Chapter 38 Nagbabagang Damdamin
Alexis
Nakatulog ako na yakap si Zac at tulo laway pa.
Nakakahiya na naman. At pag mulat ng aking mga mata ay wala ng tao sa loob ng eroplano! Nasaan na sila? At si Zac ay tulog rin? Agad kong pinahiran ang aking laway, Buti nalang at tulog pa si pangit. I touch his face at sinampal ng slight lang naman ang gwapo niyang mukha.
"Zac, Gising na!" Sambit ko. Pero umungol lang ito at hinila ako payakap.
Ano ba! Nag-iinit ang mukha ko. Pati ang buo kong katawan!
Gosh, Don't tempt me Zac!
Umiwas ako pero ang higpit ng hawak niya sa akin. Nasaan ba kasi ang mga staff dito? Wala ni isa mang tao. Kami lang dalawa. Nasaan sina Debbie at Lara? Iniwan talaga ako ng mga bruha kong friends. Syempre sumama sila sa jowa nila.
Hoy, Bwesit ka brain. Tumahimik ka diyan!
Tinapik ko ulit ang mukha ni Zac. Lakasan ko kaya? Baka magising na ang pangit na 'to. Pero bakit ang unfair naman ata? Ang gwapo niya kahit tulog! Hindi pa naglalaway. Ako ang pangit huhu.
"Zac, hoy! Gising na. Iniwan na nila tayo." Bulong ko.
Nilapitan ko talaga ang teynga niya para marinig. Pero tulog parin!
Bahala ka diyan. Mauna na kaya ako na lumabas? Pero hindi ako familiar dito sa Spain.
Titingnan ko nalang kung may tao ba sa labas. Muli akong tumayo pero agad din naman akong hinila ni Zac pabalik. At sa hindi inaasahang pangyayari ay napayakap ako sa kanya at nag landing sa kanyang malambot na labi. Hala! Hindi ako makagalaw. Aalis na sana ako but Zac pull my head towards him at siniil ako ng nagbabaga niyang halik!
Napakapit ako sa kanyang leeg sa sobrang sarap. Ay, sa gulat pala hehe. Ano na Alexis bumitaw ka!
Paano ka bibitaw eh, nasasarapan ka!
Brain, matulog ka nalang diyan. Huwag kang epal!
Ah, Basta! hindi ko na naiwasan ang tukso. I am tempted and kiss him back. Hinalikan ko si Zac pabalik at nagpaligsahan na kami kung sino ang unang mauubusan ng hininga.
"Whoah! I told you Hector. Okay lang sila. Tara na hahaha." Biglang dumating si Debbie at Hector pero kaagad din naman lumabas.
Bumitaw ako kay Zac na kulay kamatis ang aking mukha.
Blushing be like...
Nakakahiya!
"You're playing with me Zac? Kanina ka pa ata gising eh!" Naiinis kong sigaw.
At tumawa lang siya. This time kasi ay hindi siya naka mask. At kita ang gwapo niyang namumulang mukha.
He is blushing too!
"Tayo na. Kanina pa ata nila tayo hinihintay eh." Tumayo na ako at nauna sa paglalakad. But he grab me again.
Suki na ata ito sa hilahan ah.
"Let's go out together." Seryosong sabi niya while holding my hands.
Ano ba! Bakit ang sweet ng may amnesia na Zac? Hindi ko na kaya ang kilig eh.
Hinayaan ko nalang siya. Gusto ko rin naman na hawakan ang kamay niya.
"After how many years! Finally natapos din ang kissing scene. And look at that guys! Magka holding hands. Hindi ko kinaya ang kilig!" Sigaw ni Debbie.
Lukaret talaga. Hinila ko ang aking kamay para bumitaw pero mas lalong hinigpitan ni Zac ang hawak niya.
"Let's go guys. Time is running and I'm hungry." Seryosong sabi ni Zac na nakapag tameme sa lahat. Si Debbie ay sumenyas pa talaga sa akin.
"Ano ang nangyari?" Mga katagang pabulong na lumabas sa kanyang bibig at umiling lang sa Hector.
Nagkibit nalang ako ng balikat dahil hindi ko rin alam kung bakit biglang naging moody ang pangit na 'to. Hindi ko makita ang buo niyang mukha dahil naka mask na naman.
GALLEGOS MANSION
Meet Hector Lawrence Gallegos. A half Filipino-Spanish Mafia King from Spain. Cold-blooded notorious Mafia Leader. Pero biglang naging Hot and warm lover nang ma in Love sa isang lukaret na si Debbie Garnet.
Nandito kami ngayon sa Mansion ng mga Gallegos. At napakaganda mga besh! An old Ancestral Mansion pero. Parang bumalik lang tayo sa Spaniards era. At ang ganda ng Mommy ni Hector! Parang si Mommy at Mom lang. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala si Mommy.
Ang kaibahan lang ay plain and simple housewife lang ang Mommy ni Hector while his Dad is the former Mafia King of Spanish Mafia Organization. At ang gwapo na mistiso pa.
