruhang demonyita! Huh, kala mo maganda. Ang pangit naman!

Ano ba, sira na ang araw ko dahil sa babaeng yan.

Calm down Alexis. It's your Best friend's wedding pictorial. Hayaan mong si Annalise ang makunsumisyon sayo girl!

In fairness brain. May nasabi kang maganda!

I'm so beautiful and sexy with this golden dress. Yes, you heard it right mga mars. Ewan kung bakit ito ang napiling motif ni Debbie. Kumikinang ang mga abay sa gold. Ang yaman hehe. Masakit parin ang paa ko lalo na at ang taas ng heels. It's a golden yellow glass shoe. Eh, di sana nag panty at bra nalang ako ng yellow. Perfect!

And the pictorial has started. Ang ganda ni Debbie. Kumikinang ang mga mata. Hindi halatang in love. And take note mga girls. Ang wedding gown lang naman niya ay may halong golden yellow na butterfly! Ano'ng nakain ng babaeng ito at puro gold ang trip! Pero in fairness it's very beautiful. Napakaganda kapag nagsama na kaming lahat. Ang ganda tingnan.

Hindi ko ma imagine ang nangyari noong wedding ko. Lutang kasi ako that time at inis kay Zac at kay Daddy. And speaking of the pangit. Where is he? Kanina ko pa siya hindi nakikita ah!

Hindi pa tapos ang pictorial. Don't tell me nag walk out na siya?

"Halika girl!" At hinila ako bigla ng baklang photographer.

Sarap kutusan! Nagulat ako, bwesit. Pero syempre plastic tayo today. Todo ang ngiti ko sa kanya kahit gusto ko na siyang kainin ng buhay! Sakit pa ng paa ko sa biglaang paghila niya.

Is he joking? Tinabi lang naman niya ako sa nakasimangot na si Rond. Bakit ba naging bitter ang lalaking 'to? Hindi ko siya pinansin bahala siya.

"Okay, Ngiti mga people!" Sigaw pa ng bakla bago e click ang camera. Ngayon ko lang naalala ayaw pala ni Zac ng camera kahit naka maskara siya. I'm sure awkward parin para sa kanya. Pero nasaan ba siya? Ay ewan! Bakit ba si Zac ang laging hanap ng aking mga mata ngayon?

I rolled my eyes on Rond. Aba! Siya lang marunong mag taray.

At darating ang bruhang demonyita.

"What is the meaning of this? Pumunta lang ako sa comfort room, inakit mo na ang asawa ko?" Sigaw nito na naka pamaywang pa talaga.

Sino ba kasi ang umagaw sa Rond niya eh, wala naman!

Napatingin sina Debbie sa akin.

Huh? Don't tell me it's me? Is she insane! Bwesit na bakla bakit ba ako itinabi kay Rond.

Agad along lumayo sa kanya habang papalapit ang bruha niyang fiancee. Ay, asawa daw niya! Bahala sila sa buhay nila. Basta huwag lang guluhin ang tahimik kong mundo!

"Seducer ka talaga! Ang landi mo Alexis." Naiinis na sambit nito ng makalapit sa amin.

"Stop it Annalise. It's just a pictorial." Seryosong saway ni Rond.

"No, Mahal. She's a temptress. Bakit ba kasi nagpa picture ka with her?" Naiinis na tanong nito kay Rond pero deadma lang siya. Buti nga sayo!

Napangiti tuloy ako ng slight at hindi ito nakaligtas sa paningin ni bruha. Umusok ang ilong at nagalit!

"What's funny? Masaya ka pa niyan ha. Tigilan mo ang asawa ko!" Naiinis na sigaw nito sa akin.

Ay wow! Asawa niya na talaga si Rond. Pinandigan ni bruha!

Then good for them, wala akong pakialam but I'am losing my patience!

"Huwag kang assuming girl! Isaksak mo sa baga mo ang asawa mo! Or itali mo sa bahay ninyo at ng hindi na makalabas!" Naiinis kong sagot. Napatingin sa akin si Rond pero inirapan ko lang siya.

"Walanghiya ka!" Sasampalin sana niya ako but Rond prevented her hand.

"Bruha!" Nasambit ko habang nakangiti sa kanya.

"Let me go! Makakatikim sa akin 'yang malanding yan!" Sigaw niya habang hawak ni Rond.

"Stop it!" Mahinang bulong ni Rond pero rinig naman naming lahat. Lalo na ng baklang photographer na tumahimik at nagtago sa sulok.

Ikaw kasi ang salarin, baklang panot!

At ang aking besh ay hindi na nakatiis!

"Will you stop or will you go out? It's our wedding pictorial today. Pwede huwag magpa bida girl!" Naiinis na sigaw ni Debbie.

At buti naman umayos na ang bruha. Medyo nahiya ito ng makitang nakatingin sa kanya ang mga parents ni Hector. At tumahimik na. Ano kaya ang sadya ng mga ito at dumayo pa talaga sa Spain! Duda ako na hindi maganda. Mukha palang ng Daddy ni bruha ay leader na ng mga pangit na goons! Hmmp.

