Chapter 39 Jealousy Fires up Part 1
Alexis
Nagising akong wala si Zac sa aking tabi. Nasaan na kaya ang pangit na 'yon? Bigla nalang nag-iba ang timpla.
Ni hindi man lang ako tinanong kung ano ang tunay na dahilan. Basta nalang nag assume na I'm still in love with my ex? Ano yon? Nakakainis ka pangit! Pagbaba ko ay kompleto ang lahat.
"Saan ang lakad natin?" Nagtataka kong tanong.
"Besh, hindi ba sinabi ni Zac sa'yo na may wedding pictorial today?" Tanong ni Debbie.
"Hindi. Nasaan na ba ang pangit na yon?" Naiinis kong tanong.
"Nauna na sa venue. I can smell something Besh. Ano ang nangyari? Ang sweet niyo lang kahapon. Now, lovers quarrel na agad?" Nagtatakang tanong ni Debbie.
"Ewan ko sa pangit na 'yan!" Nauna na akong lumabas ng gate. Bahala na, ayaw kong kumain. Hindi ako makakasabay sa kanila. Hindi man lang ako ginising ni pangit. Medyo na hurt ako d'un ah! Bakit na hurt ka girl? Gusto mo na ba? Hehe.
Magtigil ka Brain wala ako sa mood ngayon. Matulog ka diyan!
Bakit ba naman nasa iisang van lang kami? Ang sweet ng mga tao sa paligid! Palagi nalang ako Sana all huhu.
Si Lara at Jung-won ay nasa unahan ang sweet lang. Halos hindi na magkahiwalay ang mga mukha. Magdikit nalang kaya kayo Forever diyan. Sakit sa mata!
Isa pa 'tong si Debbie at Hector. Hindi pa nga nag honeymoon ay panay ang tukaan na!
At ang ingay ng halikan nila!
Gaga ka talaga Debbie.
Guess niyo na kung sino ang nasa third row? Syempre ako! Nag-iisa at malungkot. Bwesit na pangit talaga! Iniwan ako. Galit ako pero bakit masakit? Nasasaktan ako!
No, It cannot be. Hindi ako pwedeng magkagusto kay Zac.
Bakit naman hindi pwede?
Nagtanong ka pa talaga brain. Ikaw nalang kausap ko ngayon huhu. Mas lalo akong naloka nito.
Mabuksan nga ang bintana at sa labas nalang ako titingin ng magandang view.
Ay putsa! Nananadya ba ang tadhana? May naghahalikan lang sa daan.
"Maghihiwalay din kayo!" Malakas na sigaw ko. Napatingin ang couple sa akin at nangunot ang noo. Pagkatapos ay napatawa nalang. Hindi kasi nila maintindihan ang sinasabi ko. Bahala kayo diyan! Inirapan ko lang sila.
"Psst... Bitter lang dai." Si Debbie na ang lapit lang ng mukha sa akin.
"Ay bwesit! Huwag kang nanggugulat." Inilayo ko ang mukha kay Debbie.
Kahit na nakakatawa ang expression ng mukha niya ay hindi ko magawang matawa!
Bitter na ba talaga ako?
"Sino kaya ang sumigaw diyan at nagulat kami dito! Huwag masyadong mag overthink Besh. Mahal ka ni Zac! Cheer up." Nakangiting sabi nito.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo diyan?" Nagtataka kong tanong.
"Ay, mali ba ako? I thought you're sad dahil naging cold bigla si Zac sayo?"Tanong niya.
Sad nga ako. But never kong aaminin sa kanila! Mabubugbog ako ng hiyawan. Nakakabingi pa naman ang boses nitong si Debbie.
"Hindi ah! Pabayaan niyo nalang ako dito." Tumingin na ako sa labas. Ayaw kong makita ni Debbie ang lungkot sa aking mga mata. She is getting married, kailangan masaya lang siya at walang stress. "Okay, basta chill lang girl. Mahal ka ni Zac hehe." Nakatawa niyang biro.
Napangiti nalang ako ng mapakla.
Ako? Mahal ni Zac? Ang taas kaya ng standards ng pangit na 'yon pagdating sa babae. Ang maganda kong katawan ay pangit sa paningin niya. Mas lalo na ang maganda kong mukha. Pangit parin sa paningin niya. Yong ex-wife niya lang ata ang maganda para sa kanya.
Bakit Parang umuusok ang ilong ko sa galit?
Walanghiyang baklang 'yon. Naalala ko pa talaga ang bruha eh! Ang ganda daw ng asawa ni Zac at ang layo ko daw sa kalingkingan nito!
Eh, mukhang pwet ko lang naman ang picture ng babaeng 'yon.
Ano ba itong iniisip ko? Ito ba ang tinatawag nilang overthinking? Myembro na ba ako ng mga sawing overthinker huhu.
Ayoko nga! Bahala ka pangit kung ayaw mong pansinin ang beauty ko.
Argh! Tumigil kana brain. Overthinker ka na. Ano ba ang iniisip mo ha!
Bakit hindi ako ganito kay Rond?
Ay ewan. Matulog nalang kaya ako.
