My Old Billionaire Husband

Chapter 37 Flying to Spain



Alexis

Parang kailan lang when my family fly to Italy. Last week pa 'yon pero miss na miss ko na sila. Si Lolo ay lagi naman tumatawag at video call. Ganu'n din si Mommy at Daddy. Hindi lang ako sanay sa astig na look ni Mommy. Ang ganda pa niya! Si Daddy na isang Tigre ay napaamo ni Mommy na isang Lion hehe.

And this time. Kami ang lilipad papuntang Spain. Yes, it's Debbie's wedding. Nagmamadali ata sila eh. Andoon kasi lahat ng family ni Hector. Remember he is a Mafia King.

Heto na naman tayo sa Mafia thingy. Magiging Mafia Queen na ang aking best friend na si Debbie. At bet niya daw. Kasi Mahal niya si Hector. Kung saan ito ay doon siya. Mafia or not she is willing to take a risk. At bilib din ako sa best friend kong ito.

And masaya ako for her happy ending at sana magtuloy-tuloy na. Tanggap ng family ni Debbie si Hector dahil siya lang ang kanilang unica hija. Spoiled brat din like me hehe. Lukaret na maldita kaya nag click kami as best friend. We are already here at the airport at hinihintay nalang namin si Lara. Yes, kompleto kaming mag best friends.

If you're asking me kung okay na ba si Zac ay hindi pa. May amnesia parin siya at syempre he is still sweet to me. Nakakapanibago pero nalulungkot lang ako kasi nasanay na ang puso ko. Paano 'pag bumalik na ang kanyang alaala? Bahala na nga! As of now I just wanted to enjoy this moment with him. Gusto ko ang caring and sweet na Zac ngayon kahit na may pangamba ang aking puso.

"Mag-ingat kayo Alexis ha. Sana pag balik ninyo ay may apo na kami!" Ito na naman si Mom. Excited na talaga siya magka-apo and I understand naman. Pero masyado kasing complicated ang relationship namin ni Zac. At mahal ko parin si Rond huhu.

Mahal mo pa ba o in denial ka lang?

Shut up brain! Epal ka na naman eh.

"There you are again Mom. Don't worry at the right time ay magkakaapo rin kayo ni Dad." Singit ni Zac na umakbay pa talaga sa balikat ko. And as usual, na kuryente ulit ako! Pero ayokong mahalata niya na may effect ang bawat touch niya sa akin.

Bakit may effect? Gusto ko na ba siya? In denial ba ako?

Yes Dear, at nagtanong ka pa!

Bwesit na brain!

Napaka awkward lang pag ganito ang topic. Hindi kaya himatayin si Mom kapag nalaman niyang virgin pa ako? Haha.

And finally Lara is here at last, together with... oppa?

Napanganga kaming lahat. Ang gwapo!

Wang Inyeop is that you? At hindi maiwasan mag twinkle ng aking mga mata. At jusko dai, Si Debbie ay tulo laway na naman! Hahaha. Ang mukha ni Hector ay nakabusangot! Ewan ko kaya kay Zac. Ayaw kong lumingon at tingnan ang reaction niya. Baka assuming lang ako at hindi naman nag selos.

"At last nandito ka na Laura! What took you so long?" Nakatawang tanong ko.

"Sorry Besh, Gusto kasi sumama ni Mahal eh. Gusto niya makapunta ng Spain." Kinikilig na apologize niya.

Sana all, yong mag sorry ka pero kinikilig. Sino ba naman ang hindi. Ang gwapo mga 'te!

Iba ka talaga Laura. Ikaw na ang winner sa dami ng naging BF.

"OMG, ang gwapo niya Laura! Is he a Korean?" Kinikilig na tanong ni Mom.

Ay iba, Ikaw na ang winner Mom haha. Si Dad ay hindi maipinta ang mukha.

"Let's go home tinatawag na ang flight nila." Si Dad na hinila si Mom palayo sa Korean BF ni Laura. Ay nagselos si Dad hehe.

At nagulat nalang ako ng may biglang pumulupot na kamay sa aking beywang. I felt hot! And it's Zac na seryoso ang mukha at nakakunot ang noo.

"Let's go." At hinila na ako palayo sa kanila ni Lara.

"Let's go na mga Besh!" Sigaw ni Debbie ng mahimasmasan sa pagkatulala. At nilalambing ang nagseselos na si Hector. Napailing nalang si Lara sa pagka praning ng kanyang mga best friends haha.

Pero habang naglalakad kami papasok ay nakasabayan namin si Rond at ang kanyang demonyita na fiancee.

"Oh, look at who's here!" Ang pa o. a na sigaw ni Annalise.

Umarko ang kilay ko pagkakita sa pagmumukha ng babaeng ito! Masama talaga magbiro ang tadhana. Yong nakaka bwesit lang.