"Is the Drama over? Let's continue the pictorial." Napalingon ako ng dumating si Zac.

Hinila niya ako at doon dinala sa kabilang dulo palayo kina Rond at Annalise. Ang mukha ni Rond ay hindi maipinta. That's the look when he is jealous!

May Annalise na siya. Kahit ilang beses pa siyang magselos. Wala na ang kilig at feelings ko para sa kanya. He hurts me badly and I hate him for that!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Okay na guys let's smile and pose!" Sigaw ni Debbie.

"Wait Besh, nasaan na ang photographer?" Nagtatakang tanong ni Lara.

Malamang nagtago na forever haha. Nakita ko siya kanina sa mga decorations nagtatago at andu'n parin naman siya sa isang sulok.

Itinuro ko kay Debbie at pinuntahan niya.

"Hey! What are you doing in there? Let's finish the photography!" Sigaw ni Debbie sa nakatalikod na photographer.

Medyo nagulat ito at muntik nang mapasigaw. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Seryoso lahat ang mukha nila. Magmumukha lang akong baliw haha. Baliw ka naman talaga Alexis!

Magtigil ka brain, mas baliw ka.

"Oh, I'm sorry Ma'am. I just find the flowers very beautiful." Palusot ni bakla na pilit ang ngiti.

Gusto ko ng tumawa.

Pigilan mo girl! Natakot ata siya sa babaeng bruha haha. Ang talim kasi ng tingin ni Alexis sa kanya.

"Okay, then let's proceed!" Sambit ni Debbie at bumalik na sa kanyang pwesto.

Nagulat ako ng hapitin ni Zac ang aking beywang. Bigla tuloy namula ang aking pisngi. Parang nag blush on lang ako ng makapal!

Ano kaya ang hitsura ko sa picture? Bakit kasi nanggugulat ng walang pasabi. Gaganti tayo girls!

Hinawakan ko ang mga kamay ni Zac na nasa aking beywang at inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Ewan kong nagulat ba siya. Basta yan ang ganti ko hehe. But wait! Bakit may na feel akong matigas sa likuran ko?

Don't tell me? OMG!

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya at pinilit makawala sa kanyang mga yakap pero hindi niya ako binitiwan.

"Miss Alexis! Can you pose properly and don't move?" Sabi ni Bakla.

Bwesit na Zac!

Hindi nalang ako gumalaw at ngumiti ng pagkatamis habang ang pula ng aking mukha at ang init ng pakiramdam ko. Napakalamig naman ng aircon!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "You're tempting me baby..." Mahinang bulong ni Zac na lalong nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin!

Ano ba 'to? I didn't felt it with Rond. Kahit napaka intense and intimate na ng aming kissing scene ay normal lang naman ang feeling ko. Pero bakit kay Zac kakaiba? May init at passion? Huh! Stop that bad thoughts Alexis!

Stop ka diyan. Ikaw nga ang nag-iisip niyan brain! Ikaw ang tumigil huhu.

At natapos rin ang mainit na pictorial. Este, ang awkward na pictorial. At parang kami ni Zac ang ikakasal ng bigla niya akong binuhat at iniwan sila na nakanganga.

"Iba ka Besh, Ikaw na Uwu!" Sigaw ni Debbie habang kami ay papalayo.

Napangiti nalang ako sa pagka lukaret ng aking best friend. Bakit ba naman kasi lagi akong kinakarga ni Zac?

Gusto mo naman!

Shut up brain.

"I can walk Zac. Palagi mo nalang ako ginugulat!" Naiinis kong sambit. Ayaw kong tingnan ang mga mata niya at baka malunod na naman ako.

"Your feet is swelling." Maikli niyang sagot.

Namamaga ba? Hindi ko ata napansin ah.

Ang thoughtful talaga nito. Huwag na sana bumalik ang alaala niya. Pinaupo niya ako sa couch kung saan naghihintay ang gamot na binili niya. Kaya pala siya umalis kanina. Kinilig ako bigla hehe. Pero napasigaw sa sakit ng tanggalin ni Zac ang aking golden shoes. Ang sakit! Namamaga nga siya at ang pula pa.

"Tsk! Don't shout. People are looking at us." Mahinang tawa niya.

"Wala akong pakialam! Bakit ang sakit niya huhu." Naiiyak kong sambit.

"Let's apply some medication. Pero pag hindi gumaling then we should consult a Doctor." Seryosong sabi niya.

"Thank you Zac. Hindi ka na galit sa akin?" Nakangiti kong tanong. At napasigaw ulit ng diinan niya ang pagkakahawak sa namamaga kong paa!

"Ouch! May galit ka parin sa akin, Huhuhu." Naiiyak kong sambit.

Pero tinawanan niya lang ako.

At ang gwapo na naman niya sa paningin ko.

Tukso layuan niyo ako!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.