They welcome us warmly. At ang sarap ng mga pagkain. Si Debbie ay himalang tahimik ngayon hehe. Na tameme dahil sa parents ni Hector. Pa good girl at pa demure lang ang peg ni besh today. Hayaan na natin pang pa good points haha. In fairness, Hector's parents like her very much. Magkasundo naman ang mga parents nina Debbie at Hector kahit it's their first meeting palang.
At ang saya ko para sa best friend ko. Si Lara naman ay masaya sa kanyang Filipino-Korean Bf na si Jung-won.
Masaya ang mga best friends ko and it's a happy day!
Pero ikaw masaya ka ba?
Shut up brain! Napatingin tuloy ako kay Zac. Tahimik lang siyang kumakain habang nilalagyan ng ulam ang plato ko.
Masaya ba ako? Syempre masaya! Ang sweet kaya ng Zac na may amnesia. Napaka caring at thoughtful.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sweetness overload ang laging binibigay sa akin.
Pero may pangamba parin sa aking puso. Paano nalang kung bumalik ang memories niya?
Ibig ba sabihin ay makakalimutan niya na ang magandang memories namin ngayon?
Biglang may kumurot sa aking puso na hindi ko maintindihan. Parang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga!
Napakapit ako kay Zac.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
Napahawak ako sa aking dibdib.
"Here, drink some water." Bigay ni Zac.
Medyo kumalma naman ako pero sumakit ang ulo ko.
"Please excuse us Mr. and Mrs. Gallegos. My wife is feeling tired. We will go to bed first." Paalam ni Zac at agad akong binuhat.
"Sure Mr. Walker." Nakangiting sagot ng Daddy ni Zac.
Nakakahiya! Si Debbie ay nagpipigil lang ng tawa baka masira ang pa demure look niya. Kumapit nalang ako sa leeg ni Zac at hindi na tumingin sa mga tao sa paligid namin. Nasa third floor pa ang kwarto namin. Buti nalang at may elevator ang Mansion nila Hector. Hindi mabibigatan si Zac sa akin.
"Put me down Zac. Hindi naman ako nahihilo. Sumakit lang ang dibdib ko." Sabi ko sa kanya.
Napatingin tuloy siya sa aking dibdib. Manyak na pangit!
"Ano'ng tinitingnan mo ha!" Saway ko sa kanya.
"Just thinking why it's aching. Do you have a heart problem?" Nakakunot noong tanong niya.
Gusto kong matawa. Ano ba ang nasa isip nito?
"No, I can't explain. I'm sorry. Please put me down okay?" Sagot ko.
"Nope, You're tired. Let me carry you." Malambing niyang sagot.
Nasaan na ba ang cold at seryosong Zac? Bakit ang sweet at lambing ng kaharap ko ngayon? Napatitig ako sa mga mata niya.
Gusto ko na ba si Zac? Parang maiiyak ako!
"Why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
Oo, ang puso ko. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Wala, it's just that. It felt surreal. All of this. You, being kind to me." Naiiyak kong sagot.
"Why? I'am not a good husband to you before? Did I hurt you?" Curious na tanong niya. "No! You didn't hurt me Zac. It's okay nevermind me." Sagot ko.
"How can I? You are crying without me knowing what is really happening?" Tanong niya. "Hayaan mo na, magiging okay din ako Zac." Nakangiti kong sambit.
At bigla niya akong kinuyumos ng halik. Heto na naman!
Ano na Alexis? Saya di ba?
Bushet ka brain!
Abot ang aming hininga ng matapos ang mainit naming halikan.
"Let's do the contract..." Mahinang bulong ni Zac.
Pero rinig ko! Ang lakas na para akong natamaan ng bomba.
Ready na ba ako? Kaya ko ba?
Pero may amnesia pa siya! Paano pag nakalimutan niya?
Ewan ko! Naguguluhan ako. Basta ang gwapo niya sa paningin ko ngayon at hindi ko napigilan ang aking sarili at hinalikan ko siya...
Isang mapusok at nag-aalab na halik! Ibinaba ako ni Zac at isinandal habang patuloy lang kami sa aming ginagawa.
Biglang tumulo ang aking mga luha sa isiping ang lahat ng ito ay isang panaginip lamang.
Kapag bumalik na ang kanyang alaala. Sana ay hindi niya ako makalimutan. Pero paano 'pag hindi niya na maalala? Mananatili ba itong alaala na lamang? Napatigil si Zac sa paghalik sa akin at rinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"So, you still love your ex." Sambit niya.
Nagulat ako d'un! Iba ata ang pagkakaintindi niya.
"No, it's not like that-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong kargahin kasabay ng pagbukas ng elevator.
Tumahimik nalang ako.
Hangga't makarating kami sa aming kwarto ay wala kaming kibuan. Maingat niya akong ibinaba sa kama at nahiga ng malayo sa akin. Nakatulog akong may luha sa aking mga mata...