That's it. Relax tayo at nang hindi pumangit.
Pinikit ko ang aking mga mata at tuluyang nakatulog.
Pag gising ko ay wala na ang mga bruha kong friends. Si Manong Driver na nakangiti ang nabungaran ko. Parang multo si Manong sa horror movie!
"Nasaan na sila Manong?" Tanong ko.
"Ma'am? They went inside." He answered.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ay Jusko! I forgot. Manong is a foreigner. Imported yarn hehe.
"Okay, thank you." At agad na akong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng venue.
Putsa, nakalimutan kong nasa Spain ako! Ayoko ng mag overthink. Nakaka-praning.
Teka, Saan ako ngayon. Bakit hindi nila sinabing palasyo ang pupuntahan?
Yan, matulog ka pa. Saan kaya ako papasok! Grrr...
At natapilok pa ang Lola niyo. Pag minamalas nga naman. Ano na girl, Papunta na ang mukha ko sa semento! Magiging pangit na bridesmaid talaga ako nito eh. At biglang may humapit sa aking beywang at hinila ako payakap sa kanya. And guess who it is?
Si Bebe Rond! Nagkatitigan kami ng matagal. I can see longing and sadness in his eyes.
Nag English na ako mga 'te. Pero bakit malungkot siya?
"You should be careful next time Alexis." Walang emosyon niyang sambit.
Aba! Kayo na. Maging cold na kayong lahat sa akin. Mga bwesit kayo!
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. As if gusto ko naman siyang yakapin huh!
Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang ng masama.
"What a nice scene. I thought that you lost your way. In fact you found one!" Galit na sambit ni Zac na may pagka sarcastic.
Ano 'to! Pinagkakaisahan ako ng dalawang cold na mga bwesit!
At tinalikuran na ako ni Zac. Si Rond ay umalis din sa kabilang daanan.
Huh! Deadma ang beauty ko. Mga walanghiya kayo!
"Zac, wait for me!" Sigaw ko habang hinahabol ang tampurorot na pangit.
Ang sakit ng paa ko! Ang bilis naman niya maglakad.
"Hoy baby! Wait for me ah. Ang sakit ng paa ko huhu." Try nga natin ang paawa effect hehe.
Effective naman at huminto si pangit. Binalikan rin sa wakas ang beauty ko.
Umupo siya ay tiningnan ang aking namumulang paa.
At nagulat ako ng tumayo ito at bigla akong kinarga bridal style.
Napakapit ako sa leeg niya. Hindi ko makita ng husto ang buo niyang mukha dahil naka maskara ito. Bakit kaya nagalit siya? Nagselos ba siya kay Rond?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Hoy Alexis, huwag kang mag overthink haha..
Tinawanan pa talaga ako ng loka kong brain. Wala na, dalhin niyo na ako sa mental hospital!
"Thank you Zac." Malambing kong sambit. May pa beautiful eyes pang kasama.
Hala! Magtigil ka Alexis. May ganyan kanang nalalaman. Naglalandi ka na girl!
Tse! Ikaw kaya ang malandi brain. Kung anu-ano ang iniisip mo diyan. Matulog ka!
"For what?" Ay galit pa si pangit.
"For this, for carrying me. Galit ka pa ba sa'kin?" Malungkot kong tanong.
"Why would I?" Masungit na tanong niya.
Ang sungit ni pangit. Teka, bakit ang sungit nito? Bumalik na ba ang alaala niya?
Excited ako na malungkot. Kapag bumalik na ang alaala niya ay mas lalo siyang magiging cold eh.
"Bumalik na ba ang alaala mo Zac?" Mahina kong tanong.
"What are you talking? I don't even remember you in my past!" Masungit na sagot nito. Hayyy, hindi naman pala.
So, ang kasungitan lang niya ang bumalik. Ang alaala ay wala parin! Medyo masaya ako ng slight hehe.
"I'm sorry baby..." Bulong ko sa kanya.
Pero deadma lang huhu. Hindi ako pinansin. Nakakarami na talaga ang pangit na ito!
Bahala siya. Nakarating kami sa loob at ang lahat ay nakabihis na except sa amin ni Zac.
But wait...
Bakit ang demonyitang Annalise ay nandito? What is the meaning of this? Tiningnan ko si Debbie and I know she will understand.
Ngumiti lang siya ng hilaw na nagsasabing later.
Bwesit ang araw ko sa babaeng yan! And Rond is here too? Double kill.
Maingat akong inilapag ni Zac. Pinagtitinginan nila kami. Mukhang ako ata ang cause of delay ng pictorial.
"Sorry Besh, hindi kasi ako familiar dito. Nawala ang lola mo at na disgrasya pa." Paliwanag ko kay Debbie.
"Okay lang besh. Makakatayo ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Syempre naman! Let's go. Saan ba magbibihis?" Tumayo na ako. Ayokong mag pictorial si Besh na wala ako. At yang demonyitang Annalise ang naka starring. Tiningnan niya ako ng masama. Inirapan ko ang bruha!
Don't tell me myembro siya ng Mafia?