"What a small world Demon girl!" Sagot ko naman sa kanya.

Nang hindi sinasadya ay mapalingom ako sa galit na mukha ni Rond. Nakatingin siya sa mga kamay ni Zac na nasa aking beywang. Itatabi ko sana ang kamay ni Zac ng makita ko ang bwesit na mukha ng demonyita niyang fiancee. Bakit ako iiwas? Eh, asawa ko si Zac at siya ay ikakasal na.

I smirk at him at hinawakan ang kamay ni Zac na nasa aking beywang.

"Baby, pwede pakibili ako ng cup of coffee?" Nakangiti kong utos kay Zac.

Medyo natigilan siya at nabigla pero agad rin namang ngumiti.

"Sure baby, Wait for me." At umalis na si Zac. Pero ang dalawang asungot sa buhay ko ay nag stay.

"Ang landi ng isa diyan kahit nasa public. Ew!" Ang o. a na si Annalise.

"Ang bitter naman ng iba diyan. Wala kasing lumalandi haha!" At tinawanan ko siya and a feeling of victory when her face turns sour. Ang asim ng mukha ni Ate hehe.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Buti nga sa'yo.

"Huh, May kalandian ako for your information!" Parang batang sagot nito.

"And I DON'T CARE! With capital letters yan! In short, Wala akong paki sa buhay mo!" Yon lang at tinalikuran ko na sila at hinanap si Zac.

It's a bwesit day! Grrr...

"Stop it Annalise." Si Rond na simula ng ma engaged sa bruha niyang fiancee ay naging seryoso at bugnutin. Wala na akong paki sa kanya. He let me go at basta nalang itinapon sa kangkongan. Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras ko sa kanya. Pero aaminin ko ang sakit parin. May puwang parin si Rond sa puso ko pero hindi na katulad ng dati. Galit parin ako at hindi na ata mawawala yon.

"Ano ba Mahal! Can't you see that? Ang bastos ng ex mo." Pa o. a na sambit ni Demonyita.

Kever sa'yo bwesit na babae!

Bakit ba ang bagal ko maglakad! Naririnig ko pa sila.

"Stop it. Let's go." At hinila na ni Rond ang eskandalosa niyang fiancee.

I will not let them ruin my day! Nasaan na ba si Zac? And there he is talking with Lara's Korean BF.

"Baby, hindi pa kayo pumasok sa loob?" Nagtataka kong tanong.

"I'm waiting for you. Ang tagal mo maglakad." Seryosong sagot ni Zac. Bakit kakaiba ang kulay ng mga mata niya ngayon? Parang galit na nag-aapoy! Or am I mistaken? Bahala siya!

"Ah, let's go." Yan nalang ang tanging nasagot ko.

Ang Korean BF ni Lara ay nakangiti lang sa amin. If I know nag c. r na naman si Lara para mag retouch. The make up lover girl hehe.

Akala ko ay okay na ang araw ko when I saw again the bitch! What are they doing in here? Don't tell me we have the same flight and destination?

Hindi ba obvious Alexis?

Shut up brain!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Inirapan ko lang ang demonyitang si Annalise na nakalingkis ang mga braso sa leeg ni Rond. SPG ang gaga! Walang ginawa kundi halikan ang walang ganang si Rond.

At nasa front pa talaga namin ang dalawang bwesit!

"Mahal, Kiss me!" Pa o. a na lambing ni Annalise.

At naririndi ako sa kanyang manyak na boses!

Biglang may inilagay si Zac sa teynga ko. Earphone lang pala. It's a Japanese song na hindi ko naman maintindihan, pero masarap naman sa pandinig. Napaka sweet talaga ngayon ni Zac. He's always been my hero. Paano nalang kapag wala na siyang amnesia?

Eh, di back to basic! Alexis. At least he is your friend haha.

Tinawan pa talaga ako ng lukaret kong utak!

"Thank you Zac." Sincere kong sabi.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ko nakikita ang facial expression niya dahil naka maskara na naman ito. Sana mawala na ang phobia niya.

Sa lahat ng maalala ay ang phobia pa talaga niya! Hindi nalimot kahit may amnesia.

Kawawa naman ang baby ko.

Ano daw? Baby!

Naku brain. Matulog kana diyan at huwag ng maingay!

"No problem. By the way, who are they?" Nagtatakang tanong ni Zac.

Sasabihin ko ba? Kahit naman kasi loka-loka ako but I'm an honest person. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinungaling!

"He is my ex boyfriend and that Demon girl is her fiancee." Walang gana kong sagot.

But Zac just chuckled and smile at me. Ang gwapo talaga niya sa paningin ko nowadays!

"Ah, I see." Sagot niya at hinila ako palapit sa kanyang balikat. At lumapit talaga ako sa kanyang kili-kili. May comfort zone hehe. And everything went black ng makatulog ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.